Share

20

Tila ako napako sa madilim na pasilyo. Nasa harapan ako ng isang itim na pinto. Nakauwang na ito at naamoy ko na ang kakaibang amoy na nagdadagdag sa init ng aking katawan.

Wala akong magawa dahil nakatitig lamang ako kay Jacob habang nakikipagsigawan siya sa waiter.

Hindi ko alam pero ngayon ko lang siya nakitang galit. Nakakatakot. Masyado siyang nakakatakot.

Napaiktad ako nang dumapo ang kanyang mata sa aking pwesto.

Bigla akong nanlamig. Pero tila ba nag-iinit ang aking katawan sa titig na 'yon. Masyado akong kinakabahan pero nananaig sa akin ang mainit na pakiramdam.

Nanginig ang aking tuhod nang mabilis itong nagtungo sa aking direksyon. Nakakunot ang noo nito at halos magpantay na ang kilay.

"Hindi ba't sinabi kong pumasok ka sa loob?" agad na sigaw nito.

Hindi ako nakagalaw sa aking kinakatayuan. Masyado akong natakot sa sigaw niyang 'yon.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status