LOGINChapter 5
Carlo’s POV
Hinintay kong makasakay si Evie sa motor niya. Humanga na naman ako dito dahil bihirang may makilala siyang ganito kagandang babae , pero isang rider ng big bike, walang pakialam sa hitsura at sa sasabihin ng mga tao. Hindi katulad ng mga babaeng nakilala na niya, mga sophisticated at maarte.
Napakatalino ni Evie at skilled. Kaya malamang maraming nagkakagusto sa kanya.
Nasabi ko sa sarili ko, "Grabe, iba talaga siya sa lahat. Kahanga-hanga siya."
Umorder na kami at umupo na. Ang bango sa loob ng coffee shop, ang aroma nito, nakaka-relax na ambiance, acoustic music at friendly na mga barista.
Di ko maiwasang mapagmasdan si Evie. Napakakinis ng balat nito, at kahit nakapulbos lang at napakasimple. Mangingibabaw pa rin siya sa lahat ng babaeng nakilala ko na. Natutunaw ako sa tuwing ngumingiti siya. Ang sarap niyang panoorin. Hindi kasi siya mapagkunwari. Ipinapakita niya ang kanyang pagiging natural pero napakalakas ng dating sa akin.
Hindi mo akalain na minsan ay mayroon kaming hindi magandang encounter sa isa't isa. Para kaming matagal nang magkaibigan o mapagkakamalang magkasintahan. Mas maganda nga kung ganun. Sa loob-loob ko. Napapatingin na lang ang ibang customer sa ganda niya. May katangkaran din kasi ito.
Marami na kaming napagkuwentuhan. Tungkol sa aming mga trabaho at mga sakit sa ulo na mga empleyado. Ako sa realty at siya naman ay sa construction, dahil Civil Engineer siya. Halos magkadugtong naman ang aming negosyo, kaya may mga kilala siyang tao na pamilyar din ako. Napakalalim ni Evie Gutierrez. Gusto ko pa siyang makilala nang higit. May chance kaya ako sa kanya? Hindi muna ako magmamadali. Bibigyan ko ng pagkakataon ang sarili ko na mabihag ng babaeng nasa harap ko.
Nagtatawanan kami at pinag-uusapan ang mga nakakahiyang nangyari sa amin. Ang panggugulo ko sa meeting nila ni Andrew at maging ang nakakatakot na nangyari nung isang gabi sa parking lot habang pasakay na ito sa kanyang kotse
Tinanong niya ako
“If I may ask, Carlo, ano ang ginagawa mo doon noong gabing nakita mo ako sa parking? Akala ko nauna kang umalis. Nakita kasi kitang umalis na sa resto.”
Napahawak ito sa kanyang dibdib at ngumiti.
"Talaga nakita mo ako?"
“Ikaw ha, sinusundan mo pala ako ng tingin,”biro ko.
“Naku, hindi ah, actually nagsisisi ako at hindi kita pinatid nung dumaan ka. You almost blew my chance, kasi. Kaya. of course, I saw you off the resto,” sabay tawa nito
Natawa din ako sa sinabi niya
“Yes, paalis na ako, pero may tumawag kasi, kaya nag-stay muna ako sa kotse. Nagkataon lang, noong paalis na ako, nakita ko na may lalaking sumusunod sa iyo. Kaya, hayun, the rest is history.” kuwento ko
“Salamat talaga, from the bottom of my heart. It was a nightmare. Mabuti na lang at andun ka.” sabi niya
Naproud naman ako sa mga sinabi niya. Kaya sa tingin ko may plus points na ako sa kanya.
Ikinuwento ko pa.
“Honestly Evie, natakot din ako dun, medyo malaking tao din siya eh, hindi ko din alam ang gagawin ko kaya mabuti na lang nakasakay na ako sa kotse at may malakas na ilaw” sabay tawa ni Carlo
"Kaya iyon ang naisip kong paraan para mapigilan siya sa kung ano man ang plano niyang gagawin sa iyo," idinagdag ko pa.
"Hindi ko rin naman nakita ang hitsura ng lalaki, pero natakot na talaga ako para sa buhay ko." kuwento niya.
“Medyo nawala ako sa sarili ko for a moment; ang totoo, hindi ko na maalala ang mga detalye sa gabing iyon,” saad pa niya.
“You’ve been traumatized before, tama?”pagtatanong ko.
"Sorry for intruding, pero the way you responded that time after ang tagal mong mag-react," sabi ko.
Pero hindi na siya kumibo at iniba na lamang ang usapan. At dahil nahalata ko na ayaw na niya ang topic, nirespeto ko na lang siya at hindi na nagtanong pa.
Kahit sino naman ay magpa-panic kapag nangyari ang gayon. Hindi iyon magandang maalala pa.
Kaya nagkuwento na lamang ako ng ibang bagay. Nakikinig siya nang mabuti sa akin at gayundin ako sa kanya. Ang dami kong gustong sabihin. Gusto ko kasing makasama pa siya nang mas matagal. Kaya ayaw kong matapos ang oras na ito. Napakasaya ng puso ko. At hindi ko itatanggi na mabilis ng nahuhulog ang damdamin ko sa kanya.
Chapter 38Evie's POVPagkatapos ng lahat ng unos na pinagdaanan ni Lida, nagkaisa kaming lahat na huwag muna siyang bigyan ng mabibigat na responsibilidad sa trabaho. Hindi dahil nagdududa kami sa kakayahan niya, kundi dahil alam naming mas mahalaga ngayon ang kanyang kalusugan at ang batang dinadala niya.Nakita namin kung paano siya lumaban sa mga nakaraang buwan. Nakita namin ang mga gabing halos hindi siya makatulog sa kaiisip, ang mga araw na pilit siyang ngumingiti kahit mabigat ang dinadala sa loob. Kaya bilang mga kaibigan at kasamahan, panahon naman para kami ang sumalo sa kanya.“Lida, huwag ka nang mag-alala,” seryoso kong sinabi isang umaga habang nasa pantry kami.“Tulungan nating lahat ang magiging anak mo.”Napangiti siya ngunit agad ding namasa ang kanyang mga mata.“Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sa inyo.”“Wala kang dapat ipagpasalamat. Pamilya tayo rito.”At iyon ang naging paninindigan naming lahat.Kapag may kailangang tapusin na report, kami ang gum
Chapter 37Evie’s POVIlang araw nang hindi pumapasok si Lida, kaya unti-unti nang natambakan ang opisina namin ng trabaho. Sanay kasi ako na lagi siyang nasa tabi ko—hindi lang bilang manager kundi bilang kaibigan, kapatid, at kakampi sa bawat pagsubok na dumaan sa buhay ko.Nang mapansin kong ilang araw na siyang wala, agad ko siyang tinawagan.“Lida, may problema ba?”“Naku, wala. Masama lang talaga ang pakiramdam ko,” sagot niya sa kabilang linya.May kung anong kakaibang bigat sa boses niya, pero hindi ko iyon masyadong pinansin noon. Akala ko simpleng pagod lang.“Sige, magpagaling ka ha. Miss na kita.”Ngumiti ako habang sinasabi iyon dahil totoo naman. Kapag wala si Lida, parang kulang ang buong opisina.“Okay, baka bukas try ko nang makapasok.”“I love you, darling,” biro kong sabi.“I love you too, Evie,” sagot niya.Napangiti ako bago ko ibinaba ang telepono.Hindi ko alam na iyon na pala ang isa sa pinakamahalagang pag-uusap namin.Dahil wala si Lida, ako muna ang humawak
Chapter 36Evie's POV“Carlo, hindi ka ba papasok ngayon?”Mahina kong tanong habang nakadagan ang ulo niya sa balikat ko.“Mamaya na.”Mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin na para bang kapag binitiwan niya ako ay mawawala ako.“Carlo...” natatawa kong reklamo.“Hmmm?”“Nahihirapan na akong huminga.”“Masasanay ka rin.”Napailing ako.Parang bata talaga minsan ang lalaking ito.“Hindi ako puwedeng mag-absent ngayon. Marami akong pupuntahan.”“Cancel mo.”“Carlo!”“Try mo lang.”Natawa ako habang bahagya siyang kinurot sa braso.“Hindi lahat puwedeng i-cancel gaya ng meetings mo.”“Puwede naman.”“Hindi.”“Puwede.”“Hindi.”Napabuntong-hininga siya na parang talunan sa isang malaking laban.“Sige na nga.”Mabigat ang katawan niyang bumangon mula sa kama.Para siyang estudyanteng pinipilit pumasok sa unang araw ng klase.Napatawa tuloy ako.“Ang tanda-tanda mo na, parang ayaw mo pa ring magtrabaho.”“Kasalanan mo.”“Bakit kasalanan ko?”“Kasi mas gusto kitang yakapin k
Chapter 35Evie's POVDumating ang isang napakalaking bouquet ng bulaklak sa opisina ko.Hindi lang basta bouquet.Para iyong pangkasal sa laki.Halos matakpan na nito ang kalahati ng reception area.Napangiti agad ako nang makita iyon."Ay, ang sweet naman ni Carlo."Agad kong naisip ang boyfriend ko.Wala namang espesyal na okasyon.Hindi anniversary.Hindi rin birthday.Kaya lalo akong kinilig.Mukhang nag-level up na naman ang pagiging romantic niya.Lumapit ako sa bulaklak at agad na hinanap ang card.Ngunit nang mabasa ko ang nakasulat, para akong binuhusan ng malamig na tubig.Thank you, Evie, for everything. You are such a blessing.Love,AndrewNanlaki ang mga mata ko."Ano?"Parang kusang bumitaw ang mga daliri ko sa card.Nahulog pa ito sa sahig.Napalingon si Lida na abala noon sa kanyang laptop."Ay, bakit? Ano iyon?"Kinuha niya ang card at binasa.Ilang segundo lang ay napahagalpak siya ng tawa."Naku!"Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa."Iba ka rin talaga, gir
Chapter 34Eve’s POV“Eve, dalawin mo naman ako.”“Sige po Tita Su, this weekend po subukan ko po kayong dalawin.”Naglalambing si Tita Su. Umalis kasi ng bansa si Andrew. At inip na inip na siya. Kaya ipinasiya namin nina Aika at Lida na dalawin siya. Nagpaalam naman ako kay Carlo at pumayag din siya. Isang convention lang ang attend-an nila ni Andrew.“Finally, you are all here,” sabi ni Tita Su na tuwang-tuwa sa pagdalaw namin.Nagdala kami ng mga sweets for dessert.“Oh, bakit nagabala pa kayo?”“Siempre po, para mas maraming pagkain,”sabi ni Lida.“Nakakatuwa din kayo hindi kayo tumataba kahit madami kayo kung kumain”“Unlike me” habang tinituro ang sarili.“You still look very beautiful, Tita,” sabi ni Aika.“I know” pagyayabang ni Ms. SuPagkatapos naming maghapunan ay nagsimula ang pinakamasayang bahagi ng gabi.Habang abala si Tita Su sa pagpapalagay ng tsaa at kape sa mesa, kaming tatlo naman nila Aika at Lida ay nakatambay sa malaking sala. Napansin namin ang isang lu
Chapter 33Evie's POVPagkatapos ihatid ni Lynel si Mitch aka “Lucy Johnson” palabas ng opisina, halos hindi na ito makahinga kakatawa pagbalik sa loob.“Madam!” tili niya habang hawak ang tiyan niya. “Winner ka talaga! Grabe ka! Para akong nanonood ng eksena sa pelikula!”Napataas lang ako ng kilay habang kunwari nag-aayos ng mga dokuments sa mesa ko.“Ano na naman bang drama iniisip mo?”Lumapit siya sa akin habang kunwari may hawak na mikropono.“‘The Legal Wife and The Mistress!’” arte niyang sabi. “‘Huwag mong tikman ang asawa ko!’ Ganern!” sabay tawang-tawa siya sa harapan ko.Napailing na lang ako pero hindi ko rin napigilang matawa.Sa totoo lang, kanina pa nanginginig ang tuhod ko.Hindi ko lang ipinahalata kay Mitch.Hindi ko rin akalaing kakayanin niyang puntahan ako mismo sa opisina para kumprontahin. Siguro iniisip niya na kapag nagsalita siya nang maayos at nag-drama nang kaunti, kusa ko na lang ibibigay sa kanya si Carlo.Ano siya, sinuswerte?Pero isang bagay ang napat







