Masuk“Ch-Chris…?”“Tulungan na kita magsukat,” wika ni Christian. Nagbaba ng tingin para tignan ang numero na siyang sukat ng dibdib ng babae bago pulutin ang papel at ballpen na inilapag ni Orlinda sa sahig para isulat ang sukat ng babae.“Kanina ka pa ba nariyan?” malumanay na tanong ni Orlinda.Agad na umiling si Christian. “Ngayon-ngayon lang. May ginawa lang ako sandali sa labas kani-kanina lang,” paliwanag nito.“Ganoon ba…” aniya, dahan-dahang napatango si Orlinda.Habang ang atensyon ni Christian ay nasa pagsusukat ng katawan niya.Tumayo ng tuwid si Orlinda. Tahimik niyang pinanood ang bayaw na sukatin siya.Maya-maya, may naisip siya bigla kaya napatanong siya. “Kuya Chris, alam mo pala mga parte na kailangan sukatan para gumawa ng damit?”Hindi agad sinagot ni Christian ang katanungan niya. Tinapos muna nito ang pagsusulat sa papel matapos magsukat.Nag-angat ng tingin si Christian. “Hindi naman gan’on kahirap alamin kung anong mga sukat ang kailangan,” sagot nito.Noon pa man,
“Gandahan mo yung disenyo ng damit na susuotin ko, Sheila, ah? Gusto ko magandang-maganda ako kagaya mo,” sabi ni Grace habang nagpapaikot-ikot sa harap ng mahabang salamin, sinisipat ang bawat anggulo ng kanyang pigura na parang feeling niya ay isa siyang modelo.Hindi sumagot si Sheila dahil abala siya sa pagtatala ng mga sukat na kinuha niya hindi lamang kay Grace, pati na sa iba pang miyembro ng pamilya Tan.Nang gabing iyon, nagtipon ang buong pamilya para lang magsukat ng damit. Sinukat ni Sheila ang bawat miyembro ng pamilya.Mga isang linggo na lang bago ang kaganapan. Ilang araw pa pero abalang-abala na agad si Sheila. Paano ba naman? Siya ang inatasan ni Evelyn na magtahi ng kanilang damit na susuotin.Sa pagsukat pa lamang, parang napapagod na siya.Matapos magsulat ng mga sukat at mag-ukit ng naisip na disenyo sa papel, nagtaas siya ng tingin.“Wala ka na bang iba pang idadagdag o papalitan, Grace?” walang kabuhay-buhay niyang tanon, medyo inaantok na kasi siya.Umiling si
“Talaga?” hindi makapaniwalang reaksyon ni Leon. “Hindi ba’t si Ana ang sekretarya mo? ‘Yong nasa 40s na?” muling tanong nito.Tumango muli si Christian. “Pansamantalang nasa maternity leave ngayon si Ana kaya pinalitan muna siya ni Orlinda,” sagot niya.“Gan’on ba,” napapatangong wika ni Leon. “Huling tanong, gaano na ba katagal na nagtatrabaho sa ‘yo ang sekretarya mo?”“Mahigit tatlong linggo pa lang,” sagot naman ni Christian.“Totoo ba ‘yan?” muling nagulat sa nalaman si Leon. “Saang prestihiyosong eskwelahan o unibersidad ba nagtapos ang sekretarya mo?” usisa nito.Bahagyang ngumiti si Christian, umiiling. "Hindi nakatungtong ng kolehiyo si Orlinda. Highschool graduate lang ang natapos niya," sagot niya.Muling nabigla si Leon sa isinagot ni Christian. "Totoo ba 'yang mga sinasabi mo?" gulat na tanong nito. "Mr. Tan, maitanong ko lang. Bakit mo siya kinuha bilang sekretarya mo?"Akmang magsasalita na si Christian nang magbuka siya ng bibig nang marinig ang huling tanong ng la
Eksaktong alas-singko ng hapon dumating ang panauhing hinihintay ni Christian.Isang lalaki na kasing-edad ni Christian ang pumasok—si Leon Avendino—naglalakad sa tabi nito ay isang matikas na babae.Agad na lumapit si Christian para batiin ang mga panauhin. Si Orlinda ay mabilis na sumunod at ginaya ang amo.“Maligayang pagdating, Director Avendino,” magalang na bati Christian, iniabot ang kamay sa panauhin.Malugod na tinaggap ni Leon Avendino ang pakikipagkamay kay Christian, nakangiti.Matapos makipagkamay, una munang ipinakilala ni Leon ang babaeng nasa tabi nito.“By the way, I would like to introduce to you my wife—Julie Avendino,” masayang pagpapakilala ni Leon sa kanyang misis.Marahang ngumiti si Julie.Nakahanda na si Christian na batiin ang asawa ni Leon pero nang makitang nagtaas ito ng kamay at nagsenyas, sandali siyang natigilan.Gaya ng ginawa ni Julie, nagtaas din ng kamay si Orlinda at nagsenyas na nangangahulugan ng pagbati sa babaeng panauhin. Mabilis pero malinaw
Dalawang beses na kumatok si Joel bago pumasok sa loob ng opisina ng amo.Sa loob, agad niyang naramdaman ang mababang temperatura sa sandaling humakbang siya papasok.Mabilis na umikot ang kanyang paningin. Napansin niya ang basag na mouse na pamilyar na pamilyar sa kanya na ginagamit ng amo.Nang mag-angat siya ng tingin, napaigtad siya sa pagkabigla ng makitang nakatitig ng matalim sa kanya si Christian, nakapangalong-baba.Joel composed himself right away, keeping professionalism like what he taught Orlinda should always do.He walked forward, stopped and stood in front of Christian before speaking his reason.“Sir, may meeting ka mamayang hapon with Director Avendino,” wika ni Joel. “Pinalinis ko na din ang guest room ahead of time in case the Director arrives earlier than we expected,” he added.“Hmm,” Christian responded shortly with a hum.Matapos sabihin ito ay aalis na siya agad pero nang maalala ang basag na mouse sa sahig, nilinis na muna nito baho lumabas ng opisina.Pagl
“Ano, Grace? Handa ka bang diborsyohin ang kapatid ko para sa ‘kin?” muling tanong ni Angelo.Napakagat ng labi si Grace, hindi niya alam kung tama ba ang sasabihin niya.Kung um-oo siya ng sagot, dapat nakahanda nga talaga siya sa mga consequences na maaring mangyari pagkatapos niyang diborsyohin si Manuel.Habang napapaisip, biglang pumasok sa isip niya ang isang imahe kung saan masayang-masaya ang mga magulang niya sa tuwing nakikita nito si Manuel na kasama siya para dumalaw sa kanilang tahanan.Hindi maikakaila ang pagkahumaling ng mga magulang niya kay Manuel.May biglang pumasok muli sa kanyang isip. Ang imahe ng galit niyang mga magulang matapos niyang hiwalayan si Manuel.Bigla siyang nakaramdam ng takot.Lalo na ng isa pang imahe ang pumasok sa kanyang isip, ang malaman ng lahat ang lihim na affair nila ni Angelo.Dito na nagsimulang manginig ang buong katawan ni Grace sa matinding takot.Bilang abogado, isang kahihiyan at nakakababa ng kredibilidad kapag nalaman na siya mis
Angelo scoffed. “It’s good that you know your place,” he said.Matapos sabihin ito ay kumuha ng damit na isusuot si Angelo at naglakad pabalik ng banyo para doon magbihis kagaya ng kinagawian nito.Nang sumara ang pinto ng banyo ay parang lumuwag ang dibdib ni Orlinda.Napahimas siya sa kanyang dib
Alas-onse na ng gabi ng matapos sa paglilinis ng mga pinagkainan ng gabing iyon si Orlinda. Iniwan na niya ang ilang maliliit na natitirang gawaing bahay gaya ng pagpupunas ng mahabang mesa na siyang kinakainan ng pamilya Tan sa mga kasambahay.Dahil sa pagod at bigat ng eksena kanina sa hapag sigu
"Linda!" galit na bulalas ni Evelyn, namumula ang mga mata sa pagngangalit. "Hindi ba't sinabi ko sa 'yo na ayusin mo ang trabaho mo?! Simpleng pagputol lang ng kuko ay hindi mo pa magawa nang maayos!"Dahil sa nangyari, mabilis na kumakabog ang dibdib ni Orlinda sa takot. Sa pananaw niya, wala nam
‘’Angelo…’’ mahinang tawag ni Orlinda sa asawa. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at pinulot ang business card sa carpet, nanginginig ang mga kamay. ‘’Bakit ba pilit mong pinapagawa ‘to sa ‘kin? Ano bang ginawa kong kasalanan?’’‘’Bakit?’’ Tumalim ang mga mata ni Angelo. ‘’Ahh… Akala mo siguro nagb







