Share

CHAPTER 2

last update publish date: 2026-05-27 16:01:06

Mabigat ang talukap ng mga mata ni Xavian nang dahan-dahan siyang magising.

Bahagyang kumunot ang noo niya habang nakatitig sa puting kisame ng Presidential Suite. Hindi niya maalala kung kailan siya huling nakatulog nang ganito kahimbing.

Tahimik ang buong paligid.

Walang tunog ng ulan. Wala ring tunog ng mahinang ungol o habol-hininga ni Astrid na paulit-ulit niyang narinig kagabi. Unti-unti siyang napamulat nang tuluyan. At doon niya agad napansin na wala na ang babae sa tabi niya.

Nanigas ang ekspresyon niya.

Mabilis siyang napabangon at napatingin sa kabilang side ng kama. Gusot pa rin ang bedsheet at may bakas pa ng presensya ni Astrid doon, pero malamig na ang pwesto nito.

Ibig sabihin matagal na itong umalis.

Mariing napahawak si Xavian sa noo niya habang pilit inaalala ang nangyari kagabi.

Astrid.

She came back.

Pagkatapos ng limang taon.

At pagkatapos ng limang taon na iyon… ngayon lang ulit siya nakatulog nang maayos.

Napabuntong-hininga siya at isinandal ang likod sa headboard.

I have insomnia for five fucking years.

Simula nang mawala si Astrid ay halos hindi na siya makatulog nang maayos. Kahit gaano siya kapagod sa trabaho, kahit ilang bote ng alak ang ubusin niya, kahit ilang sleeping pills pa ang inumin niya, hindi talaga siya makatulog nang diretso.

Every night felt like torture.

Sa tuwing ipipikit niya ang mga mata niya, mukha ni Astrid ang nakikita niya.

Noong una, galit ang nararamdaman niya. Pero habang tumatagal… mas nangingibabaw ang pangungulila. Hinahanap-hanap niya ang init ng babae. Ang boses nito. Ang halik nito.

At kagabi, for the first time in five years…nawala lahat ng ingay sa isip niya. Mahimbing siyang nakatulog habang yakap si Astrid.

Napatawa siya nang mahina ngunit walang saya iyon.

“Fuck…” paos niyang bulong.

Parang isang magandang panaginip lang ang lahat.

Ngunit mabilis ding nagdilim ang ekspresyon niya nang maalala niyang wala na naman si Astrid paggising niya. Just like before. Bigla na lang itong nawawala na parang bula.

Mariin siyang napapikit.

“Damn it, Astrid…”

Tumayo siya mula sa kama at walang emosyon na pinulot ang pantalon niyang nakahagis sa sahig. Kalat pa rin ang mga damit nilang dalawa sa buong suite.

Maging ang red laced nightgown ni Astrid ay nakahandusay pa malapit sa sofa. Napatitig siya roon nang matagal. Naalala niya kung paano iyon dahan-dahang nahulog mula sa katawan ng babae kagabi.

Kung paano siya halos mabaliw nang marinig niyang banggitin ni Astrid ang pangalan niya habang lasing ito. Hindi niya alam kung ano ang mas matindi, ang galit niya rito? O ang katotohanang hanggang ngayon ay baliw pa rin siya rito?

Mabigat ang hakbang na nagtungo siya sa banyo.

Pagharap niya sa salamin ay isang pagod at magulong bersyon ng sarili niya ang sumalubong sa kanya. Magulo ang buhok niya. May bakas ng kalmot sa leeg at dibdib niya.

At sa unang beses matapos ang mahabang panahon, mukha siyang tao ulit at hindi na parang bangkay na gumagalaw.

Napailing siya bago binuksan ang shower.

Malamig na tubig ang bumagsak sa katawan niya ngunit hindi noon maalis ang init na naiwan ni Astrid sa balat niya.

Damn her.

Kahit mawala ito nang paulit-ulit, kaya pa rin nitong guluhin ang buong pagkatao niya.

Pagkatapos maligo ay mabilis siyang nagbihis. Nagsuot lang siya ng black slacks at white polo. At ang mamahaling relo na basta na lang nakapatong sa bedside drawer. Ngunit nang akmang kukunin niya iyon, napahinto siya. May nakita siyang perang nakapatong sa bedside table. Isang malinis na bundle ng libo-libong piso.

5,000 pesos.

Nanlaki ang mga mata niya. Saglit siyang hindi gumalaw. Parang hindi agad nag-register sa isip niya ang nakita. Ngunit nang tuluyan iyong magsink in, biglang nanigas ang panga niya. Unti-unting dumilim ang ekspresyon niya habang nakatitig sa perang iniwan ni Astrid.

Then he snapped.

“Fuck!”

Marahas niyang sinuntok ang bedside lamp dahilan para bumagsak iyon sa sahig at mabasag.

Malakas ang paghinga niya habang titig na titig sa perang para bang iyon ang pinaka-insultong natanggap niya buong buhay niya.

Binayaran siya.

Binayaran siya ni Astrid matapos ang nangyari sa kanila kagabi. Parang isa siyang bayarang lalaki. Parang isa lang siyang random na spa technician na pinatulan nito dahil lasing ito.

Nanlilisik ang mga mata niyang dinampot ang pera. Halos madurog iyon sa higpit ng hawak niya.

“Is this how you see me?” madiin niyang bulong.

Sumikip ang dibdib niya dahil sa galit. At sakit.

Tangina.

Habang siya halos mabaliw sa paghahanap dito sa loob ng limang taon…Habang gabi-gabi siyang hindi makatulog dahil sa pagkawala nito…Habang buong buhay niya umiikot pa rin kay Astrid. Para sa babae, isa lang siyang lalaking nakasama nito sa kama. At heto pa ang mas malala. Binayaran pa siya nito.

Napatawa siya nang malamig.

“Unbelievable…”

Mabilis niyang kinuha ang cellphone niya mula sa mesa at agad na tumawag.

Ilang segundo lang ay may sumagot.

“Boss?” rinig niyang boses ng assistant niya.

“Find Astrid.”

Mabilis. Malamig. Nakakatakot.

“Sir?”

“I don’t care how,” madiin niyang saad. “I want her location within the hour.”

Ramdam niya ang kaba ng assistant sa kabilang linya.

“Y-Yes, sir.”

Pagkababa niya ng tawag ay muli niyang tinitigan ang perang nasa kamay niya.

Naalala niya ang mukha ni Astrid kagabi. The way she held him. The way she whispered his name. Hindi iyon peke at sigurado siya.

Kaya bakit? Bakit ito umalis ulit? At bakit kailangan siyang bayaran?

Napailing siya habang pilit kinokontrol ang matinding emosyon sa dibdib niya. Pero isang bagay ang malinaw ngayon. Hindi na niya hahayaang mawala ulit si Astrid.

Not this time.

Kahit itali pa niya ito sa tabi niya. Kahit ikulong pa niya ito. Hindi na siya papayag na muling maranasan ang limang taon na impyerno.

Muli niyang dinampot ang pera at malamig na ngumiti.

“You really know how to piss me off, Astrid…”

Samantala, sa loob ng isang black luxury car na mabilis na bumabaybay sa highway, tahimik lang na nakasandal si Astrid sa passenger seat habang nakatingin sa labas ng bintana.

Mahigpit niyang hawak ang handbag niya.

Halos hindi pa rin mawala ang panginginig ng katawan niya. Hindi dahil sa lamig. Kundi dahil sa alaala ng lalaking iniwan niya sa hotel.

Napapikit siya nang mariin.

Hindi niya akalaing si Xavian iyon.

Sa dami ng taong pwede niyang makasama kagabi… bakit siya pa?

Parang tinatawanan siya ng tadhana.

Mahina siyang napatawa ngunit puno ng pagod iyon.

“Miss Astrid?” tawag ng driver.

Hindi siya sumagot.

Abala siya sa pagpigil sa magulong emosyon sa dibdib niya.

Akala niya handa na siyang bumalik ng Pilipinas. Akala niya kaya na niyang harapin ang nakaraan. Pero nagkamali siya. Dahil isang gabi pa lang kasama si Xavian. Pakiramdam niya babalik na naman siya sa dating sarili niya. Sa babaeng handang sirain ang mundo para lang sa lalaking iyon.

Dahan-dahan niyang inilabas ang cellphone niya. At agad bumungad ang mahigit limampung missed calls mula kay Fiona.

Napabuntong-hininga siya.

Tatawag pa lang sana siya pabalik nang biglang may pumasok na mensahe.

From Unknown Number.

Nanlamig ang kamay niya nang mabasa iyon.

You ran away again.

Kasunod no’n ang isa pang message.

This time, I’ll make sure you can’t escape from me anymore.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Running Away With His Child   CHAPTER 79

    Ilang minuto nang nakatayo si Xavian sa harap ng hagdan habang nakatitig sa pintuan ng kanilang silid. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang mga salitang binitiwan ni Astrid bago ito muling pumasok sa kuwarto.Pagod ka na ba sa akin? Pabigat na ba ako sa iyo?Napapikit siya at napahawak sa kanyang noo. Hindi niya gustong marinig ng asawa ang mga sinabi niya kay Fiona, lalo na't alam niyang napakaraming bagay na ang kinatatakutan nito. Ngunit nangyari na iyon, at wala na siyang magagawa kundi harapin ang naging epekto nito.“Sir, puntahan mo na si bespren,” mahinang saad ni Fiona. “Alam kong nasaktan siya sa narinig niya. Kailangan ka niya ngayon.”Napalingon si Xavian sa dalaga.“Paano kung ayaw na niya akong papasukin? Paano kung lalo lang siyang magalit kapag kinausap ko siya?”“Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan. Pero sir, huwag mo rin siyang piliting makipag-usap kung hindi pa siya handa. Iparamdam mo lang sa kanya na nandiyan ka.”Tumango si Xavian bago dahan-dahang umakya

  • Running Away With His Child   CHAPTER 78

    Ilang araw na ang lumipas mula nang muling lumala ang kalagayan ni Astrid. Sa mga nagdaang araw, halos hindi na ito kumakain nang maayos at madalas na rin itong hindi makatulog sa gabi. Paulit-ulit nitong sinasabi kay Xavian na naririnig niya ang iyak ng kanilang anak at kailangan niya itong hanapin.Sa tuwing sinusubukan naman ni Xavian na pakalmahin ang asawa, lalo lamang itong nababalisa. Minsan ay umiiyak ito nang walang tigil, at may mga pagkakataong nagagalit ito sa kanya dahil hindi raw niya naririnig ang kanilang baby.Hindi na rin halos umaalis si Xavian sa tabi ni Astrid. Siya ang naghahanda ng pagkain nito, nagpapaalala na uminom ng tubig, at sumasama sa tuwing kailangan nitong magpatingin sa doktor. Sinisikap niyang sundin ang lahat ng payo sa kanya, ngunit habang tumatagal ay unti-unti na ring nauubos ang kanyang lakas.Hindi niya ito gustong aminin, pero napapagod na rin siya.Napapagod siyang mag-isip kung ano ang tamang sasabihin sa asawa. Napapagod siyang magpanggap n

  • Running Away With His Child   CHAPTER 77

    Pagkaalis ni Fiona para sunduin sina Ashton at Nanay Nena, ay agad na umakyat si Xavian sa second floor upang puntahan si Astrid. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang naging reaksyon nito kanina. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang takot nito sa restaurant at maging sa pagdating ni Fiona.Pagdating niya sa tapat ng kanilang silid, marahan siyang kumatok.Knock! Knock! Knock!“Love, ako ito. Maaari ba akong pumasok?” mahinahon niyang tanong.Walang sumagot mula sa loob kaya ilang sandali muna siyang naghintay bago muling kumatok.“Love, please. Gusto ko lang malaman kung ayos ka lang.”Ilang segundo pa ang lumipas bago niya narinig ang mahinang tinig ng kanyang asawa.“Umalis ka muna, Xavian. Gusto kong mapag-isa.”Napapikit si Xavian at malalim na napabuntong-hininga. Gusto niya itong yakapin at alamin kung ano ang gumugulo sa isip nito, ngunit ayaw rin niyang pilitin ang asawa.“Okay, love. Nandito lang ako sa labas, ha? Kapag kailangan mo ako, tawagin mo lang.”Pagkasabi

  • Running Away With His Child   CHAPTER 76

    Matapos ang konsultasyon, marahang binuksan ni Dr. Reyes ang pinto at lumabas upang tawagin ang asawa ng kanyang pasyente. Agad namang tumayo si Xavian mula sa kinauupuan niya, halatang balisa at sabik malaman ang kalagayan ni Astrid.“Mr. Avanzado, maaari po ba tayong mag-usap sandali?”“Opo, Doctor. Kumusta po ang asawa ko? May problema po ba sa kanya?” tanong naman ni Xavian pagkalapit niya sa doctor.“Naiintindihan ko po na nag-aalala kayo sa kalagayan ng inyong misis. Sa ngayon, nakararanas siya ng matinding emosyonal na paghihirap mula nang mawala ang inyong anak.”“Alam ko pong nahihirapan siya, Doc. Pero nitong mga nakaraang linggo, mas lumala po. Minsan, hinahanap niya ang baby namin sa kalagitnaan ng gabi. Sinasabi niyang umiiyak daw ito at kailangan siya.”“Opo. Nabanggit din po niya na nakaririnig siya ng iyak ng sanggol kahit wala namang sanggol sa paligid. Mahalaga pong maunawaan natin ang mga karanasang ito at kung kailan at paano nangyayari ang mga ito.”“Ibig sabihin

  • Running Away With His Child   CHAPTER 75

    Kinabukasan, kinausap ni Xavian si Astrid tungkol sa mga napapansin niya dito. Nakinig naman si Astrid at naunawaan niya ang ibig sabihin ni Xavian.“Hon, I think you're right. Need ko na ata talagang mag seek ng help from professionals. Hirap na rin talaga ako makatulog sa gabi eh,” saad ni Astrid habang nag uusap sila ni Xavian sa loob ng kwarto nilang dalawa.“Yes, hon. So ibig bang sabihin nito na pumapayag ka nang magpatingin sa psychiatrist?”Tumango naman si Astrid. “Thank God,” bulong ni Xavian saka niyakap ang asawa. “Thanks, Hon. I assure you that everything will be okay soon.” So the next morning, nagtungo nga sina Astrid at Xavian sa isang private psychiatric clinic na nirecommend ni Fiona. Pagkapasok nila sa clinic ay si Xavian lang ang nakipag usap sa staff at hindi nagtagal pinapasok na rin sa office ng doctor si Astrid. Inihatid ni Xavian si Astrid sa loob ng opisina ng psychiatrist. Pero bago magsimula ang konsultasyon, mahinahong hiniling ng psychiatrist kay Xavi

  • Running Away With His Child   CHAPTER 74

    Nanatili lamang si Nanay Nena sa labas ng silid habang pinagmamasdan sina Astrid at Xavian. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin. Hindi niya alam kung dapat ba siyang pumasok o hayaan muna ang mag-asawa. Pero nang marinig niyang muling humikbi si Astrid, hindi na niya napigilan ang sarili. Dahan-dahan siyang pumasok sa silid.“Ma’am…”Napalingon si Astrid. Agad niyang pinunasan ang mga luha sa kaniyang pisngi.“Nay…”Lumapit si Nanay Nena at maingat siyang hinawakan sa balikat.“Okay lang po ba kayo?”Tumango si Astrid.“Okay lang ako.”Pero alam ni Nanay Nena na hindi iyon totoo.“Ma’am, kung gusto niyo pong umiyak, umiyak lang po kayo. Huwag niyo pong sarilinin.”Hindi sumagot si Astrid. Sa halip ay muli siyang napatingin sa kaniyang tiyan.“Nay…”“Opo?”“Masama ba akong nanay?”Napaluha si Nanay Nena.“Hindi po.”“Pero hindi ko siya naprotektahan.”“Hindi niyo po kasalanan.”“Pero kung hindi ako lumaban…Baka buhay pa siya.”Hindi na nakasagot si Nanay Nena. Lumapit si Xa

  • Running Away With His Child   CHAPTER 7

    Mabigat ang katahimikan sa loob ng condo. Mahigpit na nakakapit si Ashton sa bewang ni Astrid habang nakatingin naman si Xavian sa kanilang dalawa. At habang tumatagal mas lalong lumalalim ang tingin nito sa bata. Parang may unti-unting nabubuo sa isip niya. Isang katotohanang pilit itinatanggi ni

  • Running Away With His Child   CHAPTER 6

    Nanigas ang buong katawan ni Astrid. Pakiramdam niya tumigil ang oras habang nakatayo si Xavian sa labas ng condo at nakatitig sa batang nasa harapan nito.Tahimik ang buong hallway. Ngunit sa loob-loob ni Astrid, parang napakalakas ng tibok ng puso niya.Hindi… Hindi pwede. Hindi pwedeng malaman n

  • Running Away With His Child   CHAPTER 5

    Halos buong araw na lutang si Astrid.Kahit nasa meeting siya kasama ang ibang designers ng kumpanya ay hindi mawala-wala sa isip niya ang mga sinabi ni Xavian.You can hide your secret from everyone else, Astrid. But not from me.Paulit-ulit iyong nag-e-echo sa utak niya.Pakiramdam niya anumang o

  • Running Away With His Child   CHAPTER 4

    Tahimik ang buong executive office. Ngunit para kay Astrid, parang napakalakas ng ingay ng tibok ng puso niya. Hindi siya makagalaw habang nakatitig sa perang nakapatong sa mesa sa harapan niya.Iyong limang libong iniwan niya sa hotel. At ngayon… hawak iyon ni Xavian. Kitang-kita niya ang malamig

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status