LOGINApat na taon. Apat na taon kong pinaghahanap si Ika. Nag-hire ako ng mga tauhan at private investigators para lang hanapin siya sa iba't ibang bansa. Bawat sulok ng mapa na pwedeng pagtaguan sa kaniya ng nanay niya, ipinahalughog ko na. Pero palaging dead end ang bumubungad sa akin. At kahit ang matayog kong pride ay kinain ko na rin dahil sa labis na desperasyon. Araw-araw kong kinukulit si Ymilio na sabihin sa akin kung nasaan si Ika. Dumating pa sa puntong lumuhod na ako sa harap niya, pero wala pa rin. Alam kong alam niya ang kinaroroonan ni Ika, ayaw lang niya sa akin sabihin. “Huwag mo na guluhin ang mag-ina ko. Ayaw ka na rin makita ni Ika," isang beses ay iyan ang isinagot niya sa akin. Kaya naman hindi na ako nakapagpigil at nakipagsuntukan ako sa kaniya sa mismong opisina niya. Simula n'un ay halos inaraw-araw na namin ang pagsusuntukan. Hindi ko alam kung nananadya ba siya pero lagi niya akong iniinis. Sinasabi na masaya na raw sila ni Ika kasama ang anak nila!Galit na s
Alam ko naman na may nararamdaman na sa akin si Ika. Ramdam ko 'yun. Hindi man iyon maikukumpara sa lalim at tindi ng nararamdaman niya kay Ymilio, pero ramdam ko na kahit papaano ay may pag-asa na ako sa kaniya. Sa mga huling araw na magkasama kami, kitang kita ko ang marahang paglambot ng kaniyang pakikitungo sa akin tuwing magkausap kami. Na kung sakali mang papipiliin ko siya sa pagitan namin ni Ymilio, alam kong magdadalawang-isip na siya kung sino sa amin ang mas matimbang sa puso niya ngayon.Siguradong sigurado na ako doon.But that hope that I've been holding onto for the past few days was violently shattered into pieces. Papunta na sana ako nun sa mansyon nila para bisitahin siya nang nabalitaan ko na lang sa mga kasambahay na isinugod siya sa ospital. Wala akong kaalam-alam sa totoong nangyari, lalo na ang katotohanang buntis nga siya. Na nagkatotoo ang minsang akala ko ay hindi. Halos paliparin ko ang kotse ko patungo sa ospital, habang ang utak ko ay parang sasabog na s
Para sa kaarawan ni Ika, bumili ako ng mga balloons, nagpa-print ng tarp, at nag-order pa ako ng paborito kong flavor ng birthday cake. Oo, paborito ko dahil hindi ko naman alam kung ano ang paborito niya. Habang wala siya sa kaniyang kwarto ay palihim ko itong isinet-up doon sa tulong na rin ng ilang kasambahay. Nasabi ko naman sa kaniya na huwag na muna siya matutulog hangga't hindi pa nag-aalas dose. Pero natapos na ako't lahat sa pag-aayos, sumapit na ang hatinggabi, hindi pa rin siya pumapasok dito sa kaniyang kuwarto.Nagsimula na akong mainip kaya napagdesisyunan ko na lang na hanapin siya sa buong mansyon. Una kong pinuntahan ang pool area, baka kasi nandoon siya at nagpapakalunod na naman sa sarili niyang mga drama sa buhay. Pero wala, walang tao roon kundi ang repleksyon ng buwan sa tubig. Sunod ko namang pinuntahan ay ang garden area, ngunit malamig na hangin lang ang sumalubong sa akin doon. Halos lahat na ng sulok ng mansyon ay natingnan ko na, maging ang mga bakanteng
Nakatanaw lang ako kay Chelsea. Napakalawak ng ngiti niya habang katabi niya ang kaniyang mga magulang. Ang saya saya niya tingnan, na para bang wala siyang winasak na puso ilang minuto lang ang nakalilipas bago siya pumasok dito sa loob. Habang ako rito sa gilid, nakatayo sa may sulok, parang tangang unti-unting pinapatay ng sarili kong mga iniisip.Bumaba ang tingin ko sa maliit na pulang kahon na kanina ko pa pinipiga sa loob ng bulsa ko. It was a customized promise ring. Ito sana ang ipangreregalo ko sa kaniya kasi nabasa ko sa internet na, ang promise ring ay simbolo daw ng isang pangako na kahit hindi pa kayo pwede ngayon dahil sa mga harang, siya at siya pa rin ang pipiliin mo balang araw. Natawa na lang ako nang mapait sa sarili ko habang hinahaplos ang gilid ng kahon. Anong silbi ng lēcheng singsing na 'to ngayon kung ang mismong relasyon namin ay tinapos na niya. Nahirapan pa ako mag-isip ng magiging disenyo nito dahil natatakot ako na baka hindi niya ito magustuhan. Iyon
"Pakasal? Pa, hindi ako papayag!" Agad kong pag-apila "Wala pa sa mga plano ko ang magpakasal. Isa pa, may gusto akong iba!"‘Si Chelsea! Kung ipapakasal niyo rin naman pala ako sa anak ni Don Ymael, bakit hindi na lang kay Chelsea?’Iyan ang salitang gustong-gusto kong isigaw sa mismong mukha ni Papa. Pero bago ko pa man maisatinig iyon, hindi na niya ako binigyan ng pagkakataon na makapagsalita ulit dahil tumayo siya mula sa kaniyang swivel chair at agad na may inilapag na makapal na envelope sa harap ko."Buksan mo," malamig niyang utos.Nanginginig ang mga daliri ko sa inis nang kunin at buksan ko ‘yun. It was a legal document. Isang kasulatan kung saan ang kalahati ng lahat ng ari-arian nila ni Mama ay direktang mapupunta sa pangalan ko balang araw, at ang natitirang kalahati ay mapupunta naman sa magiging anak ko. But there was a massive catch. Mabibigyang-bisa lamang ang dokumentong ito kapag pumayag akong pakasalan si Ika.It was an incredibly tempting offer. The kind of wealth
"Ano namang klaseng kapalit ang gusto mo? Huwag mong sabihing hihilingin mo ang shares ko sa kumpanya," seryoso at may pagdududang tanong ni Ymilio sa kabilang linya nang marinig ang sagot ko.Natawa ako nang bahagya bago ko sulyapan si Chelsea na hanggang ngayon ay abala pa rin sa pagsusulat sa kaniyang papel. "Secret muna para masaya, man. Malalaman mo rin kapag tapos na ang deal natin. Basta inaasahan kong tutupad ka sa usapan natin."Bumuntong-hininga si Ymilio. Kilala niya ako—kapag sinabi kong may gusto akong makuha, gagawa at gagawa ako ng paraan para mapasakin ‘yun. "Fine. But let me make one thing clear, Jace. I know you're a bit of a playboy, but my wife's completely off-limits. I'm telling you this to warn you, she's not one of your flings."Marahan na naman akong natawa. “Chill, man. May gusto akong iba," makahulugan kong tugon. "Tutor lang, promise. huwag kang mag-alala…" Hindi ko sinabi kay Chelsea ang tungkol sa napagkasunduan namin ng kuya niya. Hindi rin naman iyon
"Kung gusto mo... tayo na lang ang magbakasyon sa sembreak," panukala niya sa malambing pa ring boses. "Isasama natin si Chelsea. Para... para maging malapit na rin kayo sa isa't isa."Medyo hilaw akong napangiti doon, saglit siyang binalingan mula sa likuran ko. “Hindi ba 'yun nakakailang? Ang dat
"I-I'm not hurting you... ikaw ang gumagawa nito sa atin," hirap kong tugon sa pagitan ng mga halik niya, pilit na kumakapit sa kaniyang maskuladong balikat habang ramdam ko ang init ng kaniyang palad sa pagkabābae ko.Mariin siyang dumaing, tila ba tuluyan nang nilamon ng matinding pagnanasa. “I-I
Stvpid…Go back to your family…Paulit-ulit na umalingawngaw sa utak ko ang mga huling salitang binitawan niya. Ang lamig ng boses niya, ang kawalan ng emosyon sa mga mata niya… lahat ng iyon ay mas masakit pa kaysa sa sampal na natanggap ko mula kay Donya Victoria noon."Ma'am Ika... ayos lang po
Namimilog ang mga matang nakatingin sa akin si Donya, tila hindi makapaniwala sa narinig mula sa akin. "'N-Nay?" nanginginig niyang ulit sa huling salitang binitawan ko.Tumango ako at banayad siyang nginitian ulit. “Opo… ’Nay…”Muntik na akong mapahiga sa kama nang bigla niya akong sunggaban ng y







