LOGIN“Fredie! Oh my heavens, Fredie! What in the world happened to your precious head? Who dared to lay a hand on you?” overreacting na tanong ni Lilian habang ingat na ingat na sinusuri ang may bendang ulo ni Fredrinn. Pagkakuwa’y matalim ang tinging lumingon ang babae sa kaniya.
“Ang stepbrother mo na naman ba ang gumawa? Alam mo, ikaw na lang ang palaging dahilan kung bakit nasasaktan si Fredie! Nadadamay siya dahil sa alitan niyong dalawa!” himutok nito sabay yakap sa braso ng lalaki. Umangat ang gilid ng kaniyang labi, kasunod ang mapaklang pagtawa. Pinagkrus niya ang dalawang braso sa tapat ng dibdib, tinaasan ng kilay ang babae. “I’m the one who hit him on the head. If you wanna blame someone, then blame me. Just leave Rafael out of it,” depensa niya sa stepbrother. “Y-you? Why did you do that? Were you trying to kill him? Are you even human, Alessandra?” Tila nais na siya nitong sabunutan. “Coming from you?” aniya sa isip. Kung makaasta ang babae ay tila hindi makabasag pinggan, ngunit masahol pa ang mga ito sa hayop. “Lilian, okay lang ako. Alessandra didn’t mean it,” ani Fredrinn. “I have nothing to explain. Since sobrang nag-aalala ka sa fiancè ko, at para kang tuko kung makakapit, bakit hindi na lang ikaw ang magbantay sa kaniya. Baka kasi nakaiistorbo ako, nakahihiya naman.” Mabilis na tinanggal ni Fredrinn ang kamay ni Lilian na nakayakap sa braso nito. Pilit ang ngiting inabot nito ang kamay niya, at saka hinalikan. “Honey, don’t be jealous of Lilian. She’s just my friend. She’s just concerned about me. Please understand.” Tumayo ang lalaki mula sa kama. Pumulupot ang mga braso nito sa kaniya na para bang ayaw siyang pakawalan. Lilian then positioned herself behind her, and she could feel the hateful glare directed at the back of her head. “You know I only have eyes for you, right? Lilian is just a friend. You’re different. You’re the most special person to me.” Bahagyang humigpit ang pagkakayakap nito sa kaniya, ngunit mula sa kaniyang likuran ay lihim na kinindatan nito si Lilian. Malanding ngumiti naman si Lilian. Tinangka niyang kumawala sa yakap nito ngunit hindi siya nito pinagbigyan. “Trust me, okay? Don’t let jealousy ruin our relationship, my Alessandra. I love you so much, honey.” Sa kaniya iyon sinasabi ng lalaki, ngunit ang mga mata nitong mapupungay ay titig na titig kay Lilian na sinundan pa ng isang mapang-akit na kagat-labi. She felt Lilian move closer behind her, and Fredrinn fell silent. Naghalikan ang dalawang taksil mula sa kaniyang likod habang yakap-yakap pa siya ng lalaki. Nagpanggap siyang walang alam. Yumakap siya pabalik sa lalaki. “I trust you, Fred.” Pagkatapos niyon ay bahagya na siya nitong tinulak palayo, hinawakan ang magkabila niyang balikat. “Hindi ka na galit?” nakangiting tanong nito. Napatingin siya sa mga labi nitong may bahid pa ng pulang lipstick. Mapait na lang siyang napangiti, pasimpleng pinahi ang lipstick sa gilid ng labi ni Fredrinn. “Hindi na. Anyway, I need to leave for now. I have something important to take care of.” Binalingan niya si Lilian, angat ang isang kilay nito habang nakangisi sa kaniya. Tila sinasabing siya ang nagwagi. Ngumisi siya pabalik, hinagod ito ng tingin mula ulo hanggang paa. “Ikaw na muna ang bahala kay Fred.” “Take care, hon.” Tangkang hahalikan siya ni Fredrinn ngunit saktong tumunog ang cell phone niya kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na iwasan ito, sabay lakad palayo. “Excuse me.” Dere-deretso na siyang lumabas. Tumawag ang kaniyang ama, iniimbitahan siyang umuwi sa kanilang bahay sa weekend. Kaagad naman siyang pumayag. Hindi niya nakasama nang matagal ang mga ito noong nakaraang buhay kaya ngayon siya babawi. Katatapos lamang niyang patayin ang tawag nang may magsalita. Lumingon siya sa pinagmulan ng boses, at hindi siya nagkamali. Sinundan siya ni Lilian. “I don’t know what Fredrinn sees in you. There’s nothing special about you.” She scanned her up and down with a critical gaze. She’s wearing a simple white t-shirt and faded blue jeans, paired with understated but clearly expensive white leather sneakers. Ngunit hindi naikubli ng kaniyang simpleng kasuotan ang nagsusumigaw niyang kagandahan. Hinarap niya ito nang may mapanganib na ngiti. Ang mga mata niya ay direktang nakatutok sa babae, sabay hakbang palapit dito. Awtomatikong napahakbang naman paatras si Lilian palayo sa kaniya. “Alam kong baliw na baliw ka kay Fredrinn. I also know you desperately want him, Lilian. But you know what’s funny? No matter how hard you try, no matter how much you throw yourself at him– he’s still choosing to marry me. I’m not some pathetic dog waiting for scraps from whoever throws me a bone,” aniya sabay talikod rito. “Y-you–! Napapadyak na lang ito, at napatili sa inis. Gigil na ikinuyom ang kamao habang nakatanaw sa papalayo niyang bulto. “Maghintay ka lang! Kukunin ko ang lahat ng sa ’yo!” nagtatagis ang mga ngiping sambit nito. The weekend came. Katulad ng nais ng kaniyang mga magulang, umuwi siya sa poder ng mga ito. Binitbit niya ang ilan niyang mga art materials para mayroon siyang mapaglibangan. Maliban sa allowance na ibinibigay sa kaniya ng ama, sa mga likha niya ring paintings nanggagaling ang iba niyang income. Sa kung anong dahilan, mabilis niyang naibebenta ang mga ito na walang hirap sa napakataas na halaga. Hindi rin naman nakapagtataka iyon, dahil maraming pumupuri sa kaniyang mga gawa. Tinagurian pang ‘Art Of Perfection’ ang mga ito. Bumili rin siya ng maraming stocks sa ilang hindi pa kilalang kompanya na alam niyang mamamayagpag sa hinaharap. Ipinangako niya sa sarili na hindi siya mabibigo sa pangalawang pagkakataong ito na ipinagkaloob sa kaniya. “Daddy, Tita . . . ” malawak ang ngiting bati niya sa mag-asawa. Sinalubong siya ng kaniyang stepmom ng isang matamis na ngiti at mahigpit na yakap. Pagkakuwa’y pinakawalan din siya kaagad nito. “Alessandra, I’ve noticed that you seem to be getting more beautiful these past few days. Ganiyan ba talaga kapag in love at ikakasal na?” Tila nais niyang masuka sa tanong na iyon ng kaniyang stepmom. Pilit na lang siyang tumawa, inabot ang mga bitbit niyang pasalubong sa mga ito. “Maganda naman talaga ako dati pa, Tita. Sabi nga po ng mga kapitbahay, mas magkamukha raw po tayo. Pareho tayong maganda. Para daw po tayong tunay na mag-ina,” ganting papuri niya sa ginang na lalong nagpalawak sa ngiti nito. “What do you mean? Na hindi mo ako kamukha? Na pangit ako?” kunot-noong tanong ng kaniyang ama. Namilog ang kaniyang kulay tsokolate na mga mata, sabay iwas ng tingin. “Sa bibig mo nagmula ’yan, Dad. Wala akong sinasabi.” “Dahil diyan isang buwan kang walang allowance,” tugon ng kaniyang ama. Sa takot na totohanin nito ang sinabi ay mabilis siyang umupo sa tabi nito. Kunwari’y inayos ang kuwelyo ng suot nitong polo bago ngumiti rito nang malapad. “Ikaw talaga ang kamukha ko, Dad! Kita mo ’tong mata ko? ’Di ba ang ganda? Sa ’yo ko nakuha ’to! Kamukhang-kamukha nga kita, eh! Para tayong pinagbiyak na . . . ” Kagyat siyang napaisip. “Na ano?” kunot-noong tanong ng kaniyang ama. “Pinagbiyak na puwet!” aniya. Inambahan siya ng palo ng ginoo. Mabilis siyang napatalon sa gawi ng kaniyang madrasta, sabay yakap dito. “Tita, oh, si Daddy! Nananakit! Child abuse ’yan, ah!” ungos niya. “Child? Bata ka pa ba? Isip-bata, puwede pa. Puro ka talaga kalokohan!” Nagtatawanan sila nang biglang may pumasok sa sala. Natigilan siya at natulala.“A-anong ginagawa mo rito?” tanong ni Alessandra sa lalaki. Mula kasi nang tumungo ito noon sa bahay nila ay hindi na niya ito nakitang muli. Lihim siyang napangiti nang mapait nang maalala kung paano ito pinagselosan ni Rafael noong bigyan siya nito ng mga bulaklak.“Ano pa ba? E, ’di para makita ka.” Luminga-linga ito sa paligid. “Mag-isa ka lang?”“Yeah.” Taka niya itong tiningnan. “W-what can I do for you?”Nangalumbaba ito sa kaniyang harapan, tila isang batang nagpapa-cute.“I came to ask you something important, Sandy . . . I’m looking for a companion to my half-brother’s engagement party, and I was hoping you’d be my date. Would you be willing to come with me? I am sure na invited ka rin naman ng kapatid ko, ‘di ba?”Nag-iwas siya ng tingin at tumanaw sa malayo. Walang alam ang mga ito sa tunay na estado ng relasyon nila ni Rafael, at ang hidwaan sa pagitan nilang dalawa. Isang masalimuot na alaalang pilit niyang nililimot. Binigyan siya ng tadhana ng ikalawang pagkakataon pa
Mahigpit na hinawakan ni Rafael ang kamay ni Alessandra at tinanggal iyon sa pagkakahawak sa kaniya. Mabilis na lumabas siya sa kotse, iniwan mag-isa sa loob ang babae. Iniwasan ang kung ano mang bagay na maaaring mangyari sa kanila sa loob. Lalo pa’t malakas ang hatak sa kaniya ng tukso pagdating kay Alessandra.Dinukot niya ang sigarilyo at lighter na nakatago sa bulsa ng kaniyang jacket, at saka iyon isinubo at sinindihan. Pinakalma niya ang sarili. Nang muli niyang tingnan ang babae ay mahimbing na itong natutulog. Lihim siyang napangiti habang pinagmamasdan ang kagandahan nito.“You’re beautiful, always have been . . . and even more so now that I'm seeing you again. I still love you more than anything. My feelings for you never really went away, I’ll admit that. But there’s a weight I’ve been carrying, something I haven’t told you yet . . . I don’t think I could ever bring myself to tell you what’s been weighing on me either. Some things are better left unsaid, even if it means c
Sa isang sikat na nightclub dinala ni Shamy si Alessandra.“May I see your I.D. ma’am?” sabi ng security sa entrance ng club na iyon. Kaagad naman silang pinapasok nang makita ang kanilang pagkakakilanlan.“S-sure ka ba na ayos lang suot nating dalawa, Shamy?” Nag-aalangan siyang pumasok. She’s wearing a short, form-fitting midnight blue dress with tiny shiny threads that sparkle under the lights. It has thin straps and a lace-trimmed V-neck. Habang black shiny platform heels na may straps naman ang suot sa paa. She also carries a small silver crossbody bag, wears a thin crystal choker, and silver hoop earrings. Makapal na makeup at pulang-pula rin ang kaniyang nguso.“Oo naman! Ganiyan talaga ang usually sinusuot ng mga pumupunta rito!” Palibhasa’y hindi naman siya iyong tipo ng tao na mahilig mag-party. Bukod kasi na wala siyang mga kaibigan bukod kay Shamy, aksaya lamang din iyon ng oras.Malakas na tugtog ang sumalubong sa kanila. Katulad ng sinabi ng kaibigan, ganoon din ang mga
Lumuhod si Rafael sa harapan ng ama. Mawala na ang lahat . . . wag lang ang taong mahal niya. Batid niya kung gaano kahalang ang kaluluwa nito; wala itong sinasanto. “No, please. D-don’t harm her. G-gagawin ko ang lahat ng gusto mo, h-huwag mo lang saktan si Alessandra,” pagmamakaawa niya. Nakangising itinago nito ang maliit na remote control. Prenteng umupo ito sa harapan niya, tila isang hari na nasa trono. “Umalis ka sa poder ng mga Delos Reyes. Nais kong pamunuan mo ang mga negosyo ko. Dahil kung hindi mo gagawin, titiyakin kong mawawala ang lahat sa ’yo . . . Kasama na ang taong mahal mo.” Mabigat man sa dibdib, sinunod niya ito. Kinagabihan, nadatnan niya ang babaeng hinihintay siya sa sala. Malalim na ang gabi ngunit gising pa ito. Napatayo ito mula sa kinauupuan nang makita siya. “Rafi! Mabuti naman at nakauwi ka na! Kumain ka na ba?” Mabibilis ang hakbang na lumapit ito at yumakap sa kaniya nang mahigpit. “I miss you. Bakit hindi mo sinasagot ang mga text at tawag ko.”
After two weeks, nag-decide silang bumalik muna sa Manila dahil sa mga trabahong naghihintay. Magkasabay na silang umuwi sa bahay kaya nagulat pa si Julie nang makita silang magkasama.“Oh? Bakit napaaga yata ang uwi mo, hija? Magkasama ba kayo?”Nagkatinginan silang dalawa. Senenyasan niya si Rafael na ito ang sumagot.“H-hindi. S-sinundo ko lang siya sa terminal.”Mabilis naman siyang tumango. “O-opo! Nagpasundo ako sa kaniya. A-ayaw ko na po kasi kayong abalahin.” Nakumbinsi naman kaagad ng mga ito si Julie.“Ganoon ba? Sige na . . . Rafael, tulungan mo na si Alessandra na itaas ang mga gamit niya sa kuwarto.” Sumunod naman agad ang lalaki.“Kumain ka muna bago umakyat, Alessandra. Malapit nang maluto ang pananghalian natin, hintayin mo na.”“Salamat, Tita . . .”Hinintay lang nilang makauwi ang amang si Romualdo bago kumain. Maselan sa pagkain ang kaniyang ama, gusto nito ay sa bahay lamang kakain.“How’s your vacation, Alessandra? Bakit umuwi ka kaagad?” tanong ng kaniyang ama ha
Hey everyone! Could I ask you all for a little favor, pretty please? 🥺 If you’ve got a moment to spare, would you consider leaving a comment or giving my story a rating? It would mean the absolute world to me and help get it out there to more readers! Help me promote my story, jebaaallll 🙏 I’d be so incredibly grateful for your support! Thank you all so much in advance, you’re the best! ❤️✨ God Bless you all 💋







