ホーム / Romance / Remarried: Carrying the Tycoon's Child / Chapter 3 - A Home No Longer Mine

共有

Chapter 3 - A Home No Longer Mine

作者: Lirp49
last update 公開日: 2026-04-23 13:45:37

NANGHIHINANG bumalik sa sasakyan si Clara, wala sa sarili siyang naupo sa backseat habang ang driver ay nagtataka naman, makailang ulit siyang tinawag at tinatanong.

Sa huli ay sumuko ito, napakamot sa ulo at naghintay sa kinauupuan.

Nakayuko lang si Clara, tahimik na lumuluha. Mayamaya pa, nang kaya na niyang magsalita ay inutusan niya ang driver na ihatid siya pabalik sa bahay.

Walang salitang sumunod naman ito, pansin na ang pag-iyak ng babaeng amo pero piniling huwag ng magsalita sa pag-aakalang apektado lang sa pagkamatay ni Noah.

Malapit na sila sa bahay ng tumunog ang cellphone niya, tumatawag si Ethan. Nagdalawang-isip siyang sagutin pero sa huli ay hindi rin siya nakatiis. Gusto niyang malaman kung anong sasabihin nito.

"Hello."

"Hello, nahatid mo na si Mina?" tanong ni Ethan.

Tumabang ang pakiramdam ni Clara sa narinig, mahigpit niyang hinawakan ang cellphone at mapait ang tanong, "Tumawag ka lang ba para malaman kung safe siyang nakauwi?"

Nagtaka naman si Ethan sa kabilang linya kung bakit ganoon ang tono ng boses nito ngunit hindi niya pinagtuonan ng pansin. "Oo, ayos lang ba siya?"

Mariing kinagat ni Clara ang ibabang labi. Muling pumatak ang luha sa mga mata. "Why don't you call her instead, kaysa ako ang tinatanong mo?!"

Sa pagkakataong iyon ay nagtanong na si Ethan, "Anong problema mo't nagagalit ka?"

"Wala," matabang na sagot ni Clara saka ito binabaan ng tawag. Pagkatapos ay in-off ang cellphone para hindi na siya muli pang matawagan.

Ilang sandali pa ay bumagal ang takbo ng sasakyan, pagtingin sa labas ay nasa tapat na sila ng papabukas na gate. Napaisip siya saglit at pagkatapos ay nagtawag ng cab sa application.

"Kuya, pakilabas ng luggage sa trunk," utos niya matapos iparada ang sasakyan. "Pakilagay malapit sa gate."

"Ma'am?" nagtatakang tanong ng driver.

Hindi sumagot si Clara, kung sasabihin niya kung saan siya patungo ay baka magsumbong lang ito kay Ethan.

Nais niya munang lumayo habang masama pa ang loob niya, kahit isang araw lang na pahinga. Gusto lang niyang kalimutan kahit sandali ang natuklasan.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating ang taxi at agad siyang sumakay. May humabol na katulong at nagtanong, "Ma'am, sa'n po kayo papunta?"

Bumuntong-hininga si Clara, ayaw siyang tigilan sa kakatanong. "Uuwi lang ako," pagdadahilan niya pa.

Pagkatapos ay lumarga na ang taxi, habang nasa daan ay nagtanong ang driver kung saan sila patutungo. Sinabi niya ang location ng resort.

Oo, doon muna siya pansamantala hangga't kaya na niyang harapin ang asawa.

Pagdating doon ay iritado na siya dahil na rin sa init ng panahon. Napagbuntunan niya pa ng inis ang bellboy na siyang nag-akyat ng luggages.

Ngunit ng nasa loob na siya ng suite ay bigla siyang natauhan. "Sorry," paghingi niya ng tawad bago ito lumabas. May pumatak na luha sa kanyang pisngi, hindi niya namalayang umiiyak na pala siya ng sandaling iyon.

Tumalikod siya sabay punas sa pisngi. Idinaan niya sa tawa pero sino bang niloloko niya?

Nasasaktan siya.

Ang inakala niyang masaya nilang pagsasama ni Ethan, ay isa palang malaking kasinungalingan.

Hindi siya ang mahal at ang mas malala pa, ay pinakasalan lang siya dahil… iba ang pinili ni Mina?

Napahikbi na siya ng muling sumagi sa isip niya ang scenario na iyon sa ospital.

Sobrang sakit.

"Ayos lang kayo, Ma'am?" tanong ng bellboy.

Dali-daling pinunasan ni Clara ang basang pisngi saka humarap ng hindi ito tinitingnan. "O-Oo, I'm fine." Sabay kuha sa bag ng malimutan na hindi pa pala niya ito nabibigyan ng tip.

Kumuha siya ng paper bill sa wallet at inabot ito sa lalake. Ngunit sa halip na kunin ay tissue ang bumungad sa kanya. Nagtaka siya at nag-angat ng tingin sa mukha nito.

Saka lang niya napansin ang mukha nito. Kung hindi lang dahil sa suot nitong uniform ay aakalain niyang ibang tao ito ay hindi lang isang bellboy.

"Kunin mo na 'to, Ma'am."

Suminghot si Clara at pagkatapos ay tinanggap ang bigay nito. "Salamat."

Tumango ito at pagkatapos ay tuluyan ng lumabas ng silid ng hindi kinukuha ang tip. Hinayaan na lamang niya at pagkatapos ay naupo sa kama.

Saglit siyang tumulala sa saradong pinto. Muli siyang umiyak, walang tigil hanggang sa mapagod at makatalugan ang lungkot.

Nang magising ay gabi na. Pagtingin sa orasan na nasa side-table ay pasado alas-nuebe na ng gabi. Kumakalam na ang sikmura niya pero masiyado siyang pagod para bumangon at bumaba para kumain.

Kaya nagpa-room service na siya, pero wala pang limang minuto ay dumating na ang pagkain niya. Nakakabiglang ang bilis ng serbisyo nila at ang naghatid pa ay ang bellboy kanina.

"Salamat," muli siyang nagbigay ng tip pero gaya ng ginawa nito kanina ay hindi nito tinanggap at tahimik lang na umalis.

Nang siya na lamang uli ang mag-isa ay in-on niya ang cellphone at sunod-sunod ang text na pumapasok, halos lahat ay mula kay Ethan pero hindi niya pinansin.

Binasa lang niya ang message mula sa kanyang pamilya, nagtatanong kung nasaan siya at nagreply naman siyang babalik din bukas, kinaumagahan.

Pero bigla siyang nagkasakit at nahirapang bumangon sa kama. Kinailangan niya pang magpatulong sa staff ng resort.

Pag-uwi sa bahay ay naroon si Ethan, naghihintay. "Sa'n ka galing?"

Nilagpasan niya lang ito at dumiretso sa kama. "Mamaya na tayo mag-usap, gusto kong magpahinga."

Tumiim-bagang si Ethan sa galit. Kahapon pa siya hanap nang hanap sa asawa, kung kani-kanino na tumatawag. Kamamatay lang ng kapatid niya pero kung umasta ito, parang wala lang nangyari.

Patungo na sa kwarto si Clara ng walang ano-ano ay hinawakan siya nito sabay hila. Dahilan kaya saglit siyang nahilo at muntik nang sumubsob sa katawan nito.

Nagtaka naman si Ethan ng marinig niya ang pagdaing nito at ng tingnan ang mukha ni Clara ay saka lang niya napagmasdan nang maigi ang mukha nitong namumutla. "Anong nangyayari sa'yo?" Dumako ang tingin niya sa sariling kamay na nakahawak sa braso nito, napagtantong mainit ito kaya sinalat niya ang noo at leeg ng asawa. "May sakit ka?"

Hindi na nakapagsalita si Clara ng tuluyang dumilim ang kanyang paningin. Nang magmulat ng mata ay nasa ospital na siya. May nakakabit na IV fluid sa kamay niya at nasa malapit ang isa nilang katulong sa bahay, tahimik na nakaupo habang abala sa cellphone.

Nag-angat ito ng tingin at lumapit agad sa puwesto niya. "Mabuti naman at nagising na kayo, Ma'am. Kumusta ng pakiramdam niyo? Sandali at tatawagin ko lang ang doctor."

Nanghihinang bumuntong-hininga si Clara. "Ilang oras na 'kong walang malay?"

"Mag-iisang araw na po, Ma'am," sagot ng katulong.

"Si Ethan? Binantayan niya ba 'ko?"

Hindi ito nagsalita hanggang sa dumating na lang ang doctor at nurse ay wala siyang nakuhang sagot.

Dalawang araw siyang nag-stay sa ospital at ni minsan ay hindi siya pinuntahan ng asawa. Naiintindihan naman niya dahil sa nangyari pero kahit tawag o text man lang ay wala. Hindi niya kinumusta hanggang sa tuluyan siyang ma-discharged, ni 'Ha', ni 'Ho' ay wala.

Disappointed siya pero mas lalala pa pala ang sitwasyon pag-uwi niya. Pagpasok sa bahay ay nagulat siya ng makita si Nathan sa sala na naglalaro.

Mas ikinabigla niya pa ng mula sa kusina ay lumapit si Mina na naka-apron.

"A-Anong ginagawa niyo rito?"

Ngumiti ito at nagtanong, "Hindi ba nasabi sa'yo ni Ethan?"

"Wala siyang sinasabi kaya ano 'yun?"

Mula sa ikalawang palapag ng bahay ay nagsalita si Ethan, "Dito na sila titira simula ngayon."

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
コメント (1)
goodnovel comment avatar
Jennelyn Casiguran
ouch ang sakit non harap harapan tlga ethan
すべてのコメントを表示

最新チャプター

  • Remarried: Carrying the Tycoon's Child   Chapter 75 - Unwanted Guest

    BANDANG alas-sais dumating si Clara sa lugar at marami siyang nakakasabay. Ang iba ay halatang nasa alta-sociadad dahil na rin sa mamahaling damit at alahas. Pinagpapasalamat niya talagang tinulungan siya ni Janice sa damit at alahas para hindi siya magmukhang naiiba sa lahat.Sa entrata ay may nagtsi-check na staff kaya nilabag niya sa handbag ang invitation card. Pinadala sa kanya iyon ng biyenan noong isang araw kaya hindi na talaga siya nakahindi at last minute nang naghanda."Mrs. Clara Villareal," sambit ng staff at matapos makita ang pangalan ni Clara sa VIP list ay ngumiti. "Good evening po, Ma'am." Pagkatapos ay sinenyasan ang isang kasamahan na nasa gilid na lumapit at binulungan na samahan si Clara sa loob hanggang sa table nito.Ngumiti siya at pagkatapos ay sinundan na ito at dinala siya sa vacant table na malapit sa mini stage."Are you sure, dito ako?" tanong niya sa staff. Naiiba kasi ang table kumpara sa karamihan.Ang malapit sa stage ay mas elegante tingnan, halatan

  • Remarried: Carrying the Tycoon's Child   Chapter 74 - Dressed Up

    PALABAS pa lang si Alaric sa gusali ay inaalis na niya ang butones ng suot na suit. Kanina pa kumikirot-kirot ang sintido dahil sa kawalan ng pahinga at ilang oras lang na tulog.Kasalukuyan siyang nasa Madrid para um-attend ng isang business event at pagkatapos ay lilipad naman siya patungo sa Portugal para sa isang exclusive meeting."Sir—"Tinaas niya agad ang kamay upang patahimikin ito at ayaw niya munang makarinig ng kung ano. Hectic ang schedule niya sa araw na iyon pero hindi pa nagtatanghali ay masakit na ang ulo niya.Tumango si Kevin, ang secretary na madalas kasama kapag may kailangan asikasuhin outside the company. Binuksan nito ang pinto sa backseat at agad na sumakay si Alaric, marahang hinihilot-hilot ang sintido.Bago sumakay sa passenger seat ay binigay ni Kevin ang ointment na madalas gamitin ng binata kapag makirot o masakit ang ulo.Ilang sandali pa ay nagmamaneho na ang driver pabalik sa hotel para makapagpalit si Alaric at may iba pa siyang pupuntahan na meeting

  • Remarried: Carrying the Tycoon's Child   Chapter 73 - Caught Red-Handed

    NANLAKI ang mga mata ni Janice nang makita ang binata sa silid ng kaibigan. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawa, ang tingin ay nagtatanong."May importante lang kaming pinag-usapan ni Clara," paliwanag ni Alaric saka tiningnan si Clara. "Sige, sa susunod na lang natin pag-usapan 'yung tungkol sa... movie." Matapos ay umalis na, saglit na tiningnan si Clara.Muling nagpalipat-lipat ang tingin ni Janice, kita niya ang makahulugang tingin ng dalawa kaya humarang siya sa harap ng kaibigan at pinandilatan ito ng mata.Awkward na ngumiti si Clara at hinawakan ang braso nito para isara ang pinto. "A-Ano nga ulit 'yung kailangan mo?"Naniningkit at kumikibot-kibot pa ang mga mata ni Janice. "Ano 'yun? Care to explain?"Dahan-dahan ang pag-iwas ni Clara ng tingin, kunwari ay wala lang pero ang totoo ay kabado na siya. "Ah, 'yun ba? May pinag-uusapan lang kami. Tama! 'Yung movie," aniya, halos pabulong na ang huling dalawang salita dahil halatang hindi ito kumbinsido.Patango-tango pa ng

  • Remarried: Carrying the Tycoon's Child   Chapter 72 - Beyond Goodnight

    AWTOMATIKONG ngumiti si Ethan nang sagutin ang tawag. "Hello, good evening Mr. Noir. It's Ethan Villareal.""Yes, I remember. Ba't napatawag ka?" Kahit iritado dahil hindi niya naman binigay ang contact number at tanging ang assistant lang ang way of communication nila ay hindi niya pinahalata ang inis sa boses."Well, next week na kasi ang birthday celebration ng mother ko and upon checking, ay 'di pa confirm ang pag-attend mo."Lumingon si Alaric sa sasakyan, kita niyang natutulog pa rin sa passenger seat si Clara. Sa pagkakaalam niya ay invited rin ito ngunit hindi niya kumpirmado kung makaka-attend ba?Kung pupunta ito sa birthday celebration ay a-attend rin siya pero kung hindi ay walang rason para mag-aksaya ng oras sa okasyon na iyon."Hello, Mr. Noir, nandiyan pa kayo?" ani Ethan sa kabilang linya."Yes... I think, may business trip ako before that day kaya 'di ako makakapunta," tugon ni Alaric."Ah..." bakas ang panghihinayang sa boses ni Ethan. Gayon pa man ay mabilis din si

  • Remarried: Carrying the Tycoon's Child   Chapter 71 - Closer Than Before

    Tumawag si Ethan, nangungumusta at tinatanong kung makakarating sa birthday celebration ng ina dahil hindi pa nako-confirm ni Alaric. Kaya sinabi niyang hindi dahil busy, hindi naman sumama ang loob ni Ethan.PAGBABA ng kotse ay sumalubong agad si Janice, hinawakan ang braso ni Clara sabay bulong habang nakatingin kay Alaric, "Ba't natagalan kayo?""May pinakita lang siya sa'kin."Napasinghap si Janice, hindi makapaniwalang tiningnan si Alaric saka binalik ang tingin sa kaibigan. "May pinakita?!"Napangiwi naman si Clara, sa reaksyon pa lang nito ay alam na niya kung anong iniisip nito. "'Wag ka nga, pinuntahan lang namin 'yung lugar kung sa'n kami dati nagpunta ni Cedric. Sa bandang taas 'yun ng lugar, tapos may malaking puno. Iyon lang 'yun, 'wag kang mag-isip ng kung ano-ano."Naging defensive ang ekspresyon ni Janice. "May sinabi ba 'ko? Ikaw 'tong may malisya." Pagkatapos ay hinila ito sa braso. "Tara na nga at kakain na, kayo na lang ang hinihintay."Tumango si Clara sabay lingo

  • Remarried: Carrying the Tycoon's Child   Chapter 70 - Childhood Crush

    NAPATINGIN siya kay Alaric na abala sa binabasa, hindi na siya pansin kaya mabilis siyang tumalikod para basahin ang sulat niya para sa sarili.Dear Me, Naiinis ako kay Cedric kasi lagi niya ko kinukulit sino crush ko. Ayoko nga aminin pero ang kulit niya tas namimilit pa na magpakasal kami pagtanda. Eh, 'di ko naman siya gusto pero ang iniisip niya, ayaw ko lang aminin na siya kasi nakakahiya. Ba't ko naman siya magugustuhan, eh, 'di naman siya pogi. Si kuya Alaric ang pogi, siya ang gusto ko kaya secret lang natin 'to, okay? Kapag malaki na 'ko at pretty saka ko sasabihin na love ko siya.Nanginig ang labi ni Clara sa nabasa, ramdam niya ang init sa buong mukha. Hindi niya akalaing may gusto siya kay Alaric ng mga bata pa sila.Parang gusto niyang magpalamon sa lupa sa sobrang kahihiyan. Nang lingunin niya si Alaric ay nasa sulat pa rin ang atensyon nito kaya mabilis niyang tinago sa bulsa ang liham. Kapag nagkaroon ng pagkakataon ay itatapon niya o kung ano pang dapat gawin bas

  • Remarried: Carrying the Tycoon's Child   Chapter 6 - The Choice He Couldn't Make

    HINAWAKAN ni Ethan ang mukha ni Clara sabay punas sa basang pisngi. "'Wag ka nang umiyak, gagawa ako ng paraan para maibalik ito sa dati."Hindi pa rin matigil sa pag-iyak si Clara kahit ilang minuto na silang naroon. Maya't maya niyang sinusubukang pagdikitin sa dati ang nagkapira-pirasong litrato

  • Remarried: Carrying the Tycoon's Child   Chapter 5 - Torn Memories

    MABIGAT ang hakbang ni Mina patungo sa dining area, busangot pa ang mukha upang mapansin ni Ethan at hindi naman siya nabigo."Anong nangyari?" anito.Umiling siya, kunwari ay walang balak magsalita hanggang sa maupo sa tabi ng anak. "A-Aalis na lang kami ni Nathan.""Ha?" react ni Ethan. "Ba't kay

  • Remarried: Carrying the Tycoon's Child   Chapter 4 - Not Welcome

    DAHAN-DAHAN ang ginawang paglingon ni Clara, matapos niya iyong marinig. Sa isang iglap, tila ibang tao ang nakikita niya at hindi ang asawa. "D-Dito na sila titira? Nang hindi mo sinasabi sa'kin?" may pait ang pagkakasabi niya.Kaya biglang nahiya si Mina, agad nadamang magkakaproblema pa ang mag-

  • Remarried: Carrying the Tycoon's Child   Chapter 2 - Knowing the Truth

    MALUTONG na sampal ang dumapo sa mukha ni Mina, sa labis na pagkabigla ay nablangko ang utak niya sa nangyari. Hindi makapaniwalang tiningnan ang biyenan na babae. "M-Mommy…"Lahat ay nagulat sa ginawa ni Helena, unang beses na masaksihan nilang nagbuhat ito ng kamay kahit pa napaka-strict nitong t

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status