Share

220

Humahangos si Garreth nang siya ay makauwi. Naabutan niya ang pinsan at private family doctor na si Zachary na nasa kusina at nagkakape. Nang makita siya nito, itinaas nito ang kamay para kumaway sa kanya subalit hindi iyon pinansin ni Garreth na dumiretso ng akyat sa second floor kung nasaan ang kuwarto ng mga bata.

“Daddy!” Dalawang magkaibang bosese ang tumawag sa kanya pagkabukas pa lamang niya ng pinto sa silid ng mga ito.

Patakbong lumapit sa kanya sina Raze at Anjie. Bahagya siyang yumuko upang salubungin ang yakap ng mga ito at pagkatapos ay sabay niyang kinarga ang dalawa at saka lumapit kay Cas na nakahiga sa kama. Nakaupo sa gilid nito sina Uri at Ellaine.

Nag-angat din ng tingin si Ellaine nang marinig ang pagbukas ng pinto. Sandaling nagtama ang kanilang mga mata bago siya nagbaba ng tingin para ituon ang atensyon kina Anjie at Raze. sapat na ang maikling sandaling iyon para bumilis ang tibok ng kanyang puso at bahagyang manuyo ang kanyang lalamunan.

Ilang araw lang sila
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status