Partager

KABANATA 2

Auteur: Spinel Jewel
last update Date de publication: 2026-11-12 06:40:19

DIANA

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Napatingin ako sa paligid. Hindi ito ang malamig na semento kung saan ako nakahandusay matapos akong mabangga ng isang sasakyan. Sa halip, pamilyar na mga kurtina, muwebles, at kulay rosas na kumot ang bumungad sa akin. Hindi ako maaring magkamali, nasa sariling kwarto ako ng bahay namin. Napakurap ako ng ilang beses at baka nananaginip lang ako.

“Buhay pa ba ako?” mahina kong usal sabay kurot sa pisngi ko. Napatingin ako sa kalendaryong nakasabit sa dingding ng kwarto ko. Taong 2021. Mas lalo akong nagulat nang malaman ko kung anong buwan at petsa ‘yon. Saktong tatlong araw bago ang kasal namin ni Cedric. Napatakip ako sa bibig when I realized I was reborn.

“Diyos ko, maraming salamat po!” Maluha-luha kong sambit sa sarili, habang pilit na binabalikan ang lahat ng mga pangyayari; ang ginawang pagpapahiya, pananakit at pagtataksil sa akin ni Cedric at ng traydor kong kaibigan.

“Pagbabayaran ninyo ang lahat ng ginawa ninyo sa akin!” Mariin kong sabi habang naikuyom ko ang aking mga kamao.

Sakto namang bumukas ang p***o at pumasok si Mommy. Bigla nalang akong naluha nang makita siya kaya bumangon ako sa kama at sinalubong siya ng mahigpit na yakap.

“Mommy...” napahikbi ako sa balikat niya.

“Anong nangyari sa ‘yo? Sinaktan ka ba ng Cedric na ‘yon?”

Hindi ako sumagot. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Naiyak lang ako dahil akala ko di ko na siya makikita.

“Si Daddy po Mom?”

“Nasa Amerika pa at may inaasikasong importante tungkol sa negosyo. Teka lang...” Tumingin siya sa akin na tila naguguluhan sa mga ikinikilos ko. Iginiya niya akong maupo sa gilid ng kama.

“I’m asking you Diana, may ginawa bang masama sa ‘yo ang Cedric na ‘yon?” muli niyang tanong. “Alam mong ayaw naming makasal ka sa kanya. Pero masyado kang nagbulag-bulagan at hindi mo nakikita ang totoong kulay ng lalaking ‘yon!”

Muli na naman akong natahimik. Hindi ko ma-imagine how stupid I was in my first life. Nagawa kong suwayin ang mga magulang ko para lang kay Cedric. Nagpakababa ako, kinalimutan ko ang estado ko sa buhay para lang pumantay sa buhay na meron siya. Nagtrabaho ako bilang janitress, tinago ko ang pagkatao ko at namuhay ng ordinaryo. Lahat ginawa ko para sa kanya. But he’s not worth it.

“Diana, are you with me?” untag sa akin ni Mommy. Tumingin ako sa kanya at pinahid ang mga luha ko.

“Mom, I’m sorry kung sinuway ko kayo ni Daddy. Just please give me another chance para maitama ko ang pagkakamali ko. Trust me this time, Mom.”

Napahawak si Mommy sa magkabilang kamay ko. Mababakas sa mukha niya ang pagtataka, marahil ay hindi siya makapaniwalang iyon mismo ang narinig niya mula sa akin.

“Did I hear you right, sweetheart? You mean—”

“Mom, papakasalan ko pa rin siya. Pero hindi tulad ng inaakala ninyo.” Napakunot-noo siya habang pilit inuunawa ang ibig kong sabihin.

“Mom, h’wag na po kayong mag-alala sa kasal ko. Magtiwala po kayo sa akin, okay?”

Marahan siyang tumango kahit alam kong hindi niya lubos na nauunawaan ang ibig kong sabihin. “I trust you, iha.” Ngumiti ako bago muling yumakap sa kanya.

“By the way, Tristan is here. Naghihintay siya sa ‘yo sa baba.”

Saglit akong natigilan nang marinig ang pangalan niya.

Tristan.

Hindi ko alam kung bakit tila may kakaibang init na gumapang sa dibdib ko. Marahil dahil matagal na rin kaming hindi nagkikita. Siya ang lalaking minsang itinakda ng mga magulang ko para sa akin. Ang lalaking tinanggihan ko dahil mas pinili kong sundin ang puso ko at piliin si Cedric.

Isang desisyong pinagsisisihan ko ngayon.

“Diana, iha.” Napatingin ako kay Mommy nang muli siyang magsalita. “Mabuting tao si Tristan kaya sana bigyan mo siya ng pagkakataon.” Hindi ako nakasagot. Tumango na lamang ako bilang pagsang-ayon.

Nang tuluyan na siyang makalabas ng kwarto, ilang sandali muna akong nanatiling nakaupo sa gilid ng kama. Huminga ako nang malalim bago ko inayos ang sarili ko. Noong gabing nakahandusay ako sa semento, bago tuluyang mapugto ang hininga ko, nakita ko si Tristan na tumakbo papalapit sa akin. At ngayon, hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako habang iniisip kong magkikita kami ulit.

Pagbaba ko sa sala, agad na nagtagpo ang mga mata namin. Nakaupo siya sa malaking sofa, at nang makita niya ako, bahagyang umangat ang mga sulok ng labi niya. Hindi ko namalayang bumilis ang tibok ng puso ko.

“Hi, Diana.” Tumayo siya at sinalubong ako, saka iniabot ang hawak niyang bouquet ng pulang rosas. “Akala ko, hindi mo na talaga ako haharapin.”

Hindi ako sumagot. Hindi niya alam kung gaano ko pinagsisihan ang lahat. At ngayong binigyan ako ng pangalawang pagkakataon para mabuhay, itatama ko ang lahat, bubuksan ko ang puso ko para sa kanya.

“Thank you, Tristan. “Nakangiti kong sabi bago tinanggap ang mga bulaklak saka dahan-dahang naupo sa single sofa.

Tahimik akong napatingin sa kanya. Kung tutuusin mas gwapo siya kay Cedric. Maayos ang personality at mas gentle. At kahit ilang beses ko na siyang tinanggihan pero hindi pa rin siya sumusuko sa akin.

“Yes?” tanong niya nang mapansing nakatitig ako sa kanya.

“Ha?” Dali-dali akong nag-iwas ng tingin. “Uhm, Tristan. Why are you still not giving up kahit alam mo ng magpapakasal ako kay Cedric?”

“Diana, mahal na mahal kita, you know that. At wala akong ibang hinahangad kundi ang magiging masaya ka, kahit sa piling ng iba.”

Halos maluha ako sa sinabi niya. Ngayon ko lang naramdaman kung gaano siya ka sincere sa akin. “Pero paano kung hindi na ako masaya sa desisyong ginawa ko?” mahina kong tanong.

Bahagyang kumunot ang noo niya. “What do you mean?”

Sandali akong napayuko bago muling nag-angat ng tingin. “Tristan, what if I tell you that I made a terrible mistake?”

Ilang segundo niya akong tinitigan bago bahagyang ngumiti. “Then I hope you won't make the same mistake twice.”

Nagkaroon ng sandaling katahimikan bago siya muling nagsalita.

“Anyway, I heard your wedding is in three days. Are you really going to marry Cedric?”

Natahimik ako sandali.

“No, Tristan. I'm not marrying him for real.”

Bigla siyang natigilan. “What?”

“I've decided to fake the wedding.”

Nawala ang bahagyang ngiti sa kanyang labi. Ilang segundo niya akong pinagmamasdan na para bang sinubukan niyang unawain ang sinasabi ko.

“Are you serious, Diana?”

Tumango ako at muling tumingin sa kanya. "At may iba pa akong sasabihin sa 'yo, Tristan."

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Dernier chapitre

  • Reborn: Marrying My Husband for Revenge   KABANATA 5

    DIANAAraw na ng kasal namin ni Cedric. It was a civil wedding katulad noon. Pero ang hindi nila alam, it was a fake wedding. Alam na rin nina Mommy at Daddy ang plano ko, kaya sinuportahan lang nila ako.Napailing ako at inayos ang pagkakahawak sa bouquet na nasa kandungan ko. Suot ko ang isang puting bestida, gaya ng isinuot ko noon. Pero ang kaibahan lang ngayon ay hindi na ako masaya. Kung noon, excited ako sa kasalang ito, but now, wala akong ibang hangad kundi maghiganti.Katabi ko sa upuan si Cedric, habang naghihintay sa pagdating ng officiating judge. Naroon na ang pamilya niya at malalapit niyang kaibigan."Diana, okay ka lang ba?” tanong niya.Tumango ako bilang pagtugon. “Uhm, excited lang ako.”“Ako rin naman, honey.” Sagot niya at mahigpit na hinawakan ang kamay ko.“Diana!”Napalingon ako nang bumukas ang pinto. Bumungad sa akin si Chloe na may malawak na ngiti sa labi. Nakasuot siya ng isang eleganteng damit na bagay na bagay sa kanyang katawan.Narito na ang female v

  • Reborn: Marrying My Husband for Revenge   KABANATA 4

    DIANAHindi ako makapaniwala sa impormasyong ibinigay sa akin ni Tristan. Chloe was Cedric’s ex-girlfriend. Napaisip ako habang pinagtagpi-tagpi ang mga pangyayari.Hindi talaga ako minahal ni Cedric. Alam niyang bestfriend ko si Chloe at para mapalapit siya rito, nagpanggap siyang interesado sa akin. Walanghiya ka talaga, Cedric!Biglang nag-ring ang cellphone ko, at ang demonyong lalaki ang tumatawag. But of course, I had to play along para sa paghihiganti ko. Tumikhim ako bago sinagot ang tawag."Hello, honey.” Pinilit kong gawing malambing ang boses ko kahit gusto ko nang murahin ang lalaking nasa kabilang linya.“Hi, hon! What are you doing?”“Wala naman. Nagpapahinga lang.”"Ah okay. Nandito ako sa opisina. Katatapos lang ng meeting namin with the mid-management.”Napangiti ako nang mapait. How sweet! Kung hindi ko pa nalaman ang katotohanan, siguradong matutuwa ako sa simpleng tawag na ‘yon. Nagtatrabaho si Cedric bilang department manager sa kumpanya namin. Doon ko siya nakila

  • Reborn: Marrying My Husband for Revenge   KABANATA 3

    DIANA“Go ahead, Diana. Anong sasabihin mo?”Bago ko pa maibuka ang aking bibig, biglang bumukas ang pinto.“Diana!”Napalingon ako sa pamilyar na tinig mula sa may pintuan.Nakatayo roon si Chloe, ang matalik kong kaibigang nagtraydor sa akin sa first life ko. Bumangon ang matinding galit sa puso ko nang makita siya. Pero kailangan kong pigilin ang sarili ko. “Oh! You're here, Tristan!” masigla niyang bati nang makalapit sa amin.Bahagyang tumango si Tristan. "Hi, Chloe."“Hello, Tristan. Kumusta?"“I'm fine.”"That's good!" Ngumiti si Chloe bago naupo sa bakanteng upuan sa tabi ko. "I didn't know you'd be visiting Diana today.""May kailangan lang kaming pag-usapan tungkol sa trabaho," maikling sagot ng lalaki."Ah, I see."Sandaling natahimik si Chloe bago muling nagsalita. "By the way, Tristan, how's the company? I heard there's a new project coming up.""Maayos naman ang lahat.""Mabuti kung gano'n."Napansin kong pilit na pinahahaba ni Chloe ang usapan, ngunit halatang hindi in

  • Reborn: Marrying My Husband for Revenge   KABANATA 2

    DIANADahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Napatingin ako sa paligid. Hindi ito ang malamig na semento kung saan ako nakahandusay matapos akong mabangga ng isang sasakyan. Sa halip, pamilyar na mga kurtina, muwebles, at kulay rosas na kumot ang bumungad sa akin. Hindi ako maaring magkamali, nasa sariling kwarto ako ng bahay namin. Napakurap ako ng ilang beses at baka nananaginip lang ako. “Buhay pa ba ako?” mahina kong usal sabay kurot sa pisngi ko. Napatingin ako sa kalendaryong nakasabit sa dingding ng kwarto ko. Taong 2021. Mas lalo akong nagulat nang malaman ko kung anong buwan at petsa ‘yon. Saktong tatlong araw bago ang kasal namin ni Cedric. Napatakip ako sa bibig when I realized I was reborn.“Diyos ko, maraming salamat po!” Maluha-luha kong sambit sa sarili, habang pilit na binabalikan ang lahat ng mga pangyayari; ang ginawang pagpapahiya, pananakit at pagtataksil sa akin ni Cedric at ng traydor kong kaibigan. “Pagbabayaran ninyo ang lahat ng ginawa ninyo sa akin!” Ma

  • Reborn: Marrying My Husband for Revenge   KABANATA 1

    DIANAThud!Sunod-sunod na bumagsak sa harapan ko ang ilang litrato na mariing inihagis ni Cedric."Care to explain this, Diana?"Napatingin ako sa mga larawang nagkalat sa sahig. Nang makita ko ang mga ito, para akong binuhusan ng malamig na tubig.Ako iyon.Walang saplot sa katawan habang nakahiga sa kama, kasama ang isang lalaking hindi ko kilala. Hindi ko alam kung bakit merong gano’ng larawan. Wala akong matandaan. Walang lalaking gumalaw sa akin. Ni wala pang nangyari sa amin ni Cedric mula nang ikasal kami."H-Hon..." nanginginig kong sambit.Hindi ko namalayang biglang natahimik ang buong sala. Ang masayang k’wentuhan at tawanan kanina ay napalitan ng bulungan. May ilang bisitang napahawak sa bibig habang ang iba naman ay napailing nang makita ang mga litrato sa sahig."Manloloko ka Diana!” Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko. “Kaya pala gayon na lamang ang paghahandang ginawa mo sa birthday ko. Akala mo yata kayang takpan nito ang kataksilan mo!”Napatingin ako sa

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status