Share

Refuse To Divorce: In The Arms Of  Ruthless Billionaire
Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire
Author: Epiphanywife

Prologue

Author: Epiphanywife
last update Last Updated: 2024-08-20 15:11:55

Pagod galing sa biyahe si Felix mula sa pakikipagusap sa mga bagong ka merge sa bago niyang business at hindi pa rin nawawala ang inis ibya sa biyanan sa ginawa nito ng lingid sa knayang kaalaman.Bagamat sinabi ng kanyang asawa na wala itong kinalaman sa naging hakbang ng ama ay hindi niya ito pinaniwalaan.

Kaya kahit sana maaari na siyang umuwi sa ikalawang araw ay mas pinili ni Felix na umuwi sa ikatlo at magpalipas sa kanyang suites sa isang hotel na pagaari din naman niya. Kinabukasan pagpasok niya sa opisina ay nakatawag ng pansin sa kanya ang isang folder na nakapatong sa kanyang lamesa.

Ikinagulat at ikinakuyom ng mga kamao ni Felix nang makita ulit ang folder na nasa ibabaw ng table sa kanyang opisina. Sa pagkakatanda niya, matagal na ito doon.

Naging abala siya nang sobra nitong nakaraang buwan kaya hindi niya pinagtuunan ng pansin. Pagbuklat niya ay divorce paper iyon mula sa asawa ngunit ang ikinakunot ng noo ni Felix ay ang dahilan o ground ng diborsyo na nakakabilog pa ng pulang ballpen.

“What? Ako? May deperensya at hindi magampanan ang pagiging asawa. What the fuck is this?” saad niya nang makita ang dokumentong isinumete ng kanyang asawa.

Gigil na nilamukos ni Felix ang divorce paper at saka galit na lumabas ng opisina at sumakay ng kanyang kotse, galit na galit na pinasibad ang sasakyan upang harapin ang asawa.

How long has it been that he suffering. Iniisip ba talaga ng babaeng iyon na ganun lamang kadali ang matakasan ang kasalana nito.

Eto pa ngayon ang may ganang humingi ng diborsiyo mataspos nilang gawign impiyerno ang buhay ko. Matapos nila akong itali sa kasal na ito.

"Hindi.. Hindi niya papayag. Hinding hindi siya papayag na basta na lamang takasan ng babaeng iyon ang lahat ng kanyang galit. Hindi niya hahayaang maging masaya ang babaeng iyon lalong lalo na ang pamilya nito" gigil na sabi ni Felix.

Ipinikit ni Felix ang mga mata at napatingala sa kesame ng kanyang opisina. Hindi niya maipaliwanag na maliban sa galit ay mas matindi ang kirot ng dibdib niya.

Hindi matanggap ng ego niya na iiwan siya ng babae. Sa pagpikit na iyon nng mga mata ni Felix ay nakita niya ang larawan ni Yuna.

Magaganda ang mga ngiti ng babae at malalantik ang pilik ng nakakaakit na mga mata. Ang isang malalim na dimples nito sa kaliwang pisngi ay nageenganyo ng nakakapanabik na gabi.

Pero kinilabutan si Felix at napakuyom lalo ang mga kamao dahil ang kaninang nakakaakit na ngiti ay naging nakakasuklam na halakhak. Isang nakakapatid ng katinuang tawa ng isang babaeng bitbit ang maleta habang iniiwan ang isang lalaking kamukha niya.

"Hindi...!! Hindi maari. Hind maaari….! " sigaw niFelix ng idilat na ang mga mata.

________

Samantala...

Bitbit naman ang kanyang ilang personal na kagamitan ay nilisan ni Yuna ng umagang iyon ang mansion ng mga Altamirano. Balak subukan ni Yuna ang magsimula ulit ng mag-isa.

Pero hindi pa man nakakalayo sa lugar ng dating asawa ay isang sasakyang itim ang huminto sa gilid niya. Nagulat siya nang biglang may humatak sa kanya at ipinasok siya sa loob ng kotse. Hindi na ikinagulat ni Yuna na si Felix ang humablot sa kanya at pinauoo siya sa tabi ng driver seat.

“Ayon sa papeles na nakarating sa akin, ako raw ay walang silbi sa kama. Pwes gusto kong alamin kung totoo nga iyan at ikaw lamang ang gusto kong makaalam ng mga bagay tungkol dyan. Handa ka na bang patunayan sa korte na wala akong silbi sa kama?" nakangising sabi ni Felix na ikinakilabot ni Yuna.

Mahigit isang linggo na rin nang ilatag niya ang divorce paper nila. Ibig bang sabihin ay ngayon lang ito nabasa ni Felix? Naisip ni Yuna. Matapos niyang umalis ng mansyon gamit ang konting pera ay sinikap ni Yuna na magsimula ulit.

Naging interior designer siya sa isang housing firm at naging kilala sa larangang iyon. Ngayon ay halos ‘di mabilang ang lalaking nagpaparamdam at umaaligid-aligid sa kanya, bagay na lubha naman ikinagalit iyon ni Felix.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Enirehtac Beltran Mahumas
nice story
goodnovel comment avatar
Madam Ursula
ganda nito sakit sa bangs
goodnovel comment avatar
GNLover
interesting story!
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 577: Walang Imposible Basta Hindi Mo Ako Itataboy

    Nawala ang ngiti sa mukha nito, at ibinaba niya ang kanyang mga mata at sinabing, "Ayoko nang may utang sa iyo." Giit ni Yuna. Kung nakinig siya sa kanya sa oras na iyon, makonsensya kaya si Felix gaya ng nararamdaman niya ngayon?Biglang humigpit ang pagkakahawak ni Felix sa bote ng gatas, hindi masabi ang sakit sa kanyang puso. Itinikom ng mariin ang kanyang labi at lumalim lalo ang mga mata,Mula ngayon, ipagluluto na kita araw-araw, at unti-unti kitang tutulungan na makabangon. Balang araw, magagawa mo na ring tumingin sa kain ng walang poot Yuna." sabi ni Felix.Ibinaba ni Yuna ang kanyang ulo, itinatago ng kanyang buhok ang emosyon sa kanyang mga mata. Mahina niyang sinabi, "Imposible yan, Felix, napakahirap niyan sa pagitan natin.""Walang imposible Yuna, Basta hindi mo ako itataboy."Pinagmasdan niya ang mukha ng magandang babae na nakatago sa mahaba nitong buhok, at hindi niya napigilang abutin ang buhok nito para hawiin at iipit sa tenga nito.Hidi rin napiliglan ni Felix

  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 576 : Gusto Kong Araw-araw Pagbayaran Ang Lahat

    Sapilitang inilagay ni Felix ang kanyang amerikana sa mga balikat ni Yuna at mahinang sinabi, "Suotin mo ang sa akin, at isusuot ko ang kay Shen."Si Yuna ay hindi na nakipagtalo pa, wala siyang lakas na makipagtalo sa kanya, kaya hindi siya nagsalita. Ngayon ay nasa delivery room si Myca, nagaalala ang kanyang puso, at wala siyang balak na makipag away ngayon.Matagal ang naging paghihintay at ang lahat ay balisa. Bandang alas-tres ng umaga, nainip na si Yuna kaya nagtanong na siya."Kamusta si Myca? Hindi pa ba siya nanganganak tatlong oras na." tanong niya kay Shen.Tumawag naman si Shen sa loob ng. Delivery room para magtanong at napangiti ito,"Nanganganak pa siya." Balita nito.Tunay na naunawaan ni Yuna ang hirap ng panganganak para sa mga babae at bumuntong-hininga siya.Alas-siyete ng umaga na nang sa wakas ay lumabas ang nurse para ibalita ang magandang balita,"Nanganak na ho si Miss Myca, Miss Yuna at isang napakaguwapong lalaki ang anak niya. Ang oras ng kapanganakan ay

  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 575 : Nais Kong Sumama Sa Delivery Room

    Habang nagmamaneho, nanatili siya sa telepono kasama si Felix, hinihintay ang anumang balita sa kalagayan ni Myca.Sa mga resulta ng digital examination ay napagalamang mahigit na sa dalawang daliri ang pagkakabuka ng cervix ni Myca. Handa na ito para sa epidural injection. Inayos ng doktor ang isang anesthesiologist na mag-iniksyon. Nanatili si Yuna kasama ni Myca hanggang sa delivery room.Sa lahat ng sandali, ang kanyang mga mata ay namumula at ang kanyang mga paa'y nanlalambot. Siya ay natakot din. Nang makita ang desperado na kalagayan ni Myca, nag-aalala siyang baka may mangyari sa kanya. Ngunit si Myca ngayon ay mahina at kailangan ng karamay kaya naisip ni Yuna na kailangang niyang maging malakas at determinado na bigyan din ng lakas si Myca.Paulit-ulit niyang sinasabi, "Myca, huminahon ka.Huminga ka ng malalim. Kailangan mong i-conserve ang iyong lakas para sa panganganak." Nang dumating si Sandro, maalikabok siya at magulo ang buhok, ngunit sa kabila nito, napakagwapo p

  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 574 : Ang Pag labor Ni Myca

    Mabilis namang dumating ang mga doktor at agad na inasikaso si Myka. Ang doktor mismo ang nagpatunay at kinumpirmang kasalukuyan na ngang naglalabor ito."Miss Myka, huwag kang sumigaw kapag humihilab ang iyong tiyan. Manghihina ka kasi nito at agad na mapapagod. Ang pinakamabisa mong gawin ay ang huminga nang malalim at pagkatapos ay pakiramdaman ang iyong sarili. Ingatan mo ang iyong lakas at ireserba mo ito mamaya sa iyong panganganak." Payo ng doctor."Pasensya na, Dok, hindi ko mapigilan, ang sakit talaga," sabi ni Myka na gumugulong-gulong na sa sakit sa kama.Parang sumisikip ang kanyang tiyan na para bang may humihila sa kanya na parang may naninigas na hindi niya malaman kung siya ba ay maiihi o madudumi sa sakit. Hinawakan naman siya ng doktor at ang isang nurse na naroon."Miss Myka, huwag kang gumalaw baka kasi mapasama ang iyong tiyan. Huminga ka nang malalim, kumapit ka na lamang dito sa gilid ng kama at samahan mo ng dasal."Napaluha si Myka sa sakit na nararamdaman. Hi

  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 573:Ang Pagbalik Ni Sandro

    "Hipag." Nakangiting tawag sa kanya ni Shen .Tumango si Yuna.Napangiwi sa ilang dahil hanggang ngayon ay hipag pa rin ang tawag nito sa kanya. Lumapit si Yuna kay Shen at bumulong."Doktor Shen, bakit may dalawang doktor? Masams ba ang lagay ni Myca?""Hindi, hipag, mali ang pagkakaintindi mo. Itong dalawang ito ang head of obstetrics. Pinatawag sila ni Kuya Felix pabalik para magtrabaho ng overtime. Sila ang mga pinaka magagaling na doctor Yuna at nandito sila para makita si Myca."sabi ni Doc Shen, nanlaki ang mata ni Yuna sa narinig."Gabi na kase Yuna, at karamihan sa mga specialista ay nakauwi na, kahit nga ako ay nakauwi na tinawagan lang din ako ni Kuya Felix dahil ayaw daw niya sa General Doctor lang. Sila ang magaasikaso sa panganganak ng kaibigan mo mamaya."Hindi naiwasan ni Yuna ang mamangha sa mga ginawa ni Felix na halos istorbuhin pa ang lahat ng kakilala.Bagama't hindi niya kailanman pinagdudahan ang kakayahan ni Felix , hindi niya inaasahan na magiging ganoon ito ka a

  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 572 : Medyo Nagbago Ang Pananaw Kay Felix

    "Ano bang abala ang sinasabi mo?anong kalokohan yan Myca?" Hindi nagustuhan ni Yuna ang kanyang mga sinasabi, at pinagalitan pa si Myca."Nag abroad si Sandro para tulungan akong harapin ang mga bagay na personal. Ngayong wala siya sa bansa, dapat kitang alagaan. At saka, hindi ba nagkasundo tayo na kapag ipinanganak ang iyong anak, ako ang magiging ninang ng iyong sanggol." sabi pa ni Yuna."Oo nga, basta salamat pa din.""Madam narito na ang ambulansya." sabi ni Yaya kay Myca."Yuna, nandito na ang ambulansya, paki sabi kay Felix na salamat, ibaba ko na itong phone."Sige aabangan ka namin dito." Ang tunog ng ambulansya ay narinig pa ni Yuna sa telepono bago ibinaba ni Myca. Kahit papapano nakahinga ng maluwag si Yuna. Wala pang kalahating oras ay dumating na ang ambulansya. Si Felix mismo ang nagsabi na sa hospital nina Felix dalhin si Myca."Dumating na ba si Myca? Nasaan siya?" tanong ni Felix sa nurse habang naglalakad sila papasok ng ospital. Dahil dala ng ambulansya ay dener

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status