Share

Kabanata 2

Author: Purplexxen
last update Last Updated: 2025-09-14 21:13:59

Inangkin ni Magnus ang mga labi ni Yamila. Nilamukos ito ng halik saka hinapit ang bewang nito upang magtama ang kanilang mga dibdib.

Pumikit si Yamila, mas lalong nasaktan sa pagiging malamig at walang puso ng kaniyang asawa.

Bigla'y pinunit ni Magnus ang suot niyang damit, nalantad ang kaniyang dibdib. Para siyang nabibingi sa tindi ng pagkapunit, ngunit gayunpaman, wala siyang masabi. Nakapikit na lamang siya.

Nang maalis nito ang kaniyang damit, walang patawad nitong ibinaba ang kaniyang bra hanggang sa kaniyang tiyan at mariin na pinisil ang kaniyang dibdib. Napakagat-labi siya, pinipigilan ang sarili na dumaing.

Hindi niya kailanman naisip na gagawin ito sa kaniya ni Magnus. Akala niya'y may natitira pang kabutihan sa puso nito para sa kaniya. Ngunit mukhang wala na, dahil kahit wala siyang kasalanan ay pinaparusahan siya.

Naalis nito ang kaniyang saplot. Hubo't hubad siyang iniangat ni Magnus sa lababo at pilit na pinagparte ang kaniyang mga binti. Napasinghap siya ng tumama ang pagkalalaki nito sa maselan niyang pagkababae.

"Magnus... please." Nanginginig niyang sabi.

Kahit na parang nilalamon na ng dilim, galit, at poot ang isipan ni Magnus ay sinubukan niya pa rin na pigilan ito... umaasang papakinggan man lang siya. Gusto niyang tumigil ito at ayusin nila ang hindi pagkakaunawaan, ngunit parang bingi ang lalaki at hindi marinig ang kaniyang mga pagsusumamo.

Hindi pa man handa ay ipinasok nito ang pagkalalaki. Umawang ang kaniyang bibig, isang impit na ungol ang kumawala sa kaniyang mga labi at agad na pumatak ang luha sa gilid ng kaniyang mga mata. Para siyang hinahati sa dalawa.

Napakapit siya sa braso nito. Nanghihina niyang itinulak ang lalaki, ngunit lalo nitong ipinilit na ipasok ang kahabaan sa kaniyang loob.

Napapikit siya ng mariin saka humikbi. Sobrang sakit ng kaniyang pagkababae. Para siyang nahahati sa dalawa.

"M-magnus."

"Shut up!" Mariin nitong sabi at muling tumulak papasok.

Tahimik na lamang na pumikit si Yamila, hindi na muling sinubukan na magmakaawa.

Pagkatapos ng lahat, tahimik na nakatingin si Yamila sa tiles ng banyo kung saan nakikita niya ang patak ng dugo. Iyon ay galing sa kaniya, sa pagpilit ni Magnus na sirain siya... isang patunay na unang beses iyong ginawa sa kaniya.

Walang kahit anong bakas ng saya sa kaniyang mukha o sa puso niya.

Hindi niya inakala na ang isang bagay na dapat ay maganda at puno ng pagmamahal… ay magsisimula sa ganitong paraan.

Nakapanglulumo. Masakit.

Naka-upo siya sa malamig na sahig, halos nakayuko dahil sa kirot.

Samantalang si Magnus, isang malamig na sulyap lang ang ibinigay sa kaniya bago ito naglakad papasok ng shower.

Mabilis itong nagbanlaw, saka lumabas na nakatapis ng tuwalya, na para bang walang nangyari.

Nang mawala ito, saka siya unti-unting tumayo. Nanginginig ang kaniyang mga tuhod. Humahapding muli ang kaniyang pagkababae.

Pagharap niya sa salamin, halos hindi niya makilala ang sarili. Maputla ang mukha niya na parang papel, pero kahit ganoon hindi kayang itago ng repleksyon ang likas niyang ganda. Isang ganda na ni minsan ay hindi nakita ni Magnus.

Napakagat siya sa labi at mapait na ngumiti. Isang ngiting puno ng panunuya sa sarili. Ito ba? Ito ba ang sukli sa pagmamahal niya?

Kalapastanganan ang sukli sa lahat ng sakripisyo niya?

Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa shower upang linisin ang kaniyang sarili at alisin ang mantsa ng dugo sa kaniyang pagkababae. Napapapikit siya sa tuwing napagdidikit niya ang kaniyang mga hita.

Akala niya kanina'y ikakamatay na niya ang nangyari. Para siyang nahahati, hinihiwa, at pilit na pinagpaparte sa dalawa.

Nang matapos siyang maglinis, mabagal siyang lumabas ng banyo. At doon siya nagulat nang mapansin na naroon pa rin si Magnus sa kuwarto.

Ito ang silid nila bilang mag-asawa, pero sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama, bihira lang itong dito umuwi at lalo nang hindi nagtatagal ng magdamag.

Ngayon, nakabihis na si Magnus at nakaupo sa sofa. Nakataas ang isang binti, nakasandal, at nakatingin sa kaniya ng may halong paghamak.

Sanay na siya sa ganoong tingin mula sa asawa, pero ngayong gabi… mas masakit, mas nakakahiya.

Matagal siyang nakatingin kay Magnus bago nagsalita, paos ang boses.

“May sasabihin ka pa ba?”

Tumayo si Magnus at lumapit sa kaniya.

Mula sa itaas, tinitigan siya ng malamig na mga mata. Nakita nito ang babaeng halos mawalan ng kulay sa katawan, puno ng kirot at pasa, pero nanatiling kalmado. At doon, dahan-dahang lumabas mula sa bibig nito ang mga salitang walang puso.

“Bumalik na si Irina. I’ll give you one day to get out of here.”

Parang natigilan si Yamila sa kinatatayuan niya. Nanlaki ang mga mata niya halatang di makapaniwala sa narinig.

"Si Irina... bumalik na siya?"

Hindi na bago sa kaniya ang pangalang iyon. Kahit hindi pa sila kailanman nagtagpo, lagi itong naroon sa buhay niya—isang aninong hindi niya matakasan.

Dahan dahan siyang tumingin kay Magnus. matagal niyang tinitigan ang lalaking kaharap niya.

These eyes were bottomless and when they looked at her, they were always as cold as a bayonet.

Tahimik niyang tinitigan ang mukha nito. Kinakabisa. Ang ala-ala ng isang binatang puno ng ngiti at may dalang liwanag sa bawat araw niya ay unti-unting naging malabo.

Maya-maya humugot siya ng malalim na hininga. Para bang nilakasan niya ang kanyang loob bago mahina at halos pabulong na nagtanong...

"Magnus, sa tatlong taon na magkasama tayo, kahit minsan, minahal mo ba ako?"

Alam ni Yamila na sa tanong na iyon, tinapakan niya ang sariling dignidad. Pinilit niyang pigilan ang mga luha na gustong pumatak.

Napatigil si Magnus. Hindi niya inasahan ang tanong na iyon. Saglit na gumuhit ang bakas ng pag-aalinlangan sa malalim niyang mga mata… pero agad ding nawala.

Matagal siyang tinitigan ni Magnus bago lumabas ang malamig at mapanuyang ngiti sa labi.

“Ano sa tingin mo?”

Kita ni Yamila ang pang-uuyam sa mga mata ng lalaking matagal niyang inibig, parang pinagtatawanan ang ilusyon niya sa sarili.

Napangiti rin siya ng mapait. Napagtanto niya na nakakatawa pala ang tanong niya. Kung kahit kaunti lang na minahal siya ni Magnus sa tatlong taon nilang mag-asawa, hindi ganitong kahihiyan ang kanyang mararanasan.

Hindi alam ni Magnus kung bakit natawa si Yamila bigla.

Nang mabanggit si Irina, ang reaksyon ni Yamila ay hindi niya inaasahang mananatiling kalmado.

Kakaibang katangian ang ipinakita ni Yamila. Ibang-iba sa reaksyon ng isang normal na asawa.

Mas lalo pang nainis si Magnus dahil rito.

Sa tatlong taon nilang kasal, palaging ipinapakita ni Yamila ang imahe ng isang mabait at maasikasong asawa—hindi nagrereklamo, hindi nagagalit at palaging nakakaunawa.

Ngunit siya lamang ang nakakaalam kung gaano karahas at tuso ang puso ng babaeng ito sa likod ng lahat ng iyon. Kaya hindi siya magpapalinlang.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Running Away From My Billionaire Baby Daddy   Kabanata 10

    Hindi inaasahan ni Magnus na masasaksihan niya ang ganitong eksena ng mag-ama. Hindi niya inakalang Si Irina ay anak din pala ni Yael. Namangha siya sa katapangan ni Yamila. Muling nagsalita si Yael. Nagngingitngit na ito sa galit. “Kung hindi mo ko tinuring bilang ama mo, kaya kitang patalsikin sa pamilyang ito!” Isang ngiti lang ang gumuhit sa labi ni Yamila “Talaga?” Lalong namula sa galit si Yael. Ni hindi niya man lang nakitaan ng takot si Yamila sa kaniyang babala. “Baka nakakalimutan mo, hindi ka dapat masyadong kumpiyansa sa sarili mo. Mali ang akala mo sa kakayahan mo.” dagdag ni Yamila. “You–” Napasinghap si Yael. Kahit anong pilit niyang itago halata ang kanyang kaba. Kahit sa harapan ni Magnus, wala siyang mukhang mailalaban. “Yamila!“ nanginginig ang tinig niya. “Magkadugo kayo ni Irina sa ayaw mo o hindi!” Natawa ng mapait si Yamila. “Magkadugo? Kung pagiging anak sa labas lang naman ang ambag niya para matawag kong kapatid, walang saysay sa ak

  • Running Away From My Billionaire Baby Daddy   Kabanata 9

    Nang magtama ang tingin nila ni Magnus, puno ng panlilibak at galit ang mga mata ni Yamila. Para bang isang mapurol na sibat ang biglang tumusok sa dibdib ni Magnus nang makita niya ang naglalarong emosyon sa mga mata ng babae. Hindi siya sanay. Tatlong taon niya itong pinabayaan, trinato na parang wala. At kahit minsan, hindi siya nakakita ng ganitong klaseng galit sa mga mata nito. Pero ngayong gabi… ibang-iba. May halong poot. May halong pagkamuhi. Tahimik lang si Magnus. Malamig ang kaniyang titig na walang imik. Ngunit sa ilalim ng kaniyang tahimik na anyo, ramdam niya ang malamig na pakiramdam na unti-unting bumabalot sa kaniya. “Magnus, halika. umupo ka. Kilala mo na pala si Celeste?” Masigla at halos sobra ang pagiging magiliw ng tono ni Yael. Ngunit halata ang kaniyang intensyon. Habang nagsasalita siya, panaka-naka ang sulyap niya kay Yamila. Tila ba sinasadya niyang iparamdam ang insulto sa anak. “Mmm. Well, Irina saved my… sister.” Kaswal lang ang tono ni Ma

  • Running Away From My Billionaire Baby Daddy   Kabanata 8

    Hawak-hawak ni Yael Marasigan ang kamay ng dalagang nasa tabi niya, bahagyang nahihiya ang ekspresyon sa mukha nito bago tumingin kay Yamila. “Inyayahan kitang pumunta ngayon dahil gusto kong ipakilala sa’yo ang kapatid mo, si Celeste Irina De Vera. She's your sister, Yamila. Dalawang buwan lang ang pagitan ninyo kaya alam kong magiging komportable ka sa kaniya.” Kapatid? Sa wakas nabasag ang malamig na ekspresyon ni Yamila, ngunit nanatiling mariin ang pagkakatikom ng kaniyang mga labi. Matagal na niyang alam na may ibang babae si Yael, kung sino-sino na rin ang nali-link sa kaniyang ama. Ngunit ni minsan hindi ito nagdinala ng babae o ng anak nito sa labas sa kanilang bahay para pormal na ipakilala sa kanila. At ngayon… Anong ibig sabihin nito? “Mr. Marasigan, nagkakamali ka yata,” malamig ngunit matalim na sambit ni Yamila. “Hindi ko matandaang nagluwal pa ng ibang anak ang mommy ko bukod sa akin. Saan mo naman nakuha ang basurang ‘yan? Kakauwi ko lang at ito agad ang

  • Running Away From My Billionaire Baby Daddy   Kabanata 7

    Pagkatapos ng duty, gusto na lang sana ni Yamila umuwi at makalimutan ang lahat. Pero paglabas niya ng ospital, bumungad si Warren sa pintuan, nakangiti at nakatayo parang body guard. “Mrs. Esquivel,” bati nito. Napakunot lang ng noo si Yamila at halatang hindi natutuwa sa biglang pagsulpot ng sekretaryo ni Magnus. “Warren, what suddenly brought you here? And please, wala na kami ni Magnus. Huwag mo na akong tawaging ganiyan." “Okay, madam, I’ll remember it.” Ngumiti si Warren pero halata sa tono niyang hindi siya seryoso. “Madam, please this way. Mr. Esquivel is waiting for you in the car.” Napabuntong hininga na lang si Yamila. Wala na siyang enerhiya para makipagtalo. Imbes na sumama, dumiretso siya sa sariling parking space, ni hindi man lang nilingon ang itim na BMW na nakahimpil sa gilid. “Madam…” humabol si Warren, pero sinalubong siya ng matalim na tingin ni Yamila kaya napatigil ito, hindi na alam kung susundan pa ba siya o hindi. Pagpasok niya sa sariling

  • Running Away From My Billionaire Baby Daddy   Kabanata 6

    Muling bumulusok ang bigat sa dibdib ni Magnus. Mariin ang pagkakakuyom ng kaniyang kamay sa hawakan ng pinto. Nagtaka si Yamila nang mapansing hindi gumagalaw ang tao sa may pinto. Kaya tumingala siya. Halos manlumo siya sa kinauupuan nang makaharap niya ang tao mula sa pintuan. Nang nagdesisyon siyang bumalik ng Pilipinas, iniisip niyang posibleng magkita sila ni Magnus. Pero hindi niya akalaing ganito kaaga. At sa ganitong sitwasyon na hindi siya handa. Nakatitig siya sa gwapong mukhang naka-ukit na sa alaala niya. Ang kamay niyang nakatago sa ilalim ng mesa, kusa nalang napakuyom. Pinilit niyang itago ang kaba at nagkunwaring kalmado. Naalala niya bigla si Mia. Ito ang niligtas niya kanina. At bilang kapatid nito, hindi nakakapagtaka na narito si Magnus. “Mr. Esquivel.” Pilit niyang pinapormal ang kaniyang tono. Ngunit nanatiling malamig ang tinig niya, at sapat iyon para kumunot ang noo ni Magnus. Apat na taon. Apat na taon na mula nang huli niya itong nakita.

  • Running Away From My Billionaire Baby Daddy   Kabanata 5

    Apat na taon ang mabilis na lumipas. Abala ang pasilyo ng ospital, paroo't parito ang mga empleyado, nars, at mga doktor. Simula pa kahapon ay abala palagi ang emergency room at hindi sila pinagpapahinga sa sunod-sunod na pagdating ng mga pasyente. “Dra. Marasigan, ’yong pasyente sa Emergency Room No. 3 critical na po. Pinapatawag kayo ni Dr. Lorenzo." Anunsyo ng intern nurse nang nasa opisina siya. “Okay.” Sanay na si Yamila na halos wala na siyang pahinga. Kapag nasa ospital siya, saka lamang siya nakakapagpahinga kapag kakain siya o kaya'y uupo sa harap ng kaniyang computer para tingnan ang kaniyang record. Pagdating ni Yamila sa pintuan ng emergency room, muntik siyang matigilan. Ang nakahiga sa stretcher na halos mawalan ng malay, ay ang babaeng hinding-hindi niya inakalang makikita agad sa pagbabalik niya. “Mia?” Mahina niyang bulong. Si Mia ay kapatid ni Magnus. Ang hipag niyang matagal nang kaaway. Hindi sila magkasundo ni Mia. Malaki ang galit nito sa kaniya sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status