Beranda / Romance / Remarried: Carrying the Tycoon's Child / Chapter 2 - Knowing the Truth

Share

Chapter 2 - Knowing the Truth

Penulis: Lirp49
last update Tanggal publikasi: 2026-04-23 13:42:24

MALUTONG na sampal ang dumapo sa mukha ni Mina, sa labis na pagkabigla ay nablangko ang utak niya sa nangyari. Hindi makapaniwalang tiningnan ang biyenan na babae. "M-Mommy…"

Lahat ay nagulat sa ginawa ni Helena, unang beses na masaksihan nilang nagbuhat ito ng kamay kahit pa napaka-strict nitong tao.

Unang kumilos si Ethan na humarang sa pagitan ng ina at ni Mina, hinawakan niya pa ang braso ng huli na tila ba pinoprotektahan ito.

Nang makita iyon ni Clara ay bigla siyang nagtaka. "Ethan…" tawag niya, ngunit wala man lang nakarinig sa kanya.

"Umalis ka riyan, Ethan," ani Mina.

"Hindi niyo siya kailangan na saktan, Mommy," pagtatanggol nito.

Namumula sa galit ang mukha ni Helena, ng mga sandaling iyon ay wala siyang ibang naiisip kundi ang ibuntong kay Mina ang galit na nararamdaman.

Isa siyang ina at masakit tanggapin na sa isang iglap, ay nawalan siya ng anak. "Nang dahil sa kanya kaya wala na si Noah! Ang kapatid mo, tapos nakuha mo pa siyang ipagtanggol?!"

"Aksidente lang ang nangyari!"

"Ethan, pwede bang 'wag kang bulag?" sabat ni Ysabelle. "Hindi mo kasi nakita kung anong itsura ni Kuya, kaya nasasabi mo 'yan! Ang lala ng naging damage sa kanya pero galos lang ang tinamo ni Mina? Hindi ka ba nagtataka?"

Nakayuko lang si Mina, hindi makuhang mag-angat ng tingin habang lumuluha. Hindi pa maproseso ng isip na wala na ang asawa niya. "H-Hindi… hindi…"

"Kung hindi siya nag-insist na pumunta sa resort na 'yun!" mataas ang boses ni Helena, ngunit hindi niya magawang sumigaw. Mahinang-mahina at kinakapos siya ng hininga ng sandaling iyon.

Mabuti na lamang ay umalalay si Victor. "Huminahon ka lang."

Nagpumiglas si Helena, naaalibadbaran siya sa hawak nito. Gusto niyang magwala, umiyak at maglupasay pero nahihirapan siya. Parang ano man sandali ay mawawalan ng malay.

"Mommy!" nag-aalalang lumapit si Ysabelle nang makitang matutumba ang ina. Pagkatapos ay tiningnan nang masama ang kapatid. "Sige, ipagtanggol mo pa siya, 'di mo nakikita ang asawa mo? Nakatingin lang sa inyong dalawa?"

Sabay na napalingon ang dalawa kay Clara na natulala na sa kinatatayuan, bakas ang kalituhan sa mukha.

Mabilis na tinulak ni Mina si Ethan. "Ayos lang ako, kasalanan ko naman talaga."

Umismid si Ysabelle, naiinis habang lumuluha. "Mabuti naman. Kung hindi mo pinilit si Kuya na pumunta sa resort na 'yun, dapat nasa bahay lang siya at nagpapahinga."

"Ethan, ang mas mabuti pa ay ihatid mo muna si Mina pauwi sa bahay," utos ni Victor.

"Dito lang po ako! Hindi ko iiwan si Noah."

"Ako na lang po," ani Clara, siya na ang nagkusa. Mas mainam na naroon din si Ethan kasama ng pamilya nito. Lumapit siya, inalis ang kamay ng asawa sa braso ni Mina. "Tara na, Ate."

"Take care of her," bulong ni Ethan.

Biglang nanlamig si Clara sa narinig. Unang beses niyang makita ang concern ng asawa sa ibang babae, lalo na kay Mina. Gayon pa man ay binalewala niya ang nararamdaman, iniisip na out of concern lang talaga ang asawa para sa hipag nito.

Naglakad sila ni Mina palabas ng ospital pero huminto si Mina pagdating nila sa entrance.

"Dito na lang, bumalik ka na ro'n."

"Sasamahan na kita, Ate," ani Clara, hindi niya rin kaya ang bigat sa loob.

Biglang napaluhod si Mina, hindi na nakayanan ang sakit na nadarama. "Kasalanan ko 'tong lahat… ako ang may kasalanan," iyak niya.

Ang mga tao sa paligid ay napatingin. Dinaluhan naman agad ni Clara, hinahaplos-haplos ang likod nito. Ilang sandali silang ganoon hanggang sa tuluyan niyang madala sa kotse si Mina at maihatid pauwi kung saan ay naghihintay ang anak nitong si Nathan.

"Mommy?" Sabay yakap ng bata ng makitang umiiyak ang ina. "Where's Daddy?"

Hindi naman magawang makapagsalita ni Mina, niyakap lang niya ang anak at pagkatapos ay nagpaalam na magtutungo sa kwarto, "A-Ate," garalgal na tawag sa katulong. "Pakitingnan muna si Nathan, sa kwarto lang ako."

Pagkatapos ay naglakad na paakyat sa hagdan. Naiwan si Clara na nakasunod ang tingin at mayamaya pa ay nagpasiya na rin siyang umalis.

"Babalik po ba tayo sa ospital, Ma'am?" tanong ng driver.

Tumango si Clara saka napabuntong-hininga. Ang masayang araw sana para sa wedding anniversary nila ni Ethan ay hindi na matutuloy. Ang mas nakakalungkot, nawalan ng isang miyembro ng pamilya.

Hindi man sila ganoon ka-close ng pamilya niya, atleast, itinuturing siyang parte maliban kay Mina na ipinagtataka niya. Mabait ang mga Villareal sa kanya pero pagdating dito? Laging malalig ang pagtrato.

Wala siyang nakikitang problema kay Mina dahil mabait ito. Nang minsan siyang magtanong, wala ni isang sumagot. Iniiwasan ni Ethan, kahit ni Ysabelle magsalita kaya hinayaan na lamang niya.

Habang nasa malalim na pag-iisip ay bumagal ang takbo ng kotse, paglingon ay nasa tapat na sila ng ospital. Naghahanap ng mapaparadahan ang driver ng mapansin niya sa hindi kalayuan ang asawa, naglalakad kasama si Ysabelle. "Bababa na 'ko rito, Kuya," anas niya saka dali-daling sinundan ang dalawa na nagtungo sa gilid na bahagi ng gusali.

Nagtaka siya kung saan patungo ang mga ito, akmang tatawagin si Ethan ng marinig niya ang galit na boses ng asawa, "Pwede bang pigilan mo 'yang bibig mo?! Kanina pa 'ko nagtitimpi sa'yo."

Umismid si Ysabelle at pagak na natawa. "Oh really? Ako pa talaga? 'Di ba dapat ikaw 'tong magpigil? Obvious na obvious ka kanina sa harap ng asawa mo."

"Tama na, okay?!"

Dumuro si Ethan, tinabig naman ni Ysabelle ang kamay nito sa harap ng mukha niya sabay lapit habang nanlilisik ang mga mata. "Ano, lalaban ka? Baka nakakalimutan mo kung sino ako? Mas matanda ako sa'yo!"

Nanggigil si Ethan, mabilis na sinuntok ang pader sa likod niya.

Napasinghap si Clara nang masaksihan niya iyon. Unang beses na makita niyang magalit ito ng ganoon. "A-Ano bang pinag-uusapan nila?" bulong niya habang nakakubli pa rin sa pader.

"Ba't 'yang pader ang sinuntok mo? Nandito ako sa harap mo!" sabi ni Ysabelle, tila naghahamon. "Ba't 'di ako, gumanti ka. Kasi pinagtulungan namin ni Mommy si Mina. Ipagtanggol mo 'yung babaeng mahal mo!"

Nanginig ang talukap ng mata ni Clara sa narinig. Pakiwari niya ay namali lang siya ng dinig pero… malinaw na si Mina, ang hipag at asawa ng kapatid ni Ethan ang tinutukoy ng dalawa.

Napaatras siya, tuluyang nanghina ang tuhod. Ngunit kaya niya pang kumilos at umalis sa lugar. Tumalikod siya at akmang maglalakad palayo ng marinig pa ang sinabi ni Ysabelle.

"Hindi ka ba naaawa kay Clara? Pinakasalan mo siya kasi, si Kuya ang pinili ni Mina sa halip na ikaw. Ilang taon na ang nakalipas pero 'di mo pa rin siya makalimutan, ganyan ka ba katanga, ha, Ethan?"

Naistatwa sa kinatatayuan si Clara, nais niyang marinig ang sasabihin ng asawa. Gusto niyang itanggi nito ang nararamdaman kay Mina at sabihing nakalimutan na ito pero ng sumagot si Ethan, nadurog ng tuluyan ang puso niya.

"I just want to help her. Wala na si Kuya, kaya sino pang tutulong sa kanya?"

"And you think, ikaw 'yun? Anong iisipin ni Clara 'pag nalaman niya 'to?"

"I don't care, si Mina ang priority ko."

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Remarried: Carrying the Tycoon's Child   Chapter 83 - The Upper Hand

    NAKABIHIS na si Alaric at naghihintay na lamang matapos sa pag-aayos si Clara. Ngunit makalipas ang halos kalahating oras na hindi pa rin ito lumalabas ng kwarto ay pinuntahan na niya.Naabutan niya itong nakaupo sa harap ng vanity mirror at nakayuko. "Clara?" tawag niya sabay lapit.Hindi ito gumalaw kaya sinilip na niya nag mukha nito at nakita niyang pikit, tila natutulog. Hinawakan niya ang braso nito, dama ang init sa balat kaya sinalat ang leeg at noo at napagtantong nilalagnat ito.Binuhat niya agad at mabilis na naglakad palabas ng condo. Habang naghihintay na bumukas ang elevator ay naalimpungatan si Clara."Alaric? Sa'n tayo pupunta?" Naalalang hindi pa siya tapos mag-ayos."Hospital, you're burning.""No..." nanghihinang sabi ni Clara. "Put me down. I'm fine.""You're not, kailangan kang madala sa ospital.""For what? Kapag nagtanong ang doctor, anong sasabihin natin? Na nilagnat ako after na... may mangyari sa'tin?" Nang mag-angat ng tingin at nagtagpo ang kanilang mga mat

  • Remarried: Carrying the Tycoon's Child   Chapter 82 - He Found Out

    NAALIMPUNGATAN si Clara nang makarinig ng ingay. Pagmulat niya ng mata ay siya na lang mag-isa sa madilim na kwarto. Kahit pagod at masakit ang katawan ay bumangon siya at hinawi ang kurtina na muntik niyang ikabulag dahil sa sobrang liwanag.Napasigaw siya nang takpan ang mga mata. Tinangka niya pang ayusin ang kurtina pero hindi na niya makapa. Ilang sandali pa ay may humawak sa kamay niya."What are you doing?" bulong ni Alaric."Binuksan ko lang naman 'yung bintana kasi madilim pero parang mabubulag pa ata ako."Natawa si Alaric pagkatapos ay hinawakan ang magkabila nitong pisngi. "Let me see."Inalis ni Clara ang kamay saka siya nagmulat ng mga mata. Pero bigla siyang nahiya dahil sa lapit ng mukha nilang dalawa.Napansin naman iyon ni Alaric at hinalikan ito sa pisngi sabay sabi ng may ngiti sa labi, "Good morning."Nabigla si Clara sa ginawa nito pero hindi naman siya nainis. "Good morning din.""Gutom ka na ba?" may lambing na tanong ni Alaric.Tumango si Clara at sinabing pap

  • Remarried: Carrying the Tycoon's Child   Chapter 81 - Morning After

    MATAPOS makapagpahinga ay bumangon sa kama si Clara, hinanap sa paligid ang nagkalat na damit habang mahigpit na hawak ang kumot na siyang tumatakip sa hubad niyang katawan."Where are you going?" tanong ni Alaric sabay bangon, kinuha ang isang unan para itakip sa pribadong parte ng katawan."My clothes, 'di ko mahanap."Tumayo si Alaric, sabay hila sa braso nito para ibalik sa kama saka niya niyakap nang patagilid. "Later in the morning mo na lang hanapin, matulog na tayo at anong oras na."Nagpumiglas si Clara, hindi siya komportable dahil ang malagkit sila ng sandaling iyon dahil sa pawis. "Sinabi mo na 'yan kanina," may halong inis niyang sabi dahil kaunting pahinga lang ay humihirit ulit ito.Parang nakalima na nga ata sila sa gabing iyon, pagod na pagod na siya pero sige pa rin ang binata."Ang init, Alaric," reklamo niya, pilit kumakawala sa yakap nito. Ilang sandali pa ay binitawan naman siya at umusog palayo. Pagkatapos ay sinamantala niya ang pagkakataon at muling bumangon.

  • Remarried: Carrying the Tycoon's Child   Chapter 80 - Make Love

    HINILA ni Clara ang damit ni Alaric upang sunggaban ito ng halik sa labi. Naramdaman niyang natawa ang binata pero wala na siyang pakialam, malakas ang loob niya ng mga sandaling iyon.Bahagyang umungol si Alaric nang kagatin nito ang ibaba niyang labi, nabibigla siya sa ginagawa ni Clara. Malakas ang loob nito nang mga sandaling iyon at naguguluhan siya kung dapat niya ba iyong ikatuwa o ikabahala?Masiyado silang agresibo sa isa't isa, walang kontrol at ayaw magdahan-dahan.Hindi ganoon ang gusto niyang maalala ni Clara sa 'unang beses' nila.Kaya pinigilan niya ang kamay nitong kulang na lang ay punitin ang damit niya. "Calm down first," aniya habang hinihingal, saka pinagdikit ang noo nilang dalawa. "We need to take it slow, hmm?"Napakunot-noo si Clara, hindi man sang-ayon ay tumango siya. Aminadong medyo agresibo nga siya ng mga sandaling iyon, tila uhaw na uhaw. "Okay."Pareho silang huminga nang malalim at nang magmulat ay muling nagtagpo ang mga mata. Puno ng emosyon at pagna

  • Remarried: Carrying the Tycoon's Child   Chapter 79 - I Want This

    PANAKA-NAKA ang tingin ni Alaric kay Clara, tuluyan na itong nakatulog dahil sa kalasingan. Makalipas ang ilang minuto ay narating na nila ang condominium building.Diniretso lang niya ang kotse sa ground floor at matapos maiparada ang sasakyan ay binuhat na niya si Clara, na tinangka niya pang gisingin pero tulog na tulog.Habang nasa elevator ay may nakasabay sila, tila mag-asawa dahil magkahawak kamay at parehong may suot na singsing.Ang babae ay napatitig sa kanila ni Clara kaya tumango siya bilang response. Pagkatapos ay binulungan ng babae ang kasama, "Ang sweet nila, 'di mo na 'ko binuhat ng ganyan. Last pa no'ng honeymoon natin."Lumingon ang lalake at pinagmasdan din sila saka sinagot ang asawa. "Mukha kasing magaan 'yung babae."Hampas sa balikat ang natamo nito mula sa babae. "Sinasabi mo bang mataba ako?!""Hindi 'yun gano'n," saad ng lalake sabay yakap bilang panunuyo.Nagpumiglas ang babae hanggang sa bumukas ang elevator saka lumabas. Kakamot-kamot sa ulo na sumunod an

  • Remarried: Carrying the Tycoon's Child   Chapter 78 - Drunk Confession

    HINDI maitago ni Clara ang tuwa sa mukha, palinga-linga siya sa paligid. Pinagmamasdan ang lugar dahil sa dami niyang napuntahan ay tila iyon ang pinakaunang beses niyang mararanasang kumain sa high-end restaurant na sila lang ang customer.Bagama't masaya ay inaalala niya ang halagang ginastos ni Alaric. "Sobrang mahal siguro rito? Ano bang pwede kong bayaran? Kahit isang dish lang." Nahihiya siyang magpalibre.Ngumiti lang si Alaric, pero sa halip na sabihing huwag na itong mag-abala. Sa ugali pa lang ni Clara, tiyak na mahihiya ito at mag-aabot pa rin ng bayad. "'Yung appetizer na lang," aniya, kahit nabayaran naman na niya lahat-lahat.Nakangiting tumango si Clara, sabay kuha sa phone. "Pwede naman sigurong mag-selfie rito, tama?" Dumukwang pa siya sabay bulong, "Ang ganda kasi ng lugar.""Yes."Tila bumalik sa pagkabata si Clara na tuwang-tuwa sa kahit maliliit na bagay. Tumayo siya sa kinauupuan at pumwesto sa isang magandang display. Hindi pa siya nakontento at makailang ulit s

  • Remarried: Carrying the Tycoon's Child   Chapter 1 - Wedding Anniversary

    NGUMITI ng makahulugan si Mina at hinawakan ang kamay ni Clara. "Kailangan pa bang malaman kung sino 'yun? Sobrang tagal na no'n saka, sure naman akong nakalimutan na niya 'yung babae.""Pero gusto ko pa rin malaman—""Mommy!"Sabay silang napalingon ng marinig ang boses ni Nathan, ang apat na taon

  • Remarried: Carrying the Tycoon's Child   Prologue - Who is She?

    ALAS-NUEBE na ng mga sandaling iyon. Nasa kama na si Clara ng sandaling iyon, may hawak na libro kunwari ay nagbabasa kahit ang totoo ay hinihintay lang niyang tumabi ang asawa.Kanina pa ito sa harap ng laptop, nagtatrabaho. Nang saglit itong tumigil para hilutin ang noo matapos alisin ang eyeglas

  • Remarried: Carrying the Tycoon's Child   Chapter 6 - The Choice He Couldn't Make

    HINAWAKAN ni Ethan ang mukha ni Clara sabay punas sa basang pisngi. "'Wag ka nang umiyak, gagawa ako ng paraan para maibalik ito sa dati."Hindi pa rin matigil sa pag-iyak si Clara kahit ilang minuto na silang naroon. Maya't maya niyang sinusubukang pagdikitin sa dati ang nagkapira-pirasong litrato

  • Remarried: Carrying the Tycoon's Child   Chapter 5 - Torn Memories

    MABIGAT ang hakbang ni Mina patungo sa dining area, busangot pa ang mukha upang mapansin ni Ethan at hindi naman siya nabigo."Anong nangyari?" anito.Umiling siya, kunwari ay walang balak magsalita hanggang sa maupo sa tabi ng anak. "A-Aalis na lang kami ni Nathan.""Ha?" react ni Ethan. "Ba't kay

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status