تسجيل الدخولMABIGAT ang hakbang ni Mina patungo sa dining area, busangot pa ang mukha upang mapansin ni Ethan at hindi naman siya nabigo.
"Anong nangyari?" anito.
Umiling siya, kunwari ay walang balak magsalita hanggang sa maupo sa tabi ng anak. "A-Aalis na lang kami ni Nathan."
"Ha?" react ni Ethan. "Ba't kayo aalis?"
Saglit siyang tumahimik upang mas magkaroon pa ng interes si Ethan na magtanong. "Dahil ba kay Clara?"
"Ayaw niya atang nandito kami ni Nathan. Kaysa makagulo ay aalis na lang kami."
"Ano bang sinasabi mo?! Hindi kayo aalis dito ni Nathan kahit na anong mangyari. Kakausapin ko ulit si Clara, sa ayaw niya man sa gusto ay dito lang kayong dalawa," saad ni Ethan, halatang naiinis sa asawa.
Napangiti naman si Mina saka nagpasiyang kumain na parang walang nangyari. Dahil nakuha na niya ang gusto ay kontento na siya ng sandaling iyon.
Masaya silang kumakain na tatlo na para bang sila ang tunay na pamilya habang si Clara ay nagkulong sa kwarto, masama ang loob.
Ni hindi na nga siya inakyat ng mga katulong o hindi kaya dalhan ng pagkain, knowing na wala pang laman ang kanyang tiyan.
Sa isang iglap, parang hindi siya ang amo sa bahay na iyon. Makalipas ang halos kalahating oras ay saka lang niya napagpasiyahang bumaba dahil gutom na gutom na siya.
Sa dining area ay naabutan niya ang mga katulong na nagliligpit ng pagkain. Natigilan siya at tiningnan ang mga ito. "Hindi pa 'ko kumakain pero nililigpit niyo na?"
Tumigil ang mga ito, sabay tingin sa isa't isa na para bang hindi malaman ang gagawin. "A-Ang utos po sa'min, Ma'am, ay ligpitin na 'tong mga pagkain."
"Si Ethan?"
Walang sumagot maski tumango kaya napabuntong-hininga siya, pagkatapos ay naupo. "Bigyan niyo 'ko ng plate, kakain ako."
Ilang sandali pa ay pinaghain naman siya ng mga katulong at tahimik niyang binusog ang tiyan habang mag-isa sa dining area.
Usually, ten to fifteen minutes ay tapos na siyang kumain pero ng mga sandaling iyon. Inabot siya ng mahigit trenta minutos at siya pa mismo ang nagkusang maghugas ng pinagkainan para mas matagal siyang bumalik sa kwarto at masama pa ang loob niya sa asawa.
Ngunit sa kusina pa lang, habang naghuhugas ay napansin niya sa labas ng bintana si Ethan na naglalakad sa may garden. Nagtaka siya dahil hindi naman ito nagpupunta sa lugar na iyon hanggang sa makita kung sino ang kasabay nitong maglakad, na hindi niya napansin kanina dahil natatabunan ng katawan ng asawa.
Nabitawan niya ang baso, buti na lang at hindi nabasag. "Ate, pakitapos nga 'to," utos niya sa isang katulong na nasa malapit. Pagkatapos ay lumabas ng kusina habang pinupunas ang basang kamay sa suot na pajama.
Lihim niyang sinundan ang dalawa, nakikinig kung anong pinag-uusapan ng mga ito. Pero wala siyang marinig dahil sa distansya at nag-iingat din na huwag mapansin.
Hanggang sa sinukuan na niya bago pa siya malingunan ni Ethan. Pumasok siya sa bahay na malalim ang iniisip. Kaya pagpasok niya sa kwarto ay hindi pa niya napansin ang bata na nakatago sa gilid ng kama.
Hanggang sa makarinig siya nang hagikhik na ikinalingon niya habang hawak ang dibdib dahil sa takot. Akala niya ay minumulto na siya.
"N-Nathan?! Anong ginagawa mo diyan?" aniya sabay lapit.
Dahil nakatalikod ang bata ay hindi niya pa nakita nang una kung anong ginagawa nito. Una niyang napansin ang hawak nitong gunting kaya nag-alala siya. "Baka masugatan ka—" Bigla siyang natigilan nang makita kung anong hawak nito sa isang kamay.
Ang wedding picture nilang dalawa ni Ethan!
Pero mas nanghina siya nang makita ang punit-punit na litrato niya kasama ng yumaong magulang. Nag-iisa na lang iyon kaya ingat na ingat siya pero ngayon…
"A-Anong ginawa mo?!" tumaas ang boses niya dahil sa galit.
Sobrang halaga ng picture na iyon sa kanya tapos sa isang iglap ay mapupunit lang ng ganoon?
Dahil sa pagsigaw niyang iyon ay umiyak ang bata sa gulat. Sa lakas ng iyak ay biglang nawala ang galit ni Clara at napatakip sa magkabilang tenga.
"Mommy!" tawag ni Nathan sabay takbo palabas ng kwarto kaya umalingawngaw ang iyak nito sa hallway.
Ang mga katulong sa ibaba ay napasugod matapos marinig ang iyak.
"Mommy!" tawag muli ni Nathan sa ina habang bumababa ng hagdan.
May isang katulong ang dali-daling hinanap sa paligid sina Ethan at Mina. Mayamaya pa ay humahangos ang mga itong lumapit sa bata at nang makita ng ina ang nakakaawang itsura ng anak ay niyakap niya ito.
"Anong ginawa mo?!" tanong ni Mina, sabay tingin nang masama kay Clara.
Nagmartsa palapit si Ethan at hinawakan nang mahigpit ang braso ng asawa. "Anong ginawa mo Clara?!"
Ngumiwi siya sa sakit, pilit binabawi ang braso mula rito. Ngunit mas humigpit ang pagkakahawak ni Ethan na ikinasinghap niya. Awtomatikong nanubig ang mga mata, unang beses na nasaktan siya ng ganito.
Humikbi na siya nang hindi na niya makayanan ang sakit. Tila natauhan naman si Ethan sabay bitaw.
"I'm sorry, 'di ko sinasadya."
Matalim na tingin ang pinukol ni Clara sabay takbo pabalik ng kwarto. Ramdam niya mula sa likod na sinusundan siya nito kaya sinara niya agad ang pinto.
Iyon nga lang ay naunahan siya ni Ethan, nabuksan nito ang pintuan bago pa man niya ma-i-lock.
"Anong ginawa mo kay Nathan, ba't umiyak nang ganoon ang bata?"
Tumulo ang luha ni Clara ngunit mabilis niyang pinunasan. "Tingin mo, kaya kong saktan si Nathan?"
"Sagutin mo ang tanong ko, Clara!"
"Hindi!" sigaw niya pabalik. "Sinira niya ang wedding photo natin kaya—"
"Para 'yun lang, magagalit ka na sa bata? Napapalitan naman 'yan, hindi mo siya kailangan na—"
"Wedding photo natin 'yun, Ethan! May sentimental value kahit picture lang 'yun!"
Nagpakawala ng mabigat na buntong-hininga si Ethan. "Bukas na bukas din, papapalitan ko." Matapos ay tumalikod sabay lakad patungo sa pinto.
"Sa'n ka p-pupunta?" nagbara ang lalamunan niya ng sabihin iyon.
"Sa guest room ako matutulog ngayon."
"Talaga?" mapagdudang tanong ni Clara.
Lumingon si Ethan, mababanaag sa mukha ang inis. "Anong ibig mong sabihin sa tono mong 'yan? Na may gagawin akong hindi maganda?"
"Kung wala, ba't 'di ka rito matulog?"
"Nasisiraan ka na ba, Clara? Ba't ganyan ka mag-isip sa'kin?!"
"Kasi binibigyan mo 'ko ng rason para mag-isip ng masama!"
Napapikit si Ethan habang napapailing. "Sa tingin mo makakatulog ako sa kwartong 'to kung pareho tayong hindi okay?"
Nanginginig ang labi ni Clara sa pagpipigil ng iyak. Masakit na rin ang dibdib niya, parang pinipiga sa sakit.
Sa huli ay si Ethan na ang sumuko. Naglakad siya papasok sa banyo at nag-shower pantanggal inis. Nang matapos ay lumabas siyang tuwalya lang ang nakatakip sa pribadong parte ng katawan.
Habang nagpupunas ng basang buhok ay napansin niya si Clara sa gilid ng kama, nakayuko at tila may kung anong pinagkakaabalahan. "Anong ginagawa mo?" tanong niya sabay lapit.
Nag-angat ito ng tingin, basang-basa ng luha ang pisngi. "A-Anong gagawin ko, Ethan? Ayaw ng mabalik sa dati."
Pagtingin niya sa hawak nito ay bigla siyang natigilan. "B-Ba't nagkandapunit-punit 'yan? Sinong gumawa nito?"
Humikbi si Clara, pagod na siyang magsalita. Ang gusto na lang niya ay mabalik sa dating itsura ang huling litrato ng magulang na meron siya.
BANDANG alas-sais dumating si Clara sa lugar at marami siyang nakakasabay. Ang iba ay halatang nasa alta-sociadad dahil na rin sa mamahaling damit at alahas. Pinagpapasalamat niya talagang tinulungan siya ni Janice sa damit at alahas para hindi siya magmukhang naiiba sa lahat.Sa entrata ay may nagtsi-check na staff kaya nilabag niya sa handbag ang invitation card. Pinadala sa kanya iyon ng biyenan noong isang araw kaya hindi na talaga siya nakahindi at last minute nang naghanda."Mrs. Clara Villareal," sambit ng staff at matapos makita ang pangalan ni Clara sa VIP list ay ngumiti. "Good evening po, Ma'am." Pagkatapos ay sinenyasan ang isang kasamahan na nasa gilid na lumapit at binulungan na samahan si Clara sa loob hanggang sa table nito.Ngumiti siya at pagkatapos ay sinundan na ito at dinala siya sa vacant table na malapit sa mini stage."Are you sure, dito ako?" tanong niya sa staff. Naiiba kasi ang table kumpara sa karamihan.Ang malapit sa stage ay mas elegante tingnan, halatan
PALABAS pa lang si Alaric sa gusali ay inaalis na niya ang butones ng suot na suit. Kanina pa kumikirot-kirot ang sintido dahil sa kawalan ng pahinga at ilang oras lang na tulog.Kasalukuyan siyang nasa Madrid para um-attend ng isang business event at pagkatapos ay lilipad naman siya patungo sa Portugal para sa isang exclusive meeting."Sir—"Tinaas niya agad ang kamay upang patahimikin ito at ayaw niya munang makarinig ng kung ano. Hectic ang schedule niya sa araw na iyon pero hindi pa nagtatanghali ay masakit na ang ulo niya.Tumango si Kevin, ang secretary na madalas kasama kapag may kailangan asikasuhin outside the company. Binuksan nito ang pinto sa backseat at agad na sumakay si Alaric, marahang hinihilot-hilot ang sintido.Bago sumakay sa passenger seat ay binigay ni Kevin ang ointment na madalas gamitin ng binata kapag makirot o masakit ang ulo.Ilang sandali pa ay nagmamaneho na ang driver pabalik sa hotel para makapagpalit si Alaric at may iba pa siyang pupuntahan na meeting
NANLAKI ang mga mata ni Janice nang makita ang binata sa silid ng kaibigan. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawa, ang tingin ay nagtatanong."May importante lang kaming pinag-usapan ni Clara," paliwanag ni Alaric saka tiningnan si Clara. "Sige, sa susunod na lang natin pag-usapan 'yung tungkol sa... movie." Matapos ay umalis na, saglit na tiningnan si Clara.Muling nagpalipat-lipat ang tingin ni Janice, kita niya ang makahulugang tingin ng dalawa kaya humarang siya sa harap ng kaibigan at pinandilatan ito ng mata.Awkward na ngumiti si Clara at hinawakan ang braso nito para isara ang pinto. "A-Ano nga ulit 'yung kailangan mo?"Naniningkit at kumikibot-kibot pa ang mga mata ni Janice. "Ano 'yun? Care to explain?"Dahan-dahan ang pag-iwas ni Clara ng tingin, kunwari ay wala lang pero ang totoo ay kabado na siya. "Ah, 'yun ba? May pinag-uusapan lang kami. Tama! 'Yung movie," aniya, halos pabulong na ang huling dalawang salita dahil halatang hindi ito kumbinsido.Patango-tango pa ng
AWTOMATIKONG ngumiti si Ethan nang sagutin ang tawag. "Hello, good evening Mr. Noir. It's Ethan Villareal.""Yes, I remember. Ba't napatawag ka?" Kahit iritado dahil hindi niya naman binigay ang contact number at tanging ang assistant lang ang way of communication nila ay hindi niya pinahalata ang inis sa boses."Well, next week na kasi ang birthday celebration ng mother ko and upon checking, ay 'di pa confirm ang pag-attend mo."Lumingon si Alaric sa sasakyan, kita niyang natutulog pa rin sa passenger seat si Clara. Sa pagkakaalam niya ay invited rin ito ngunit hindi niya kumpirmado kung makaka-attend ba?Kung pupunta ito sa birthday celebration ay a-attend rin siya pero kung hindi ay walang rason para mag-aksaya ng oras sa okasyon na iyon."Hello, Mr. Noir, nandiyan pa kayo?" ani Ethan sa kabilang linya."Yes... I think, may business trip ako before that day kaya 'di ako makakapunta," tugon ni Alaric."Ah..." bakas ang panghihinayang sa boses ni Ethan. Gayon pa man ay mabilis din si
Tumawag si Ethan, nangungumusta at tinatanong kung makakarating sa birthday celebration ng ina dahil hindi pa nako-confirm ni Alaric. Kaya sinabi niyang hindi dahil busy, hindi naman sumama ang loob ni Ethan.PAGBABA ng kotse ay sumalubong agad si Janice, hinawakan ang braso ni Clara sabay bulong habang nakatingin kay Alaric, "Ba't natagalan kayo?""May pinakita lang siya sa'kin."Napasinghap si Janice, hindi makapaniwalang tiningnan si Alaric saka binalik ang tingin sa kaibigan. "May pinakita?!"Napangiwi naman si Clara, sa reaksyon pa lang nito ay alam na niya kung anong iniisip nito. "'Wag ka nga, pinuntahan lang namin 'yung lugar kung sa'n kami dati nagpunta ni Cedric. Sa bandang taas 'yun ng lugar, tapos may malaking puno. Iyon lang 'yun, 'wag kang mag-isip ng kung ano-ano."Naging defensive ang ekspresyon ni Janice. "May sinabi ba 'ko? Ikaw 'tong may malisya." Pagkatapos ay hinila ito sa braso. "Tara na nga at kakain na, kayo na lang ang hinihintay."Tumango si Clara sabay lingo
NAPATINGIN siya kay Alaric na abala sa binabasa, hindi na siya pansin kaya mabilis siyang tumalikod para basahin ang sulat niya para sa sarili.Dear Me, Naiinis ako kay Cedric kasi lagi niya ko kinukulit sino crush ko. Ayoko nga aminin pero ang kulit niya tas namimilit pa na magpakasal kami pagtanda. Eh, 'di ko naman siya gusto pero ang iniisip niya, ayaw ko lang aminin na siya kasi nakakahiya. Ba't ko naman siya magugustuhan, eh, 'di naman siya pogi. Si kuya Alaric ang pogi, siya ang gusto ko kaya secret lang natin 'to, okay? Kapag malaki na 'ko at pretty saka ko sasabihin na love ko siya.Nanginig ang labi ni Clara sa nabasa, ramdam niya ang init sa buong mukha. Hindi niya akalaing may gusto siya kay Alaric ng mga bata pa sila.Parang gusto niyang magpalamon sa lupa sa sobrang kahihiyan. Nang lingunin niya si Alaric ay nasa sulat pa rin ang atensyon nito kaya mabilis niyang tinago sa bulsa ang liham. Kapag nagkaroon ng pagkakataon ay itatapon niya o kung ano pang dapat gawin bas
HINAWAKAN ni Ethan ang mukha ni Clara sabay punas sa basang pisngi. "'Wag ka nang umiyak, gagawa ako ng paraan para maibalik ito sa dati."Hindi pa rin matigil sa pag-iyak si Clara kahit ilang minuto na silang naroon. Maya't maya niyang sinusubukang pagdikitin sa dati ang nagkapira-pirasong litrato
DAHAN-DAHAN ang ginawang paglingon ni Clara, matapos niya iyong marinig. Sa isang iglap, tila ibang tao ang nakikita niya at hindi ang asawa. "D-Dito na sila titira? Nang hindi mo sinasabi sa'kin?" may pait ang pagkakasabi niya.Kaya biglang nahiya si Mina, agad nadamang magkakaproblema pa ang mag-
NGUMITI ng makahulugan si Mina at hinawakan ang kamay ni Clara. "Kailangan pa bang malaman kung sino 'yun? Sobrang tagal na no'n saka, sure naman akong nakalimutan na niya 'yung babae.""Pero gusto ko pa rin malaman—""Mommy!"Sabay silang napalingon ng marinig ang boses ni Nathan, ang apat na taon
ALAS-NUEBE na ng mga sandaling iyon. Nasa kama na si Clara ng sandaling iyon, may hawak na libro kunwari ay nagbabasa kahit ang totoo ay hinihintay lang niyang tumabi ang asawa.Kanina pa ito sa harap ng laptop, nagtatrabaho. Nang saglit itong tumigil para hilutin ang noo matapos alisin ang eyeglas







