LOGIN"B-Bakit naman 'yon ginawa sa family niya?" nagtataka ko pa'ng tanong kay Jeriel."Hindi ko nga alam ang buong dahilan. Hindi ikinukuwento ni Roman ang pinakapuno't dulo ng lahat kung bakit gano'n ang nangyari. Hindi naman namin siya madalas nakakasama."Na-guilty tuloy ako sa mga pinagsasasabi ko sa kaniya kanina."Alam mo, kahit hindi kami iniimikan ng taong 'yan noon, alam na alam naming gusto niyang magkaroon ng sariling pamilya. Gusto niyang matuloy ang linya ng mga Valezarte," paliwanag pa ni Jeriel."P-Pero bakit ako? Bakit ako ang gusto niyang maging asawa?" nagtataka ko pa'ng tanong kay Jeriel ngunit nagkibit-balikat lang siya sa 'kin."E 'yan ang itanong mo sa kaniya."HABANG ABALANG nagkukuwentuhan ang lahat sa kani-kaniyang mga pwesto ay abala naman akong hinahanap si Roman kung nasa saan na siya.Nang mabaling ang tingin ko sa isang gawi ay napansin kong nakaupo si Roman sa nag-iisang puwesto sa dulo. Wala siyang katabi.Baka nag-iisip na naman siya?Dahil dito ay naisipa
Nagpunta kami ni Roman sa place ni Mr. Hussin kung saan niya isasagawa ang mini-celebration ng kaniyang birthday.Mula kaninang umaga, hindi na ako kinakausap ni Roman. Hindi ko alam pero nagseselos ba siya?"Here," sabi ni Roman nang mai-park na niya ang saakyan. Kahit na wala siya sa mood ay pinagbuksan pa rin niya ako ng pinto upang makababa ako."Thanks," sabi ko na lang sa kaniya pero hindi niya pa rin ako inimikan. "Teka nga. Bakit ba ayaw mo 'kong kausapin? H'wag mong sabihing nagseselos ka kay Mr. Hussin?""Let's go inside," tanging sabi niya after niyang huminga nang malalim. Hinawakan niya ang kamay ko upang sabay kaming pumasok sa loob.Sa pinto pa lang ay nakita ko na ang iilang lalaking nag-uusap habang may mga hawak na champagne glass."Bakit puro yata lalaki? Ako lang ang babae rito?" bulong kong tanong kay Roman."You agreed to come here so it's your problem," bulong din naman niya pabalik sa 'kin. Inis kong tinignan ang gawi ni Roman ngunit hindi pa rin niya ako pina
Natanghali na ako ng gising mula sa nangyari sa 'min ni Roman kagabi. Bumangon ako sa higaan na parang ang bigat-bigat ng katawan ko.Hindi ko na matandaan ang nangyari. Nakailan ba siya sa 'kin kagabi?Kahit na medyo hindi maganda ang pakiramdam ko ay pinili kong kumilos at bumaba. Baka kailangan ko lang kainan 'to ng almusal?Dahan-dahan akong nagtungo sa dining area at kunot-noong nakita ang mga masasarap na pagkaing nakahain sa ibabaw ng mesa.Teka, mga paborito ko 'to, ah?"Good morning."Agad akong napatingin sa gawi ni Roman na galing sa kusina. Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ko inaasahan na siya ang nagpe-prepare ng mga pagkain.Naka-slacks lang siya at suot ang itim na apron."So nagpapa-flex ka ng muscles mo?" pagmamaldita kong tanong sa kaniya. Tinignan naman niya ang sarili niya at saka ako muling binalingan ng tingin."Bakit? Napapansin mo ba?" tanong din naman niya na tila inaakit ako. "Look, mia moglie, I have scratch over here because of your—""Shut up, Roman," p
I formed a fake smile after he said that. Hindi naman ito ang gusto kong mangyari.Ugh! Bakit ba ang hirap makagawa nang alibi sa taong 'to?Naiinis ako dahil feeling ko ay pumapalpak na naman ang plano ko, but nang magtama ang paningin namin sa isa't isa, there's something inside me na parang nakaramdam ng guilt.His eyes...Hindi ko alam kung over thinker lang ako or what? Pero parang may something na ibig sabihin ang tingin niyang 'yon.Sa kabila ng pagiging seryoso niya, hindi pa rin nagsisinungaling ang mga mata niya."A-Are you okay?" 'di ko mapigilang tanong sa kaniya."What do you mean?" tanong din naman niya pabalik."W-Wala. Wala," sabi ko na lang at baka nago-overthink lang talaga ako sa kaniya.NAGISING ANG ULIRAT ko nang umayos ako ng pagkakahiga sa malambot na kama.Teka, bakit parang ang tigas ng unan?Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko at nagulat nang makita si Roman. Nakaharap ako sa matipuno niyang pangangatawan at nakalapat ang kaliwa kong kamay sa matipuno niya
"H-Hindi! Hindi! H'wag! Ano ka ba?! Pap*tay ka pa sa mismong harapan ko?!" naiinis at kinakabahan kong tanong."You said, he's—""O-Oo, pero hindi ko naman sinabing pat*yin mo siya," agad kong putol sa sinasabi niya.Tinignan niya ang nagpa-panic kong reaction bago niya binaba ang hawak niyang baril."Okay," walang emosyon niyang sabi bago itago ang baril.Thank God!"Nagsasabi lang ako but that doesn't mean na pap*tay ka na. Ano ka ba?" naiinis kong tanong. Napapunas pa ako ng pawis sa kaba at takot. Akala ko, makakakita na ako ng taong pap*tayin sa harapan ko."Natanggap mo ba ang bulaklak?" tanong nito."Oo, pero hindi ako mahilig sa bulaklak.""So you threw it?""No," agad kong sagot. "Nilagay ko sa vase.""Good," maikli niyang tugon habang nasa kalagitnaan siya ng ginagawa."Sa susunod, h'wag mo na akong bibigyan ng bulaklak dahil hindi ko hilig," sabi ko pa."Then tell me what are the things you like and dislike," sabi naman niya.Napangisi ako dito."Baka kapag sinabi ko, abuti
Sa paggising ko kinabukasan, tinignan ko ang paligid at napansing alas otso na ng umaga.Nasa'n kaya si Roman?Naisip ko kaagad na gusto kong magpaalam sa kaniya kaysa naman ma-bore ako rito sa loob ng mansion niya.Nilinis at inayos ko ang sarili ko hanggang sa nagtungo ako sa labas upang hanapin kahit na ang isa sa mga tauhan ni Roman."May contact ka ba sa amo mo?" tanong ko nang makalapit ako sa isang lalaki. Imbis na sagutin ay tinignan lang ako nito nang seryoso.Parang ang laki naman ng galit nito sa 'kin."Uhmm... Hello?" tanong ko pa pero hindi niya ako sinagot. "Naririnig mo ba a—""Hindi pwedeng istorbohin ang Padrone," tanging sagot niya na tila labag pa sa loob.Lihim na lang akong napairap sa ere. Talagang manang mana kay Roman ang mga tauhan niya.Nagtungo ako sa dining area para kumain ng breakfast. Pinagsisilbihan ako ng mga tauhan ni Roman. Bago at pagtapos nilang gumawa ay nagba-bow pa sila sa 'kin.Feeling ko tuloy, isa ako sa mga may-ari nitong mansion.Abala akon







