Share

Chapter 57 - The Other Son

Author: Lirp49
last update publish date: 2026-09-29 16:46:42

BINUKSAN ni Clara ang gate dahil paalis na siya para magtrabaho nang bumungad sa kanya ang nakaparadang kotse. Nakababa ang tinted window kaya nakikita niya si Alaric mula sa loob ng backseat.

Nagtagpo ang tingin nilang dalawa ngunit agad siyang umiwas ng tingin. Hanggang sa buksan ng driver ang pinto at lumabas ito.

Bago pa man ito makapagsalita ay inunahan na niya, "Anong ginagawa mo rito?"

"Hmm… napadaan lang ako. Lola wants to know kung papasok ka ba sa work ngayon."

"Oo naman…" Napalingon
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Remarried: Carrying the Tycoon's Child   Chapter 60 - Invitation

    SUNDAY, half-day lang si Clara sa Castillo residence at maaga siyang umuwi dahil natanggap na niya ang unang sahod bilang private nurse. Habang pauwi ay tinawagan niya si Janice dahil isasama niya ito sa mall. Maggo-grocery sila at sagot niya ang half-month nilang food supply.Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na siya sa apartment. Bababa sana siya nang bumukas ang gate at lumabas si Janice, nakabihis panlakad.Sinara nito ang gate at pagkatapos ay sumakay sa passenger seat. Habang kinakabit ang seatbelt ay tiningnan si Clara. "Ay wow, ngiting-ngiti naman.""Siyempre, ang sarap kaya sa feeling ng makatanggap ng malaking sweldo.""Baka naman… libre mo 'ko ng matcha drinks, nagki-crave ako," hirit ni Janice sa kaibigan."'Yun lang? Wala na? Baka gusto mo ng cake or lasagna?"Bakas ang mangha sa mukha ni Janice habang may nakakalokong ngiti sa labi. "Ohhh… sinabi mo 'yan, ah! Gusto ko ng lasagna." Pagkatapos ay biglang naglaway."Ano ba 'yan! Nagki-crave rin tuloy ako," ani Clara

  • Remarried: Carrying the Tycoon's Child   Chapter 59 - Getting Closer

    MASAYANG nakikipagkuwentuhan si Clara sa mga katulong habang tinutulungan ang mga itong mag-arrange ng bulaklak. Interesado siyang matutong mag-ayos ng bulaklak kaya nagpapatulong siya habang nagchichikahan.Tawanan dito at kung ano-ano pa hanggang sa tumunog ang phone. Pagtingin sa screen ay may message sa kanya ang biyenan na babae.Helena: Malapit na ang birthday ko, makakarating ka naman 'di ba?Napalis ang ngiti niya sa labi. Binaba ang hawak na gunting at piraso ng bulaklak pagkatapos ay nagtipa ng mensahe pero bago pa man siya matapos ay nag-text ulit ito.Helena: Gusto kitang makita sa party, makapunta ka sana.Napabuntong-hininga siya at napansin iyon ng mga kasama."Anong problema?"Umiling siya sabay ngiti. Pagkatapos ay itinago na lang sa bulsa ang phone, hindi na siya nag-reply at pinagpatuloy na lang ang ginagawa.Pag-uwi sa apartment ay muli niyang naisip ang invitation ng biyenan. Napapaisip siya kung paano ito tatanggihan… tapos na sila ni Ethan. Hinihintay na lang na

  • Remarried: Carrying the Tycoon's Child   Chapter 58 - The Man Outside

    KUMURAP-KURAP ang mata ni Alaric, napalunok ng laway at tila may napagtanto kaya napaiwas ng tingin. "I-I'm just worried," anas niya.Kunot-noo na nakatitig si Clara dahil labis ang pag-aalala sa mukha nito, pinagpapwisan pa nga ang noo. "Are you sure, ayos ka lang?" tanong niya dahil pahigpit nang pahigpit ang hawak nito sa kanyang balikat.Nang ma-realize ni Alaric na nasasaktan na niya ito ay mabilis niyang binitawan ang balikat nito. "I'm sorry… pupuntahan ko lang si Lola." Pagkatapos ay nagtungo na sa silid ng matanda.Nagtagal ito ng halos isang oras, gusto ngang pumasok ni Clara. Ngunit sinabihan siya ni Teresita na hayaan lang ang mga ito na mag-usap. Kaya iyon ang ginawa niya at nagtungo na lamang sa study room para magbasa ng libro. Paglabas ay napansin niya agad sa ikalawang palapag ang binata, na kalmado na ang ekspresyon.Tuloy-tuloy ito pababa ng hagdan, akala niya nga ay didiretso na ito paalis. Nang bigla siyang hanapin—sabay turo naman ng katulong sa kanya na napagtan

  • Remarried: Carrying the Tycoon's Child   Chapter 57 - The Other Son

    BINUKSAN ni Clara ang gate dahil paalis na siya para magtrabaho nang bumungad sa kanya ang nakaparadang kotse. Nakababa ang tinted window kaya nakikita niya si Alaric mula sa loob ng backseat.Nagtagpo ang tingin nilang dalawa ngunit agad siyang umiwas ng tingin. Hanggang sa buksan ng driver ang pinto at lumabas ito.Bago pa man ito makapagsalita ay inunahan na niya, "Anong ginagawa mo rito?""Hmm… napadaan lang ako. Lola wants to know kung papasok ka ba sa work ngayon.""Oo naman…" Napalingon siya nang dumaan si Flora kasama ang dalawang anak. "Good morning, Ate."Ngumiti ang Ginang. "Magandang umaga rin, sige mauuna na kami," saad pa pero ang tingin ay na kay Alaric, halatang curious.Nang makaalis ang tatlo ay muling binalingan ni Clara ng tingin ang binata. "Pakiusog na lang ang kotse mo at paalis na rin ako," malamig niyang sabi.Tiningnan ni Alaric ang driver at agad naman itong kumilos, inalis ang sasakyan sa tapat ng gate."Thank you," labas sa ilong na sambit ni Clara. Tinali

  • Remarried: Carrying the Tycoon's Child   Chapter 56 - Dinner

    ISANG ARAW nanatili sa ospital si Clara, dahil sa past trauma na pinagdaanan noong bata pa ay kinailangan siyang suriin ng mabuti. Pinayuhan siyang manatili pa dahil kakailanganin ng maraming pag-aaral sa kanyang kondisyon pero inaalala niya ang trabaho.Hindi niya pwedeng pabayaan ang responsibilidad. Kinakatakot niya na ano man sandali ay pwede siyang palitan, tapos balik ulit sa simula. Napakahirap pa naman makahanap ng trabaho sa panahon ngayon.Pumayag naman ang doctor basta ba regular siyang magpapatingin at wala naman problema iyon sa kanya.Pagkauwi sa apartment ay doon lang niya naramdaman ang panghihina, bumabalik sa kanya ang katotohanan na sadya ang pagkakakilala nila ni Alaric."Anong iniisip mo?" tanong ni Janice.Nasa kusina sila, naghahapunan.Umiling siya, pero ilang sandali pa ay sinabi na rin ang gumugulo sa isip. "Alam nila kung sino ako, kaya siguro gano'n na lang kabait si Senyora sa'kin… kahit siguro si Manang Teresita, 'yung Mayordoma sa bahay."Nakikinig lang

  • Remarried: Carrying the Tycoon's Child   Chapter 55 - The Dream Was Real

    BINABANTAYAN ni Alaric ang natutulog na si Clara nang dumating ang kaibigan nitong humahangos, halatang nagmamadali.Ang tingin ni Janice ay diretso kay Clara. "Anong nangyari sa kanya?" tanong niyang hindi maalis ang tingin sa kaibigan. Nang mag-angat ng tingin ay saka lang niya napansin ang suot ng binata. "Galing ka pa bang event? Pa'no kayo nagkita ni Clara?"Bago pa makasagot si Alaric ay nagising na si Clara, naalimpungatan ng marinig ang boses ng kaibigan.Nabaling ang atensyon ni Janice, bakas ang pag-aalala sa mukha nang hawakan ang kamay ng kaibigan. "Ayos ka lang, anong masakit sa'yo? Gosh, 'di ko pa pala natanong kung anong nangyari." Sabay tingin kay Alaric, umaasang magpapaliwanag ito.Pumikit si Clara, inaalala ang mga nangyari bago tuluyang mawalan ng malay. Pagkatapos ay nagtangka siyang bumangon kaya inalalayan ni Janice. Lumapit din si Alaric upang iangat ang hospital bed upang makaupo ito at pagkatapos ay inayos ang unan para masandalan nito.Nakatitig lang the who

  • Remarried: Carrying the Tycoon's Child   Chapter 4 - Not Welcome

    DAHAN-DAHAN ang ginawang paglingon ni Clara, matapos niya iyong marinig. Sa isang iglap, tila ibang tao ang nakikita niya at hindi ang asawa. "D-Dito na sila titira? Nang hindi mo sinasabi sa'kin?" may pait ang pagkakasabi niya.Kaya biglang nahiya si Mina, agad nadamang magkakaproblema pa ang mag-

  • Remarried: Carrying the Tycoon's Child   Chapter 3 - A Home No Longer Mine

    NANGHIHINANG bumalik sa sasakyan si Clara, wala sa sarili siyang naupo sa backseat habang ang driver ay nagtataka naman, makailang ulit siyang tinawag at tinatanong.Sa huli ay sumuko ito, napakamot sa ulo at naghintay sa kinauupuan.Nakayuko lang si Clara, tahimik na lumuluha. Mayamaya pa, nang ka

  • Remarried: Carrying the Tycoon's Child   Chapter 2 - Knowing the Truth

    MALUTONG na sampal ang dumapo sa mukha ni Mina, sa labis na pagkabigla ay nablangko ang utak niya sa nangyari. Hindi makapaniwalang tiningnan ang biyenan na babae. "M-Mommy…"Lahat ay nagulat sa ginawa ni Helena, unang beses na masaksihan nilang nagbuhat ito ng kamay kahit pa napaka-strict nitong t

  • Remarried: Carrying the Tycoon's Child   Chapter 1 - Wedding Anniversary

    NGUMITI ng makahulugan si Mina at hinawakan ang kamay ni Clara. "Kailangan pa bang malaman kung sino 'yun? Sobrang tagal na no'n saka, sure naman akong nakalimutan na niya 'yung babae.""Pero gusto ko pa rin malaman—""Mommy!"Sabay silang napalingon ng marinig ang boses ni Nathan, ang apat na taon

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status