Chapter 4
Maagang-maaga, dinala ni Sunshine ang labi ng kanyang ama sa crematorium.
Mag-isa siya. Walang kasama kundi si Larry.
Siya mismo ang kumuha ng number at pumila. Habang ang ibang pamilya ay may kasamang sasakyan at mga kamag-anak, siya, wala.
Tahimik lang si Sunshine habang naghihintay. Walang luha. Lagi kasing sinasabi ng tatay niya:
“Crying is a weakness, Sunshine.”
“Number 4, say your final goodbyes. Ready for cremation,” tawag ng staff.
Nilapitan niya ang kabaong, huling beses tiningnan ang mukha ng ama. Tapos, siya na mismo ang nagtulak papasok sa loob.
Sa isang iglap, ang taong mahal niya, naging abo na lang.
Pagkatapos, si Larry ang kumuha ng urn. Pinili nito ang pinakamahal na white jade jar.
“May lote na tayo sa sementeryo. Tara na,” sabi ni Larry.
Umiling si Sunshine. “Gusto ko sa bahay siya. Sa ilalim ng narra tree. Gusto rin ni Dad doon.”
Biglang umulan nang papauwi na sila. Nang makarating sa bahay nila, huminto na ang ulan.
Tahimik at luma na ang bahay. May sariling bakuran, napapaligiran ng pader.
Pagpasok, naglinis si Sunshine. Sinabit ang picture ng tatay niya. Tapos inilabas ang urn at inilagay sa ilalim ng malaking puno ng narra.
Kumuha siya ng pala. Naghukay. Pero bago siya matapos, biglang pumasok ang isang bata sa bakuran. Doon din nagsimulang umulan muli.
“Sunshine!” sigaw ni Daryl. “Sabi ni Mommy Felisa punta daw ako dito para makita si Grandpa. Pero sandali lang ako rito! Ayoko dito, ang baho!”
Kasama ni Daryl si Felisa. May hawak itong payong. Elegante pa rin.
Napangiti si Sunshine, pero mapait. Dati niya itong kaibigan. Ngayon, kaaway.
Matagal silang naging close noon. Pero ngayon... ganito na sila.
“Get out of my property, Felisa,” mariing sabi ni Sunshine. “Huwag mong dumihan ang lugar ng tatay ko.”
“Bakit? Tumira rin ako dito dati, remember?” sagot ni Felisa. “Nasaan si Ninong? Miss ko na siya!”
Umatras na si Sunshine, pero mabilis lumapit si Felisa, akmang papasok sa bahay. Pinigilan siya ni Sunshine.
“I said, get out!”
Nagalit si Daryl at masamang tumingin sa ina. “Don’t hurt my Mommy Felisa! You already hurt Daddy, now you want to hurt her too!”
Pagkatapos ay kinagat ni Daryl ang kamay ni Sunshine.
Nasaktan si Sunshine at mas lalong napaatras. Sa gulat, naitulak niya ang bata. Nadapa si Daryl at tumama ang ulo sa bato na nasa gilid, duguan ang noo.
“Sunshine, are you crazy?!” sigaw ni Felisa. Sumugod gamit ang walis na nakuha sa kung saan. Pero nasalo ni Sunshine ang walis at sinampal si Felisa.
“Aaah! Daryl, help me!” iyak ni Felisa.
Sa galit ni Daryl, binato niya ng urn na nasa gilid si Sunshine.
Tumama sa likod ni Sunshine ang urn at nahulog sa lupa, basag na. Tumapon sa putikan ang abo ng ama ni Sunshine. Unti-unti iyong tinangay ng tubig ulan.
“Hindi!” sigaw ni Sunshine.
Agad niyang dinampot ang urn. Sinubukang isalba ang abo gamit ang mga kamay. Pero kalahati lang ang nakuha niya.
Ang kalahati… nawala na.
Paglingon niya, nandoon sina Felisa at Daryl, nakasilong sa puno.
Basang-basa si Sunshine. Nanginginig. Pero mas matindi ang galit sa mga mata niya.
“Daryl, come here!” galit na sigaw niya. “Hindi mo ba alam kung anong ginawa mo?!”
Hinabol niya si Daryl. Pinalo gamit ang hawakan ng walis.
“AHHHH! Mommy Felisa! Help me!” Umiiyak si Daryl, takot na takot kay Sunshine.
Si Felisa? Hindii lumapit. Imbes na tumulong, nag-video siya. Perfect evidence ito para lalong idiin si Sunshine, lihim niyang ngisi.
“Sunshine! Stop it! Are you insane?!” Biglang dumating si Angelo. Basang-basa.
Agad niyang inagaw si Daryl pero nasapul din siya ng palo sa braso.
Namula ang balat niya at nasaktan din. Napatitig siya kay Sunshine.
Ang babaeng dati niyang minahal... parang di na ito ang dati.
'This woman… has completely lost her mind.'
Nanginginig si Sunshine, maputlang-maputla, parang wala na sa sarili. Namumula ang mata niya, galit at sakit ang nararamdaman.
Takot na takot si Daryl. Umupo siya sa lupa, nakatingin lang sa nanay niya.
“Mommy…?” mahina nitong sabi.
Gusto na sanang itulak ni Angelo si Sunshine, pero nauna ito. Nagpalitan sila ng atake.
Magaling si Sunshine sa taekwondo, pero si Angelo ay dating sundalo. Malakas. Sa huli, nasukol niya si Sunshine at saka siya malamig na nagsalita.
“Sunshine, he’s your child! Gusto mo ba siyang patayin? How could you hurt him?!”
Pero parang hindi siya narinig ni Sunshine. Nanginginig ang kamay niya, tumitig kay Angelo.
“You… and that child, the biggest mistake of my life!”
“Seriously? You say that in front of him? You’re not a good mother. No wonder we hate you,” sagot ni Angelo.
Tahimik sa gilid si Felisa, pero may ngiting hindi maitago.
“Sunshine,” pakunwaring nag-aalala si Felisa. “You called us yesterday. Sinabi mong gusto mong makita ni Daryl si Grandpa. Now that we’re here, sinaktan mo siya. Kahit nasira yung urn, still… you're his mom. You should’ve controlled yourself.”
Lumalalim ang galit sa mata ni Sunshine. “Felisa, lumayas ka sa bahay ko!”
Nagulat si Felisapero hindi umalis. “I have the right to be here. This was my home too!”
Karga si Daryl, pumasok si Felisa sa bahay.
Pero pagpasok niya, nakita niya ang altar, may larawan ng matanda, puting tela, kandila, at insenso.
Napasigaw siya, “AAAAHHHH!”
Napatakbo palabas si Felisa.
Sumunod si Angelo. Pagkakita niya sa altar, natigilan din siya.
“Sunshine… your father’s gone?”
Umiiyak si Sunshine, humagulgol habang masama ang tingin sa kanila. “Lumayas kayong lahat! Alis! Hindi ko kayo kailangan!”
Nagsimulang maghagis siya ng mga bote ng alak. Tumalsik ang bubog. Lumuhod siya at sinimulang tipunin ang natirang abo sa putik. Dumating si Larry. Napansin niya ang sirang urn.
“Sino ang bumasag ng urn?!”
Hindi makapagsalita si Angelo. Tinuro ni Felisa si Daryl. “Nadapa siya. Aksidente lang ang lahat!”
Galit na galit si Larry. Sinuntok niya si Angelo.
“Hayop ka! Dahil sa’yo, pati ama ni Sunshine, namatay sa sama ng loob!”
Natahimik ang lahat. Biglang lumapit si Felisa, sumigaw: “Bakit mo siya sinaktan?! Si Sunshine ang may mali!”
Pero biglang hinila ni Larry si Felisa, sinabunutan at sinalya sa pader.
“AHHH!” tili ni Felisa.
Bumulong si Larry kay Felisa. “Gusto mong mamatay ngayon? Huwag mo akong subukan.”
Takot na takot si Felisa. Hindi siya makagalaw. Susugod na sana si Angelo para kay Felisa pero pinigilan siya ni Sunshine.
“Umalis kayo! Lahat kayo! You ruined my father’s peace. Ako si Sunshine. Tandaan ninyo ‘yan. I will never forget this!”
“Larry, paalisin mo sila.”
Tahimik lang si Larry. Hinila niya palabas si Felisaat itinapon sa labas. Tumumba ito sa putik.
Hindi siya tinulungan ni Angelo. Tahimik lang itong nakatayo sa ulan.
“Angelo! Si Daryl… nawalan siya ng malay!”
Nagulat si Angelo. Binuhat niya ang anak at tumakbo papunta sa kotse. Sumunod si Felisa.
Si Sunshine? Nakaluhod pa rin, hawak ang putik, walang emosyon. Umuulan pa rin.
Nang tumila ang ulan, may bahagharing lumitaw. Tumayo si Sunshine, hinukay ang lupa sa ilalim ng punong narra at inilibing ang natirang abo.
“Dad… you can see the rainbow from here. From now on, this is your home. When everything’s done… I’ll follow.”
Pagkasabi noon, hinimatay siya sa lupa. Agad siyang binuhat ni Larry papunta sa ospital.
*
Ospital…
Sabi ng doktor, si Daryl ay nawalan lang ng malay dahil sa takot. Namaga lang ang puwet niya, walang seryosong pinsala.
Si Felisa naman, may pasa sa noo. May band-aid siya habang panay ang reklamo.
“Grabe si Sunshine. Anak niya, sinaktan niya. Kahit nabasag yung urn, bakit kailangang bugbugin ang bata?”
Tahimik si Angelo. Nakatayo sa bintana, nag-iisip. Basa ang buhok, seryoso ang mukha.
“Lalabas muna ako. Bantayan mo si Daryl,” sabi niya kay Felisa. Hindi siya lumingon.
Galit na galit si Felisa. “Ako ang kasama mo for two years. Ako ang nag-alaga sa inyo. Pero siya pa rin ang iniisip mo?!”
Sa inis, nag-selfie siya ng sugat niya at nag-message sa ninang.
[Ninang, something happened. Binugbog ako ni Sunshine. Nasa ospital kami ni Daryl!]
Chapter 5Nasa isang event si Mrs. Manuel sa Azure City, suot ang mamahaling damit. Ilang araw na rin siyang kasama ni Mr. Manuel para sa mga party at meetings. Kilala siya bilang mabait at matulungin, lalo na sa mga mahihirap.Pero nang makita niya ang picture na sinend ni Felisa, may sugat sa noo, nagbago agad ang mukha niya. Tumawag siya kay Felisa."What happened? Nasaan si Daryl?!"Sumagot si Felisa. "Kagabi bumalik si Sunshine sa Azure City. Siya pa ang tumawag kay Angelo para makita ni Daryl ang lolo niya. Pero ngayon, bigla siyang nagalit, sinaktan ako, at sinaktan din si Daryl. Nasagi ni Daryl ‘yung urn, nabasag. Nawala sa sarili si Sunshine. Parang gusto niyang patayin si Daryl dahil sa galit."Galit na galit si Mrs. Manuel nang marinig iyon. "Anong klaseng babae ‘yan? Gusto n’yang saktan ang apo ko?! Hintayin mo ako. Dapat siyang maturuan ng leksyon!"Noong una, ayaw niya kay Sunshine at Daryl. Pero mula nang halos mamatay si Angelo, nagbago ang isip niya, gusto niyang si
Chapter 4Maagang-maaga, dinala ni Sunshine ang labi ng kanyang ama sa crematorium.Mag-isa siya. Walang kasama kundi si Larry.Siya mismo ang kumuha ng number at pumila. Habang ang ibang pamilya ay may kasamang sasakyan at mga kamag-anak, siya, wala.Tahimik lang si Sunshine habang naghihintay. Walang luha. Lagi kasing sinasabi ng tatay niya:“Crying is a weakness, Sunshine.”“Number 4, say your final goodbyes. Ready for cremation,” tawag ng staff.Nilapitan niya ang kabaong, huling beses tiningnan ang mukha ng ama. Tapos, siya na mismo ang nagtulak papasok sa loob.Sa isang iglap, ang taong mahal niya, naging abo na lang.Pagkatapos, si Larry ang kumuha ng urn. Pinili nito ang pinakamahal na white jade jar.“May lote na tayo sa sementeryo. Tara na,” sabi ni Larry.Umiling si Sunshine. “Gusto ko sa bahay siya. Sa ilalim ng narra tree. Gusto rin ni Dad doon.”Biglang umulan nang papauwi na sila. Nang makarating sa bahay nila, huminto na ang ulan.Tahimik at luma na ang bahay. May sari
Chapter 3Paglabas ni Sunshine ng bahay, tinawagan na niya sana ang online taxi. May kotse sa villa, pero hawak ng driver ang susi, at ayaw na niyang makiusap pa kay Angelo.Biglang may tumawag sa pangalan niya. “Sunshine!”Paglingon niya, may itim na Mercedes-Benz sa ilalim ng puno. Bumukas ang pinto at lumabas ang isang lalaki, nakaitim na shirt, naka-gold glasses, at may gentle na ngiti.“Larry?” gulat na tanong niya. “How did you find me?”“Sorry, I didn’t know you’re getting out today. You should’ve told someone para nasundo kita. But anyway, congrats! You’re finally free. Come here, give me a hug.”Napangiti si Sunshine at niyakap siya. “Thank you.”Tahimik lang si Angelo na bagong dating. Nakita niya ang yakapan ng dalawa. Si Larry, nagtaas pa ng kilay, parang sinasabi sa gawi ni Angelo: “She’s mine now.”Pag-alis ni Angelo na walang kahit anong sinabi, hinaplos ni Larry ang buhok ni Sunshine. “You're skinny. You should eat more. Also, sasamahan na kita sa ospital. Alam kong p
Chapter 2Lumapit si Felisa, kita ang pekeng concern. “Don’t worry, Lola,” sabi niya kay Lola Luz. “Matagal nang di magkasama si Daryl at Sunshine, kaya normal lang ‘yung reaction niya.”Kinarga niya si Daryl, parang siya pa ang tunay na nanay kaysa kay Sunshine. Umiiyak si Daryl habang nakayakap kay Felisa. “Ayoko sa kanya! Bad kayo! Sinira n’yo birthday ko!”Nagalit si Lola Luz lalo. “Birthday? So pwede ka na maging bastos? Anak ka niya! Wala kang karapatang maliitin ang nanay mo.”Hinarap niya si Felisa. “Nagpasalamat na ako sa tulong mo noon. Pero pagpapalaki ng bata? Miss Felisa, this is our family business. Ibigay mo ang bata.”“Ayoko po,” sagot ni Felisa. “He’s scared. It’s his birthday, baka ma-trauma si Daryl.”Pumagitna si Angelo. “Okay, stop. Calm down everyone.”Pero matigas si Lola Luz. “Ayoko! Kailangan matutunan ni Daryl ang respeto. Ibigay mo siya ngayon, Felisa. Kung ayaw mo, i-cancel na ang party.”Sinimulang paalisin ng mga assistants ang mga bisita. Tahimik lang
Chapter 1 Sa araw ng paglaya ni Sunshine mula sa kulungan, birthday ng anak niyang si Daryl.Pero walang sumundo sa kanya. Wala si Angelo, pati anak niya, hindi rin dumating.Ang dalawang pinakamalapit sa kanya, pakiramdam niya, wala man lang pakialam kung buhay pa ba siya o hindi.Mainit ang araw, pero nanlalamig ang buong katawan ni Sunshine. Nagkamali siya sa taong minahal at pinakasalan. At ang naging kapalit, nakulong siya.Pagkatapos ng halos dalawang taon sa kulungan, patay na ang dating Sunshine na naniniwala sa pag-ibig na pang habambuhay. Ngayon, gusto lang niya ang anak niya... at hustisya para sa sarili. ---Isang oras ang lumipas, nakarating siya sa bahay nila, Magenta Villa.Hindi na gumana ang fingerprint lock. Kinabahan siya. Pinindot ang doorbell. Nang buksan ng katulong, nagulat ito.“Diyos ko! Ikaw na murderer! Bakit ka nakalabas? Dapat nasa kulungan ka pa!”Murderer.Masakit marinig. Pero sanay na siya. Pinagbintangan siyang pumatay, kahit alam niyang frame-up la