공유

Kabanata 3

작가: Purplexxen
last update 최신 업데이트: 2025-09-14 21:22:24

Hindi mawala sa isip ni Magnus ang ginawa ni Yamila. Sa tuwing maalala niya, tila naduduwal siya sa galit. Para bang gusto niyang sakalin ito hanggang sa mawalan ng hininga.

“Alam ko.” Iyon lang ang malamig na tugon ni Yamila bago siya tumalikod at magtungo sa walk-in closet.

Sinundan ng mga mata ni Magnus si Yamila hanggang sa makaalis ito. Ngunit Imbes na makadama siya ng ginhawa, mas lalo pa siyang nainis. Hindi siya nasiyahan sa reaksyong ipinakita nito. Wala siyang nakitang takot o pagsuko sa babae. At iyon ang higit niyang kinabubuwisan ng loob.

Nang lumabas si Yamila, kapapalit lang ng damit, basa pa ang buhok. Walang kahit anong kolorote ang mukha, ngunit mas lalo lamang umangat ang likas nitong kagandahan.

Gusto man niyang itanggi, alam ni Magnus na iba ang taglay nitong ganda. Isang kagandahang makapapahamak, kayang kaya nitong makapang-akit. At bagama’t pilit niyang iniiwasan, bumabalik pa rin sa isip niya ang unang pagkikita nila noong kabataan.

Mabilis niyang ipinikit ang mga mata– hindi niya gustong maalala.

Hindi niya inaasahan na lalapit pa si Yamila. At nang magtama ang kanilang mga mata, tila baga saglit na natigilan ang lahat.

Ang lalim ng titig nito— isang tanong na hindi niya kailanman masagot. At sa isang iglap, naisip ni Yamila kung ano nga ba ang kabuluhan ng tatlong taong ipinaglaban niya.

“M-Magnus…”

Ibinuka niya ang kaniyang mga labi, at ilang beses siyang natitigilan, ngunit sa huli ay nahanap din ang lakas ng loob para magpatuloy.

Mabagal siyang nagsalita. “I’m sorry. Hindi ko alam na ang sariling ilusyon ko ang nagpapahirap sa’yo.”

Kasabay ng bawat salita, naramdaman niya ang kirot habang binibigkas iyon. At ngayong buo na ang kanyang pasyang pakawalan si Magnus, lalo lamang lumalim ang sakit.

Ngunit ang salitang patawad na iyon ang siyang gumimbal sa puso ng Lalaki. Ang mga matang sanay sa lamig ay biglang natigilan nang makita ang payapang anyo ng babae.

Mabilis na tumalikod si Yamila at lumakad palayo— hindi na siya lumingon pa.

At habang papalapit ito sa pintuan, lalong bumigat ang dibdib ni Magnus.

Hindi niya napigilang isigaw, "At saan ka naman pupunta?!”

“Sa ospital. Dadalawin ko si Lola.”

Hindi na lumingon si Yamila, ngunit malinaw ang tinig nito.

Naguguluhan si Magnus. Ano ba ang ibig sabihin ng mga sinabi nito kanina? Akala ba niya, isang sorry lang ay sapat na upang magbago ang lahat?

“Hindi mo na kailangang pumunta. Lola is still in a coma. Outsiders are not allowed to disturb her.”

Bahagyang ngumiti si Yamila at dahan-dahan siyang tumango.

“If that's the case, sige. Marami pa kong aasikasuhin, when I’m free, I will move out.”

Tatlong taon siyang kumapit, nagtiis, umasa. Ngunit sa huli, lahat ay nauwi sa wala. Ang sakripisyo at pag-uunawa na inakala niyang makapagpapalambot ng puso ni Magnus ay isang malaking biro lamang.

This was the answer Magnus had always wanted. Ngunit nang marinig niya mismo mula sa labi ni Yamila na aalis ito, hindi siya nakadama ng ginhawa. Sa halip, mas lalo pa siyang nabalisa.

Malamig ang titig niya rito, saka mapait na ngumiti.

“Do you think I will change my mind if you delay for a few days?”

Saglit na tumigil si Yamila, saka marahang humarap. Diretso ang tingin nito, malamig at puno ng pang-uuyam.

“Magnus Esquivel… tatlong taon hindi ka nagbago. Ano pa ang maaasahan ko sa ilang araw lang? O baka naman… ikaw mismo, kulang ka ng tiwala sa sarili mo?”

Sandali siyang natigilan, ngunit hindi na iyon binigyan pa ng malalim na kahulugan ni Yamila. Tuluyan na siyang tumalikod at hindi man lang muling nilingon si Magnus nang buksan niya ang pinto saka lumabas.

Hindi maintindihan ni Magnus ang biglang kirot na gumuguhit sa kanyang dibdib. Para bang may mabigat na nakadagan doon, dulot ng mga salitang iniwan ng babae.

Mabilis siyang tumayo mula sa sofa at lumapit sa bintanang salamin. Doon niya nasilayan ang unti-unting paglayo ng sasakyan ni Yamila, hanggang sa tuluyang maglaho ang pulang ilaw ng mga taillight.

Napasandal siya. Wala sa sariling nailapat niya ang kamay sa ibabaw ng kaniyang dibdib. Muling ipinikit ang mga mata. Hindi mawala sa kanyang isip ang payapa ngunit malamig na anyo ni Yamila nang huli silang mag-usap. At sa halip na gumaan ang kanyang kalooban, lalo lamang siyang naiinis.

“Ilusyon?” bulong niya, may mapait na ngiti sa labi.

Dahan-dahang iminulat ang kanyang mga mata, tinanaw ang katahimikan ng gabi.

“Yamila… tatlong taon mo bang tinatawag na one-sided lahat ng iyon?”

Kung totoo ang sinseridad nito, paano nagawa ng babae ang isang bagay na hanggang ngayon ay hindi niya mapatawad?

Saglit na dumilim ang mga mata ni Magnus. Ngunit agad ding pinigil ang damdamin.

Hindi na muling umuwi si Yamila. Nagpalipas siya ng gabi sa dating apartment na kaniyang tinitirhan. Nang mag-umaga naman ay naroon na siya sa harap ng matayog na gusali ng Esquivel Group. Itinaas niya ang paningin sa gintong karatulang nakasabit sa itaas, saka mahigpit na hinawakan ang ilang papeles sa kanyang kamay. Buo ang loob niyang pumasok.

“Hello, is Secretary Warren here?”

Kilala ang front desk bilang mukha ng kompanya, kaya kahit pa may halatang paghamak sa mga mata nito, pinilit parin ang pormal na ngiti.

“May appointment po ba kayo, ma’am?”

Alam ni Yamila ang paghamak na iyon, ngunit hindi siya nagpahalata. Marahan lang siyang umiling.

“Wala.”

“Pasensya na po pero kung wala kayong appointment, doon muna kayo sa lounge maghintay.” Sabay turo ng receptionist sa upuan sa gilid. Malinaw ang pagtanggi, hindi man lang ito nag-abala na tawagan ang desk ni Warren.

“Okay.” magaan ang tono ni Yamila at lumakad papunta sa lounge area kahit na bigo siya.

Ngunit bago pa siya makaupo, isang pamilyar na tinig ang agad na pumukaw sa kaniya.

“Madam!”

Napalingon siya, at mula sa elevator ay lumabas si Warren, ang sekretaryo at assistant ng Presidente ng kompanya. Mabilis itong lumapit, bakas ang pagkagulat at paggalang sa mukha.

“Madam, dumalaw po ba kayo sa President? Nasa meeting pa kasi siya ngayon. Kung gusto n’yo–”

“Hindi.” mabilis na putol ni Yamila. “Ikaw ang pakay ko.”

Inabot niya rito ang hawak na papeles.

“Pakiabot na lang kay Magnus. Pirmahan niya kapag may oras siya.”

Hindi na nagtagal si Yamila. Alam niya kung hindi dahil kay Lola Nerita, hindi kailanman papayag si Magnus na pakasalan siya. At sa ngayong pagkakataon, sigurado siyang hindi magdadalawang-isip ang lalaki sa pagpirma ng kasulatan, lalo pa't sabik na itong alisin sa pangalan niya ang apelyidong Esquivel.

Kasabay ng kanyang pag-alis, tila nawala ang bigat na pasan niya nitong tatlong taon.

Naiwan si Warren na hawak ang dokumento. Nang mapansin ang nakasulat sa ibabaw, nanlaki ang kanyang mga mata.

Divorce Agreement.

Napakamot ito ng sentido, halos sumakit ang kaniyang ulo.

“Madam anong klaseng responsibilidad ang iniwan mo sa akin? Paano ko ’to ibibigay kay Mr. Esquivel? Pagminamalas ka nga naman!”

Samantala, nanatiling nakatingin ang receptionist. Gulat na gulat parin siya sa narinig kanina.

“Madam?”

“Madam President?

Ibig bang sabihin…may asawa na ang kanilang presidente?!

Ngunit… bakit walang nakakaalam?

Nang maalala ng receptionist ang inasal niya kanina sa asawa ng presidente, kusa itong nanginig.

Natakot siya sa maaaring mangyari kung sakaling umabot sa pandinig ni Mr. Esquivel ang kaniyang pagsusungit. Baka masisante siya.

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Running Away From My Billionaire Baby Daddy   Kabanata 50

    Hindi niya inaasahan ang pagdating ng panganay na anak. Alam niyang si Yamila ay bihirang dumalo sa mga pagtitipong tulad nito. Kaya nga siya naging kampante na isama si Irina ngayong gabi dahil sigurado siya na hindi magpupunta si Yamila sa mga ganitong okasyon. Pero heto ang babae, nakatayo mismo sa harap nila, malamig at hindi mabasa ang anyo. Kahit ayaw niyang aminin, may kakaibang takot pa rin siyang nadarama tuwing kaharap ang sariling anak. “A–ate…” Mahina ang boses ni Irina habang kumakapit sa braso ni Yael, halos nakatago sa anino nito. Hindi niya inaasahan na naroon si Yamila. Sa bawat pagkikita nila, hindi niya mapigilang matakot. At ngayong nasa isang lugar siya na puno ng mga matang naghihintay ng iskandalo, ang kaba sa dibdib niya’y lalo pang lumakas. “Such a coincidence… you’re here too.” Pinilit na ngumiti ni Yamila sa kaniyang ama, subalit agad na lumitaw ang lamig mula sa mga mata niya. Isang tingin lamang, at tila ba alam na ni Yael kung ano ang mga p

  • Running Away From My Billionaire Baby Daddy   Kabanata 49

    Sa harap ng napakaraming matang nanonood, pinilit niyang ngumiti, kahit pa pilit ang lahat. “Mr. Pascual misunderstood,” aniya, pilit na pinapahinahon ang tinig. “This is my youngest daughter. “Your youngest daughter?” Kumunot ang noo ni Danico, mas lalong naguluhan. Bigla’y nagkatinginan sa mga mata ang mga bisita nang marinig ang sinabi ni Yael. Naging malamig ang hangin sa paligid. May mga kilay na bahagyang umangat, may mga ngising pilit na pinipigil, ngunit hindi maitatago ang panlilibak. Alam ng lahat na iisa lamang ang opisyal na anak ng pamilyang Marasigan. Kahit na hindi pamilyar sa kanila ang mukha ng totoong apo, sigurado sila na ang apo ng matandang si Yshmael Marasigan ay nag-iisa lamang, at malinaw sa kanilang isip na walang ipinakilala na ibang anak si Yael sa publiko kung hindi si Yamila Marasigan. Maliban na lang ngayong gabi na binibigyan nito ng titulo ang babaeng kasama. Sa kanilang isip, kung hindi si Yamila ang kanilang kaharap, malinaw kung sino si Ir

  • Running Away From My Billionaire Baby Daddy   Kabanata 48

    Ang bakas ng damdaming kanina’y nakasilip sa mga mata ni Yamila ay tuluyan nang naglaho. Para bang isang kurtinang marahas na isinara. Inalis niya ang anumang senyales ng kahinaan sa kaniyang anyo. Sa halip, tanging lamig at panghahamak ang naiwan. Sumisilay ang matinding pagkasuklam sa kaniyang mga mata. “Your lover’s here, don’t you plan to say hello to her?” Bahagyang kumunot ang noo ni Magnus sa kaniyang sinabi. Ang malamig na tinig niya ay parang punyal na tumarak sa dibdib ng lalaki, at ang pang-uuyam ay halatang sinadya para ito’y masaktan. Nagpatuloy si Yamila. Ang kaniyang labi’y gumuhit ng malamig na ngiti at puno ng panunuya. “I’m going to greet her now, do you want to go over and let’s greet her together?” Bawat salita’y tila lason. At sa likod ng kaniyang tinig, naroon ang matagal nang pagkadismaya at pagkainis, lalo na’t narito rin si Irina, ang babaeng minsang naugnay kay Magnus at siyang sumira sa kaniyang mga pangarap sa maayos na pamilya. Tumalikod s

  • Running Away From My Billionaire Baby Daddy   Kabanata 47

    Naiwan si Aldrin kasama ang kaniyang mga magulang na halata ang galit. “Mom, Dad, I can explain—” “I’ll settle this with you when I get back!” mariing putol ni Arkin, ang mukha’y namumula sa galit. Tumayo ito at walang sabing naglakad palayo dala ang baso ng alak. “You really know how to stir trouble, Aldrin!” Si Ryla, bagaman inis, ay hindi magawang pagalitan nang husto ang anak. Napapabuntong-hininga na lamang siya sa ginawa nito. Napilitan naman si Aldrin na tumahimik, ayaw nang dagdagan ang kasalanan niya sa kaniyang mga magulang. Tumayo rin ang kaniyang ina at iniwan siya. Mukhang magtutungo ito sa ibang mesa para kausapin ang ilang bisita. May ilang nakapansin sa nangyari sa kanila, ngunit nagpapatay-malisya na lamang para hindi masira ang pagtitipon. Nag-angat siya ng tingin at tumitig sa direksyon kung saan naroon si Yamila at ang lalaking nagpakilala na asawa nito. Bahagyang nagdidilim ang kaniyang paningin dahil sa galit na namumuo sa kaniyang dibdib. Akala niya

  • Running Away From My Billionaire Baby Daddy   Kabanata 46

    Hindi na bago kay Magnus ang makakita ng magaganda. Marami na siyang nakilala, marami na ring dumaan sa kaniyang landas. Ngunit sa paningin niya, kakaiba pa rin si Yamila. Hindi lang ganda ang dala nito— may tikas, talino, at isang klaseng alindog na bihirang matagpuan sa iba. Kaya’t hindi na nakapagtataka kung bakit si Arkin, na kilala sa pagiging kuripot sa papuri, ay kusa pang nagbukas ng bibig para purihin ito. Si Yamila na kaniyang asawa ay siguradong kalulugdan ng ibang pamilya. Nang maisip na gusto ng mag-asawang Garces si Yamila para kay Aldrin, lalong nagkaroon ng kaguluhan sa kaniyang isip. Bigla siyang nabalisa. Para bang ang kayamanang matagal niyang itinago ay bigla na lamang ipinaskil sa harap ng lahat. “Mr. Esquivel…” Halata ang gulat at pagkalito sa mukha nina Arkin at Ryla. Pati si Aldrin ay hindi agad nakapagsalita dahil sa pagdating ni Magnus.Ang lalaking ito, ano’ng karapatan niya para angkinin si Yamila bilang asawa?! “Mr. Esquivel, what do you mean by that

  • Running Away From My Billionaire Baby Daddy   Kabanata 45

    Tahimik na pinagmamasdan ni Arkin si Yamila, kinikilatis ng mabuti ang babaeng dinala ng kaniyang anak. Nakaupo silang apat sa harap ng maliit na entabladong pinasadyang sa banquet hall para sa okasyon ngayon. Dahil kadarating lang ng dalawa, nagtawag ng waiter si Ryla para dalhan ng pagkain si Yamila at Aldrin. Maingat namang sinuri ng mga mata ni Arkin ang dalaga, waring sinusukat ang buong pagkatao nito. Sensitibo siya lalo na pagdating sa pakikipagrelasyon ng kaniyang mga anak. Ang tanging nais niya ay isang disente at maayos na babae kay Aldrin. At sa mga sandaling lumipas, napansin niya kung paano dalhin ni Yamila ang sarili— disente, elegante, at maingat sa bawat kilos. Maliban sa maayos ito magsalita, ang mga salita nito'y puno ng katalinuhan at kahinahunan, napapansin niya rin na magalang ito. She looks professional and ethical. Maganda ito, at kung hindi pa nabanggit ni Aldrin na isa ring doktor ay iisipin niyang sa showbiz industry ito nagtratrabaho.At dahil doktor r

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status