LOGIN"BAKIT PARANG binagsakan 'yang mukha mo?" tanong ng kasamahan ni Selestina.
Napapikit siya nang maalala ang nangyari kagabi. Isang bastos na namang costumer ang nakasalamuha niya sa bar. "Hulaan ko, may nagpa-init na naman ng ulo mo sa bar kagabi?" natatawang tanong ni Mira. Dalawa ang trabaho ni Selestina. Kapag gabi nasa bar siya bilang barmaid, at sa umaga nasa Café de Lune siya nagtatrabaho bilang server. Kailangan niyang kumayod ng doble para may pangtustos sila sa araw-araw. Walang trabaho ang kanyang ina dahil may sakit ito kaya siya na lamang ang inaasahan ng pamilya. Iniwan sila ng kanyang ama dahil sumama ito sa ibang babae. Kapag naaalala niya kung paano nagmakaawa ang ina nila para bumalik ang ama, humahapdi ang dibdib ni Selestina. Hindi niya maiwasang magtanim ng galit sa ama. Ang nangyari kagabi ay hindi lamang 'yon ang una. Marami na siyang nakasalamuhang parehong gusto siyang ikama kapalit ang pera. Ngunit may natitira pa naman siyang dignidad sa sarili. Hangga't kaya niyang magtrabaho na marangal, hindi basta-bastang isusuko ni Selestina ang sarili sa taong walang gusto kun'di ikama lamang siya. Pero aminin niyang nagulat siya sa presyong sinabi ng lalaki kagabi. Bukod pa sa napaka-attractive nito, ang yaman pa. Pero nakakadismayang bayaran ang tingin nito sa kanya. Maingat na inilapag ni Selestina ang tasa ng mainit na latte sa mesa ng eleganteng babae. Nagbigay siya ng matamis na ngiti bago tumalikod at bumalik sa counter, hawak pa rin ang kaunting pagod sa balikat. “Grabe, nakakapagod,” bulong niya sa sarili. “Good job, Selena.” Tinapik siya ni Harold. “Magaling ang ginawa mo,” ani nito, bago muling ibinalik ang atensyon sa monitor sa harapan niya. Ang kanyang mukha ay muling naging seryoso habang tinitipa ang kabuuang kita ng araw at naghahanda ng ulat para sa kanilang manager. “Matatapos na rin ang shift mo,” sambit ni Harold, hindi inaalis ang tingin sa screen. Ngumuso siya. “Anong oras pupunta si Shane dito?” tukoy niya sa girlfriend ni Harold. “Sabi niya mga alas-singko,” sagot ni Harold, patuloy pa rin sa pagta-type. Tumango si Selestina, bagaman ang kilos niya'y may halong pagkayamot at pagkainip. Itinukod niya ang baba sa palad at tumingin sa labas ng salamin tila ba hinahanap ang sagot sa pagod ng araw na iyon. "Selestina, pakikuha naman ng order sa table 7," utos ni Harold. Agad na tumalima si Selestina at nilapitan ang sinabing table. Hinanda niya ang ngiting nakasanayan sa tuwing may costumers na tatanungin sa order. "Hello! Welcome to Café de Lune! Ano po ang order ninyo, sir?" tanong niya sa dalawang lalaki. Abala sa kakatingin ng menu ang isang lalaki at ang kasama naman nito ay nasa cellphone ang atensyon. “Black Truffle Cappuccino and Tiramisu Royale,” sagot ng lalaking may hawak ng menu. Tumango siya at nilista 'yon. Pagkatapos ay hinarap ang lalaking abala sa phone nito. “Kayo po, sir?” tanong niya dito. Nag-angat ng tingin ang lalaki, at nang makita niya ang mukha nito, napasinghap si Selestina sa gulat. Ang lalaking nasa harap niya, ito ang nag-offer sa kanya ng milyones para lamang makama siya. “Mi Belle,” bulong ng lalaki. Dumilim ang mga mata nito parang may halimaw sa loob na pilit kumakawala. “Excuse me,” sambit niya, dahilan para maputol ang malalim nitong pag-iisip. “He’ll have what I said I’m having,” sabi ng kasamahan nito. Naramdaman ni Selestina ang madilim at nakakakilabot na aura na nagmumula kay Rogue. At hindi niya nagugustuhan 'yon. “Right away,” sagot niya agad, pilit umiwas. Paalis na sana siya nang biglang inikot ni Rogue ang katawan niya. Nanlaki ang mga mata ni Selestina nang bumagsak siya sa kandungan ng lalaki. Pati ang kasamahan ni Rogue, halatang nagulat sa ginawa nito. “Bitawan mo nga ako! Ano sa tingin mo ang ginawa mo?” galit niyang sabi, pilit siyang kumawala dito pero mahigpit ang hawak nito. Tumitig ito sa kanya na para bang gusto nitong kuhanin ang kaluluwa niya. “Your name,” maiksi nitong tanong. “Malala na ang saltik ninyo sa utak, sir! Bitawan n'yo ako!” balik ko. Dumilim ang mga mata ni Rogue sa sinabi niya. Saka siya binitawan. Tumayo si Selestina, galit na galit, nanginginig at nakakuyom ang mga labi sa gilid. Nang tignan niya ang lalaki, mukhang natutuwa pa ito sa reaksyon niya. “I’ll go get your order, sir,” aniya sa kasama ni Rogue. Tinapunan niya ng matalim na tingin si Rogue, pero ngumisi lamang ito. Habang naghihintay si Selestina na matapos ang order. Kinalma niya ang sarili, hindi dapat siya nagpapa-apekto sa gano'ng costumer. Baka ito pa ang dahilan na masisante siya. Pagkalipas ng limang minuto, bumalik si Selestina dala ang order ng dalawang binata. Maayos niyang ibinaba ang kay Marco. Pero kay Rogue, may halong galit na ibinagsak niya ang kape. “Enjoy,” malamig niyang sabi at paalis na sana nang marinig niya ang tunog ng pagbuhos. Paglingon ni Selestina, nakita niyang tumapon ang kape sa saig. “Oops,” sambit ni Rogue, lalong lumalim ang ngisi habang tinititigan siya. “Bastard…” nangangalaiting bulong niya. Huminga ng malalim si Selestina. Hinabaan niya ang pasenya, alam niyang sinusubukan lang siya ng lalaki. Pero umabot na ng anim na baso ang tinapon ni Rogue na kape. Kanina pa siya pabalik-balik para kumuha ng order nito. Pigil ang hinga niya habang inaabot dito ang ika-pitong tasa ng kape. Gusto niyang basagin sa ulo nito ang mug, pero pinigilan ni Selestina ang sarili. Pagkatapos mailapag ang order nito, tinalikuran niya ang lalaki pero hindi pa siya nakakahakbang, muli na namang ibinuhos ni Rogue ang kape. “Tangina, anong klaseng pagpapapansin 'yan? Nakakaubos ng ilang baldeng kape," reklamo ni Marco. Hindi na napigilan ni Selestina. Humarap siya dito at inangat ang kamay para sampalin si Rogue pero huli na. Nahawakan na nito ang kamay niya at hinila siya palapit. Magkalapit ang mukha nila. Halos magdikit ang kanilang ilong. “Hermosa,” bulong nito. Wala sa ekspresyon nito ang emosyon, pero ramdam niya ang init sa pagitan nila. Napatitig siya sa mga mata nito. Pero tila natauhan si Rogue. Binitiwan nito si Selestina at marahas na itinulak paatras ang dalaga. Nagulat naman si Selestina dahil kamuntikan na siyang matumba. Biglang lumabas si Harold mula sa likod. Napansin nitong nakatuon ang mga mata ng lahat sa kanila. Lumapit agad si Harold. Hinatak ni Harold ang balikat niya. “Is everything alright?” tanong nito. Tumango siya pero si Rogue, titig na titig sa kamay ni Harold na nakapatong sa balikat niya. Parang may apoy sa mga mata nito. Akala ni Selestina magsasalita si Rogue, pero tumayo ang lalaki at diretsong lumabas. Bago ito lumabas, tumingin pa si Rogue sa kanya ng matalim. Si Marco, matapos ubusin ang cake nito, lumingon sa kanya. “Pwede bang ipa-pack mo ito?” “Sure,” sagot niya. Maayos niya itong inilagay sa takeout box. “BILISAN MO na, Ellie. Malalate ka na sa kasal mo,” naiinip na sabi ni Luna.Araw na ng kanyang kasal. Isang buwan na rin ang nakalipas mula nang siya ay manganak. Hindi naging madali ang lahat. Ramdam niya ang pagod at puyat, ngunit sabik na rin siyang makita ang kanyang mapapangasawa sa altar.Agad ding lumipad pabalik ng Pilipinas si Caroline nang marinig ang balitang nanganak na si Ellie. Hindi nito pinalampas ang pagkakataong makita ang kambal.“Hindi ko kasalanan, sabihin mo kay Hope na bitiwan na ang mga dibdib ko,” pagmamaktol ni Ellie habang nakatingin sa cute na sanggol na sumususo sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit ayaw siyang tantanan ng anak.“Ano?! Hindi ka pa rin bihis?!” gulat na tanong ni Caroline nang makapasok sa silid at makita si Ellie na hindi pa rin nakabihis. Napakunot-noo ito sa nakita. Karga nito sa mga bisig ang natutulog na si Honey. Walang Nanny ang kambal. Gusto ni Ellie na siya mismo ang mag-alaga sa mga anak. Ngunit nahihirapan siyang pagsab
KYO WAS pacing back and forth sa hallway, parang may mabigat na bato sa dibdib niya. His heart was pounding so hard, halos marinig na sa kanyang tainga mismo. Mula sa loob ng labor room, rinig niya ang malalakas na sigaw ni Ellie. Ang sigaw na tila pumupunit sa puso niya.“H-hindi ko kaya! Kailangan ko ang asawa ko...” Nang marinig ni Kyo iyon, parang may kumalabit sa kaluluwa niya. Hindi na siya mapakali. Gusto niyang pumasok pero natatakot din siya baka pagbawalan. Ilang sandali pa ng pag-aalangan, napagpasyahan niyang sumugod sa loob. At sa gulat niya, hindi siya pinigilan ng doktor at dahil iyon daw mismo ang kailangan ni Ellie ngayon.Binigyan siya ng hospital gown, halos hindi niya maikabit nang maayos sa sobrang pagmamadali. Paglapit niya kay Ellie, nakita ni Kyo ang pawis na dumadaloy sa noo nito. Ang mukha ay punô ng sakit at pagod.“Baby, I’m here… I’m here with you,” bulong niya sabay halik sa basang noo nito.“K-kyo… A-ang sakit, hindi ko kaya…” halos pabulong na sabi ni
ANIM NA buwan na ang nakalipas. Si Ellie ay nahihirapan ng kumilos sa laki ng kanyang tiyan. Isang linggo pagkatapos ng insidente, bumalik na sa normal ang lahat. Si Caroline ay bumalik na sa ibang bansa pagkatapos makalabas si Kyo sa ospital, para pamahalaan ang kumpanya ng yumaong asawa. Si Trixie ay kasal na sa isang businessman noong nakaraang buwan at bumalik na sa Italy upang mamuhay bilang mag-asawa. Ito ang tumulong kay Trixie para hindi makulong sa ginawang pagbaril kay Drillan. Si Raim naman ay nananatiling binata. Tumutulong ito sa pamamahala ng kumpanya ni Kyo dahil hindi pinapayagan ni Ellie si Kyo na mawala sa kanyang paningin. Bumalik naman ang dating sigla ni Saoirse. Si Luna muna ang nagbabantay dito. Hindi na sila basta-bastang nagtitiwala sa ibang tao pagdating kay Saoirse. "Ubos na," malungkot niyang sambit nang makitang wala ng laman ang bowl na hawak. Mag-isa siyang nakaupo sa sala, nakabukaka ang mga binti habang gutom na gutom na isinusubo ang ice c
HINDI MAPAKALI si Ellie. Pabalik-balik siya sa kahabaan ng waiting area, paulit-ulit na kinakagat ang kuko ng hintuturo. Magulo ang buhok at basa ang pisngi sa luha. Hindi niya iniinda kung mukha siyang gusgusin, wala siyang pakialam. Ang tanging mahalaga sa kanya ngayon ay maging ligtas si Kyo.“Please… please be okay...” paulit-ulit niyang bulong.Parang walang katapusan ang mga oras. Hanggang sa bumukas ang pinto, at lumabas ang doktor.“Successful ang operasyon. Naalis na ang bala. Pero maraming dugo ang nawala. Mabuti na lamang nadala siya agad sa ospital. Sa ngayon, stable na ang lagay niya,” sabi ng doktor.Para siyang nanghina pero sa wakas ay nakahinga na rin. Nang mailipat sa private room si Kyo, hindi siya umalis sa tabi nito. Umupo siya at dahan-dahang sinusuklay ang buhok nito.“Gumising ka na, please. Namimiss na kita...” bulong niya, basag ang boses. Hinalikan ni Ellie nang marahan ang noo nito habang tumutulo ang mga luha. Umalis si Luna kanina para bumili ng pagkain
BIGLANG NAGLAHO ang antok sa mga mata ni Saoirse nang marinig ang gulat na sigaw sa paligid. “Daddy! Yaya Ellie!” tili nito, saka mabilis na bumaba mula sa pagkakabuhat ni Trixie at tumakbo diretso sa mga bisig ng ama.“B-but… how she’s… how is she here?” nauutal na tanong ni Kyo habang mahigpit na yakap ang bata.“Yaya Ellie!” masayang tawa nito at yumakap din sa kanya.“Sobrang saya ko dahil nakita kita ulit. Kung panaginip lang ito, sana hindi na ako magising,” bulong ni Ellie na nanginginig ang boses. Tuloy-tuloy ang pagdaloy ng luha sa pisngi niya.“I miss you, Yaya,” nakangiting sabi ni Saoirse, at pinupunasan ang luha niya gamit ang maliliit nitong kamay.“Same here, baby. I miss you so much…” halos mapugto ang boses niya sa sobrang emosyon.Biglang tumigas ang panga ni Kyo, nagdidilim ang mga mata. “Don’t tell me… you kidnapped her.” Buong galit ang tingin nito kay Trixie habang unti-unting lumalapit sa babae.“N-no! It’s not like that! I h-have an explanation!” nanginginig
LUMABAS MULA sa silid ni Saoirse si Ellie at Kyo, kapwa pagod at bahagyang gusot ang mga damit. Tapos na naman sila sa paglilinis doon kagaya ng nakaugalian. Ito na ang ginagawa nila linggo-linggo. Nagkatinginan sila at napatawa. "Seryoso? Bakit ka tumatawa?" tanong ni Ellie habang nakatitig sa magulong buhok ni Kyo. "Bakit ka rin tumatawa?" balik-tanong nito. "Ang buhok mo, ang dumi-dumi. Para kang payaso," natatawang sabi niya. "May mantsa rin ang mukha mo. Tara na, maghilamos na tayo," anito, sabay hila kay Ellie papunta sa kanilang silid. "Teka, Kyo," pigil niya, bahagyang nagulat sa biglaang paghila sa kanya. "Silence!" pabirong saway ni Kyo at binuhat siya na parang bagong kasal. Pagkatapos nilang maglinis ng katawan, sabay silang bumaba. Dumeritso si Ellie sa kusina at nadatnan niyang nagluluto si Caroline. "Ang galing-galing mo talagang magluto, Tita." Takam na takam siya sa niluluto nitong banana cue.Simula nang naging fianceé siya ni Kyo. Ti







