Share

Chapter TWO

Author: MissThick
last update Last Updated: 2023-10-08 17:46:02

Parang nagpanting ang aking paningin. Hindi ko iyon napaghandaan. Wala sa hinagap ko na gagawin sa akin ni Tatang iyon.

“Wala kang utang na loob! Iyan ba! Iyan ba ang natutunan mo sa paaralan ninyo? Wala kang respeto!”

“Bakit Tang? Totoo naman, hindi ba? Bakit kayo hindi nag-aral? Bakit hindi kayo sumabay sa mga kapatid ninyo, ta’s ngayon kami na mga anak ninyo ang naghihirap!”

“Aba’t talagang suwail kang anak ah!” muling itinaas ni Tatang ang kanyang kamay para sampalin muli ako pero mabilis na lumapit si Nanang. Tumayo siya sa pagitan naming mag-ama.

“Eddie, tama na! Sinasaktan mo nang anak mo!”

“Bakit? Siya ba? Hindi ba masakit ang mga binibitiwan niyang salita sa akin na ama niya? Hindi naman ganyan dati ‘yang batang ‘yan e. Nakapatgtapos lang ng elementary, nagtapos lang na may medal akala mo, alam na niya lahat. Akala mo kaya nang burahin ng mga medal niya ang pagrespeto niya sa akin bilang ama niya.”

“Tang, ayaw ko ngang maging kagaya ninyo! Ayaw kong tumanda na lang ako sa bukid. Ayaw ko yung buhay na ganito! Ayaw kong maging kagaya ninyo ni Nanang na kayod kalabaw pero para pa ring hindi makakawala sa putikan. Anak kayo ng anak, hindi naman ninyo mabigyan ng edukasyon at magaan na pamumuhay!”

“Aba’t bastos ka nga talagang bata ka ah!” singhal ni Nanang. Mag-asawang sampal ang dumapo sa aking mukha.

“Aba gusto mo talagang makatikim ng bugbog kang bata ka ah! Halika rito nang matikman mong hinahanap mo!” pinulot ni Tatang ang tali ng kalabaw. Alam kong iyon gagamitin niyang panghampas sa akin. Bumalik sa aking alaala ang ginawa ni Tatang sa akin noong sampung taong gulang ako na pamamalo dahil sa muntik nalunod ang isang kapatid ko sa ilog dahil sa kapabayaan ko. Nakaramdam ako ng takot. Bumalik yung nginig ko noon.

Binitiwan ko ang kumpay na hawak ko. Umatras ako at mabilis na naglakbay ang aking mga luha sa aking pisngi. Sumasabog ang aking dibdib sa sakit ng loob. Hindi nila ako maintindihan. Hindi nila ako naiintindihan! Lakad takbo akong umalis. Kahit saan ako dadalhin ng aking mga paa basta gusto kong lumayo sa kanila hanggang sa mawala ang nararamdman kong sa sama ng loob.

               Tumakbo ako nang tumakbo papunta sa ilog hanggang nakarating ako sa may kakahuyan. Kumakaripas ako dahil sa inis at nang alam kong hindi na ako nasundan ni Tatang ay tumigil ako. Naglakad-lakad hanggang sa napagod ay umupo muna ako. Palubog na noon ang araw. Pagabi na ngunit wala akong balak pang umuwi.

               Nagtapos ako bilang Valedictorian sa Elementary. Nagkamit ng maraming karangalan sa mga contest na aking ipinananalo at sinalihan. Tahimik naman ako, tinatanggap lang ang lahat ng hirap, hindi nagrereklamo ngunit napupuno rin naman ako. Kailangan ko pang pinakiusapan si Nanang na sumama sa akin sa graduation ko dahil hindi ko mapilit si Tatang na pumunta para sabitan ako ng aking mga medalya. Kagaya ni Tatang, hindi rin nakatapos si Nanang sa Elementary. Grade 2 lang ang inabot nito. Pero bakit pati pagpunta sa school para sa aking tagumpay ay pahirapan pa silang kumbinsihing pumunta? Akala ko kasi matutuwa sila. Akala ko karangalan ang hatid no’n sa kanila na may anak silang makatapos. Inakala ko na kahit papaano ay tataas ang tingin nila sa kanilang sarili. Ngunit parang wala lang iyon. Kinahapunan nga, inutusan na agad akong pumunta sa bukid na parang wala lang nangyari. Dumaan na parang normal na araw ang pinaghirapan kong karangalan.

               Hindi naman ako naghahanap ng handa o regalo, kahit kaunting pagkilala lang sana sa aking tagumpay. Masaganang luha ang bumaybay sa aking pisngi. Kailan kaya nila ako maipagmamalaki? Hanggang kailan ko maramdaman ang kanilang suporta sa aking ambisyon na makatapos. Gusto kong yumaman kami, gusto kong magkaroon ng maraming pera hindi para sa akin kundi sa aking pamilya ngunit paano ko iyon makakamit kung ako lang ang parang nanghahangad ng ganoong buhay? Paano kami aangat kung parang wala nang pag-asa at pangarap pa ang aking mga magulang na magbago pa ang aming pamumuhay?

Madilim na ang paligid. Iba’t ibang mga tunog ng kulisap sa gabi at mga kahol ng aso ang pumupunit sa katahimikan ng gabi. May mga huni ng ibon na lalong nagpatindig sa balahibo ko. May narinig rin akong hampas ng pakpak. Nakaramdam ako ng takot ngunit mas matindi ang takot kong umuwi sa bahay. Nagpahinga ako sa silong ng isang puno ng akasya. Humagulgol ako nang humagulgol at doon. Kinausap ko ang aking sarili para lang sandaling mawala yung takot ko.

Bakit gano’n sila? Nang gumawa ako ng tama, nagsisikap para makapag-aral sa sarili kong kayod, nagbigay ng karangalan sa kanila  pero parang wala lang sa kanila. Ano bang mali? Anong kulang? Nagiging mabuti naman akong anak. Alam naman nila na ako’y masipag at maasahan sa lahat ng gawaing bahay pero bakit ganoon pa rin sila kawala ng suporta sa akin? Bakit hindi nila napansin ang lahat ng aking mga ginagawa? Bakit hindi ako nakita o naramdaman man lang? Ngayong sinasabi ko ang aking niloloob, ngayong humihingi ako sa kanilang tulong sa aking pag-aaral ay ngayon lang ako napansin? Sabi ng teacher ko, kapag daw nagagalit ang mga magulang namin sa amin ay mahal na mahal daw nila kami. Sa nariinig ko kanina kay Tatang na parang walang balak na igapang ako sa aking pag-aaral at sa pananampal niya sa akin, ibig bang sabihin ba no’n ay mahal na mahal niya ako? Simbolo ba ng pananakit na iyon ni Nanang sa akin ang pagmamahal na sinasabi ni teacher? Para kasing ang hirap kong paniwalaan.

Umiyak ako nang umiyak. Naiinis ako sa sarili ko. Biglang nakaramdam ng pagsisisi. Sana kinimkim ko na lang ang lahat. Sana hindi na lang ako nagsalita pa. Sana tiniis ko na lang ang hirap at gumawa ng sarili kong paraan para makapagpatuloy sa aking pag-aaral na hindi na sila sinasabihan pa. Nagagalit ako sa mga magulang ko. Sana hindi na lang sila ang mga magulang ko. Sana hindi na lang din ako ipinanganak sa mundo. Sana hindi na lang ako nabuhay. Sana pinatay na lang nila ako nang sanggol pa lang ako kung ganito rin lang pala ang hirap ng buhay na pagdadaanan ko?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • REVENGE OF INNOCENT WIVES   FINAL CHAPTER

    FINAL CHAPTER"Nadine, gusto kong lumaban ka para sa akin ha? Ipangako mo sa akin na tuloy lang buhay. Masamahan man kita o hindi, kailangan mong manatili para sa pamilya mo at kay Ivan.”"Hindi. Magkasama tayo. Asawa moa ko. Nangako tayo sa isa’t isa. Kung nasaan ako, dapat nandoon ka rin. Hindi ako papaya na maghihiwalay tayo kahit anong mangyari.""Iba ito Nadine.""Paanong iba? Anong ipinagkaiba sa nagiging laban natin?" tanong ko."Yakapin mo ako. Pumikit tayong dalawa. Sabi ni Mommy sa akin, kailangan nating magtiwalang kaya pa at sa ngayon, alam kong ikaw ang may kakayahan pa para lumaban.""Oh my God. Hindi ko gusto ang naiisip ko. Nakausap mo ang Mommy mo? Ibig sabihin, hindi! Hindi pwede!”"Relax at hayaan nating dalhin tayo ng ating mga isip sa kung saan tayo dapat naroon sa mga panahong ito. Please do it for me now bago mahuli ang lahat.""What do you mean?""Just please do it. Huminahon ka muna. Pumikit ka lang at yakapin mo ako nang mahigpit. Tulad ng pagyakap ko sa'yo,

  • REVENGE OF INNOCENT WIVES   CHAPTER 82

    Chapter 82NADINE’S POINT OF VIEW Nagising ako sa isang pamilyar na lugar. Sandali akong nagtaka kung bakit ako naroon pero bumalik sa akin ang lahat. Nakaupo ako sa bakal na upuan kung saan nakaposas ang aking kamay at nakakadena ang aking paa. Iyon ang upuang bakal na ginamit ni Jason kina Joana, Emma at Tatang. Ibig sabihin ako na ba ang isusunod ni Jason? Nakita kong nakatalikod siya at naninigarilyo. Kita ko sa kanyang mga kamay ang panginginig. Ninenerbiyos. “Alam kong ikaw ‘yan, Jason! Ginamit mo lang ang mukha ni Russel na maskara ngunit ikaw ‘yan.” Sigaw ko. Nagulat pa siya at lumingon sa akin. “Mahusay! Ito naman ang gusto ninyong laro hindi ba? Ang mangopya ng mukha para makapanlinlang? Hindi kayo humaharap ng kayo. Hindi ninyo kayang ayusin ang gusot na kayo mismo ang magpapakita. Ganito pala ang pakiramdam nang hindi mo gamit ang sarili mong mukha ano? Malayang makagawa ng kahit anong gusto mong gawin.” Ngumiti siya. Naiinis ako n

  • REVENGE OF INNOCENT WIVES   CHAPTER 81

    CHAPTER 81Nang nakaburol na siya at nasa loob na siya ng kabaong, bago siya tuluyang ilibing ay nakumpirma ko na patay na nga siya. Ito ang gusto kong mangyari noon sa kanya. Ang makitang bangkay na siya ngunit bakit ganoon? Bakit parang angsakit pa rin pala sa akin. Inaamin kong abot-langit ang galit ko sa kanya noon pero nang dumating si Russel sa buhay ko at ipinaunawa sa akin ang kahalagahan ng pagpapatawad at ngayon na nakita ko nang malamig nang bangkay ang lalaking unang nagparamdam sa akin ng pagmamahal, naiintindihan ko na ang patuloy niya sa aking ipinaglalaban na huwag patayin si Jason. Nang sandaling pinagmamasdan ko ang bangkay niya, naalala ko ang lahat lahat. Hindi ang mga pangit na nakaraan kundi ang mga nakaraan kung saan niya ako unang pinahanga.“ Siya nga pala, si sir Jason. Boss ko. Pangalawang beses na siyang kasama ko ritong umuwi at dalawang beses na rin niya akong kinukulit na ipakilala raw kita sa kanya dahil may pagkasuplada ka raw.”“Hi, Nadine,” inilahad

  • REVENGE OF INNOCENT WIVES   CHAPTER 80

    CHAPTER 79 Hindi na pumayag pa si Russel na umuwi kami sa probinsiya. Tinawagan na lang ni Tatang ang mga kapitbahay naming walang sariling lupa na sila na ang magsaka sa aming lupa roon at magbigay na lang sila ng aming porsyento. Sa ganoong paraan, nakatulong din si Tatang sa hirap naming mga kamag-anak. Papasyal-pasyal pa rin naman kami sa probinsiya tuwing anihan o summer. Mula sa aking pinanalunan sa sugal namin ni Jason, doon ko kinuha ang pinambili ko sa farm at bahay ni Jason na tinirhan ko noong nag-training ako sa kanya. Hindi siya pumapayag, ayaw niyang tanggapin nang una ang bayad ko ngunit gusto kong magkaroon ng pride ang mga magulang ko. Gusto kong isipin nila na hindi na lang sila ngayon nakikitira. Na may sarili na kaming magandang bahay, may taniman ng gulay at pag-aalagaan ng hayop. “Masaya ka na ba?” tanong ni Russel sa akin habang nakasandal ako sa kanya sa silong ng isang mayabong na puno kung saan niya ako kinantahan. Palubog na noon a

  • REVENGE OF INNOCENT WIVES   CHAPTER 79

    CHAPTER 79 Hindi na pumayag pa si Russel na umuwi kami sa probinsiya. Tinawagan na lang ni Tatang ang mga kapitbahay naming walang sariling lupa na sila na ang magsaka sa aming lupa roon at magbigay na lang sila ng aming porsyento. Sa ganoong paraan, nakatulong din si Tatang sa hirap naming mga kamag-anak. Papasyal-pasyal pa rin naman kami sa probinsiya tuwing anihan o summer. Mula sa aking pinanalunan sa sugal namin ni Jason, doon ko kinuha ang pinambili ko sa farm at bahay ni Jason na tinirhan ko noong nag-training ako sa kanya. Hindi siya pumapayag, ayaw niyang tanggapin nang una ang bayad ko ngunit gusto kong magkaroon ng pride ang mga magulang ko. Gusto kong isipin nila na hindi na lang sila ngayon nakikitira. Na may sarili na kaming magandang bahay, may taniman ng gulay at pag-aalagaan ng hayop. “Masaya ka na ba?” tanong ni Russel sa akin habang nakasandal ako sa kanya sa silong ng isang mayabong na puno kung saan niya ako kinantahan. Palubog na noon a

  • REVENGE OF INNOCENT WIVES   CHAPTER 77

    CHAPTER 77 “Simple lang. Mahal kita, pare. Nakapangako ako sa mga magulang mo na I’ll do everything, para tumino ka.” namumula ang mukha ni Russel na puno ng luha. Lumapit siya kay Jason. Umupo siya katabi nito. Inakbayan. “Hindi kita isusuko eh. Hindi kita kayang pabayaan kasi alam ko, biktima ka ng maling pagpapalaki. Mali ang kinagisnan mong pagpapalaki and your parents knew that. Sila mismo aminadong may mali sila and here you are now, just totally lost but not hopeless. Hindi kita pwedeng iwan at isuko eh, hindi ako dapat mawala. Hindi ito dapat matapos lang ng ganito. Ako na lang pare, ako na lang ang meron ka. Ang naniniwala na kaya mo. Your son might hate you too kung manatili kang ganyan pero ako, nakita kita nang mabuti ka pang tao. Nasiksihan ko na kaya mo. Na pwede pa. Please prove them wrong. You can do better than this. Please!” niyakap niya si Jason. Mahigpit na mahigpit. “No! You don’t really care. Nang mawala si Lizzie, nawala ka rin. Nagpa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status