LOGINIka. Alam ko na ang tungkol sa kaniya. Kinuwento na sa akin ni Ymilio kung bakit iyon ang tawag niya sa akin noon, sa kadahilanang iyon ang babaeng una niyang minahal. At sa kagustuhan niyang makalimot, sinubukan niyang ilipat iyon sa akin kahit kahibangan ang naisip niya. Nagalit ako noong sinabi niya sa akin ang tungkol doon. Pero hindi pa tumagal ng isang araw ang galit ko na iyon. Sa dami ng nagawang mabuti sa akin ni Ymilio, walang wala iyon sinabi doon. Isang pagkakamali lang iyon. Madaming rason para mapatawad ko siya. At iyon ang mas matimbang sa akin. Matapos ang isang linggo at nang ganap na akong magaling at malakas, ang unang lugar na pinuntahan namin ni Ymilio ay ang provincial detention center kung saan nakakulong sina Eliana at Don Roberto. Ito ang huling hakbang na kailangan kong harapin upang tuluyang maputol ang hinanakit ko sa aking nakaraan.Habang naglalakad kami sa kahabaan ng malamig at sementadong hallway ng presinto, hawak-hawak ni Ymilio ang aking kamay. An
Kinuwento lahat sa akin ni Ymilio. Iba pala ang pamilyang kinagisnan niya. Katulad ko ay wala na rin daw siyang maituturing na tunay niyang pamilya dahil wala siya nun simula pa lang. Small world, ika nga nila. Sinong mag-aakala na matalik palang magkaibigan ang Nay Elena ko at ang totoo niyang tatay. Siguro nga ay itinakda talaga na magtagpo kami para punan ang mga pagkukulang namin sa buhay namin. Ang magkaroon ng tunay na kakampi. Dumaan ang ilang araw ng aking pananatili sa VIP suite ng ospital. Sa loob ng mga araw na iyon, hindi ako iniwan ni Ymilio kahit saang sulok. Kahit abala siya sa pagpapatakbo ng kaniyang sariling mga negosyo, inilipat niya ang kaniyang pansamantalang opisina sa loob ng aking silid.Gabi-gabi, kapag nagigising ako dahil sa mga masasamang panaginip kung saan hinahabol ako ng mga holdaper o kaya'y kinakaladkad ako ni Don Roberto, agad niya akong ginigising at hinehele upang makatulog ulit ako. Mabilis ang pagresponde niya sa akin. Ni minsan ay hindi niya
Inabot ni Ymilio ang selyadong brown envelope mula sa kamay ng kaniyang punong bodyguard. Kung titingnan ay parang wala lang sa kaniya ang hawak niyang dokumento ngunit kitang-kita ko ang bahagyang pag-igting ng kaniyang panga habang binubuksan ang tali niyon. Inilabas niya mula doon ang ilang pahina ng mga lumang dokumento, mga orihinal na titulo ng lupa, at isang may dilaw na papel na naglalaman ng sulat-kamay ng kaniyang pumanaw na amang si Don Fernando na napag-alaman kong tunay niyang ama. Habang nagpapasalin-salin ang kaniyang tingin sa bawat linya ng dokumento, dahan-dahang napalitan ng matinding galit ang kaniyang mga mata. Ang malamig at kalmadong aura na nakasanayan ko sa kaniya ay biglang napalitan ng nakakapangilabot na poot. Dahil doon ay lalong nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa matinding pagtataka. “B-Bakit, Ymilio… anong meron d'yan?” hindi ko na naiwasang magtanong.Humarap siya sa akin at muli siyang naupo sa kinauupuan niya sa gilid ng aking kama. Kinuha niya a
Pagmulat ko ng mga mata ay unti-unting nagbabalik ang liwanag sa aking paningin. Ang amoy ng malinis na antiseptic at ang mahinang tunog ng heart monitor ang unang bumati sa aking pandinig.Nandito ako sa isang napakalaki at napakaluxurious na VIP room ng isang pribadong ospital.Subalit bago ko pa man maigalaw ang aking katawan, naramdaman ko ang isang mainit at maingat na pagkakakahawak sa kanang kamay ko. Paglingon ko'y si Ymilio ang bumungad sa akin. Nasa mismong gilid siya ng hinihigaan kong kama. Nakabukas ang mga unang butones ng kaniyang puting polo, nakatupi ang mga manggas nito, at halatang puyat at pagod na pagod ang kaniyang mukha. Nakatitig siya sa akin gamit ang kaniyang mga matang puno ng matinding pag-aalala."Alyzza..." pag-alu pa niya sa akin. "You're awake. How do you feel? Masakit pa ba ang ulo mo? May masakit ba sa katawan mo?"Nakatitig lang ako sa kaniyang mukha. Sa kaniyang matang dating inakala kong malamig at walang pakiramdam, ngayon ay malinaw kong nakikita
Dahil sa matinding gulo ng aking isip at takot na maibenta kay Don Roberto, tumakbo ako nang walang lingon-lingon sa kalsada habang bumuhos ang malakas na ulan noong gabing iyon. Umiiyak ako, kumikirot ang aking sugatang ulo, at wala akong kahit kaninong pwedeng takbuhan.Takbo lang ako nang takbo, hanggang sa kusa akong natigil at napapikit na lang.Isang nakakabinging pagpreno ng gulong ang umalingawngaw sa paligid! Sa kakatakbo ko ay hindi ko namalayan na nasa gitna na pala ako ng kalsada. Mariin ang pagkakapikit ko, kusang tinanggal ang posibilidad na mababangga na ako. Nang akala ko ay katapusan ko na talaga, napadilat ulit ako nang hindi ako nabangga ng sasakyang iyon. Ilang pulgada na lamang ang layo ng bumper ng sasakyan sa aking mga tuhod nang makita ko ito. Bumukas ang pintuan ng sasakyan at mabilis na bumaba ang drayber kasunod ang may-ari niyon. Si Ymilio!Iyon pala ay sinundan at pinaghahanap pala niya ako sa kaniyang mga tauhan mula nang bigla akong mawala sa ospital ku
Habang sakop pa ako ng kadilinan dahil sa kawalan ko ng malay, pumasok ako sa isang mahabang panaginip, isang panaginip na hindi pala gawa-gawa ng aking isip kundi ang totoong nakaraan na pilit kong kinalimutan.Muli kong nakita ang gabi sa loob ng maingay at sikat na bar sa lungsod. Kasama ko ang aking mga kaibigan na sina Jane at Rina. Naririnig ko ang aming mga tawanan, ang aming mga reklamo tungkol sa aming love life, at ang pambubudol nila sa akin na gawin ang isang kalokohang dare.‘Kung sinong unang lalaki ang pumasok na naka-suit, basta anything na formal na damit, lalapitan mo siya at… hahalikan!’ iyon ang pambubudol ni Jane sa akin habang itinuturo ang malaking glass door ng bar.Naalala ko ang lahat. Ang pagtayo ko sa may pintuan, ang paghihintay ko ng limang minuto, at ang pagpasok ng isang napakatangkad at napakagwapong lalaki na nakasuot ng maitim na suit.Si Ymilio!Naalala ko kung paano ko siya hinarangan, kung paano ko ginamit ang pamatay kong ngiti, at kung paano ko
“Ang sagwa n'yo po palang makipag-s*x!” ulit ko pa, sunod ay pinapahid ko ang gilid ng labi ko gamit ang likod ng kamay ko. Lasang-lasa ko pa rin ang lagkit at alat ng likidong iniluwa niya sa loob ng bibig ko."You're making a fuss over a drop of milk? We haven’t even started the real work," he sa
Halos hindi ko na malasahan ang steak na nginunguya ko habang siya'y halos patapos na. Para akong kumakain ng papel habang panakaw-nakaw ang tingin sa kaniya. Grabe. Normal na normal na siguro sa kaniya ’yung ganito. ’Yung magha-hire ng gagawing parausan, tapos kapag magsawa ay hahanap na naman ng
Halos tumigil ang paghinga ko sa mga binitawan niyang salita. Hindi man ako nakatingin sa kaniya'y ramdam na ramdam ko ang paninitig niya sa akin.Parausan tuwing gabi…Hindi ako t*nga para hindi maintindihan ang ibig niyang sabihin doon. Sa café pa lang ay quotang quota na ako sa ilang pambabastos
Naniniwala ako na kapag mahirap ka, wala kang bilang sa mundo.Dito sa maliit na baryo namin sa Cagayan, kaming mga mahihirap ay parang asong kalye kung ituring. Uutos-utusan ng kung sinumang mas nakatataas sa amin, tapos kapag hindi na kailangan, basta na lang itatapon sa gilid.Bukod sa wala kami







