LOGINSA HALIP na umalis ay nanatili si Ethan. "Clara, please. Hindi ako aalis hangga't hindi tayo nagkakausap nang maayos.""Ayoko, hinding-hindi na 'ko makikipag-usap sayo," malamig na tugon ni Clara. "Kaya umalis ka na."Si Janice naman na nanatili sa tabi ng kaibigan ay tiningnan ito nang masama. "Narinig mo sinabi niya? Umalis ka na, 'wag mo nang ipilit ang sarili mo nagmumukha ka lang tanga."Pero tila walang naririnig si Ethan, hindi niya pinansin ang sinabi nito at nanatili ang tingin sa asawa. Mariin niyang hawak ang bouquet kahit ayaw nitong tanggapin.Ilang sandali pa, may mga kapitbahay na sumisilip sa bintana, nakiki-osyoso matapos makarinig nang komusyon sa apartment ng landlord."Alis na sabi, naiistorbo na mga tenant ko," muling pagtataboy ni Janice.Huminga naman nang malalim si Clara saka napabuntong-hininga. "Please, Ethan… hangga't maaari gusto ko ng katahimikan kaya 'wag mo na 'kong guluhin. Ayokong ng eksena rito kaya pwede ba, umalis ka na," aniya, sabay turo sa bukas
NANG marinig ni Clara ang salitang offer ay natigilan at saglit na nag-isip. "Wait lang po, Prof. Magpapaalam lang akos sandali sa mga kasama ko. Hintayin niyo na lang po ako rito, saglit lang ako."Matapos ay mabilis niyang pinuntahan ang mga kasamahan, iniwan sa mga ito ang isa niyang payment card. "Sorry, pero may importanteng sasabihin ang professor ko kaya hindi na ko makakasabay. Bilhin niyo na lang ang gusto niyong pagkain.""Iyon ba 'yung kausap mo ngayon-ngayon lang?" tanong ng isang kasamahan na tinanguan ni Clara."Kukunin ko na lang later pagbalik ko," aniya, tinutukoy ang payment card. Pagkatapos ay umalis na siya at muling binalikan ang professor. "Tara na po." Habang nakangiti.Napagpasiyahan nilang sa malapit na kainan sila mag-usap nang masinsinan. Habang sini-serve ang pagkain ay nagtatanong si Ramirez sa naging buhay ng dating estudyante matapos makagraduate.Nagkuwento naman si Clara, pero hindi niya pinahalatang may pinagdadaanan siya."Eh, kayo po? Kumusta na po
KINABUKASAN, pagdating sa ospital ay inilapag ni Clara ang bag at ilang gamit saka siya pumunta sa HR office. Hindi muna siya pumasok o kumatok, sinisilip-silip ang loob at nang mapansin na may tao na ay saka binuksan ang pinto."Good morning, Nurse Clara. Maupo ka," bati ng HR Manager, may munting ngiti sa labi."Good morning din po," aniya saka naupo sa tapat ng mesa.Kinuha ng HR Manager ang resignation letter na ipinasa niya noong nakaraan. Matapos, ang maaliwalas nitong mukha ay bigla na lamang sumeryoso—ipinatong ang magkabilang braso sa table saka pinagsalikop ang parehong kamay. "For formality, gusto ko lang malaman kung bakit gusto mong mag-resign?"Huminga muna nang malalim si Clara bago sumagot, "Lumipat po kasi ako ng tirahan. Two hours commute kaya mahirap bumiyahe araw-araw ng gano'n katagal." Saka siya napalunok ng laway, dahil ang babaw ng dahilan niya kung pwede naman siya gumawa ng paraan para mapadali.Mabuti na lamang at hindi na ito nagtanong pa, tumango na lamang
NATIGILAN ang dalawa nang makita si Clara, maging ang mga bisita na alam ang nangyayari sa pamilya ay nakaabang—ramdam ang namumuong tensyon."Anong ginagawa ng babaeng 'yan dito?" kahit mahina at halos pabulong iyong sinabi ni Helena ay hindi maikakaila ang malamig na trato nito kay Mina. "Hindi pa ba sapat sa'yong na-ospital ako ng dahil sa kanya, ha, Ethan? Gusto mo talagang makita akong sumunod sa kapatid mo?""Mommy," react ni Ysabelle sa narinig.Maging si Victor ay hindi nagustuhan ang sinabi ng asawa. "Huminahon ka't baka mapa'no ka pa. Kalalabas mo lang sa ospital."Matalim na tingin pa rin ang pinupukol ni Helena para sa manugang. "Umalis siya rito kung gusto niyong kumalma ako."Nakatungo ang ulo ni Mina, hindi niya magawang mag-angat ng tingin dahil hiyang-hiya na siya ng mga sandaling iyon. Pasimple niyang hinawakan ang dulo ng damit ni Ethan sabay hila. "A-Aalis na lang ako," aniya ngunit bago pa makaalis ay pinigilan siya nito."Dito ka lang," ani Ethan, ang tingin ay n
KINAUMAGAHAN, sa kabila ng naranasang pagod ay maayos naman na nakapagpahinga si Ethan. Nakatulog siya nang mahimbing at sobrang relax ng katawan.Bumangon agad siya para makapagsipilyo at hilamos. Matapos ay nagpalit ng sportswear para magjogging saglit sa labas. Inikot niya ang buong subdivision saka siya bumalik para mag-almusal.Hindi na siya nag-abala pang bumalik sa kwarto at dumiretso na sa dining area kung saan ay naabutan niyang nag-aalmusal si Mina at Nathan.Lumapit siya para batiin ang mga ito. Hinawakan niya ang buhok ng bata, bahagyang ginulo sabay bati, "Good morning," aniya habang nakatingin kay Mina.Nag-angat ito ng tingin pero agad rin binalik ang atensyon sa pagkain na para bang hindi siya nakita. Napabuntong-hininga na lamang siya, pinalampas ang hindi nito pamamansin at mamaya na lamang kakausapin nang masinsinan kapag wala na ang bata.Naupo na siya at kumain, tahimik na nakikiramdam ngunit hanggang sa matapos silang kumain ay hindi man lang siya binigyang atens
NANGGAGALAITI sa galit si Ethan nang muling tumunog ang cellphone, hindi na niya tiningnan kung sino ang caller. "Hello?""Ano, nakausap mo na ba si Clara?" ani Mina.Mabigat na buntong-hininga ang pinakawalan ni Ethan. "Ibang tao ang nag-post, hindi siya.""At naniwala ka naman? Ethan, alam kong—""Not now, Mina. Marami akong iniisip, saka na lang natin 'to pag-usapan. May dapat pa 'kong asikasuhin.""Ano naman 'yun?""'Wag nang marami pang tanong." Akmang ibababa na niya ang tawag nang humabol pa ito."Gusto kong malaman, Ethan. Don't tell me, may ginawa si Clara—""It's not about her, okay?!" hindi na niya napigilang magtaas ng boses. "May problema sa kompanya, 'yun lang 'yun kaya 'wag—""Ba't ka sumisigaw? Nagtatanong lang naman ako!"Napahilot sa sintido si Ethan. Lalo lang lumalala ang tensyon sa pagitan nila kaya huminga siya nang malalim at kinalmahan ang sarili. "Look, Mina. Hindi ko naman intensyon na sigawan ka. It's just that, tumawag si Daddy at may binalitang hindi magan
DAHAN-DAHAN ang ginawang paglingon ni Clara, matapos niya iyong marinig. Sa isang iglap, tila ibang tao ang nakikita niya at hindi ang asawa. "D-Dito na sila titira? Nang hindi mo sinasabi sa'kin?" may pait ang pagkakasabi niya.Kaya biglang nahiya si Mina, agad nadamang magkakaproblema pa ang mag-
NANGHIHINANG bumalik sa sasakyan si Clara, wala sa sarili siyang naupo sa backseat habang ang driver ay nagtataka naman, makailang ulit siyang tinawag at tinatanong.Sa huli ay sumuko ito, napakamot sa ulo at naghintay sa kinauupuan.Nakayuko lang si Clara, tahimik na lumuluha. Mayamaya pa, nang ka
MALUTONG na sampal ang dumapo sa mukha ni Mina, sa labis na pagkabigla ay nablangko ang utak niya sa nangyari. Hindi makapaniwalang tiningnan ang biyenan na babae. "M-Mommy…"Lahat ay nagulat sa ginawa ni Helena, unang beses na masaksihan nilang nagbuhat ito ng kamay kahit pa napaka-strict nitong t
NGUMITI ng makahulugan si Mina at hinawakan ang kamay ni Clara. "Kailangan pa bang malaman kung sino 'yun? Sobrang tagal na no'n saka, sure naman akong nakalimutan na niya 'yung babae.""Pero gusto ko pa rin malaman—""Mommy!"Sabay silang napalingon ng marinig ang boses ni Nathan, ang apat na taon







