Se connecterDIANA
“Go ahead, Diana. Anong sasabihin mo?”
Bago ko pa maibuka ang aking bibig, biglang bumukas ang p***o.
“Diana!”
Napalingon ako sa pamilyar na tinig mula sa may pintuan.
Nakatayo roon si Chloe, ang matalik kong kaibigang nagtraydor sa akin sa first life ko. Bumangon ang matinding galit sa puso ko nang makita siya. Pero kailangan kong pigilin ang sarili ko.
“Oh! You're here, Tristan!” masigla niyang bati nang makalapit sa amin.
Bahagyang tumango si Tristan. "Hi, Chloe."
“Hello, Tristan. Kumusta?"
“I'm fine.”
"That's good!" Ngumiti si Chloe bago naupo sa bakanteng upuan sa tabi ko. "I didn't know you'd be visiting Diana today."
"May kailangan lang kaming pag-usapan tungkol sa trabaho," maikling sagot ng lalaki.
"Ah, I see."
Sandaling natahimik si Chloe bago muling nagsalita. "By the way, Tristan, how's the company? I heard there's a new project coming up."
"Maayos naman ang lahat."
"Mabuti kung gano'n."
Napansin kong pilit na pinahahaba ni Chloe ang usapan, ngunit halatang hindi interesado si Tristan. Hindi ito nagtatanong pabalik at panay ang tingin sa kanyang relo.
Maya-maya, tumayo siya. "Anyway, kailangan ko ng umalis. I still have a few things to take care of at the office."
Tumango lang ako at bahagyang ngumiti.
“Take care, Tristan.” Wika ni Chloe na pinalalambing pa ang boses. Ngayon ko lang napansin ang kakaibang kinang sa mga mata niya tuwing nakakaharap si Tristan.
“Diana, what’s wrong?” biglang tanong ni Chloe nang tuluyang makaalis ang lalaki.
Mabilis akong napailing. Ayaw kong makahalata siya.
"By the way, Diana." Pag-iiba niya. "Hindi mo ba talaga sasabihin kay Cedric ang tunay mong pagkatao? Na ikaw ang nag-iisang tagapagmana ng DG Global Tech?”
"Hindi na kailangan. Tanggap naman niya ang buong pagkatao ko di ba?”
Tumango lang siya. Pero napansin ko ang lihim na pagngiti niya na parang may ibig sabihin. “Sa ngayon, hahayaan muna kita, Chloe.” Bulong ko sa isipan.
Matapos ang pag-uusap namin, nagpaalam na siya para magpahinga. Pumasok na rin ako sa kwarto ko. Naupo ako sa gilid ng kama at kinuha ang cellphone. Ilang sandali kong tinitigan ang pangalan ni Tristan bago ko tuluyang pinindot ang call button.
Ilang ring lang ang lumipas bago niya sinagot ang tawag.
"Hello, Diana?"
"Hi, Tristan. Sorry for calling this late."
"Is everything okay?"
"Actually, may gusto sana akong ipakiusap sa 'yo."
"Go ahead. I'm listening."
Huminga ako nang malalim bago nagsalita.
"I want you to investigate someone for me."
"Who?"
"Chloe."
Sandaling natahimik siya sa kabilang linya. "Your friend?"
"Yes. Gusto kong malaman kung sino siya sa buhay ni Cedric."
"All right. I'll see what I can find out. Ako na ang bahala.
"Thank you, Tristan. I owe you one."
"You don't owe me anything. Basta nandito lang ako, anytime.”
Matapos naming magpaalam, ibinaba ko ang tawag at inilapag ang cellphone sa bedside table.
Hindi ko alam kung ano ang malalaman ko pero sisiguraduhin kong sa pagkakataong ito, ako na ang mananalo.
********
Kinabukasan...
"Dahan-dahan lang diyan. Ilagay ninyo ang mga kahon sa tabi ng aparador."
Napakunot-noo ako nang marinig ang pamilyar na tinig mula sa loob ng aking k’warto.
Kakagising ko lang at kasalukuyan pa akong nakaupo sa gilid ng kama nang mapansin ko ang ilang kasambahay na may dalang malalaking kahon at maleta. Mga damit, sapatos, bag, at iba pang personal na gamit ang laman ng mga iyon.
"Excuse me. What's going on here?"
Agad na napalingon sa akin ang mga kasambahay. Kasunod nilang lumingon ang aming mayordoma na si Manang Rosa.
"Good morning, Miss Diana.”
"Manang Rosa, bakit may mga gamit dito sa k’warto ko?"
Ngumiti ito habang inaayos ang isa sa mga kahon. "Mga gamit ‘yan ni Chloe. Inutusan kami para ilipat dito."
Napatingin ako sa mga kahon.
"Kay Chloe?"
"Oo. Ipinagbilin niya kasing ilagay na ang ilan sa mga gamit niya rito para hindi na mahirapan kapag lumipat na siya."
Bahagya akong napakunot-noo. Tama, noong nakaraan kong buhay, sinabi sa akin ni Chloe na kung p’wede lilipat siya rito. Pumayag naman ako, dahil nga itinuring ko siyang parang tunay na kapatid. Hindi ko kailanman inisip na may mali sa pagiging malapit niya sa akin. Dahil anak siya ng mayordoma na matagal ng naninilbihan sa amin, hindi ko kailanman ipinaramdam sa kanya na mas mababa siya sa akin. Kung may gusto siya, ibinibigay ko. Kung may kailangan siya, tinutulungan ko.
Maging ang mga personal kong gamit ay malaya niyang nagagamit. Ilang beses ko pa siyang pinatulog sa k’warto ko dahil ayaw kong maramdaman niyang iba ang trato ko sa kanya. Ipinagtanggol ko pa siya sa tuwing may nagsasabing masyado ko siyang kinukunsinti.
Napahigpit ang hawak ko sa kumot. Kahit ang sarili kong pamilya ay tila nasanay ng ibigay kay Chloe ang lahat ng gusto niya dahil itinuring na namin siyang kapamilya. Pero ano ang isinukli niya sa akin?
“May problema ba, Miss Diana?” tanong ni Manang Rosa nang mapansin ang pananahimik ko.
Dahan-dahan kong inangat ang tingin sa kanya. “Hindi pa naman ako umalis rito. Kaya bakit nagmamadali siyang lumipat dito sa kwarto ko?
Natigilan si Manang Rosa at napatitig sa akin. Marahil naninibago siya sa reaksyon ko.
"Alisin ninyo ang mga gamit na iyan."
Nagulat si Manang Rosa, bakas sa mukha ang pagkalito.
"Take everything out of my room."
"Pero, Miss Diana—"
"I said, take them out."
Hindi ako nagtaas ng boses, ngunit sapat na ang lamig nito para mapahinto ang lahat.
"Pero saan po namin ilalagay ang mga gamit ni Miss Chloe?" Tiningnan ko ang mga kahon bago muling ibinaling ang tingin ko kay Manang Rosa.
"Ibalik niyo sa k’warto niya.”
Hindi siya sumagot pero napansin ko ang lihim na pag-irap niya. Ngayon ko lang na-realize, kung gaano inaabuso ni Chloe at ng nanay niya ang magandang pagtrato namin sa kanila. Noong nakaraan kong buhay, pinagbigyan ko si Chloe nang hilingin niya na lumipat sa kwarto ko. Inisip ko tutal pagkatapos ng kasal namin ni Cedric hindi na ako titira rito kaya pinagbigyan ko na lamang siya. But not anymore now.
Hindi na ako papayag na maulit ang lahat. Dahil sa pagkakataong ito, hindi na ako magbibigay ng kahit isang pulgada ng buhay ko sa kanya.
She had taken enough from me in my first life. This time, I would make sure she wouldn't get another chance.
DIANAAraw na ng kasal namin ni Cedric. It was a civil wedding katulad noon. Pero ang hindi nila alam, it was a fake wedding. Alam na rin nina Mommy at Daddy ang plano ko, kaya sinuportahan lang nila ako.Napailing ako at inayos ang pagkakahawak sa bouquet na nasa kandungan ko. Suot ko ang isang puting bestida, gaya ng isinuot ko noon. Pero ang kaibahan lang ngayon ay hindi na ako masaya. Kung noon, excited ako sa kasalang ito, but now, wala akong ibang hangad kundi maghiganti.Katabi ko sa upuan si Cedric, habang naghihintay sa pagdating ng officiating judge. Naroon na ang pamilya niya at malalapit niyang kaibigan."Diana, okay ka lang ba?” tanong niya.Tumango ako bilang pagtugon. “Uhm, excited lang ako.”“Ako rin naman, honey.” Sagot niya at mahigpit na hinawakan ang kamay ko.“Diana!”Napalingon ako nang bumukas ang pinto. Bumungad sa akin si Chloe na may malawak na ngiti sa labi. Nakasuot siya ng isang eleganteng damit na bagay na bagay sa kanyang katawan.Narito na ang female v
DIANAHindi ako makapaniwala sa impormasyong ibinigay sa akin ni Tristan. Chloe was Cedric’s ex-girlfriend. Napaisip ako habang pinagtagpi-tagpi ang mga pangyayari.Hindi talaga ako minahal ni Cedric. Alam niyang bestfriend ko si Chloe at para mapalapit siya rito, nagpanggap siyang interesado sa akin. Walanghiya ka talaga, Cedric!Biglang nag-ring ang cellphone ko, at ang demonyong lalaki ang tumatawag. But of course, I had to play along para sa paghihiganti ko. Tumikhim ako bago sinagot ang tawag."Hello, honey.” Pinilit kong gawing malambing ang boses ko kahit gusto ko nang murahin ang lalaking nasa kabilang linya.“Hi, hon! What are you doing?”“Wala naman. Nagpapahinga lang.”"Ah okay. Nandito ako sa opisina. Katatapos lang ng meeting namin with the mid-management.”Napangiti ako nang mapait. How sweet! Kung hindi ko pa nalaman ang katotohanan, siguradong matutuwa ako sa simpleng tawag na ‘yon. Nagtatrabaho si Cedric bilang department manager sa kumpanya namin. Doon ko siya nakila
DIANA“Go ahead, Diana. Anong sasabihin mo?”Bago ko pa maibuka ang aking bibig, biglang bumukas ang pinto.“Diana!”Napalingon ako sa pamilyar na tinig mula sa may pintuan.Nakatayo roon si Chloe, ang matalik kong kaibigang nagtraydor sa akin sa first life ko. Bumangon ang matinding galit sa puso ko nang makita siya. Pero kailangan kong pigilin ang sarili ko. “Oh! You're here, Tristan!” masigla niyang bati nang makalapit sa amin.Bahagyang tumango si Tristan. "Hi, Chloe."“Hello, Tristan. Kumusta?"“I'm fine.”"That's good!" Ngumiti si Chloe bago naupo sa bakanteng upuan sa tabi ko. "I didn't know you'd be visiting Diana today.""May kailangan lang kaming pag-usapan tungkol sa trabaho," maikling sagot ng lalaki."Ah, I see."Sandaling natahimik si Chloe bago muling nagsalita. "By the way, Tristan, how's the company? I heard there's a new project coming up.""Maayos naman ang lahat.""Mabuti kung gano'n."Napansin kong pilit na pinahahaba ni Chloe ang usapan, ngunit halatang hindi in
DIANADahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Napatingin ako sa paligid. Hindi ito ang malamig na semento kung saan ako nakahandusay matapos akong mabangga ng isang sasakyan. Sa halip, pamilyar na mga kurtina, muwebles, at kulay rosas na kumot ang bumungad sa akin. Hindi ako maaring magkamali, nasa sariling kwarto ako ng bahay namin. Napakurap ako ng ilang beses at baka nananaginip lang ako. “Buhay pa ba ako?” mahina kong usal sabay kurot sa pisngi ko. Napatingin ako sa kalendaryong nakasabit sa dingding ng kwarto ko. Taong 2021. Mas lalo akong nagulat nang malaman ko kung anong buwan at petsa ‘yon. Saktong tatlong araw bago ang kasal namin ni Cedric. Napatakip ako sa bibig when I realized I was reborn.“Diyos ko, maraming salamat po!” Maluha-luha kong sambit sa sarili, habang pilit na binabalikan ang lahat ng mga pangyayari; ang ginawang pagpapahiya, pananakit at pagtataksil sa akin ni Cedric at ng traydor kong kaibigan. “Pagbabayaran ninyo ang lahat ng ginawa ninyo sa akin!” Ma
DIANAThud!Sunod-sunod na bumagsak sa harapan ko ang ilang litrato na mariing inihagis ni Cedric."Care to explain this, Diana?"Napatingin ako sa mga larawang nagkalat sa sahig. Nang makita ko ang mga ito, para akong binuhusan ng malamig na tubig.Ako iyon.Walang saplot sa katawan habang nakahiga sa kama, kasama ang isang lalaking hindi ko kilala. Hindi ko alam kung bakit merong gano’ng larawan. Wala akong matandaan. Walang lalaking gumalaw sa akin. Ni wala pang nangyari sa amin ni Cedric mula nang ikasal kami."H-Hon..." nanginginig kong sambit.Hindi ko namalayang biglang natahimik ang buong sala. Ang masayang k’wentuhan at tawanan kanina ay napalitan ng bulungan. May ilang bisitang napahawak sa bibig habang ang iba naman ay napailing nang makita ang mga litrato sa sahig."Manloloko ka Diana!” Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko. “Kaya pala gayon na lamang ang paghahandang ginawa mo sa birthday ko. Akala mo yata kayang takpan nito ang kataksilan mo!”Napatingin ako sa







