LOGINAria's point of view
"Nyssa, let's go. Uuwi na tayo," mahinahong sabi ko habang inaalalayan si Nyssa na nanginginig pa rin. Gusto ko nang lumabas sa mausok at magulong lugar na 'to. "I'll take you home," singit ni Roigie. Hindi iyon tanong kundi isang desisyon. Napabuntong hininga qko. Kahit kailan talaga paladesisyon ang lalaking 'to. Napatigil ako. "No thanks, Roigie. Nakakaabala na kami. We'll just call a cab or—" "I said, I'll take you home, Aria. It’s late, and your cousin is clearly in no state to be wandering around," putol niya sa akin. At tinitigan ako ng mariin. Bigla kong naalala si Saint. Nasaan na 'yun? Akala ko ba business talk lang ang rason ni Roigie kaya niya pinalayas ang kapatid niya? Pero bago ko pa maitanong, isang marahas na kamay ang biglang humuli sa braso ko. "Aria! What the fúck is wrong with you?! Kanina pa kita hinahanap!" Si Luigi na naman. Namumula na ang mukha, amoy na amoy ko na rin ang alak sa bungangá niyang mabaho, at halatang kanina pa nagngingitngit sa galit. "Let's go! I'm taking you and your cousin home. Ngayon din!" Marahas niya akong hinila, dahilan para mapatagilid ako. "Bitawan mo ako, Luigi! Nasasaktan ako!" "I don't care! Fiancee kita, kaya susunod ka sa akin—" Hindi natapos ni Luigi ang sasabihin niya dahil isang kamay ang humarang sa kanya. Roigie stepped in, his presence so overwhelming na parang biglang lumiit si Luigi sa paningin ko. "Step back, Monteclaro," pagbabanta na utos ni Roigie. "At sino ka namang pakialamera ka?! This is Zaldivar business!" sigaw ni Luigi, pinilit pa talagang magmatapang kahit halatang nanginginig na ang boses. Abah, tumapang lang kasi lasing. Di na ata nakilala ang isang Villarreal. Roigie smirked, a cold and mocking smile. "I'm the one who's taking them home. Baka kung ano pang gawin mo sa kanila sa loob ng sasakyan mo." Tiningnan ni Roigie si Luigi mula ulo hanggang paa na parang nandidiri. "Besides, look at yourself. Mas mukha ka pa namang adik sa mga tambay sa kanto kaysa sa isang disenteng fiancé. You’re in no condition to drive, let alone protect anyone." "What did you say?!" Akmang susugod si Luigi pero isang matalim na tingin lang mula kay Roigie ay napaatras na siya. "You heard me. Go home, Monteclaro. Bago ko pa makalimutan na may merger ang pamilya niyo sa mga Zaldivar at tuluyan kitang iligpit dito," banta ni Roigie. Hinarap ako ni Roigie, ignoring Luigi’s presence completely. "Aria, Nyssa. My car is outside. Let’s go." Wala nang nagawa si Luigi kundi panoorin kaming maglakad palayo. Ramdam ko ang talim ng titig niya sa likuran namin, pero wala akong paki. Mas ligtas ako sa tabi ng démonyong si Roigie kaysa sa hayop na si Luigi. Habang naglalakad kami palabas, pasimple kong tiningnan si Roigie. Bakit mo ba 'to ginagawa? Is it just for the debt? O may iba pa? Nang makarating kami sa sasakyan niya, pinagbuksan niya si Nyssa sa likod bago hinarap ako. "Get in, Aria." "Bakit kailangang insultuhin mo pa siya ng ganoon?" tanong ko, referring to his tambay comment. Hindi ko mapigilang mapangisi kahit seryoso na ang sitwasyon. "Because it's the truth," simple niyang sagot habang binubuksan ang pinto para sa akin. "At dahil ayokong may humahawak sa'yo na hindi ako." Napatigil ako. Ano raw? My heart did a stupid little somersault. Huwag kang marupok, Aria. Acting lang 'to. Seduction game lang 'to. Game ka naman diba? "Whatever, Villarreal. Just drive us home," sabi ko na lang at sumakay na. Habang dahan-dahang umaalis ang sasakyan sa tapat ng club, nakita ko sa side mirror si Luigi na naiwan sa kalsada, mukhang talunan. Isang panalo na naman para sa akin, pero bakit pakiramdam ko, sa bawat segundong kasama ko si Roigie, ako ang unti-unting natatalo? "Aria..." mahinang tawag ni Nyssa mula sa likod. "Sino ba talaga siya? Bakit parang... bakit parang kilalang-kilala ka niya?" Hindi ako nakasagot. Gusto ko ring itanong 'yan. Dahil sa bawat haplos at bawat tingin ni Roigie, parang may kung anong alaala sa utak ko ang subok talaga na bumabangon, mga alaalang matagal nang nakabaon, kasama ng mga magulang ko. Habang bumabaybay ang sasakyan ni Roigie sa tahimik na subdivision namin, walang nagsasalita sa amin. Ang tanging maririnig lang ata ay ang mahinang hininga ni Nyssa sa likuran na parang nakatulog na sa pagod at takot. Pasimple kong tinitingnan si Roigie. Seryoso lang siyang nakatingin sa kalsada, ang isang kamay ay nasa manibela habang ang isa naman ay nakapatong sa gear shift. "We're here," maikling sabi niya nang huminto kami sa harap ng malaking gate ng mansyon. Errr. Feeling ko isang oras akong nakatitig sa kanya. "Thanks, Roigie. For everything," sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya. Bubuksan ko na sana ang pinto nang maramdaman ko ang kamay niya sa braso ko. "Aria," tawag niya sa pangalan ko. His voice was low, almost like a warning. "Be careful inside. Kung may mangyari... nandito lang ako." "I can handle my family, Roigie," sagot ko bago tuluyang lumabas. Ginising ko si Nyssa at sabay kaming pumasok sa loob. Pero pagtapak pa lang namin sa main door, parang biglang bumigat ang hangin. Nakatayo sa gitna ng hallway si Tita Victoria, suot na ang kanyang silk robe, at kung hindi ako nagkakamali, umuusok na naman ang ilong niya sa galit. Her eyes were bloodshot, looking like a predator waiting for its prey. "So, the brat is finally home," panimula niya. "At dinamay mo pa ang anak ko sa kalsadahan mo?!" "Mama, it's not Aria's fault—" subok ni Nyssa, pero isang matalim na tingin lang mula kay Victoria ay napatigil na siya. "Shut up, Nyssa! I received a call from Luigi! Sabi niya, nakipaglandian ka raw sa ibang lalaki sa club at hinayaan mong mapahamak ang pinsan mo?!" sigaw ni Victoria habang lumalapit sa akin. "Landi agad? Why don't you ask Luigi kung anong ginawa niya?" sagot ko, sinubukan ko na lang na maging kalmado ang boses ko. "And Nyssa went there because she was worried! Wala akong kinalaman sa pagpunta niya roon!" "Liar! You are a bad influence!" Bigla niyang hinablot ang braso ko nang marahas. "Ganyan ka ba talaga? Wala ka nang utang na loob! Pinatira ka na rito, pero pati ang kaisa-isa kong anak na babae, dinudumihan mo ang isipan?!" "Mama, please! Aria saved me!" iyak ni Nyssa, pinilit na rin niya kaming pinaghihiwalay. Pero parang nawalan na ng katinuan si Victoria. Kinaladkad niya ako paakyat ng hagdan, her nails digging into my skin. "Hindi na kita pwedeng hayaang gumala-gala! You need to learn your place, Aria Szarie!" "Bitawan mo ako, Victoria! Ano ba?!" sigaw ko, at nagpupumiglas na pero mas lalo lang niyang hinihigpitan ang kapit sa akin. Nang makarating kami sa tapat ng kwarto ko, marahas niya akong itinulak papasok. Napasubsob ako sa sahig, ang tuhod ko ay tumama sa matigas na wood flooring. Gasgas na naman sa apdo 'to. Haiisst. Buhay nga naman. "Stay here! Huwag kang lalabas hangga't hindi ko sinasabi!" asik niya bago marahas na isara ang pinto. Ang tunog ng susi na pumipihit sa labas ang huling narinig ko. I scrambled to the door, pounding it with my fists. "Victoria! Buksan mo 'to! You can't just lock me up like a prisoner!" "Watch me!" sigaw niya mula sa kabila. "And don't you dare use your phone! I’ll make sure the signal in this wing is dead by tomorrow!" Narinig ko ang paalis niyang mga hakbang at ang humihikbi pang boses ni Nyssa na pinapakiusapan din siya. Pagkatapos noon, katahimikan na lang ang naiwan para sa'kin. Napaupo ako sa likod ng pinto, niyayakap ang mga binti ko. Sa dilim ng kwarto ko, ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko. Bakit ba laging ganito? Bakit sa tuwing sinusubukan kong lumaban, lalo lang akong nalulubog sa impiyernong 'to?Aria's point of view Bumukas ang pinto ng storage room nang marahas, dahilan para mapatili kaming dalawa ni Ingrid habang hawak pa rin niya ’yung bote ng wine na parang handang makipag-upakan. Pero bago pa man niya maiwasiwas ’to, ang bumungad sa amin ay ang hingal at duguang porma ni Roigie, hawak ang kanyang baril habang sa likod niya ay makikita ang ilang tauhan ni Dax na abalang nagse-secure ng hallway."Labas. Ngayon na," maotoridad at gumaralgal na utos ni Roigie habang hinuhuli ang hininga niya.Hindi na kami nag-dalawang isip. Mabilis kaming tumayo ni Ingrid. Pagkalabas namin ng bodega, muntik na akong masuka sa amoy ng pulbura at kalawang. May ilang tauhan ni Luigi ang nakahandusay na sa sahig ng sala. Binalewala ’yon ni Roigie; hinawakan niya ako sa braso habang ang mga tauhan naman ni Dax ay pumalibot kay Ingrid para protektahan ito habang naglalakad kami patungo sa likod ng villa.Dinala nila kami sa may malawak na garden sa likod na
Aria's point of view Sa gitna ng nakatutulig na putukan sa labas at sa halos kawalan ng hangin dito sa loob ng reinforced storage room, kanina ko pang sinusubukan na pinapakalma ang sarili ko. Niyayakap ko pa rin ang mga tuhod ko habang si Ingrid naman ay panay ang pindot sa screen ng phone niya, nagbabakasakaling bumalik ang signal para matawagan muli ang asawa niya.Bakit ba umabot sa ganito?Sumasakit ang ulo ko kapag naaalala ko ang mga huling piraso ng alaala ko bago ako mapadpad sa sitwasyong ’to. Naalala ko si Tita Victoria. Bahagya akong napaigtad nang maramdaman kong mag-vibrate ang phone ko sa bulsa ng aking hita. Naligtas ko pala ’to nung tumakbo kami kanina. Agad ko itong hinugot at nasilaw sa liwanag nito. Isang pamilyar na pangalan ang nag-flash sa screen.Victoria Calling...Napatitig ako sa pangalan niya. Wow. Parang after a decade, nakatawag na rin siya sa wakas. Anong himala at naisipan nung baba
Aria's point of view Bago pa ako makasagot, naramdaman ko na lang ang malalaki at maiinit niyang kamay na humila sa akin patungo sa mas madilim na bahagi ng villa.Habang naririnig ko ang sunod-sunod na putukan at sigawan sa labas, para akong basang sisiw na sumusunod lang sa hila niya. Dinala niya ako sa isang makipot na daan sa ilalim ng hagdan, para siyang secret pantry o storage area na gawa sa reinforced concrete. Basta 'yun na 'yun. Pagkabukas niya ng pinto, laking gulat ko nang makita kong nandoon na rin si Ingrid, nakaupo sa sahig habang yakap-yakap ang mamahalin niyang unan mula sa guest room."Dito lang kayo. Huwag kayong lalabas kahit anong mangyari," maotoridad na bilin ni Roigie. Tsk. Isang mabilis na sulyap lang ang ibinigay niya sa akin, puno pa 'yun ng warning at hindi madaling basahin ang emosyon, syempre nagiging robot na naman, e. Nag roll eyes na lang ako. 'Yun na ang way ko ng thankyou, sana tanggapin niya, marahas nalang niyang isina
Aria's point of view Bumagsak ang katahimikan sa sala. Ramdam ko ang biglang pagbaba ng temperatura ng paligid habang unti-unting rumehistro sa utak ko ang sinabi niya. Sinundan sila? At nasa labas pa talaga na? Napatingin ako kay Ingrid na ngayon ay napakapit na rin sa gilid ng sofa, bakas ang labis na pag-aalala sa mukha para sa ari-arian, at higit sa lahat, sa buhay naming lahat na nandito sa loob. Pero bago pa man ako tuluyang lamunin ng panic, isang malalim at sarkastikong tawa ang kumawala sa lalamunan ni Roigie. Inayos niya ang pagkakatayo niya, binalewala ang mga mantsa ng dugo sa kanyang damit, at lumingon sa assistant ni Dax nang may malamig at kalmadong ekspresyon. "Hayaan mo sila," utos niya, ang boses niya ay parang wala manlang bakas ng kahit na anong takot. "Hanggang gate lang sila. Don't underestimate the people of Dax and Leonhardt." Bahagyang natigilan ang assistant, na para bang natauhan sa narinig. "The perimeter of this resort village is heavily fortifie
Aria's point of view Hindi namin namalayan ang paglipas ng oras. Mula sa mga kwento tungkol sa mga naging escapades namin nung college, hanggang sa kung gaano ka-demanding ang buhay-may-asawa ni Ingrid, nagpatuloy lang ang agos ng usapan namin. Nakatulong din siguro na maliwanag ang paligid ng veranda dahil sa mga aesthetic na lamps na nakapalibot sa villa, kaya feeling namin ay pang-hapon pa lang ang level ng energy namin."Wait, 8:00 PM na?!" bulalas ni Ingrid nang silipin niya ang kanyang mamahaling wristwatch. "My God, Aria! Akala ko ala-singko pa lang. Ang bilis naman ng oras!"Napatingin din ako sa langit. Madilim na nga at ramdam na ramdam na ang malamig na simoy ng hangin galing sa dagat. "Oo nga. Sobrang na-hook na tayo sa kwentuhan, hindi na natin napansin ang paglubog ng araw."Napabuntong-hininga ako habang nakatingin sa kawalan. Concern lang daw si Ingrid kaya siya napapunta rito, pinakiusapan daw siya ni Leonhardt na silipin ang vil
Aria's point of view "Lipat pala tayo sa veranda," aya ni Ingrid sabay tayo mula sa sofa habang bitbit ang kanyang luxury bag. Lumingon siya patungo sa kusina at medyo nilakasan ang boses. "Manang Elena! Padala na lang po ng mga finger foods at refreshments doon sa labas, salamat po!""Sige po, Ma'am Ingrid!" sagot naman agad ni Manang mula sa loob.Sumunod ako sa kanya palabas ng malaking sliding glass door patungo sa malawak na veranda ng villa. Ang ganda ng view dito, tanaw na tanaw ang asul na dagat at dinadaluyan ng malamig na hangin ang buong paligid. Humilig si Ingrid sa mamahaling outdoor chair habang ako naman ay naupo sa tapat niya, niyayakap ang sarili ko dahil medyo malamig ang simoy ng hangin galing sa baybayin."Grabe, Aria. Hindi ko inakalang pagbalik ko rito sa Pilipinas, makikita kita sa ganitong sitwasyon," panimula ni Ingrid, dahan-dahang tinatanggal ang kanyang sapatos para itampisaw ang paa sa hangin. "I mean, noong college,
Aria's point of view Napilitang umurong si Luigi. Kahit gaano pa katapang ang apog niya sa mansyon namin, wala siyang laban sa mga Villarreal. He looked at me with pure hatred, yung tingin na babayaran mo 'to mamaya, bago siya bumalik sa bar area, bagsak ang mga balikat na parang basan
Aria's point of view Pagkababa pa lang namin ng sasakyan, agad na humawak si Luigi sa bewang ko, yung hawak na akala mo ay pagmamay-ari na niya ako. Jusme lang ha! Ramdam ko yung dumi ng palad niya kahit may tela pa ang damit ko. Gusto ko siyang sikuhin sa sikmura para
Aria's point of view Malakas ang ulan. I was driving like a maniac, trying to outrun the suffocating feeling of being a Zaldivar. "Damn it!" I hissed, mas hinigpitan ko ang hawak sa steering wheel. Kasama ko lang sina Khara, Ihmsol, at Rheinn kanina, drinking our hearts out at a dive bar. Pe
Aria's point of view Sa gitna ng mahinang tugtog mula sa labas ng room, ang tanging maririnig ko na lang ay ang mabilis na pagtibok ng puso ko at ang naghahabulang hininga namin ng stranger na kasama ko. Isang langhap ko pa lang sa pabango ng stranger na 'to na may halong amoy ng alak, alam kong







