Se connecterDIANA
Hindi ako makapaniwala sa impormasyong ibinigay sa akin ni Tristan. Chloe was Cedric’s ex-girlfriend. Napaisip ako habang pinagtagpi-tagpi ang mga pangyayari.
Hindi talaga ako minahal ni Cedric. Alam niyang bestfriend ko si Chloe at para mapalapit siya rito, nagpanggap siyang interesado sa akin. Walanghiya ka talaga, Cedric!
Biglang nag-ring ang cellphone ko, at ang demonyong lalaki ang tumatawag. But of course, I had to play along para sa paghihiganti ko. Tumikhim ako bago sinagot ang tawag.
"Hello, honey.” Pinilit kong gawing malambing ang boses ko kahit gusto ko nang murahin ang lalaking nasa kabilang linya.
“Hi, hon! What are you doing?”
“Wala naman. Nagpapahinga lang.”
"Ah okay. Nandito ako sa opisina. Katatapos lang ng meeting namin with the mid-management.”
Napangiti ako nang mapait. How sweet! Kung hindi ko pa nalaman ang katotohanan, siguradong matutuwa ako sa simpleng tawag na ‘yon. Nagtatrabaho si Cedric bilang department manager sa kumpanya namin. Doon ko siya nakilala. Pero ako, di niya ako kilala bilang may-ari ng kumpanyang pinapasukan niya.
"I see. Thank you for calling."
"Of course, hon. I miss you."
Napapikit ako, sinikap na kontrolin ang sarili.
"By the way, how's Chloe? I hope she's doing fine."
Ayan na.
Hindi ko maiwasang mapangiti sa tanong niya. Hindi pa nga kami nagtagal sa pag-uusap, agad na niyang naisingit ang pangalan ng dati niyang kasintahan.
"She's fine. Why?"
"Wala naman, tinatanong ko lang. I know she's been helping you with the wedding preparations."
"Yes, excited na nga siya sa kasal natin eh.”
Nagkaroon ng sandaling katahimikan bago ako muling nagsalita. “Uhm, hon. Sigurado ka na ba talaga na ako ang papakasalan mo?” tanong ko.
“Oo naman. Bakit mo naitanong yan?”
“Eh kasi naisip ko, wala naman kasi akong naabot sa buhay, maliban sa pagiging janitress. Tapos ikaw, may maayos na trabaho sa kumpanya. Hindi mo ba ako ikakahiya?”
“Bakit naman? Mahal kita Diana kahit ano at sino ka pa. Balewala naman sa akin kung anong estado mo sa buhay. Ang importante, nagmamahalan tayo.”
Ganito din ang sinabi niya sa akin noon, na buong puso ko namang pinaniwalaan. Inilihim ko sa kanya ang tunay na pagkatao ko, maging si Chloe binalaan ko na h’wag sabihin ang totoo. Buong akala ni Cedric isa lang akong janitress at walang naabot sa buhay.
“Diana, are you still there?” untag niya.
"Uhm, yes hon.” Napahigpit ang hawak ko sa cellphone. “Pero I think gusto ko na munang magpahinga, para magiging maganda ako sa kasal natin.”
“You’re always beautiful, hon.” Sagot naman niya. Kung noon kinilig ako sa mga papuri niya, pero ngayon hindi na niya ako mauuto pa.
Pagkababa ko ng tawag, tuluyan nang nawala ang pilit kong ngiti. I stared at my phone for a few seconds before letting out a bitter laugh.
Ang kapal talaga ng mukha mo, Cedric. Ngayon ko lang naintindihan. Ginawa mo lang akong panakip-butas kay Chloe. Pero sige. Maglaro tayo. Kung gusto mong magpanggap na mahal mo ako, sasabayan kita. Kung gusto mong ituloy ang kasal, eh di itutuloy natin. Tutal, may sarili rin akong plano.
Muli akong nag-dial sa telepono. Tinawagan ko ang wedding coordinator na nag-aasikaso sa kasal namin ni Cedric. Kaibigan ko siya at isa sa mga pinagkakatiwalaan ko.
"Hello, girl! What's up?" masiglang bati niya.
"Hi, Ava. May ipapakiusap lang sana ako sa 'yo."
"Sure! What is it? May problema ba sa wedding preparations?"
"Actually, meron."
"What happened?"
Huminga ako nang malalim bago tuluyang sinabi ang nasa isip ko. "Ava, I need you to make sure that my wedding with Cedric will be fake."
Saglit na natahimik siya sa kabilang linya. "Wait. What?"
"Tama ang narinig mo, Ava.”
"Diana, are you serious? Anong ibig mong sabihin na fake wedding?"
Napangiti ako ng bahagya. "I want everything to look real. The venue, the decorations, the guests, the ceremony—everything. But I don't want the marriage to be legally binding."
"Girl, what are you talking about? Akala ko ba excited ka nang magpakasal kay Cedric?"
"Things have changed, Ava."
"May nangyari ba sa inyong dalawa? Nag-away ba kayo?”
"Let's just say I finally discovered something I should have known a long time ago."
"Pero, alam ba ito ni Cedric?
"Of course not. At ayaw kong malaman niya. Gusto kong isipin pa rin niya na totoo ang kasal.”
Muli siyang natahimik.
"Diana, are you sure about this? Kasi malaking bagay ang hinihingi mo sa akin."
"Please, Ava. Kailangan ko ang tulong mo. I want the wedding to push through exactly as planned, but make sure that no valid marriage takes place.”
"Okay, nauunawaan ko. Ako na ang bahala sa arrangements.”
"Thank you, Ava. I owe you one."
"Walang anuman. Basta mag-iingat ka lang.”
Matapos naming magpaalam sa isa’t isa, ibinaba ko na ang tawag. Ilang sandali akong nanatiling nakaupo habang iniisip ang mga susunod kong gagawin. Mayamaya, may kumatok sa p***o ng kwarto ko. Hindi pa man ako nakasagot bumukas ‘yon at nakasimangot na mukha ni Chloe ang bumungad sa akin.
“Diana, pinababalik mo raw ang mga gamit ko?” aniya at umupo sa tabi ko sa gilid ng kama. “Di ba nag-usap na tayo tungkol dito?”
Gusto ko siyang sampalin at this very moment, pero nagpigil lang ako. “Chloe, pasensya ka na, pero nagbago ang isip ko eh.”
Napakunot-noo siya at tila hindi makapaniwala sa narinig. “Paanong nagbago, Diana? Akala ko okay lang sa ‘yo na lumipat ako dito?”
“Akala ko rin. Pero naisip ko. Napamahal na sa akin ‘tong kwartong ‘to. At kahit mag-aasawa na ako, ayaw ko pa ring may ibang mag-o-occupy dito. Isa pa, may sarili ka namang kwarto di ba?”
“Pero mas gusto ko dito kasi spacious. Sige na, besh.” Malambing niyang sabi saka marahang niyugyog ang braso ko. “Lagi mo naman akong pinagbibigyan di ba?”
Halos matawa ako sa sinabi niya. Sarap niyang sabunutan sa totoo lang. Pero nagpigil lang ako kasi ayaw kong mabulilyaso ang plano ko.
“Chloe, humiling ka lang ng iba h’wag lang itong kwarto ko.” Sabi ko, bilang pampalubag-loob sa kanya. Ayaw kong isipin niya na talagang nagbago na ako. Saglit siyang tumingin sa akin hanggang sa biglang nagliwanag ang mukha niya. “Uhm, okay. Pero p’wede bang yong designer dress at bag mo na lang ang hingin ko?”
Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng ito. If I know, ipagyayabang lang din niya ito sa mga kaibigan niya. Pero hinayaan ko lang siya noon. Hinayaan ko lang na isipin ng mga kaibigan niya na mayaman talaga siya.
“Diana? Okay lang ba?”
‘Oo naman. Pumili ka lang dyan.” Sabi ko at pilit na ngumiti.
“Thank you so much, Diana. You’re really the best!” masigla niyang sabi.
Napangiti ako. Oo, Chloe. Napakabuti kong kaibigan. Pero nagawa mong pagtangkaan ang buhay ko. Napakawalang-hiya mo!
DIANAAraw na ng kasal namin ni Cedric. It was a civil wedding katulad noon. Pero ang hindi nila alam, it was a fake wedding. Alam na rin nina Mommy at Daddy ang plano ko, kaya sinuportahan lang nila ako.Napailing ako at inayos ang pagkakahawak sa bouquet na nasa kandungan ko. Suot ko ang isang puting bestida, gaya ng isinuot ko noon. Pero ang kaibahan lang ngayon ay hindi na ako masaya. Kung noon, excited ako sa kasalang ito, but now, wala akong ibang hangad kundi maghiganti.Katabi ko sa upuan si Cedric, habang naghihintay sa pagdating ng officiating judge. Naroon na ang pamilya niya at malalapit niyang kaibigan."Diana, okay ka lang ba?” tanong niya.Tumango ako bilang pagtugon. “Uhm, excited lang ako.”“Ako rin naman, honey.” Sagot niya at mahigpit na hinawakan ang kamay ko.“Diana!”Napalingon ako nang bumukas ang pinto. Bumungad sa akin si Chloe na may malawak na ngiti sa labi. Nakasuot siya ng isang eleganteng damit na bagay na bagay sa kanyang katawan.Narito na ang female v
DIANAHindi ako makapaniwala sa impormasyong ibinigay sa akin ni Tristan. Chloe was Cedric’s ex-girlfriend. Napaisip ako habang pinagtagpi-tagpi ang mga pangyayari.Hindi talaga ako minahal ni Cedric. Alam niyang bestfriend ko si Chloe at para mapalapit siya rito, nagpanggap siyang interesado sa akin. Walanghiya ka talaga, Cedric!Biglang nag-ring ang cellphone ko, at ang demonyong lalaki ang tumatawag. But of course, I had to play along para sa paghihiganti ko. Tumikhim ako bago sinagot ang tawag."Hello, honey.” Pinilit kong gawing malambing ang boses ko kahit gusto ko nang murahin ang lalaking nasa kabilang linya.“Hi, hon! What are you doing?”“Wala naman. Nagpapahinga lang.”"Ah okay. Nandito ako sa opisina. Katatapos lang ng meeting namin with the mid-management.”Napangiti ako nang mapait. How sweet! Kung hindi ko pa nalaman ang katotohanan, siguradong matutuwa ako sa simpleng tawag na ‘yon. Nagtatrabaho si Cedric bilang department manager sa kumpanya namin. Doon ko siya nakila
DIANA“Go ahead, Diana. Anong sasabihin mo?”Bago ko pa maibuka ang aking bibig, biglang bumukas ang pinto.“Diana!”Napalingon ako sa pamilyar na tinig mula sa may pintuan.Nakatayo roon si Chloe, ang matalik kong kaibigang nagtraydor sa akin sa first life ko. Bumangon ang matinding galit sa puso ko nang makita siya. Pero kailangan kong pigilin ang sarili ko. “Oh! You're here, Tristan!” masigla niyang bati nang makalapit sa amin.Bahagyang tumango si Tristan. "Hi, Chloe."“Hello, Tristan. Kumusta?"“I'm fine.”"That's good!" Ngumiti si Chloe bago naupo sa bakanteng upuan sa tabi ko. "I didn't know you'd be visiting Diana today.""May kailangan lang kaming pag-usapan tungkol sa trabaho," maikling sagot ng lalaki."Ah, I see."Sandaling natahimik si Chloe bago muling nagsalita. "By the way, Tristan, how's the company? I heard there's a new project coming up.""Maayos naman ang lahat.""Mabuti kung gano'n."Napansin kong pilit na pinahahaba ni Chloe ang usapan, ngunit halatang hindi in
DIANADahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Napatingin ako sa paligid. Hindi ito ang malamig na semento kung saan ako nakahandusay matapos akong mabangga ng isang sasakyan. Sa halip, pamilyar na mga kurtina, muwebles, at kulay rosas na kumot ang bumungad sa akin. Hindi ako maaring magkamali, nasa sariling kwarto ako ng bahay namin. Napakurap ako ng ilang beses at baka nananaginip lang ako. “Buhay pa ba ako?” mahina kong usal sabay kurot sa pisngi ko. Napatingin ako sa kalendaryong nakasabit sa dingding ng kwarto ko. Taong 2021. Mas lalo akong nagulat nang malaman ko kung anong buwan at petsa ‘yon. Saktong tatlong araw bago ang kasal namin ni Cedric. Napatakip ako sa bibig when I realized I was reborn.“Diyos ko, maraming salamat po!” Maluha-luha kong sambit sa sarili, habang pilit na binabalikan ang lahat ng mga pangyayari; ang ginawang pagpapahiya, pananakit at pagtataksil sa akin ni Cedric at ng traydor kong kaibigan. “Pagbabayaran ninyo ang lahat ng ginawa ninyo sa akin!” Ma
DIANAThud!Sunod-sunod na bumagsak sa harapan ko ang ilang litrato na mariing inihagis ni Cedric."Care to explain this, Diana?"Napatingin ako sa mga larawang nagkalat sa sahig. Nang makita ko ang mga ito, para akong binuhusan ng malamig na tubig.Ako iyon.Walang saplot sa katawan habang nakahiga sa kama, kasama ang isang lalaking hindi ko kilala. Hindi ko alam kung bakit merong gano’ng larawan. Wala akong matandaan. Walang lalaking gumalaw sa akin. Ni wala pang nangyari sa amin ni Cedric mula nang ikasal kami."H-Hon..." nanginginig kong sambit.Hindi ko namalayang biglang natahimik ang buong sala. Ang masayang k’wentuhan at tawanan kanina ay napalitan ng bulungan. May ilang bisitang napahawak sa bibig habang ang iba naman ay napailing nang makita ang mga litrato sa sahig."Manloloko ka Diana!” Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko. “Kaya pala gayon na lamang ang paghahandang ginawa mo sa birthday ko. Akala mo yata kayang takpan nito ang kataksilan mo!”Napatingin ako sa







