Se connecterDIANA
Araw na ng kasal namin ni Cedric. It was a civil wedding katulad noon. Pero ang hindi nila alam, it was a fake wedding. Alam na rin nina Mommy at Daddy ang plano ko, kaya sinuportahan lang nila ako.
Napailing ako at inayos ang pagkakahawak sa bouquet na nasa kandungan ko. Suot ko ang isang puting bestida, gaya ng isinuot ko noon. Pero ang kaibahan lang ngayon ay hindi na ako masaya. Kung noon, excited ako sa kasalang ito, but now, wala akong ibang hangad kundi maghiganti.
Katabi ko sa upuan si Cedric, habang naghihintay sa pagdating ng officiating judge. Naroon na ang pamilya niya at malalapit niyang kaibigan.
"Diana, okay ka lang ba?” tanong niya.
Tumango ako bilang pagtugon. “Uhm, excited lang ako.”
“Ako rin naman, honey.” Sagot niya at mahigpit na hinawakan ang kamay ko.
“Diana!”
Napalingon ako nang bumukas ang p***o. Bumungad sa akin si Chloe na may malawak na ngiti sa labi. Nakasuot siya ng isang eleganteng damit na bagay na bagay sa kanyang katawan.
Narito na ang female version ni Hudas! Bulong ko sa isipan.
"You're so beautiful!" masiglang bati niya nang tuluyang makalapit. Pagkatapos bumaling siya kay Cedric. “Hi, Cedric.”
Napansin ko ang kinang sa mga mata ni Cedric ngayong nandito na si Chloe. Hindi ko ito pinansin noon, pero ngayon I know exactly the reason why.
Umupo si Chloe sa tabi ko at sinuyod ng tingin ang kabuuan ko. "Finally, ikakasal ka na rin. I'm so happy for you, girl!"
Napangiti ako. "Thank you, Chloe. I'm happy, too."
"Of course! Imagine, si Mrs. Cedric Baltazar ka na mamaya. Ang swerte mo naman."
Halos matawa ako sa sinabi niya. Kung alam lang niya kung gaano ko pinagsisihan ang lahat sa una kong buhay.
“By the way, nasa labas ang mga close friends ko. Okay lang ba na inimbita ko sila rito?” Aniya na pinalalambing ang boses, gaya ng palagi niyang ginagawa kapag may hinging pabor sa akin.
“Oo naman, Chloe.” Nakangiti kong sagot.
Mayamaya lang, bumukas ang p***o at pumasok ang tatlong babae. Lumapit sila sa kinaroonan namin.
“Guys, meet my bestfriend, Diana.” Pagpapakilala ni Chloe. “And I guess, kilala niyo na si Cedric.”
‘Hi,” simple kong bati at inilahad ang kamay ko. Ngumiti sila sa akin, ngunit nababasa ko ang lihim na pagkutya sa mga mata nila.
“Uhm, you're beautiful, Diana.” Sabi ng isa. “Pero simple lang ang wedding dress mo. Bagay sa isang janitress na kagaya mo.”
Nagtawanan ang dalawa niyang kasama.
"Patricia!" saway ni Chloe, pero halatang natutuwa rin siya sa sinabi ng kaibigan.
"What! I'm just saying..."
Muling tumingin sa akin si Patricia. Kahit gusto ko siyang sampalin ngayon, pero pinigilan ko lang ang sarili ko.
Ilang minuto pa, nagsalita na ang judge para sa pagsisimula ng seremonya. Nagkaroon ng katahimikan sa loob ng silid. Habang ako nama’y abala sa pag-iisip sa susunod kong gawin.
Makalipas ang ilang sandali, natapos na rin ang seremonya. “Mr. Baltazar, you may now kiss your wife.” Anang judge.
Wife? Lihim akong napairap. Kahit kailan hindi ako magiging asawa ng walanghiyang lalaking ‘to! Para nga akong masuka nang dumampi ang labi niya sa labi ko.
********
Sa Luxury Hotel ginanap ang reception ng kasal kuno namin ni Cedric. Ang nakakatawa, buong akala ng lahat si Cedric ang gumastos para rito. Hindi nila alam na pera ko mismo ang ginamit sa lahat ng paghahandang ito at inutusan ko lang si Chloe para akuin ‘yon.
“Ang swerte mo naman Diana.” Wika na naman ng isa sa mga kaibigan ni Chloe. “Hindi ka lang nakabingwit ng magandang lalaki, kundi may maayos na trabaho pa. Hindi biro ang makapag-asawa ng manager, lalo na kung isa ka lang janitress."
Nagpalitan ng tingin ang tatlo bago nagkatawanan.
"True! Hindi naman kasi sila bagay ni Cedric. Look at him, he's a successful man. Samantalang siya, hanggang paglilinis lang ng sahig at inodoro ang alam."
"Girls, please!" saway ni Chloe.
Playing hero ang bruha!
Ganito din ang eksena dati, hinamak din ako ng mga kaibigan niya. At pinalalabas niyang siya ang hero ko at tagapagtanggol kahit ang totoo, lihim din naman niyang nagustuhan ang pamamahiyang ginawa ng mga kaibigan niya sa akin. The audacity!
"Don't worry, Chloe. It's fine," mahinahon kong sagot. "Wala naman akong nakikitang mali sa pagiging janitress."
Sandaling natahimik ang mga ito.
"Well, that's good," sagot ni Patricia. "At least, hindi ka maarte."
Napangiti ako kahit gustong-gusto ko ng sabunutan ang babaeng ito. Sa sandaling ‘yon dumating si Tristan. Hindi ko inaasahang pupunta siya. Marahil inimbita ni Cedric, kasi boss niya ito.
Napalingon ang lahat. “Sino siya?’’ tanong ni Patricia.
Biglang sumilay ang malawak na ngiti sa labi ni Chloe nang makita si Tristan. Masigla niya itong sinalubong, dahilan upang magpalitan ng tingin ang mga kaibigan niya.
“Chloe, sino siya?” usisa ni Patricia.
“Siya si Tristan Robles, CEO ng DG Global Tech,” pakilala niya.
Magalang na ngumiti si Tristan bago ibinaling ang atensiyon sa akin. “Diana, are you okay?”
Bahagyang natigilan ako sa tanong niya, ngunit agad ding nakabawi.
“Magkakilala kayo?” singit ni Patricia. Halatang nagtataka siya. “Paanong nagkaroon ng kakilalang CEO ang isang janitress na katulad mo?”
Sandali akong natigilan. Hindi ko inaasahang iyon agad ang itatanong niya. Ngunit sa halip na magpaliwanag nang mahaba, pinili kong magkunwaring nahihiya. “Uhm, nagtrabaho kasi ako noon bilang kasambahay sa pamilya nila.”
Umangat ang isang kilay ni Patricia. Maging ang iba pa niyang kasama ay tila nagkaroon ng bagong dahilan para pagtawanan ako.
Bahagyang kumunot ang noo ni Tristan sa naging sagot ko. Marahil ay hindi niya inaasahan na iyon ang sasabihin ko. Saglit kaming nagkatitigan, at sa mga mata niya, nababasa ko ang tahimik na pangakong hindi niya ako hahayaang mapahiya.
“Napakas’werte mo naman pala, Diana,” muling banat ni Patricia, sabay ngising puno ng pangungutya. “Sino ba namang mag-aakalang mula sa pagiging kasambahay, naging janitress, at ngayon ay asawa na ng manager ng isa sa pinakamalaking kumpanya? Ang galing! Parang ang sarap tuloy maging janitress. Malay mo, makapag-asawa rin ng manager!”
Sabay-sabay na nagtawanan ang mga kaibigan ni Chloe.
“Girls, excuse me,” mahinahong awat ni Tristan, ngunit seryoso ang ekspresyon niya nang muli siyang magsalita. “You may see Diana as nothing more than a janitress, but to me, she's someone precious. Someone who deserves respect, more than any of you could ever understand.”
Hindi ko napigilang mapalunok sa sinabi niya. Hindi ko inaasahang ipagtanggol niya ako nang ganoon.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ngunit hindi lang ako ang naapektuhan sa mga salitang iyon. Sa gilid ng paningin ko, napansin ko ang mariing pagkuyom ng kamao ni Cedric. Halatang hindi niya nagustuhan ang narinig.
DIANAAraw na ng kasal namin ni Cedric. It was a civil wedding katulad noon. Pero ang hindi nila alam, it was a fake wedding. Alam na rin nina Mommy at Daddy ang plano ko, kaya sinuportahan lang nila ako.Napailing ako at inayos ang pagkakahawak sa bouquet na nasa kandungan ko. Suot ko ang isang puting bestida, gaya ng isinuot ko noon. Pero ang kaibahan lang ngayon ay hindi na ako masaya. Kung noon, excited ako sa kasalang ito, but now, wala akong ibang hangad kundi maghiganti.Katabi ko sa upuan si Cedric, habang naghihintay sa pagdating ng officiating judge. Naroon na ang pamilya niya at malalapit niyang kaibigan."Diana, okay ka lang ba?” tanong niya.Tumango ako bilang pagtugon. “Uhm, excited lang ako.”“Ako rin naman, honey.” Sagot niya at mahigpit na hinawakan ang kamay ko.“Diana!”Napalingon ako nang bumukas ang pinto. Bumungad sa akin si Chloe na may malawak na ngiti sa labi. Nakasuot siya ng isang eleganteng damit na bagay na bagay sa kanyang katawan.Narito na ang female v
DIANAHindi ako makapaniwala sa impormasyong ibinigay sa akin ni Tristan. Chloe was Cedric’s ex-girlfriend. Napaisip ako habang pinagtagpi-tagpi ang mga pangyayari.Hindi talaga ako minahal ni Cedric. Alam niyang bestfriend ko si Chloe at para mapalapit siya rito, nagpanggap siyang interesado sa akin. Walanghiya ka talaga, Cedric!Biglang nag-ring ang cellphone ko, at ang demonyong lalaki ang tumatawag. But of course, I had to play along para sa paghihiganti ko. Tumikhim ako bago sinagot ang tawag."Hello, honey.” Pinilit kong gawing malambing ang boses ko kahit gusto ko nang murahin ang lalaking nasa kabilang linya.“Hi, hon! What are you doing?”“Wala naman. Nagpapahinga lang.”"Ah okay. Nandito ako sa opisina. Katatapos lang ng meeting namin with the mid-management.”Napangiti ako nang mapait. How sweet! Kung hindi ko pa nalaman ang katotohanan, siguradong matutuwa ako sa simpleng tawag na ‘yon. Nagtatrabaho si Cedric bilang department manager sa kumpanya namin. Doon ko siya nakila
DIANA“Go ahead, Diana. Anong sasabihin mo?”Bago ko pa maibuka ang aking bibig, biglang bumukas ang pinto.“Diana!”Napalingon ako sa pamilyar na tinig mula sa may pintuan.Nakatayo roon si Chloe, ang matalik kong kaibigang nagtraydor sa akin sa first life ko. Bumangon ang matinding galit sa puso ko nang makita siya. Pero kailangan kong pigilin ang sarili ko. “Oh! You're here, Tristan!” masigla niyang bati nang makalapit sa amin.Bahagyang tumango si Tristan. "Hi, Chloe."“Hello, Tristan. Kumusta?"“I'm fine.”"That's good!" Ngumiti si Chloe bago naupo sa bakanteng upuan sa tabi ko. "I didn't know you'd be visiting Diana today.""May kailangan lang kaming pag-usapan tungkol sa trabaho," maikling sagot ng lalaki."Ah, I see."Sandaling natahimik si Chloe bago muling nagsalita. "By the way, Tristan, how's the company? I heard there's a new project coming up.""Maayos naman ang lahat.""Mabuti kung gano'n."Napansin kong pilit na pinahahaba ni Chloe ang usapan, ngunit halatang hindi in
DIANADahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Napatingin ako sa paligid. Hindi ito ang malamig na semento kung saan ako nakahandusay matapos akong mabangga ng isang sasakyan. Sa halip, pamilyar na mga kurtina, muwebles, at kulay rosas na kumot ang bumungad sa akin. Hindi ako maaring magkamali, nasa sariling kwarto ako ng bahay namin. Napakurap ako ng ilang beses at baka nananaginip lang ako. “Buhay pa ba ako?” mahina kong usal sabay kurot sa pisngi ko. Napatingin ako sa kalendaryong nakasabit sa dingding ng kwarto ko. Taong 2021. Mas lalo akong nagulat nang malaman ko kung anong buwan at petsa ‘yon. Saktong tatlong araw bago ang kasal namin ni Cedric. Napatakip ako sa bibig when I realized I was reborn.“Diyos ko, maraming salamat po!” Maluha-luha kong sambit sa sarili, habang pilit na binabalikan ang lahat ng mga pangyayari; ang ginawang pagpapahiya, pananakit at pagtataksil sa akin ni Cedric at ng traydor kong kaibigan. “Pagbabayaran ninyo ang lahat ng ginawa ninyo sa akin!” Ma
DIANAThud!Sunod-sunod na bumagsak sa harapan ko ang ilang litrato na mariing inihagis ni Cedric."Care to explain this, Diana?"Napatingin ako sa mga larawang nagkalat sa sahig. Nang makita ko ang mga ito, para akong binuhusan ng malamig na tubig.Ako iyon.Walang saplot sa katawan habang nakahiga sa kama, kasama ang isang lalaking hindi ko kilala. Hindi ko alam kung bakit merong gano’ng larawan. Wala akong matandaan. Walang lalaking gumalaw sa akin. Ni wala pang nangyari sa amin ni Cedric mula nang ikasal kami."H-Hon..." nanginginig kong sambit.Hindi ko namalayang biglang natahimik ang buong sala. Ang masayang k’wentuhan at tawanan kanina ay napalitan ng bulungan. May ilang bisitang napahawak sa bibig habang ang iba naman ay napailing nang makita ang mga litrato sa sahig."Manloloko ka Diana!” Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko. “Kaya pala gayon na lamang ang paghahandang ginawa mo sa birthday ko. Akala mo yata kayang takpan nito ang kataksilan mo!”Napatingin ako sa







