LOGINHINAWAKAN ni Ethan ang mukha ni Clara sabay punas sa basang pisngi. "'Wag ka nang umiyak, gagawa ako ng paraan para maibalik ito sa dati."
Hindi pa rin matigil sa pag-iyak si Clara kahit ilang minuto na silang naroon. Maya't maya niyang sinusubukang pagdikitin sa dati ang nagkapira-pirasong litrato pero pinipigilan siya nito, sinasabing huwag ng magpagod.
"Ang mas mabuti pa ay magpahinga ka na, dadalhin ko 'to bukas para ipaayos kaya 'wag ka ng umiyak."
Umiiling-iling si Clara, kahit anong assurance pa ang sabihin nito ay nahihirapan siyang maniwala. Oo, posibleng maibalik sa dati ang litrato pero alam niya, mag-iiba pa rin ito kaysa sa origihinal na itsura.
"Patirahin mo sila sa ibang lugar, 'wag dito."
"Ano?" naguguluhang tanong ni Ethan. "Sina Mina at Nathan ba ang tinutukoy mo?"
"Ayoko sila rito."
"Clara… hindi ko akalaing ganyan ka pala. Hindi ka ba naaawa sa kanila? Wala na silang ibang mapupuntahan. Saka, bata lang si Nathan, hindi niya sinasadyang punitin ang litrato."
Mariing pumikit si Clara ng may tumulo muling luha sa mga mata kahit halos hindi na niya maidilat dahil sa pamamaga. "H-Hindi mo 'ko naiintindihan," aniya sa garalgal na boses.
"Clara—"
"Mamili ka… ako o silang dalawa?" diretsahang tanong dahil pagod na siyang paulit-ulit na makiusap.
Napalunok ng laway si Ethan sabay iwas ng tingin. "'Wag mo 'kong papiliin, Clara. Alam mong hindi ko sila kayang pabayaan."
Nanginig ang labi niya sa narinig, isa lang ang ibig sabihin. Mas matimbang si Mina kaysa sa kanya na asawa. Napahawak siya sa kanyang dibdib, tila pinipiga ang puso niya sa narinig.
Sa nanghihinang boses ay nakiusap siya, "S-Sabihin mong ako ako ang pinipili mo, Ethan. Gusto kong marinig."
Nagbaba lang ito ng tingin, hindi makuhang sumagot.
"Please…" sobrang sakit ng pagkakabigkas niyang iyon. Unang beses na nagmakaawa siya ng ganoon sa isang tao at sa asawa niya pa.
"Wala akong pipiliin sa inyo, Clara. Pareho kayong mahalaga sa'kin."
Pero hindi iyon ang nakikita at nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. "You're lying. Alam kong sila ang mas mas matimbang… Sige, hindi na kita pahihirapan pa," bawat salitang lumalabas sa kanyang labi ay parang hinihiwa nang maliliit ang kanyang puso, sobrang sakit pero kailangan niyang gawin.
Para sa sarili at sa natitirang dignidad na meron siya.
Mabilis siyang tumayo at pumasok sa walk-in-closet para kumuha ng maleta. Pagkatapos ay mabilisan niyang kinuha ang mga mahahalagang gamit.
Nakasunod naman agad si Ethan at nang makita ang ginagawa nito ay biglang nataranta. "What are you doing?!" Nilapitan niya ito sabay pigil sa braso. "Nasisiraan ka na ba? Ba't ka aalis?"
"Bitaw… bitawan mo sabi ako!" hiyaw ni Clara.
"Hindi ka aalis," ani Ethan sabay agaw sa maleta at ilang damit. "Dito ka lang."
Nakipag-agawan si Clara pero sa huli ay hindi rin siya nanalo kaya hinayaan na lang niya saka siya dali-daling tumakbo palabas ng kwarto. Sapat na sa kanya na hawak niya ang cellphone at ang walet.
Makakaalis pa rin siya ng bahay kahit wala siyang gamit.
"Clara!" tawag ni Ethan, sinundan niya ang asawa pero mabilis itong nakababa. Sinundan niya pa rin hanggang sa makita itong sumakay sa kotse. Doon na siya kumaripas ng takbo, makailang ulit kinalampag ang bintana ng sasakyan pero tila walang nakikita at naririnig si Clara.
Humarurot palabas ng gate ang kotse pero pagkalabas ng subdivision ay doon lang siya napaisip… Saan siya ngayon pupunta?
Magho-hotel ba siya o makikitulog muna sa mga kaibigan kahit isang gabi lang?
Habang naguguluhan kung anong dapat gawin ay tumunog naman ang cellphone niya. Inisang tingin lang niya at nang makitang ang asawa ang tumatawag ay hindi niya sinagot.
Hinyaan niya lang na mag-ring ang phone hanggang sa tuluyan itong mapagod sa kakatawag.
Makalipas ang ilang minutong pagmamaneho, na walang katiyakan kung saan papunta ay pinarada niya muna sa tabi ang kotse. Saglit siyang tumulala, mahigpit na hinawakan ang manibela.
Iyon na naman siya, iyong pakiramdam na parang katapusan na ng mundo. Naiiyak siya at nanggagalaiti sa galit, ni hindi na nga niya naisip ang sarili at kung gaano kadelikado magmaneho ng emosyonal.
Mayamaya pa ay nag-angat siya ng tingin, mula sa malapit ay pansin niya ang makukulay na ilaw. Pansamantalang nawala sa isip niya ang pinagdadaanan at lumabas ng kotse.
Naglakad siya palapit at doon ay napagtanto niyang nasa isang parke siya, maraming tao ang naglalakad at mga batang nagtatakbuhan kasama ang mga magulang.
Kay gandang pagmasdan ng paligid kahit na pangkaraniwan lang naman ang nakikita niya. Naglakad-lakad siya paikot at nang mapagod ay saglit na naupo.
Habang nakatulala sa kawalan ay muli na naman niyang naalala ang pangyayari kanina sa bahay. Nanubig muli ang mga mata kaya agad niyang pinunasan, pagkatapos ay tumayo na siya at bumalik sa kotse, napagpasiyahan na sa hotel muna matutulog sa gabing iyon.
Bago buhayin ang makina ng sasakyan ay mabilisan niyang tiningnan ang cellphone, may missed calls at text si Ethan pero hindi niya pinansin.
Binasa lang niya ang message ng hipag.
Ysabelle: Hindi ba kayo pupunta rito ni Ethan?
Napabuntong-hininga siya. Gabi ng lamay ni Noah kaya dapat ay naroon silang mag-asawa pero dahil sa mga nangyari ay hindi niya tiyak kung makakaharap pa ba siya sa pamilya nito.
Gusto niyang mag-reply at sabihing masama ang kanyang pakiramdam. Ngunit naisip niya rin hindi tamang magsinungaling. Kaya hindi na siya nag-reply at nagmaneho na lang patungo sa pinakamalapit na hotel.
Samantala, panay ang tawag ni Ethan sa asawa. Papaling-paling ng lakad sa may sala hanggang sa lapitan ni Mina.
"Hindi pa rin ba siya sumasagot?"
Umiling siya, muling tatawag ng maunahan ng pagtunog ng cellphone. Natigilan siya nang makita ang pangalan ni Ysabelle sa screen.
Inisang tingin pa nga niya si Mina bago naglakad palayo. "Hello, Ate?"
"On the way na ba kayo? Tini-text ko si Clara, 'di naman nagre-reply."
"Ahm… masama ang pakiramdam niya kaya ako lang ang pupunta."
"May sakit siya? Oh, that's why wala siya kahapon buong araw," ani Ysabelle. "Okay, bilisan mo lang ang—"
"Mommy!"
Magkasabay na lumingon si Mina at Ethan sa hagdan kung nasaan si Nathan na yakap ang paborito nitong stuff toys.
Sinenyasan ni Mina ang anak na huwag maingay pero wala na iyong magagawa. Dinig na dinig ni Ysabelle sa kabilang linya ang lahat.
"May bata ba riyan?"
"W-Wala, Ate… nanonood lang akong movie," pagsisinungaling ni Ethan.
Kiniling ng bata ang ulo, naguguluhan sa nangyayari kaya mabilis na bumaba ng hagda, iyon nga lang ay hindi ito nakatingin sa tinatapakan.
"Nathan!" hiyaw ni Mina nang makitang matutumba ang anak. Tinakbo niya agad sabay yakap.
Maging si Ethan ay nakalimutan ang kausap sa linya. "Ayos ka lang ba? Hindi ka nasaktan?" tanong niya sa pamangkin matapos lumapit.
"Yes, Uncle. Sorry," paghingi ni Nathan ng tawad.
Nakahinga siya nang maluwag at nang maalala na may kausap pa sa linya ay binalik niya ang cellphone sa tenga. "Hello, Ate?"
Tahimik sa kabila kaya akala niya, nag-end call na pero pagtingin ay naka-connect pa rin sa tawag. "Hello—"
"Anong ginagawa ni Mina at Nathan sa bahay mo?" malalim at malamig na tanong ni Ysabelle.
SA HALIP na umalis ay nanatili si Ethan. "Clara, please. Hindi ako aalis hangga't hindi tayo nagkakausap nang maayos.""Ayoko, hinding-hindi na 'ko makikipag-usap sayo," malamig na tugon ni Clara. "Kaya umalis ka na."Si Janice naman na nanatili sa tabi ng kaibigan ay tiningnan ito nang masama. "Narinig mo sinabi niya? Umalis ka na, 'wag mo nang ipilit ang sarili mo nagmumukha ka lang tanga."Pero tila walang naririnig si Ethan, hindi niya pinansin ang sinabi nito at nanatili ang tingin sa asawa. Mariin niyang hawak ang bouquet kahit ayaw nitong tanggapin.Ilang sandali pa, may mga kapitbahay na sumisilip sa bintana, nakiki-osyoso matapos makarinig nang komusyon sa apartment ng landlord."Alis na sabi, naiistorbo na mga tenant ko," muling pagtataboy ni Janice.Huminga naman nang malalim si Clara saka napabuntong-hininga. "Please, Ethan… hangga't maaari gusto ko ng katahimikan kaya 'wag mo na 'kong guluhin. Ayokong ng eksena rito kaya pwede ba, umalis ka na," aniya, sabay turo sa bukas
NANG marinig ni Clara ang salitang offer ay natigilan at saglit na nag-isip. "Wait lang po, Prof. Magpapaalam lang akos sandali sa mga kasama ko. Hintayin niyo na lang po ako rito, saglit lang ako."Matapos ay mabilis niyang pinuntahan ang mga kasamahan, iniwan sa mga ito ang isa niyang payment card. "Sorry, pero may importanteng sasabihin ang professor ko kaya hindi na ko makakasabay. Bilhin niyo na lang ang gusto niyong pagkain.""Iyon ba 'yung kausap mo ngayon-ngayon lang?" tanong ng isang kasamahan na tinanguan ni Clara."Kukunin ko na lang later pagbalik ko," aniya, tinutukoy ang payment card. Pagkatapos ay umalis na siya at muling binalikan ang professor. "Tara na po." Habang nakangiti.Napagpasiyahan nilang sa malapit na kainan sila mag-usap nang masinsinan. Habang sini-serve ang pagkain ay nagtatanong si Ramirez sa naging buhay ng dating estudyante matapos makagraduate.Nagkuwento naman si Clara, pero hindi niya pinahalatang may pinagdadaanan siya."Eh, kayo po? Kumusta na po
KINABUKASAN, pagdating sa ospital ay inilapag ni Clara ang bag at ilang gamit saka siya pumunta sa HR office. Hindi muna siya pumasok o kumatok, sinisilip-silip ang loob at nang mapansin na may tao na ay saka binuksan ang pinto."Good morning, Nurse Clara. Maupo ka," bati ng HR Manager, may munting ngiti sa labi."Good morning din po," aniya saka naupo sa tapat ng mesa.Kinuha ng HR Manager ang resignation letter na ipinasa niya noong nakaraan. Matapos, ang maaliwalas nitong mukha ay bigla na lamang sumeryoso—ipinatong ang magkabilang braso sa table saka pinagsalikop ang parehong kamay. "For formality, gusto ko lang malaman kung bakit gusto mong mag-resign?"Huminga muna nang malalim si Clara bago sumagot, "Lumipat po kasi ako ng tirahan. Two hours commute kaya mahirap bumiyahe araw-araw ng gano'n katagal." Saka siya napalunok ng laway, dahil ang babaw ng dahilan niya kung pwede naman siya gumawa ng paraan para mapadali.Mabuti na lamang at hindi na ito nagtanong pa, tumango na lamang
NATIGILAN ang dalawa nang makita si Clara, maging ang mga bisita na alam ang nangyayari sa pamilya ay nakaabang—ramdam ang namumuong tensyon."Anong ginagawa ng babaeng 'yan dito?" kahit mahina at halos pabulong iyong sinabi ni Helena ay hindi maikakaila ang malamig na trato nito kay Mina. "Hindi pa ba sapat sa'yong na-ospital ako ng dahil sa kanya, ha, Ethan? Gusto mo talagang makita akong sumunod sa kapatid mo?""Mommy," react ni Ysabelle sa narinig.Maging si Victor ay hindi nagustuhan ang sinabi ng asawa. "Huminahon ka't baka mapa'no ka pa. Kalalabas mo lang sa ospital."Matalim na tingin pa rin ang pinupukol ni Helena para sa manugang. "Umalis siya rito kung gusto niyong kumalma ako."Nakatungo ang ulo ni Mina, hindi niya magawang mag-angat ng tingin dahil hiyang-hiya na siya ng mga sandaling iyon. Pasimple niyang hinawakan ang dulo ng damit ni Ethan sabay hila. "A-Aalis na lang ako," aniya ngunit bago pa makaalis ay pinigilan siya nito."Dito ka lang," ani Ethan, ang tingin ay n
KINAUMAGAHAN, sa kabila ng naranasang pagod ay maayos naman na nakapagpahinga si Ethan. Nakatulog siya nang mahimbing at sobrang relax ng katawan.Bumangon agad siya para makapagsipilyo at hilamos. Matapos ay nagpalit ng sportswear para magjogging saglit sa labas. Inikot niya ang buong subdivision saka siya bumalik para mag-almusal.Hindi na siya nag-abala pang bumalik sa kwarto at dumiretso na sa dining area kung saan ay naabutan niyang nag-aalmusal si Mina at Nathan.Lumapit siya para batiin ang mga ito. Hinawakan niya ang buhok ng bata, bahagyang ginulo sabay bati, "Good morning," aniya habang nakatingin kay Mina.Nag-angat ito ng tingin pero agad rin binalik ang atensyon sa pagkain na para bang hindi siya nakita. Napabuntong-hininga na lamang siya, pinalampas ang hindi nito pamamansin at mamaya na lamang kakausapin nang masinsinan kapag wala na ang bata.Naupo na siya at kumain, tahimik na nakikiramdam ngunit hanggang sa matapos silang kumain ay hindi man lang siya binigyang atens
NANGGAGALAITI sa galit si Ethan nang muling tumunog ang cellphone, hindi na niya tiningnan kung sino ang caller. "Hello?""Ano, nakausap mo na ba si Clara?" ani Mina.Mabigat na buntong-hininga ang pinakawalan ni Ethan. "Ibang tao ang nag-post, hindi siya.""At naniwala ka naman? Ethan, alam kong—""Not now, Mina. Marami akong iniisip, saka na lang natin 'to pag-usapan. May dapat pa 'kong asikasuhin.""Ano naman 'yun?""'Wag nang marami pang tanong." Akmang ibababa na niya ang tawag nang humabol pa ito."Gusto kong malaman, Ethan. Don't tell me, may ginawa si Clara—""It's not about her, okay?!" hindi na niya napigilang magtaas ng boses. "May problema sa kompanya, 'yun lang 'yun kaya 'wag—""Ba't ka sumisigaw? Nagtatanong lang naman ako!"Napahilot sa sintido si Ethan. Lalo lang lumalala ang tensyon sa pagitan nila kaya huminga siya nang malalim at kinalmahan ang sarili. "Look, Mina. Hindi ko naman intensyon na sigawan ka. It's just that, tumawag si Daddy at may binalitang hindi magan
MAHIGIT isang oras nang nagmamaneho si Clara kaya pakiramdam niya ay bibigay na ang katawan sa pagod. Pero nang makita ang kaibigang si Janice na naghihintay sa labas ng apartment building nito ay gumaan ang pakiramdam niya.Nakasandal ito sa gate habang nakahalukipkip at nang makita ang sasakyan n
HINDI nagustuhan ni Ethan ang narinig kaya hinawakan niya ang braso ng asawa sabay hila. "Sumusobra ka na!"Nasaktan si Clara, ngunit hindi siya natinag. Akala niya, maiibsan ang sama ng loob sa paglipas ng mga araw pero mali siya, dahil mas tumitindi lang."Ni hindi ka man lang tumawag o kahit nag
BIGLANG nanuyo ang lalamunan ni Ethan matapos marinig ang tanong ng kapatid.“Anong ginagawa ni Mina at Nathan sa bahay mo?” tanong muli ni Ysabelle.Tahimik si Ethan habang nakatingin sa mag-ina na nasa may hagdan. Kitang-kita niya ang kaba sa mukha ni Mina.Samantalang naghihintay naman ng sagot
MABIGAT ang hakbang ni Mina patungo sa dining area, busangot pa ang mukha upang mapansin ni Ethan at hindi naman siya nabigo."Anong nangyari?" anito.Umiling siya, kunwari ay walang balak magsalita hanggang sa maupo sa tabi ng anak. "A-Aalis na lang kami ni Nathan.""Ha?" react ni Ethan. "Ba't kay







