LOGIN
Tahimik lang ang opisina ni Cynthia nang araw na ’yon. Tila lahat ng tao’y naglalakad sa tapat ng salamin, maingat, walang gustong gumawa ng ingay. Ang tanging maririnig ay ang malumanay na tik-tak ng wall clock, at ang patuloy na tunog ng keyboard sa mesa ni Cynthia.
Siya ang executive assistant ni Drake De La Joya—isang pangalang alam ng buong business world. Tycoon ng mga luxury cars at casino chains, kilala sa mundo ng mga elite, pero kilala rin sa opisina bilang lalaking hindi marunong ngumiti. “Ma’am Cyn, papunta na si Mr. De La Joya,” bulong ni Rona, ang receptionist, na parang nagbabalita ng bagyo. Ngumiti lang si Cynthia. “Salamat, Rona. Sabihin mong ready na ang presentation file.” Lahat ay tila nag-aayos ng sarili sa pagdating ng boss—parang darating ang presidente. Pero kay Cynthia, normal na iyon. Limang taon na siyang personal assistant ni Drake; kabisado na niya ang mga mood nito, pati kung anong kape ang gusto nito kapag stressed. Nang bumukas ang glass door, pumasok ang lalaking kayang paandarin ang mundo sa isang sulyap lang. Naka-three-piece suit si Drake De La Joya, pero kahit hindi siya magbihis, may dating siyang hindi mo matatawaran—matangkad, malalim ang boses, malamig ang titig, pero sa ilalim ng lahat ng iyon ay isang lalaking may sariling misteryo. “Good morning, Mr. De La Joya,” bati ni Cynthia, mahinahon pero propesyonal. Tumingin ito sa kanya saglit bago tumango. “Good morning, Cynthia. Do we have any calls from the board?” “None, sir. But the Japan investors are requesting a virtual meeting later this afternoon.” “Noted.” Tahimik silang nagtrabaho, hanggang sa ilang minuto pa ay naramdaman ni Cynthia ang kakaibang tensyon sa loob ng opisina. Madalas ay seryoso si Drake, pero ngayon, parang may iba. Hindi iyon ang usual na business mood niya. “Cynthia,” tawag nito, habang pinagmamasdan siya. “Yes, sir?” Tumayo si Drake, nilapitan siya, saka umupo sa harap ng mesa niya—isang bagay na never pa nitong ginagawa. “You’ve been with me for five years.” “Yes, sir,” sagot ni Cynthia, litong-lito pero kalmado pa rin. “You know how this company runs… you know how I work.” “Yes, sir. Of course.” Sandaling natahimik si Drake. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi alam kung saan magsisimula. Hanggang sa unti-unti itong ngumiti—ang unang beses na nakita ni Cynthia sa loob ng matagal na panahon. “Then I assume you already know that I don’t do things without reason.” “Sir?” “I’m getting married.” Nabingi si Cynthia sa sinabi niya. Tila biglang huminto ang hangin. “Oh... congratulations, sir,” pilit niyang bati kahit halatang naguguluhan. “Who’s the lucky—” “You.” Nanlamig ang mga kamay ni Cynthia. Akala niya nagbibiro ito. Pero hindi iyon biro. Matigas ang mukha ni Drake, seryoso, walang halong tawa o kapilyuhan. “Sir, I—I’m sorry?” “I said,” inuulit nito, mariin, “I want you to marry me.” Hindi makapagsalita si Cynthia. Parang biglang nanikip ang buong paligid. Ang tanging maririnig lang ay ang marahas na tibok ng puso niya. “Mr. De La Joya, this is… I mean—this must be a misunderstanding. I’m your employee.” “I know.” “Then why—” “Because I need a wife.” Napakurap siya. “A wife?” Tumango si Drake. “The board is pressuring me. Investors want stability—an image of a family man. It’s not about romance, Cynthia. It’s business.” Bigla siyang natahimik. Lahat ng sinabi nito ay malinaw, diretso, malamig. Pero bakit may kakaiba sa paraan ng pagtingin niya? Bakit parang hindi lang ito basta proposal ng convenience? “So... you’re asking me to marry you for the sake of your company’s reputation?” “Yes.” “Why me?” Tahimik muna si Drake. Tila nag-aalangan saglit bago sumagot. “Because I trust you more than anyone else.” May kung anong tumama sa dibdib ni Cynthia. Hindi niya alam kung insulto ba iyon o puri. “Drake… this is too much. I have a daughter. I can’t just—” “Liza, right?” putol nito. “She’s twenty, in college. I already looked into her background.” Napatingin si Cynthia, nanlaki ang mata. “You investigated my daughter?” “I do background checks on anyone who might be part of my life,” mahinahon nitong sagot. “I’m not marrying you without knowing who comes with you.” “Sir, this is… this is not funny.” “I’m not joking.” “Then what is this, some kind of social experiment?” “Call it strategic if you want. My father’s board has been pushing for my marriage before the next fiscal year. If I don’t comply, I lose controlling interest in De La Joya Holdings.” “So, you need a wife in an instant...as in ASAP?” “Yes.” “And you really chose—me?” He took a step closer. “I don’t trust people easily. You’ve worked for me for six years. You’ve seen me at my worst. You never tried to use it.” “Because I’m paid to be discreet, sir.” “Exactly.” Lumapit pa siya. “That’s why I know you won’t betray me.” Huminga ako nang malalim. “And what do you get out of this… arrangement?” He paused, smirked slightly. “Peace of mind. A clean reputation. Control over my company. Maybe… a little companionship.” “Companionship?” napatawa ako nang mahina. “You make it sound like hiring a pet, sir.” “I don’t mean it that way.” “Then how do you mean it?” Tahimik siya sandali, then his tone softened. “Cynthia… I’m not asking you to love me. I’m asking you to stand beside me.” Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil sa hiya, kaba, o sa kakaibang init ng boses niya. “Sir, alam mong may anak ako at hindi siya maliit na bata lang. I have responsibilities. Hindi ganun kadaling tanggapin ‘to.” “I know,” sagot niya agad. “That’s why I’ve considered it carefully. You and your daughter will be secured. A house. Education. Everything covered.” Napatingin ako sa kanya—seryo, matatag, pero may kung anong emosyon sa ilalim ng lahat ng composure na ‘yon. “You think you can buy my ‘yes,’ Mr. De La Joya?” “Hindi. Pero gusto kong malaman mo—this isn’t about pity. I’m choosing you because you’re the only one I don’t have to pretend with.” Biglang sumikip ang dibdib ko. Mahirap paniwalaan, pero totoo ang tingin niya—parang nakikita niya ako, hindi lang bilang empleyado. “Sir… I don’t even know what to say.” “Say you’ll think about it,” sabi niya, mababa ang boses. “Give me an answer before Friday.” “Mr. De La Joya, you can’t just—” “Drake.” “What?” “Call me Drake.” Nang marinig ni Cynthia iyon, parang biglang nag-iba ang timpla ng hangin. Hindi na iyon ang malamig na boss na kilala niya. May halong init at lambing sa tono ng boses nito. “Sir… Drake… I don’t know what to say.” “Say yes.” “Hindi ito gano’n kadali.” “Cynthia,” marahan nitong sabi, “I don’t need a woman who’ll pretend to love me. I need someone I can trust. Someone who can stand beside me without drama, without lies. You fit that more than anyone I’ve met.” Tahimik si Cynthia. Napayuko siya. Sa loob ng limang taon, ilang beses na niyang nasaksihan ang lungkot sa mga mata ni Drake. Ang mga gabi na huli siyang umuuwi, naglalakad palabas ng opisina na parang may dinadalang bigat na hindi maipaliwanag. Ngayon, siya ang hinihingan nito ng kasama. Hindi para magmahal, kundi para magkunwari. Pero bakit may kumikiliti sa puso niya? “Drake…” bulong niya, halos pabulong. “This is madness.” “Maybe,” sagot nito, habang tumayo at lumapit sa kanya. “But it’s the kind of madness I need right now.” At bago pa siya makasagot, iniabot ni Drake ang isang maliit na kahon. Nang buksan niya iyon, kumislap ang isang eleganteng singsing—simple pero mamahalin. “Think about it,” sabi ni Drake, habang nakatitig sa kanya. “But not too long. The board meeting’s next week. I’d prefer to introduce you as my fiancée.” Pagkatapos noon, naglakad ito palabas ng opisina, naiwan si Cynthia na tulala, hawak ang kahon, at hindi malaman kung iiyak ba siya o matatawa. Bakit siya? Bakit ngayon? At bakit, sa lahat ng posibilidad… parang hindi lang trabaho ang tinamaan ng alok na iyon—pati ang puso niya?“Kung totoo ang hawak mo, ilabas mo na ngayon...dahil kapag sumikat ang araw, hindi na kita mapoprotektahan.”Boses ni Drake ’yon.Mahina, kontrolado, pero punô ng babala—parang kutsilyong hindi itinaas, pero ramdam mong nakatutok na sa leeg mo.Nakatayo ako sa gitna ng library ng villa ni Betina, napapalibutan ng matataas na estanteryang punô ng librong hindi ko alam kung binasa ba talaga o ginamit lang bilang dekorasyon ng kapangyarihan. Mabigat ang hangin. Parang bawat pahina ng librong iyon ay may alam na sikreto—at pinipiling manahimik.Hawak ko ang folder. Makapal. Dilaw ang gilid ng mga papel, parang matagal nang inilibing at saka lang muling hinukay. Pakiramdam ko, mas mabigat pa ito kaysa sa buong katawan ko. Mas mabigat pa kaysa sa mga taon ng pananahimik, pag-iwas, at pagpapanggap na hindi ko naririnig ang mga bulong ng nakaraan.Hindi ko siya tinitingnan.Kapag tumingin ako, baka magbago ang loob ko.Baka makita ko ang Drake na minsang na
“Sumunod ka kung gusto mong malaman kung sino talaga ang pumatay sa nanay mo.”Tumigil ang mundo ko sa linyang ’yon.Hindi ako nagsalita. Hindi ako huminga nang maayos. Nakatingin lang ako sa likod ng lalaking nakasuot ng itim na jacket habang tinatahak niya ang madilim na eskinita sa likod ng lumang gusali sa Ortigas—isang lugar na hindi ko man lang alam na umiiral hanggang ngayong gabi. Ang mga ilaw ng siyudad ay tila nilulunok ng dilim; ang mga tunog ng trapiko ay unti-unting nawawala habang palayo kami sa kalsada, papasok sa isang espasyong parang sinadyang kalimutan ng mundo.“Kung may bitbit kang recorder,” dagdag niya, hindi lumilingon, “patayin mo muna. Kung ayaw mong mamatay nang mas maaga.”Napahigpit ang kapit ko sa bag ko. Ramdam ko ang malamig na pawis sa likod ng leeg ko, ang tibok ng puso kong parang gustong kumawala sa dibdib ko. Journalist ako. Sanay ako sa banta. Sanay ako sa panganib. Pero iba ang takot kapag personal na ang nakataya—kapag pangalan
“Kung sa’kin mo gustong maglaro, Mirielle, siguraduhin mong handa ka sa wakas.”Tahimik ang kabilang linya. Isang segundo. Dalawa. Tatlo. Ramdam ko ang paghinga niya...hindi sa tenga, kundi sa dibdib ko. Parang sinasadya niyang patagalin, parang sinasabi niyang hawak pa rin niya ang ritmo ng mundo ko. Na kahit ako ang tumawag, siya pa rin ang nagdidikta kung kailan ako kakabahan.“Ang tapang ng boses mo,” sagot niya sa wakas, mabagal, parang lason na dinidilaan bago lunukin. “Pero tandaan mo, Liza...ang tapang, mabilis mapagod.”Hindi ko siya sinagot. Hindi dahil wala akong masasabi. Kundi dahil may mga laban na hindi nananalo sa palitan ng salita. Pinatay ko ang tawag. Hindi dahil duwag ako. Kundi dahil may mas mahalagang gagawin kaysa makinig sa boses ng demonyo na matagal nang nakatira sa anino ng mga desisyon namin.Tumayo ako sa gitna ng maliit na sala, ang ilaw dilaw, ang hangin mabigat. Sa mesa, nakahilera ang mga papel...mga resibo ng kasalanan na pilit tinatakpan ng kapangy
“Akala mo ba hindi ko malalaman na ikaw ang pumatay sa nanay ko?”Tumigil ang pag-ikot ng baso sa pagitan ng mga daliri ni Mirielle. Dahan-dahan siyang ngumiti...hindi ‘yung ngiting nagtatanggol, kundi ‘yung ngiting parang matagal nang naghihintay ng ganitong eksena.“Ang tapang mo,” sagot niya, malamig. “Mag-isa ka pang pumunta rito.”“Hindi ako nag-iisa,” balik ko, kahit alam kong kasinungalingan ‘yon. Ang totoo, nanginginig ang tuhod ko. Pero hindi ko ipapakita. Hindi sa babaeng ‘to. “Kasama ko ang katotohanan.”“Ang cute,” tumawa siya, humigop ng alak. “Pero ang katotohanan, Liza, parang salamin ‘yan. Kahit buo, madali pa ring baliin.”Huminga ako nang malalim. Naririnig ko ang sarili kong tibok—hindi sa tenga, kundi sa dibdib. “Ikaw ang nagplano ng aksidente. Ikaw ang nag-utos. Ikaw ang dahilan kung bakit wala na ang nanay ko.”“‘Aksidente,’” inulit niya, tila nilalasap ang salita. “Napakagandang salita. Walang kasalanan. Walang salarin.” Itinapat niya ang tingin sa akin. “Pero
“Mr. de La Joya, may limang minuto ka bago i-lock ulit ang linya.”Tumango ako sa guard, pilit na inayos ang bigat sa dibdib ko habang sumasara ang pinto ng visitation room. Limang minuto. Limang minuto para ipagkasya ang mga desisyong puwedeng sumira ng buhay...o magligtas ng isa.Huminga ako nang malalim at kinuha ang telepono. Hindi ko pa tinatawagan si Liza. Hindi dahil ayaw ko...kundi dahil kapag narinig ko ang boses niya, baka hindi ko kayaning ituloy ang plano.“Simulan na natin, Drake.” Boses iyon ng abogado ko sa kabilang linya, malamig at eksakto. “Nakahanda na ang press release. Isang pirma mo na lang.”“Basahin mo ulit,” sabi ko. “Lahat. Walang laktaw.”Binasa niya. Ang bawat salita ay parang kutsilyong dumudulas sa balat ko: ethical violations, abuse of authority, personal misconduct. Ako ang kontrabida. Ako ang babagsak. Walang banggit kay Liza. Walang puwang para sa kanya sa putik na ito.“Once this goes out,” dagdag ng abogado, “mahiwalay na ang pangalan ni Liza sa i
“Hindi mo pwedeng akuin lahat, Drake...hindi ka Diyos.”Bumagsak ang boses ni Mama Betina sa pagitan ng malamig na dingding ng interrogation room, parang martilyong tumama sa sentido ko. Nakatitig siya sa akin sa salamin, hawak ang bag niya na parang sandata, pero ang mga mata niya...iyon ang totoong matalim. Nasa likod niya ang abogado ko, tahimik, nagmamasid. Ako? Nakaupo, may posas pa sa pulso, pero tuwid ang likod. Hindi dahil matapang ako...kundi dahil wala akong choice.“Hindi ko inaangkin ang pagka-Diyos, Ma.” Mababa ang boses ko, pero malinaw. “Inaangkin ko ang responsibilidad.”“Responsibilidad?” singhal niya. “O pag-ibig?”Hindi ako sumagot agad. Dahil alam niya. Dahil alam naming lahat. Ang pangalan ni Liza ay hindi ko kailangang banggitin para umalingawngaw sa silid. Parang multo ang presensya niya...hindi nakikita, pero ramdam sa bawat hinga ko.“May inilabas na statement ang kampo ni Mirielle,” sabat ng abogado, binuksan ang tablet. “Sinisisi ka niya sa obstruction, m







