Share

Chapter 5

Nagising si Jillian dahil sa matinding sakit ng ulo. Napaungol pa siya habang sapo iyon.

Ano ba ang nangyari? Bakit parang minartilyo ang ulo niya sa sobrang sakit nun? Nahihilo rin siya.

Bumangon siya mula sa pagkakaupo dahilan ng pagkakatanggal ng malambot na kumot na nakatakip sa kanya. Bumaba ang tingin niya sa kanyang katawan at parang lumobo ang ulo niya sa tumambad sa kanya.

N*******d siya! As in na walang damit ni isa! Hubot hubad!

Oh my...

Sisigaw na sana siya sa matinding pagkasindak nang may gumalaw sa tabi niya!

Doon lang niya napansin ang lalaki na mahimbing na natutulog sa kama kasama niya. Natutop niya ang bibig habang mabilis na tumitibok ang kanyang puso.

Sino ito? Sino ang lalaking ito?? At bakit sila magkasama sa iisang kama?!

Dahil sa pagkakataranta ni Jillian ay nahulog siya sa kama. At mula sa sahig ay nakita niya doon ang mga damit niya na nagkalat. Naluluha siyang tumakbo papunta sa bathroom at doon nag-iiyak. Hindi siya tanga upang hindi maanalisa kung ano ang possibleng nangyari. Tumingin siya sa salamin. Tadtad ng chikinini ang buo niyang katawan, may mga bakas din ng ngipin sa kanyang balat na para bang nanggigigil sa kanya ang lalaki kagabi.

Napaupo siya sa inidoro habang sapo ang mukha at umiiyak. Makirot ang pagitan ng kanyang mga hita na lalong nagpatibay na wala na ang pagkabirhen niya.

Paano iyon nangyari? Ang huli niyang naaalala ay masaya silang nagkukwentuhan ni Mr. Zimmerman at nagpaalam siya upang mag-cr. Tapos may lalaking humila sa kanya sa loob ng kwarto. Tapos... tapos..

Marahas na pinunasan ni Jillian ang kanyang mga luha at madaling nagbihis. Walang silbi na nag-iiyak pa siya. Tapos na. Wala na siyang magagawa pa dahil hindi na niya maibabalik pa ang nakaraaan.

Hinablot ni Jillian ang nakitang malaking jacket na pakalat-kalat sa sahig. At habang isinusuot iyon ay hindi niya maiwasan na pagmasdan ang lalaki sa gitna ng kama. Nakadapa ito at kitang-kita ng mga nanlalaki niyang mga mata ang matambok nitong pwet! Sobrang tangos ng ilong, mapula na labi at sobrang haba ng mga pilik mata...

Tangina! Sino ang nilalang na ito? Kampon ba ito ni Adonis? Ang swerte naman niya na nakasama niya ito sa isang gabi!

Umiling si Jillian at sinapak ang sarili. Gwapo nga ang hudas pero hindi siya natutuwa sa nangyari. Sana lang ay hindi siya mabuntis. Madami na siyang problema na kinakaharap at ayaw niyang madagdagan pa iyon. Gusto niyang magkaanak pero hindi pa muna sa ngayon.

Lumabas na siya sa kwarto at gaya nga ng inaasahan niya ay nasa club pa siya. Magtatanghali na ayon sa nakita niyang orasan sa may dingding. Mga nagpapraktis ng sayaw ang naabutan niya sa ibaba. Ang iba ay nginisihan siya habang ang ilan naman ay tinaasan siya ng kilay.

Hindi niya alam kung babalik pa ba siya dito mamayang gabi...

***

"Saan ka nanggaling? Buong gabi kang wala ah! Kung saan-saan na kita hinanap pero ni anino mo ay hindi ko makita!" Iyon ang bungad sa kanya ng kuya Ruben niya nang makauwi siya.

"Naghanap ako ng pera. Wala naman akong ibang aasahan sa mga bayarin sa hospital," sagot niya at nilagpasan ang kapatid.

"Nagtrabaho sa gabi? Nagpapaka p****k ka na 'no? Sabagay, ano pa ba ang aasahan ko?" ngisi ni Mara habang nagpapa pedicure ito sa kanilang kapit bahay.

"Anong sinabi mo?" Nanliit ang mga mata niya na binalingan ang babae.

Hinablot naman ng kuya Ruben niya ang kanyang braso at iniharap siya dito. Galit ang anyo nito.

"Magtapat ka nga sa akin, Jillian. Saan ka ba talaga nanggaling? At bakit ganyan ang suot mo? Jacket ng lalaki yan ah?"

Humalakhak si Mara. "Naku Ruben. Ang dapat mong tinatanong ay kung magkano ang kinita niya kagabi. Mukhang nakatsamba ang kapatid mo. Tingnan mo naman ang jacket na suot. Halatang mamahalin!" Nang-uuyam pa itong tumawa.

Ipiniksi ni Jillian ang kamay ng kuya Ruben niya na nakahawak sa braso niya saka hinarap si Mara.

"Pwede ba? Huwag na huwag mo akong itutulad sa sarili mo na kung sino-sinong mga lalaki na lang ang tumitikim sa iyo. Hindi ka na nahiya kay kuya Ruben na nagpapakain sa iyo."

Kitang-kita niya kung paano pumula sa inis ang mukha ni Mara dahil sa sinabi niya. "Anong sinabi mo??"

"Bingi ka ba o baka gusto mo ulit na marinig ang katotohanan?" Taas kilay niyang tanong dito.

"Jillian!" saway ng kuya Ruben niya kaya bago pa ulit siya makarinig ng kung anu-ano ay pumasok na siya sa kanyang kwarto at nagkulong.

Tinangggal niya ang suot na jacket at basta na lang iyon itinapon sa kung saan. Paghiga niya sa kanyang kama ay doon niya naramdaman ang sakit sa buong katawan. Magpapahinga na muna siguro siya bago dumalaw sa hospital.

***

Kasalukuyan na nakatitig si Jillian sa kanyang ina na nakaratay sa kama nang biglang tumunog ang cellphone niya. Nang makitang si Doc Lance ang tumatawag ay agad niya iyong sinagot. Ilang araw din itong nawala at ngayon lang nagparamdam.

"Hello, doc," sagot niya.

"Where are you? Libre ka ba ngayon? May importante akong sasabihin sa iyo."

"Oo. Nasa hospital ako. Pupunta ka ba dito?"

"Just meet me at the Lake restaurant. Doon na lang tayo magkita."

Matapos ang tawag ay agad na pinuntahan ni Jillian ang nasabing restaurant. Malamang na tungkol ito sa paghahanap nito ng heart donor.

Agad nga niyang namataan si Lance. Mag-isa ito sa mesa at nakatulala, malayo ang tanaw na parang malalim ang iniisip.

"Doc Lance," pukaw niya.

"Oh, Jillian. Maupo ka," anito at umayos ng upo.

"Bakit niyo ako pinatawag dito? May update na ba tungkol sa donor?" tanong niya pagkaupo.

Tumango ito. "May auction na magaganap bukas ng gabi. Ako mismo ang pupunta doon para masiguro na tayo ang makakakuha nun."

Parang nabunutan ng tinik ang dibdib ni Jillian sa narinig. Hindi niya tuloy mapigilan ang mapangiti. "Magkano kaya?" wala sa sarili niyang tanong.

"10 million is the starting bid."

Kulang na lang ay lumuwa ang mga mata niya sa halaga na binanggit ni Lance. 10 million? Saan naman siya kukuha ng gaanong kalaking pera??

"At pwede pa iyong tumaas depende sa kung gaano ito ka-in demand," dagdag pa ni Lance.

Gustong panghinaan ng loob si Jillian pero agad niya iyong sinupil. Dapat ay maging masaya siya dahil sa magaganap na auction. Isang beses lang na dumating ang ganitong pagkakataon kaya hindi niya dapat ito palampasin. Kung pera lang ang kailangan then gagawa siya ng paraan.

"But you don't need to worry about the money. Ako na ang bahala, Jillian."

Lumipad ang tingin niya kay Lance at seryoso itong tinitigan. Hindi niya talaga alam kung ano ang niluluto nito. Tinanggap lang niya ang mga tulong nito dahil sobrang kailangan niya. Nagpapasalamat siya pero ayaw na niyang madagdagan pa ang mga utang dito. Natatakot siya na baka maningil ito sa ibang paraan balang araw.

Tumango na lang siya dito at tipid na ngumiti. "Salamat, doc Lance. Babayaran ko rin ang mga nagatos mo."

"Hindi na kailangan pa. Kumain ka na ba?" pag-iiba nito ng usapan.

Umiling siya sa una nitong sinabi. Sa ngayon ay walang ibang paraan kundi umasa dito. Pero habang nasa auction ito ay maghahanap din siya ng instant money.

Napaisip siya. Magkano na kaya ang isang kidney ngayon?

***

"Nababaliw ka na ba, Madison? Alam mo ba kung sino ang binabangga mo? Hindi mo siya pwedeng kalabanin!" pangaral ni Kylie sa kaibigan.

Inis na inginudngod ni Madison ang kanyang sigarilyo sa ashtray. "But I can't just let that Lily to marry Paxton! Tiyak na pagtatawanan niya ako! Hinding ako papayag na ako ang matalo sa aming dalawa!"

"Alam mo namang talo ka na, Mads. Si Lily ang mahal niya, hindi ikaw. Siya nga ang papakasalan diba?"

Muling kumuha ng isang stick si Madison at sinindihan iyon. Pareho silang modelo ni Lily at mortal niya itong kaaway. Mainit ang dugo nila sa isa't-isa at lalong tumindi ang galit niya sa babae nang malaman na boyfriend na pala nito si Paxton, ang ex niya. Ito ang lalaking tanging minahal niya na kahit na hiwalay na sila ay hindi pa rin siya nakaka-move on dito!

Tapos ngayon ay malalaman niya na ikakasal na pala ang mga ito? Impakta ang babaeng iyon na nagpapanggap lang na santa! Madami na itong nabiktima dahil sa balat-kayo nito. Muntik na ngang magpakamatay noon ang kapatid niya dahil bigla na lang itong iniwan ng babaeng iyon. Kaya hindi siya papayag na maging masaya ito. Kailangan nitong magbayad. Hindi na ito dahil kay Paxton. Ginagawa niya ito para sa ikakasiya ng sarili niya.

"Nakikinig ka ba?" sikmat sa kanya ni Kylie.

"Hindi," sagot niya at nagbuga ng usok.

Nasapo ni Kylie ang ulo dahil sa katigasan ng ulo ng kaibigan. "Sa tingin mo ba ay may magagawa ka upang pigilan ang kasal nila?"

Nagsalubong ang mga kilay ni Madison. "Are you underestimating me?"

Humalukipkip si Kylie. "Bakit? May Plano ka na ba?"

"Of course I have. Sa tingin mo ba ay gagawin ko ito kung wala akong plano?"

"Eh ano nga?"

Inilahad ni Madison ang kanina pa tumatakbo sa isip niya. It will be risky kung siya mismo ang lalantad upang pigilan ang kasal. Kailangan niyang mag-hire ng tao na gagawa nito.

"At sino naman ang papayag sa gusto mong mangyari?!" bulalas ni Kylie. "Kilala ng lahat si Paxton. He is deadly. He is an evil billionaire at lahat ng kumalaban sa kanya ay nababaon sa hukay! Sinong matinong tao ang papayag sa gusto mong mangyari?!"

"Pwede ba? Bakit ba stress na stress ka eh hindi naman kita idadamay dito?"

"I'm just concern! Hindi na ba ako pwedeng mag-alala?"

Umiling si Madison. "Hindi mo na mababago pa ang desisyon ko, Kylie."

Napabuntong hininga na lang si Kylie dahil wala na siyang magagawa pa kapag nakapagdesisyon na ang kaibigan.

"What now? Saan ka naman kukuha ng baliw na papayag sa plano mo?"

Tumigil ang limousine na kinasasakyan nila dahil sa traffic. At mula sa gilid ng daan ay natanaw ni Madison si Jillian na parang wala sa sariling naglalakad. Lalo pa siyang napangisi nang makita ang mukha ng dalaga.

"Madali lang. Ang kailangan lang natin ay isang desperadong tao."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status