Mag-log inDAHAN-DAHAN ang ginawang paglingon ni Clara, matapos niya iyong marinig. Sa isang iglap, tila ibang tao ang nakikita niya at hindi ang asawa. "D-Dito na sila titira? Nang hindi mo sinasabi sa'kin?" may pait ang pagkakasabi niya.
Kaya biglang nahiya si Mina, agad nadamang magkakaproblema pa ang mag-asawa kaya dali-dali niyang nilapitan ang anak. "Sa kusina muna tayo, Nathan."
"Why?!" reklamo ng bata.
Hinawakan na ni Mina ang braso ng anak at hinila ito. "Mamaya na yan."
Nang ang mag-asawa na lang ang naiwan sa lugar ay wala naman nagsalita sa mga ito. Bumuntong-hininga si Ethan saka bumaba ng hagdan upang lapitan ang asawa.
Isang matalim na tingin ang pinukol ni Clara. "Nawala lang ako ng ilang araw, may iba ka ng binahay?"
Matalim ang salitang binitawan kaya nabigla si Ethan at nainis. "Anong sinasabi?! Ayusin mo nga ang tono mo, si Mina ang pinag-uusapan dito."
"Exactly! Siya nga."
Napapailing si Ethan, naguguluhan sa inaakto ng asawa. "Ano bang problema?"
Umiwas ng tingin si Clara, hindi na niya nais pang magsalita at baka may masabi lang siyang pagsisisihan niya mamaya. Nilagpasan niya ito at naglakad patungo sa hagdan ng mabilis siyang pinigilan sa braso. "Ano ba—" Nabigla siya ng hilahin paakyat hanggang sa makarating sila sa kwarto. "Let go!" hiyaw niya.
Bigla naman siyang hinila papasok sabay bitaw kaya muntik na siyang sumubsob na ikinabigla niya. Unang beses na ginawa sa kanya iyon ni Ethan. Nang makabawi at mahanap ang balanse ay tiningnan niya ito ng masama. "I hate you," madiin niyang sabi.
Kunot na kunot ang noo ni Ethan, hindi niya maunawaan kung bakit ganoon na lang ang galit ng asawa. Wala siyang ginawang mali, siya pa nga dapat ang magalit sa sitwasyon na iyon.
Ang dami na niyang dapat isipin dahil sa biglaang pagkawala ng kapatid at dumagdag pa ang asawa. "Ano bang kinakagalit mo? Kung hindi ka magsasalita, wala ring mangyayari."
Huminga nang malalim si Clara, nagbabadya ang luha sa mga mata. "Naospital ako pero ni minsan, hindi ka man lang dumalaw o kinamusta ako. Tapos pag-uwi ko, malalaman kong may patitirahin ko rito?"
Napahilot sa noo si Ethan at nagpaliwanag, "Sa sobrang galit ni Mommy, pinaalis niya si Mina at wala siyang ibang mapupuntahan."
"Wala ba siyang ibang pamilya at ikaw pa mismo ang kukupkop?"
"Mag-isa na lang siya sa buhay. Ngayon wala na si Kuya, wala ng ibang tutulong sa kanya kundi ako."
Nanginig ang labi ni Clara kaya kinagat niya ito sabay talikod upang punasan ang luha sa gilid ng mga mata. Matapos ay muli siyang humarap at tiningnan ito direkta sa mga mata. "Talaga bang gusto mo lang siyang tulungan o may ibang dahilan?"
"Ano ba 'yang sinasabi mo? Ba't pinaparatangan mo 'ko ng kung ano-ano? Hindi ka ba naaawa sa sitwasyon ni Mina?"
"Hindi mo siya responsibilidad, Ethan! Oh, baka naman tama ang sinabi ni ate Ysabelle na mahal mo pa rin siya?" Hindi na niya tinago ang katotohanang may alam niya.
Sooner or later ay makakaramdam din ito na may nangyayaring hindi tama sa relasyon nilang mag-asawa.
Bumakas ang pagkabigla sa mga mata ni Ethan, ang kaninang matapang na tingin ay biglang nabuwag at napalitan ng kaba. Gayon pa man ay hindi niya pinahalata ang lahat at nagkunwaring normal pa rin ang lahat.
Kahit na kung saan-saan na siya dinadala ng isip. "H-Hindi ko alam ang sinasabi mo."
Umirap si Clara at muli itong tinalikuran. "Narinig ko lahat, kaya 'wag na ng mag-deny… Basta, ayokong nandito sila. Hindi sila titira rito sa bahay natin—pabalikin mo sa bahay nila o 'di kaya ay dalhin mo sa ibang lugar."
"I never thought na ganito ka pala ka-selfish."
Matalim na tingin ang pinukol ni Clara. "Ako pa talaga ang may kasalanan ngayon? Karapatan ko naman bilang asawa mo kung sino ang gusto kong patuluyin dito at ayoko—"
Katok sa pinto ang nagpatigil sa kanila. Dahil malapit si Ethan ay siya na ang nagbukas ng pinto. Bumungad sa kanya si Mina na may matamis na ngiti sa labi. "Ready na ang pagkain, bumaba na kayong dalawa." Tumagos ang tingin niya patungo kay Clara. "Ayos ka lang ba?"
Wala siyang nakuhang sagot at may hinala siyang nagtatalo ang dalawa dahil sa kanilang dalawa ng anak niya. Kaya kahit gusto niya itong kausapin ay tumalikod na siya at naglakad patungo sa dining area.
"Kakain ka?" tanong ni Ethan bago sumunod kay Mina. Nang hindi ito sumagot ay lumabas na siya ng silid, iniwan ang asawa sa kwarto.
Masama ang loob ni Clara at masakit sa dibdib ang nangyayari. Ilang minuto ang lumipas ay may kumatok muli sa pinto. "Pasok!"
Pagkatapos ay unti-unting bumukas ang pinto at pumasok si Mina na may dalang tray ng pagkain. "Nagdala na 'ko't baka nagugutom—"
"Busog pa 'ko," putol ni Clara.
Nagpatuloy si Mina sa kabila ng malamig na pakikitungo nito at nilapag sa dulo ng kama ang tray. "Iwan ko na lang dito, in-case na magutom ka." Muli, hindi siya pinansin kaya hindi na niya naiwasang magtanong, "May nagawa ba 'kong mali?"
No response pa rin si Clara, inaabala ang sarili sa cellphone kahit na paulit-ulit na lang niyang binabasa ang isang post. Gusto lang talaga niyang umalis na si Mina at ayaw niyang kumprontahin.
Ngunit makulit ito at panay ang pagsasalita, "Kung tungkol sa pagtira namin dito ni Nathan? Don't worry at kapag nakahanap na 'ko ng trabaho at matitirhan ay aalis din naman kami ni Nathan."
Humigpit ang hawak ni Clara sa cellphone at hindi na nga nakontrol ang sariling emosyon. Kung patuloy siyang tatahimik hanggang sa huli ay walang mangyayari.
Nakataya ang pagsasama nila ni Ethan sa gagawin. Kahit hindi siya mahal, hindi naman siya basta-basta lang magpapaubaya, hangga't kayang ipaglaban ay gagawin niya.
"Eh, sa buhay ni Ethan? Maipapangako mo bang hindi mo kami guguluhin?"
Naguluhan si Mina sa sinasabi nito. "A-Anong ibig mong sabihin? Ba't ko naman 'yun gagawin?"
Naging tahimik muna sila ng ilang sandali hanggang sa magsalita si Clara, "Tinanong kita kung sino 'yung first love ni Ethan," panimula niya. "Ba't 'di mo sinabi sa'kin ang totoong ikaw 'yun?"
Kumuyom ang kamay ni Mina, hindi niya inasahang malalaman nito ang totoo. "Dahil sa oras na sabihin ko, magbabago ang lahat."
"So, ang gusto mo ay maging blind ako na may something sa inyo noon ni Ethan?"
"Sobrang tagal na no'n. Pareho na kaming naka-move on na dalawa," pagrarason pa ni Mina.
Tumango-tango naman si Clara, pero hindi niya tanggap ang paliwanag nito. "Ngayong wala na si kuya Noah ay lumapit ka naman agad kay Ethan?"
"Don't acuse me, si Ethan mismo ang nag-offer—"
"At tinanggap mo naman kasi nga, alam mong hindi ka niya matitiis?" putol ni Clara.
Huminga nang malalim si Mina, hindi na niya gusto pang makipagtalo. "Saka na lang natin 'to pag-usapan 'pag 'di ka na galit." Matapos ay saka siya lumabas ng silid.
Ngunit bago pa man maisara ang pinto ay humabol pa ng salita si Clara, "Kung ayaw mo ng problema, umalis kayo ng anak mo."
Oo, siya na ang masama ng sandaling iyon pero kung para naman sa ikapapanatag niya, bakit hindi?
Kasal at pagsasama nilang dalawa ni Ethan ang nakataya.
"Okay fine," labas sa ilong na sabi ni Mina, kulang na lang ay ibagsak pasara ang pinto. Nagpasiya siyang huwag ng magpakumbaba, hindi ito ang magdedesisyon.
Sasabihin niya kay Ethan ang nangyari at natitiyak niyang hindi siya pababayaan nito.
KINABUKASAN, pagdating sa ospital ay inilapag ni Clara ang bag at ilang gamit saka siya pumunta sa HR office. Hindi muna siya pumasok o kumatok, sinisilip-silip ang loob at nang mapansin na may tao na ay saka binuksan ang pinto."Good morning, Nurse Clara. Maupo ka," bati ng HR Manager, may munting ngiti sa labi."Good morning din po," aniya saka naupo sa tapat ng mesa.Kinuha ng HR Manager ang resignation letter na ipinasa niya noong nakaraan. Matapos, ang maaliwalas nitong mukha ay bigla na lamang sumeryoso—ipinatong ang magkabilang braso sa table saka pinagsalikop ang parehong kamay. "For formality, gusto ko lang malaman kung bakit gusto mong mag-resign?"Huminga muna nang malalim si Clara bago sumagot, "Lumipat po kasi ako ng tirahan. Two hours commute kaya mahirap bumiyahe araw-araw ng gano'n katagal." Saka siya napalunok ng laway, dahil ang babaw ng dahilan niya kung pwede naman siya gumawa ng paraan para mapadali.Mabuti na lamang at hindi na ito nagtanong pa, tumango na lamang
NATIGILAN ang dalawa nang makita si Clara, maging ang mga bisita na alam ang nangyayari sa pamilya ay nakaabang—ramdam ang namumuong tensyon."Anong ginagawa ng babaeng 'yan dito?" kahit mahina at halos pabulong iyong sinabi ni Helena ay hindi maikakaila ang malamig na trato nito kay Mina. "Hindi pa ba sapat sa'yong na-ospital ako ng dahil sa kanya, ha, Ethan? Gusto mo talagang makita akong sumunod sa kapatid mo?""Mommy," react ni Ysabelle sa narinig.Maging si Victor ay hindi nagustuhan ang sinabi ng asawa. "Huminahon ka't baka mapa'no ka pa. Kalalabas mo lang sa ospital."Matalim na tingin pa rin ang pinupukol ni Helena para sa manugang. "Umalis siya rito kung gusto niyong kumalma ako."Nakatungo ang ulo ni Mina, hindi niya magawang mag-angat ng tingin dahil hiyang-hiya na siya ng mga sandaling iyon. Pasimple niyang hinawakan ang dulo ng damit ni Ethan sabay hila. "A-Aalis na lang ako," aniya ngunit bago pa makaalis ay pinigilan siya nito."Dito ka lang," ani Ethan, ang tingin ay n
KINAUMAGAHAN, sa kabila ng naranasang pagod ay maayos naman na nakapagpahinga si Ethan. Nakatulog siya nang mahimbing at sobrang relax ng katawan.Bumangon agad siya para makapagsipilyo at hilamos. Matapos ay nagpalit ng sportswear para magjogging saglit sa labas. Inikot niya ang buong subdivision saka siya bumalik para mag-almusal.Hindi na siya nag-abala pang bumalik sa kwarto at dumiretso na sa dining area kung saan ay naabutan niyang nag-aalmusal si Mina at Nathan.Lumapit siya para batiin ang mga ito. Hinawakan niya ang buhok ng bata, bahagyang ginulo sabay bati, "Good morning," aniya habang nakatingin kay Mina.Nag-angat ito ng tingin pero agad rin binalik ang atensyon sa pagkain na para bang hindi siya nakita. Napabuntong-hininga na lamang siya, pinalampas ang hindi nito pamamansin at mamaya na lamang kakausapin nang masinsinan kapag wala na ang bata.Naupo na siya at kumain, tahimik na nakikiramdam ngunit hanggang sa matapos silang kumain ay hindi man lang siya binigyang atens
NANGGAGALAITI sa galit si Ethan nang muling tumunog ang cellphone, hindi na niya tiningnan kung sino ang caller. "Hello?""Ano, nakausap mo na ba si Clara?" ani Mina.Mabigat na buntong-hininga ang pinakawalan ni Ethan. "Ibang tao ang nag-post, hindi siya.""At naniwala ka naman? Ethan, alam kong—""Not now, Mina. Marami akong iniisip, saka na lang natin 'to pag-usapan. May dapat pa 'kong asikasuhin.""Ano naman 'yun?""'Wag nang marami pang tanong." Akmang ibababa na niya ang tawag nang humabol pa ito."Gusto kong malaman, Ethan. Don't tell me, may ginawa si Clara—""It's not about her, okay?!" hindi na niya napigilang magtaas ng boses. "May problema sa kompanya, 'yun lang 'yun kaya 'wag—""Ba't ka sumisigaw? Nagtatanong lang naman ako!"Napahilot sa sintido si Ethan. Lalo lang lumalala ang tensyon sa pagitan nila kaya huminga siya nang malalim at kinalmahan ang sarili. "Look, Mina. Hindi ko naman intensyon na sigawan ka. It's just that, tumawag si Daddy at may binalitang hindi magan
KUMUYOM ang magkabilang kamay ni Ethan, ang galit na nararamdaman ay mas lalo pang tumindi. Muntik na siyang mapaniwala sa sinasabi ni Clara pero alam niyang walang ibang sisira sa kanilang dalawa ni Mina kundi ito lang na may malalim na galit sa kanila."Sa tingin mo talaga, maniniwala ako?"Napabuga ng hangin si Clara, binawi niya ang kamay na hawak ng kaibigan saka binuksan ang gate para ibigay ang cellphone. "Ikaw na ang tumingin, tutal at wala ka naman tiwala sa'kin."Pahablot na kinuha ni Ethan ang cellphone nito at tiningnan ang gallery, social media at kung anong apps na posibleng pagtaguan nito ng videos at pictures nilang dalawa ni Mina.Habang abala ito ay nakatingin lang si Clara, nakabantay sa ekspresyon nito at nang makitang dismayado ay nagsalita siya. "Ano, may nakita ka ba? Kung wala, akin ng phone."Atubiling binalik ni Ethan ang phone ngunit bakas sa mukha ang kalituhan. Tiyak niyang hindi magsisinungaling sa kanya si Mina."Hindi ka man lang ba magso-sorry?" sabat
AKMANG susundan ni Ethan ang kapatid nang pigilan siya ni Mina sa braso. Paglingon niya ay bakas sa mukha nito ang takot kaya nawala sa isip niyang habulin si Ysabelle."Natatakot ako, Ethan… baka mas lalong magalit sila sa'kin."Niyakap niya ito at hinaplos-haplos ang buhok habang makailang ulit na sinasabi na huwag itong mangamba, "Ako ang bahala sa'yo. Sa inyong dalawa ni Nathan, hindi ko kayo pababayaan."Nag-angat ng tingin si Mina, naglaho na ang takot nito sa mukha at napalitan ng tuwa. "T-Talaga? Hindi mo kami pababayaan?"Tumango si Ethan, muli itong niyakap pero kumawala agad si Mina nang may mapadaan na katulong at bukas pa naman ang pinto. "Magbibihis lang ako."Mabilis na umiwas ng tingin si Ethan, tumalikod siya upang makapagbihis ito nang maayos. Habang naghihintay ay ganoon na rin ang ginawa niya nang matapos ay nagdalawang-isip pa siya na lumingon.Hanggang sa magsalita si Mina, doon lang siya tuluyang humarap. "Hindi ko makita ang cellphone ko. Pahiram nga ng sa'yo,







