Share

CHAPTER 39

KINABUKASAN sa Espanya, nasa hapag-kainan na sina Tayler at Luis. Sinundo ng mga katulong sina Iresh at Antonia.

“Buenos dias Seniorita, your breakfast is now ready,” magalang na bati ng katulong saka itinungo ang ulo bilang pagbibigay respeto.

Napangiti naman si Iresh ng alanganin. Tila hindi siya sanay na ginagawang prinsesa. Gayun pa ma'y minabuti niyang tumayo at magtungo sa hapag-kainan.

Si Antonia naman ay kung maglakad ay prinsesang prinsesa. Nagkapanabay sila sa mahabang paseliyo habang sinusundan ng kani-kaniyang maid.

“See? We are now the Queen of Spain,” boung pagmamalaki ni Antonia saka medyo itinaas ang baba na tila iniimagine na may korona na ayaw mahulog.

Binatukan naman siya ni Iresh.

“Ambisyosa. Bilisan mo na nga riyan ng makakain na tayo.”

“Aray naman. Sinira mo ang moment ko e. Nandon na tayo sa katotohanan, bigla ka pang umipal,” naka ismid na sabi ni Antonia.

Saka naglakad na rin gaya ni Iresh. Napatawa ang dalaga sa inasta ng kaibigan na nagpatiuna pa sa kaniya.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status