LOGIN
Nang buksan ni Yamila ang pinto ng kanilang silid ay binati siya agad ng kadiliman. Hindi pa pala nakabukas ang mga ilaw. Kung hindi pa dahil sa kaunting liwanag ng buwan na tumatagos galing sa bahagyang nakabukas na bintana ay wala talaga siyang makikita.
Ngunit unti-unti rin na nasanay ang kaniyang paningin sa dilim. Kaya natanaw niya ang pigura ng lalaki na nakaupo sa isang accent chair na nasa malapit sa bintana. Nasisinagan ng naghihikahos na liwanag ang kalahati ng mukha nito. Kahit sa dilim ay agad niyang nakilala ang lalaki. "Magnus." Bulong niya sa pangalan nito. Bumilis ang tibok ng kaniyang puso, hindi makapaniwala na umuwi ang kaniyang asawa. Hindi niya akalain na uuwi ito ngayon, dahil madalas, hindi umuuwi si Magnus sa bahay nila. Sa condo ito naglalagi o kaya sa lumang bahay ng Uncle Dencio nito. Humakbang siya palapit, hinihingal dahil sa pag-alpas ng kaniyang puso. A reflection of light hit her eyes. Itinaas nito ang baso na may lamang alak kaya ang liwanag galing sa buwan ay gumawa ng nakakasilaw na repleksyon na tumama sa kaniyang mukha at mga mata. Napatigil siya sa paglalakad. "Where have you been?" Malamig nitong tanong. Ipinikit niya saglit ang mga mata. Nang malawa ang liwanag ay saka pa lamang siya nagmulat. Nang bigla ay nasa harap na niya si Magnus. Hinaklit nito ang kaniyang braso at marahas siyang hinila ng lalaki. "M-magnus." Utal niyang tawag sa pangalan nito, nagulat ng husto. Nagtagis lamang ang bagang ng lalaki. "Huwag mong sabihin na galing ka na naman kay Lola at nagrereklamo ka naman sa kaniya?" Mariin nitong tanong. Naaamoy niya ang alak sa hininga nito. At sa tantya niya, marami na ang nainom ni Magnus. Mukhang lasing na ito. "M-magnus, nasasaktan ako." Mahina niyang daing. Hinawakan niya ang kamay nito na nasa kaniyang braso at mahigpit na nakahawak sa kaniya. Gusto niyang baklasin iyon, ngunit nanghihina siya dahil mas lalo lamang na humihigpit ang hawak nito. "Magnus..." "I've been waiting here for an hour now, Yamila. Kanina pa kita hinihintay. This is what you want right? So, I'll give it to you. Kaya sana pagkatapos nito, hindi na ako makakarinig ng kahit na anong reklamo galing sa’yo." Pagkatapos nitong magsalita ay agad nitong hinawakan ang kaniyang magkabilang pisngi at nilamukos ng halik ang kaniyang mga labi. Napasinghap siya sa gulat. Nanlaki ang kaniyang mga mata. Hindi niya maintindihan kung bakit ginagawa ito sa kaniya ni Magnus. Mariin at walang pag-iingat ang halik nito. Gusto niyang umiwas, ngunit nanghihina siya lalo sa higpit ng hawak nito sa kaniyang mukha. Ang halik nito'y marahas at walang ingat dahilan para subukan niyang itulak ang dibdib nito palayo dahil nasasaktan na siya. "F*CK!" Galit na sigaw ni Magnus nang sa wakas ay nakalayo siya kahit paano. "Why are you pretending that you don't want it? Hanggang kailan ka magkukunwari na isa kang inosente at mabuting tao, Yamila?!" Umalingawngaw ang boses nito sa loob ng kanilang silid. Kung gaano kadilim ang silid ay ganoon din kadilim ang ekspresyon ng mukha ng kaniyang asawa. Nagliliyab ang mga mata nito sa galit at gumagalaw ang panga, senyales na nahihirapan itong kontrolin ang nararamdaman. Ngunit bakit ganito na lamang ang galit nito sa kaniya? "Why... why are you doing this to me?" Kakasambit pa lamang ng kaniyang mga salita nang biglang siyang hatakin muli ni Magnus. Marahas at walang pag-aatubili. Hinatak siya nito hanggang sa loob ng kanilang banyo, sinubukan niya muling lumaban ngunit itinulak siya nito sa malamig na marmol ng lababo. Napa-igik siya. Sumakit ang kaniyang bewang sa lakas ng pagkakabangga. “Magnus, w-what are you doing?” halos pabulong ngunit nanginginig na tanong niya, mas lalong naguguluhan. “Can’t you guess?” malamig na tugon nito. Ang maninipis na labi’y nag-ukit ng isang ngiting nakakatakot na halos walang kaluluwa. Isa-isang pinigtas ng mga daliri ang mga butones ng suot na long sleeve. Ang mga iyon ay nalaglag sa sahig at nag-iwan ng malamlam na tunog. Kay dilim ng mga mata ni Magnus puno ng poot. Matagal na niya itong kilala, ngunit ngayon niya lamang nasaksihang ganito kabangis ang asawa, parang halimaw na hindi mapigil. Gusto niyang umatras, ngunit wala nang espasyo. Nang maalis nito ang damit ay saka siya muling hinawakan sa braso ng mahigpit. Napadaing siyang muli. “Magnus, bitawan mo ko!” pagsusumamo niya. Ngunit kaysa na maaawa ay mas lalong nag-alab ang galit sa mga mata nito. “What? You start pretending again in front of me?” Mariin nitong sagot. “Pretend?” Parang umalingawngaw ang salitang iyon sa tenga ni Yamila. Tatlong taon. Tatlong taong pinilit niyang maging mabuting asawa. Tatlong taong ibinigay niya ang lahat ng kaya niya. At sa mga mata ng lalaking pinakamahalaga sa kaniya, lahat pala ay pawang pagkukunwari lamang. “Ang sipag mong magreklamo kay Lola.” Malamig at puno ng panunuya ang boses nito. “Kaya pagbibigyan kita. After tonight, you will learn to shut up.” Dugtong pa ni Magnus. Marahas siya nitong hinila at muling hinalikan. Ipinirmi siya nito at kahit na umiiwas siya'y patuloy siyang nahuhuli ng lalaki. Hindi na alam ni Yamila kung ano ang naging kasalanan niya. Ngunit bawat salitang lumalabas sa labi nito, bawat marahas na kilos, bawat pagpigil, ay parang patalim na walang habas na humihiwa sa kaniyang puso. Pilit siyang nagpumiglas. Ngunit sa sandaling iyon ay parang isa siyang munting ibon sa harap ng isang mabangis na Agila. Wala siyang kalaban-laban. At sa kabila ng lahat, isang mapait na ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi. Unti-unti siyang tumigil sa pakikipaglaban. Naramdaman ni Magnus ang pagsuko niya. Saglit itong natigilan sa paghalik sa kaniyang leeg. Parang nalantang pananim ang babae. Lumayo si Magnus para tingnan si Yamila. At sa hindi inaasahan, nang magtama ang kanilang tingin, ang lungkot at sakit sa mga mata ni Yamila ay parang palasong tumama sa bahagi ni Magnus na pilit niyang pinapatay–ang pusong ayaw na ayaw niyang padapuan ng damdamin. Saglit na nangunot ang noo ni Nash, waring nilalabanan ang sariling kahinaan. Ngunit sa pagbalik ng mga alaala ng lahat ng kanyang hinanakit kay Yamila ay muling sumiklab muli ang galit na kaniyang kinikimkim.Hindi niya inaasahan ang pagdating ng panganay na anak. Alam niyang si Yamila ay bihirang dumalo sa mga pagtitipong tulad nito. Kaya nga siya naging kampante na isama si Irina ngayong gabi dahil sigurado siya na hindi magpupunta si Yamila sa mga ganitong okasyon. Pero heto ang babae, nakatayo mismo sa harap nila, malamig at hindi mabasa ang anyo. Kahit ayaw niyang aminin, may kakaibang takot pa rin siyang nadarama tuwing kaharap ang sariling anak. “A–ate…” Mahina ang boses ni Irina habang kumakapit sa braso ni Yael, halos nakatago sa anino nito. Hindi niya inaasahan na naroon si Yamila. Sa bawat pagkikita nila, hindi niya mapigilang matakot. At ngayong nasa isang lugar siya na puno ng mga matang naghihintay ng iskandalo, ang kaba sa dibdib niya’y lalo pang lumakas. “Such a coincidence… you’re here too.” Pinilit na ngumiti ni Yamila sa kaniyang ama, subalit agad na lumitaw ang lamig mula sa mga mata niya. Isang tingin lamang, at tila ba alam na ni Yael kung ano ang mga p
Sa harap ng napakaraming matang nanonood, pinilit niyang ngumiti, kahit pa pilit ang lahat. “Mr. Pascual misunderstood,” aniya, pilit na pinapahinahon ang tinig. “This is my youngest daughter. “Your youngest daughter?” Kumunot ang noo ni Danico, mas lalong naguluhan. Bigla’y nagkatinginan sa mga mata ang mga bisita nang marinig ang sinabi ni Yael. Naging malamig ang hangin sa paligid. May mga kilay na bahagyang umangat, may mga ngising pilit na pinipigil, ngunit hindi maitatago ang panlilibak. Alam ng lahat na iisa lamang ang opisyal na anak ng pamilyang Marasigan. Kahit na hindi pamilyar sa kanila ang mukha ng totoong apo, sigurado sila na ang apo ng matandang si Yshmael Marasigan ay nag-iisa lamang, at malinaw sa kanilang isip na walang ipinakilala na ibang anak si Yael sa publiko kung hindi si Yamila Marasigan. Maliban na lang ngayong gabi na binibigyan nito ng titulo ang babaeng kasama. Sa kanilang isip, kung hindi si Yamila ang kanilang kaharap, malinaw kung sino si Ir
Ang bakas ng damdaming kanina’y nakasilip sa mga mata ni Yamila ay tuluyan nang naglaho. Para bang isang kurtinang marahas na isinara. Inalis niya ang anumang senyales ng kahinaan sa kaniyang anyo. Sa halip, tanging lamig at panghahamak ang naiwan. Sumisilay ang matinding pagkasuklam sa kaniyang mga mata. “Your lover’s here, don’t you plan to say hello to her?” Bahagyang kumunot ang noo ni Magnus sa kaniyang sinabi. Ang malamig na tinig niya ay parang punyal na tumarak sa dibdib ng lalaki, at ang pang-uuyam ay halatang sinadya para ito’y masaktan. Nagpatuloy si Yamila. Ang kaniyang labi’y gumuhit ng malamig na ngiti at puno ng panunuya. “I’m going to greet her now, do you want to go over and let’s greet her together?” Bawat salita’y tila lason. At sa likod ng kaniyang tinig, naroon ang matagal nang pagkadismaya at pagkainis, lalo na’t narito rin si Irina, ang babaeng minsang naugnay kay Magnus at siyang sumira sa kaniyang mga pangarap sa maayos na pamilya. Tumalikod s
Naiwan si Aldrin kasama ang kaniyang mga magulang na halata ang galit. “Mom, Dad, I can explain—” “I’ll settle this with you when I get back!” mariing putol ni Arkin, ang mukha’y namumula sa galit. Tumayo ito at walang sabing naglakad palayo dala ang baso ng alak. “You really know how to stir trouble, Aldrin!” Si Ryla, bagaman inis, ay hindi magawang pagalitan nang husto ang anak. Napapabuntong-hininga na lamang siya sa ginawa nito. Napilitan naman si Aldrin na tumahimik, ayaw nang dagdagan ang kasalanan niya sa kaniyang mga magulang. Tumayo rin ang kaniyang ina at iniwan siya. Mukhang magtutungo ito sa ibang mesa para kausapin ang ilang bisita. May ilang nakapansin sa nangyari sa kanila, ngunit nagpapatay-malisya na lamang para hindi masira ang pagtitipon. Nag-angat siya ng tingin at tumitig sa direksyon kung saan naroon si Yamila at ang lalaking nagpakilala na asawa nito. Bahagyang nagdidilim ang kaniyang paningin dahil sa galit na namumuo sa kaniyang dibdib. Akala niya
Hindi na bago kay Magnus ang makakita ng magaganda. Marami na siyang nakilala, marami na ring dumaan sa kaniyang landas. Ngunit sa paningin niya, kakaiba pa rin si Yamila. Hindi lang ganda ang dala nito— may tikas, talino, at isang klaseng alindog na bihirang matagpuan sa iba. Kaya’t hindi na nakapagtataka kung bakit si Arkin, na kilala sa pagiging kuripot sa papuri, ay kusa pang nagbukas ng bibig para purihin ito. Si Yamila na kaniyang asawa ay siguradong kalulugdan ng ibang pamilya. Nang maisip na gusto ng mag-asawang Garces si Yamila para kay Aldrin, lalong nagkaroon ng kaguluhan sa kaniyang isip. Bigla siyang nabalisa. Para bang ang kayamanang matagal niyang itinago ay bigla na lamang ipinaskil sa harap ng lahat. “Mr. Esquivel…” Halata ang gulat at pagkalito sa mukha nina Arkin at Ryla. Pati si Aldrin ay hindi agad nakapagsalita dahil sa pagdating ni Magnus.Ang lalaking ito, ano’ng karapatan niya para angkinin si Yamila bilang asawa?! “Mr. Esquivel, what do you mean by that
Tahimik na pinagmamasdan ni Arkin si Yamila, kinikilatis ng mabuti ang babaeng dinala ng kaniyang anak. Nakaupo silang apat sa harap ng maliit na entabladong pinasadyang sa banquet hall para sa okasyon ngayon. Dahil kadarating lang ng dalawa, nagtawag ng waiter si Ryla para dalhan ng pagkain si Yamila at Aldrin. Maingat namang sinuri ng mga mata ni Arkin ang dalaga, waring sinusukat ang buong pagkatao nito. Sensitibo siya lalo na pagdating sa pakikipagrelasyon ng kaniyang mga anak. Ang tanging nais niya ay isang disente at maayos na babae kay Aldrin. At sa mga sandaling lumipas, napansin niya kung paano dalhin ni Yamila ang sarili— disente, elegante, at maingat sa bawat kilos. Maliban sa maayos ito magsalita, ang mga salita nito'y puno ng katalinuhan at kahinahunan, napapansin niya rin na magalang ito. She looks professional and ethical. Maganda ito, at kung hindi pa nabanggit ni Aldrin na isa ring doktor ay iisipin niyang sa showbiz industry ito nagtratrabaho.At dahil doktor r







