مشاركة

Desiring

مؤلف: Ely
last update تاريخ النشر: 2026-04-24 16:58:04

Chapter 6

Carlo Madrigal POV

Hinintay kong makasakay muna si Evie sa big bike niya. “Grabe, ang sexy niya talaga.” nasabi ko na may paghanga,

Ako kailanman, hindi ko pa nasubukang magpatakbo ng ganoong sasakyan. Pero siya, napakalakas ng loob niya. Para siyang lalaki kung umasta.

Kumaway na siya sa akin. Kung kaya, pinauna ko na siya. Susubukan kong masundan siya sa kanyang tinitirhan sa San Benisa. Tutal, doon naman din ang daan ko. Nakita ko kung paano siya magpatakbo ng sasakyan. Nap
استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق
الفصل مغلق

أحدث فصل

  • RED HAVEN, TOUCHED BY A BILLIONAIRE   Desiring

    Chapter 6Carlo Madrigal POVHinintay kong makasakay muna si Evie sa big bike niya. “Grabe, ang sexy niya talaga.” nasabi ko na may paghanga,Ako kailanman, hindi ko pa nasubukang magpatakbo ng ganoong sasakyan. Pero siya, napakalakas ng loob niya. Para siyang lalaki kung umasta. Kumaway na siya sa akin. Kung kaya, pinauna ko na siya. Susubukan kong masundan siya sa kanyang tinitirhan sa San Benisa. Tutal, doon naman din ang daan ko. Nakita ko kung paano siya magpatakbo ng sasakyan. Napakabilis niya. Medyo natakot ako dahil sumisingit-singit pa siya sa mga sasakyan. “Ano bang klaseng babae ito? Mukhang mahihirapan ako sa kanya, ah,” nasabi ko sa sarili.Siya ang uri na hindi mo maloloko at madaling maimpress. Dahil ang totoo, kaya niyang mabuhay kahit walang tulong galing sa ibang tao. Nag-research na ako tungkol pa sa kanya. Stable na ang kanyang construction company. At lumalaki na rin ang channels nito. Naisip kong kunin din ang kumpanya niya para sa mga bagong proy

  • RED HAVEN, TOUCHED BY A BILLIONAIRE   Dreaming

    Chapter 5Carlo’s POVHinintay kong makasakay si Evie sa motor niya. Humanga na naman ako dito dahil bihirang may makilala siyang ganito kagandang babae , pero isang rider ng big bike, walang pakialam sa hitsura at sa sasabihin ng mga tao. Hindi katulad ng mga babaeng nakilala na niya, mga sophisticated at maarte.Napakatalino ni Evie at skilled. Kaya malamang maraming nagkakagusto sa kanya.Nasabi ko sa sarili ko, "Grabe, iba talaga siya sa lahat. Kahanga-hanga siya."Umorder na kami at umupo na. Ang bango sa loob ng coffee shop, ang aroma nito, nakaka-relax na ambiance, acoustic music at friendly na mga barista.Di ko maiwasang mapagmasdan si Evie. Napakakinis ng balat nito, at kahit nakapulbos lang at napakasimple. Mangingibabaw pa rin siya sa lahat ng babaeng nakilala ko na. Natutunaw ako sa tuwing ngumingiti siya. Ang sarap niyang panoorin. Hindi kasi siya mapagkunwari. Ipinapakita niya ang kanyang pagiging natural pero napakalakas ng dating sa akin.Hindi mo akalain na

  • RED HAVEN, TOUCHED BY A BILLIONAIRE   Grateful

    Chapter 4Carlo Madrigal’s POVBiglang humina ang tuhod niya, kaya dali-daling akong lumapit. Mabuti na lamang at nasalo ko siya.“Evie, are you okey?” may pagaalalang tanong ko sa kanyaNapaiyak na lamang siya. Maraming nakakatakot na pangyayari sa buhay niya ang bigla niyang naalala.“Don’t worry, Evie, wala na siya,”paggarantiya ko sa kanya.“Can you stand?” tanong ko sa kanyaHindi siya sumagot, kaya nagpasya akong isakay na lamang ito sa aking kotse. Dinala ko siya sa isang 24-hour convenience at drug store. Bumaba ako sa kotse at bumili ng pampakalma. Naisip kong kapag nanatili pa kami sa lugar na iyon ay magpatuloy ang takot niya. Pagkatapos niyain ang pampakalma, tinanong ko ito kung saan ito nakatira. Hindi pa rin ito nagsalita, kaya kinuha ko na ang kanyang bag at nakita ko ang address nito. Taga San Benisa QC pala siyaNakatulog ito sa sobrang stress. Kinuha ko ang aking jacket na nasa likuran ko at ikinumot ko ito sa kanya.Evie’s POVHalos alas 10 na ng umaga

  • RED HAVEN, TOUCHED BY A BILLIONAIRE   Chances Are

    Chapter 3Evie’s POVBiyernes alas 7:00 ng gabi, sa wakas pumayag si Mr. A.B sa isang friendly meeting. Hindi ko alam ang buong detalye, pero bigla akong minessage ni Ms. A at nag-arrange agad ng meeting.Magkahalong damdamin ang nararamdaman ko noong araw na iyon. “This is it” ang sabi ko sa sarili Kumpayansiya ako sa aming proposal. Kaya, hindi ako dapat magkamali.“My dear Evie, sorry na hindi ako makakasama” mula sa tawag sa cellphone ni Lida“Ha? Di mo pa ba ininoman ng gamot iyan? Nagaalalang tanong ko kay Lida.“Uminom na nga ako, kaso may mga naglabasang mga butlig sa mukha ko pa. Mukhang bulutong ito girl, baka kapag pinilit kong pumunta lalong matakot si Mr. A.B“If reschedule kaya natin? Pakiusap ni Lida.“Napakailap nga ni Mr. A.B. at mahirap mag-sched, di ba sabi ni Aika, may pagka super anxious nun,” sagot ko.“Ay, Oo nga pala” sagot nito“What should we do now?” dagdag na tanong ni Lida.“There’s no other way, siguro ako na lang muna, sana lang di siya ma-awkward k

  • RED HAVEN, TOUCHED BY A BILLIONAIRE   Scaping from the Past

    Chapter 2Evie’s POVDalawang linggo ang makalipas mula ang charity event.Rush hour, napakadaming tao sa station ng MRT. Nasa West Avenue ako patungo sa Shaw Blvd. Ang haba ng pila. Naubos na pala ang laman ng Beep Card ko. Wala na akong nagawa. Kailangan ko na talagang pumila at makipagsiksikan sa mga tao sa istasyon.“Naku, late na ako sa presentation ko.May nagtext, “Saan ka na? Yari tayo.”Hindi ko na muna sinagot iyon. Wala sa character ko ang mahuli sa appointment. Pero dahil sa di-inaasahang pangyayari, malalate na ako.Nag-ready na rin ako ng booking para sa Angkas, para kahit papaano mabawasan ang pagkalate ko. Medyo malayo-layo pa ang ibyahe ko.Pagkababa ko sa station, binaybay ko ang daan tungo sa Shangrila, may naghihintay na duon na Angkas Rider“Ms. Evie Gutierrez” tanong ng rider“Yes Kuya, sa DLB building po”Sumakay na ako, at habang nasa biyahe, iniisa-isa ko sa isip ang presentation na gagawin ko. Mabuti na lang at hindi pa mainit ang panahon. Masarap ang ha

  • RED HAVEN, TOUCHED BY A BILLIONAIRE   Tragedy

    Chapter 1Evie Gutierrez POVHinding-hindi ko malilimutan ang mga nangyari limang taon na ang nakakaraan.Bumuhos ang napakalakas na ulan at ayaw tumigil nito. Kasabay ng pagpatak ng mga luha ko. Walang nakakarinig sa paghiyaw ko ng pagmamakaawa. Walang may pakialam sa mga salitang lumalabas sa bibig ko.Hatak hatak ako ni Marco papalabas ng bahay namin. “Sumakay ka na Evie, bilisan mo,” utos niya.“Sandali lang, Marco. Mag-usap muna tayo,” pakiusap ko.“Huwag ka nang lumingon pa. Wala na tayong oras. Kailangan na tayong makaalis dito,” sigaw niya.Pagkatapos, maisakay niya ako sa sasakyan. Pinaandar na niya ito nang napakabilis. Mababanaagan sa mukha niya ang pagkalito at pagkatakot.Narinig ko na lamang na may napakalakas na busina ng sasakyan na sumusunod sa amin. Sasakyan iyon ni Kuya Oswaldo, humahabol sa amin.“Marco, ang kuya humahabol. Huminto ka muna. Ano ba?” pakiusap ko sa kanya.Dahil sa pakiusap ko. Unti-unti niyang binagalan ang pagandar ng sasakyan. Huminto kami

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status