Share

04

Author: novelYsta
last update Last Updated: 2025-04-28 03:13:15

Our company is still a baby.

A pioneer, kaya maliit palang ang building.

Dalawang palapag para sa pitong departamento.

My business is print.Eve Magazine.

A magazine which talks about the life of a girl.

What she likes, what she sees in something.. everything about girls.

May advocacy rin sa girl empowerment at kung ano-ano pa.

Tumingin silang lahat sa akin nang buksan ko ang glass door.

Some of them greeted me and some of them ignored me.

I am not usually wearing what an EP or Executive Producer needs to wear.

With creamy high heels and beige cross neck jumpsuit I don't look like one.

Hell, with those boring corporate attire!

Tinanggal ko ang salamin at isa-isang tinignan ang mga aplikante nakaupo sa magkabilang gilid ng hallway.

May isa-isang pumapasok kapag tinatawag.

Ang iba ay umiismid pa sa akin.

Inaakala yata nilang aplikante rin ako dahil tumigil ako sa pinaka gitna.

I would like to hire those girls.

Makikita niyo kung paano ang tamang pag-irap!

Hindi ko nalang pinagtuunan ng pansin.

Dumiretso na ako sa opisina ni Cede sa second floor, katabi ng akin.

She's my secretary anyway.

Kahit paano kasi ay kailangan ko na.

Kaming dalawa lang ang mayroong opisina dito.

Dahil ang buong floor ay ang imprentahan ng mga magazine.

At first, si Cede palang ang kasama ko sa pagpapatayo nito.

We both struggle just to built this company and I love her for staying.

Itinuring ko na siyang nakababatang kapatid.

She's still in college actually, graduating.

Taking up Communication course dahil in line na rin naman daw sa trabaho niya rito.

Kaya hindi ko siya itinutulak ng maigi sa trabaho.

Gusto ko ay mag-focus siya sa pag-aaral niya.

Iyon ang pangako ko sa nanay niya bago ito namatay.

I owe her mother a lot.

"Bakit ngayon ka lang!?"

At katulad ng tunay na panganay na kapatid ay tumaas ang kilay ko ng marinig ang taas ng boses niya.

She noticed it at sumimangot nalang.

"Saan ka ba galing, ate?"

Ayan.. ate. Kapag alam na galit na ako ay umaamo na.

"May pinuntahan lang." dumiretso ako sa kanya at kinuha ang sinasabi niyang mga ipinasang revision.

Ramdam ko ang titig niya kaya tinitigan ko rin siya.

Nagkatinginan kami.

Mas lalong kumunot ang noo niya kaya itinaas ko ang kilay.

"Si Kuya Deo na naman ba?"

Deo talaga ang tawag ng karamihan kay Idris.

Bida-bida lang ako na tawagin siya sa first name niya.

Gusto kong maiba ako.

Para matandaan niya ako.

Gusto kong angat ako sa iba. 

Eksaheradang suminghap si Cede ng hindi ako sumagot.

Tumayo siya sa swivel chair at hinarap ako.

Her height is.. improving!

At mukhang iba na ang pagme-make up nito ngayon ah.

She used to mirror my fashion sense and how I do my make up.

Dark and sensual.

Ngunit ngayon ay lipstick lang ang nangingibabaw at nude pa!

"Ate tigilan mo na kasi! Hindi ka ba naaawa sa sarili mo?"

Natigil siya nang tumawa ako.

Ginulo ko ang buhok niya na ikinainis niya.

Pinagmasdan ko siya at napangiti sa kanyang ayos.

Simple, huh?

White coat with black inner shirt and a high waist tattered jeans with black four inches close heels.

"Ikaw nagkulot niyan?" hawak ko sa dulo ng kanyang buhok.

Kung hindi ko siya kilala ay iisipin kong natural ang kulot sa dulo at maiinggit.

Mukhang pinasadahan niya lang ito kaya loose lang.

"Ate!"

"Ced. Ako nakakaawa? Of all people ikaw talaga ang mag-iisip niyan sa akin?" tawa ko.

"Alam kong hindi dapat ako nangingielam, ate. Pero 'wag mo namang gawin ito sa sarili mo. I heard you two when he came in our unit. Kung hindi lang ako nagpigil ay baka nasapak ko na iyon!"

Tumawa ako. "Kahit anong ayos mo talaga ay lumalabas pa rin ang pagka-maton mo!"

Natahimik siya at tila napahiya sa akin.

She gave me a death glare.

Umupo siyang muli sa silya at padarag na ibinibigay sa akin lahat ng papel.

"Kunin mo na nga lahat! Hindi mo naman ako pinapakinggan!" inis niyang sabi sa akin.

Tumawa nalang ulit ako at pinilit dalhin ang lahat.

"Oho, boss!"

"Tss."

Kinurot ko ang kanyang pisngi. "Naririnig kita."

I know Ced, I know.

She’s been with me all these years kaya kabisado ko na rin siya.

May malambot na puso.

Nakikita ko ang sarili ko sa kanya.

But, I'll make sure she won’t follow my steps.

"I'm just worried, ate. I don’t want you to get hurt. Ayokong makita kang umiiyak."

"Bakit naman ako iiyak? Kung kamukha niya siguro si Leonardo de Carpio baka doon pa ako umiyak! Sayang ang lahi."

"Ate kasi hindi ako nakikipagbiruan dito!"

I sighed.

Umupo ako sa upuang nasa harap ng kanyang lamesa.

"Ced, chill! Hindi mangyayari 'yan. Parang hindi mo naman ako kilala. Sa sobrang dami kong pinagdaanan. Wala na lang kung ma-broken ako. Hindi na ako tinatablan ‘non. You should've trust me on this one."

"Kaya nga ate, kilala kita. I know when you are strong or just keeping up. I'm afraid na sa dami ng masasakit na pinagdaanan mo at dumagdag pa ito ay mawalan ka na ng-"

"I can still feel emotions, Ced. I promise you, hindi ako iiyak rito." ngumiti ako.

Kinindatan ko siya habang nakatitig lang siya sa akin bago ako umalis.

That bastard is so hot that morning.

Narinig tuloy kami ni Cede.

Dapat talaga ay kinaladkad ko iyon palabas ng unit.

Cede didn't know that he's about to be a married man soon.

Ang akala niya lang ay ayaw nito sa akin.

Kung malalaman niya pa ito ay baka magtampo na talaga.

But I just can't let him go.

He deserves better.

Pagkaupo ko sa aking swivel chair ay napailing nalang ako.

Pagkalapag ng mga papel ay napatunganga ako.

Bakit nga ba sa kabila ng lahat ay hindi pa rin naging sapat sa akin si Shannon para kay Idris?

She looks sweet and classy.

She seems nice too.

Siguro ganon talaga kapag may gusto kang makuha.

Ako pa naman ‘yung tipo na hindi nagpapatalo.

I just can’t give up something I really admire.

And that Shannon girl? She's nothing compared to me.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Saving Glass Heart   19

    Umirap ako nang sa ika-pitong pagkakataon ay hindi sinagot ni Idris ang tawag ko.“Save you, save you ka pang nalalaman. Wala ka pala eh.” kausap ko sa cellphone.Tinigilan ko na ang pagtawag.Buti at hindi pa rin ako naka-block sa kanya.Tatlong araw na ang nakakaraan at hindi pa kami ulit nakakapag-usap.Na-busy na rin ako sa trabaho.Isang buwan nalang ay graduation na ni Cede kaya halos hindi na siya pumapasok sa trabaho.Ako lahat ang sumasalo sa mga naiwan niyang gawain.Hinahatian niya nalang ako sa gabi kahit sinabi ko nang ako na ang bahala.Mas gusto kong makapagpahinga siya para mas makapag-focus siya sa pag-aaral niya.Bumalik ako sa computer.Buong araw akong nakaharap doon.Nakalimutan ko na ring mag-tanghalian.Hapon nang bumaba ako sa opisina.Lumabas ako para mag-drive thru nalang.Pagtapos ay bumalik ako sa aking opisina.Hinarang ako ng isang empleyado bago ako makapasok.“Ma’am, nasa email niyo na po ‘yung pang next month na storyboard. Paki-check nalang po.”“Ah g

  • Saving Glass Heart   18

    Umatake agad ang kanyang pabango sa aking ilong.I know it’s Idris.Halos kaladkarin niya ako nang makaalis kami sa dancefloor.Tumawa ako.Umaakyat muli ang tama ng alak sa akin.Ang sakit sakit na ng paa ko kaya naman sinubukan ko iyong tanggalin.Agad niya akong nilingon.Narinig ko ang mura niya.“Akala ko matutumba ka na.”Binitawan niya ako at alam niyang inaabot ko ang strap ng aking heels.Sinandal niya ako sa wall ng hallway papunta sa fire exit.Pinatayo niya ako ng maayos pagkatapos ay lumuhod siya.Na-out balance ako nang dungawin ko siya sa aking paanan at halos matumba.Tumawa ako habang siya ay nagmumura.“Damn, Atharie. Umayos ka. Tatanggalin ko ang sapatos mo!” galit niyang sabi.“Nahihilo ako.” tawa kong muli.Sinilip ko siya ulit at muli akong nahilo.Kaya tumingala ako at pumikit.Hinihintay siyang matapos.Narinig ko pa ang bulung-bulong niya.“Why do you love these damn shoes? Ang pula-pula na ng talampakan mo.”Naramdaman ko nalang ang muling pag-akay niya sa ak

  • Saving Glass Heart   17

    Matinding panenermon ang inabot ko kay daddy nang makapasok siya sa bahay.Iyak na ako nang iyak habang yakap ako ni Shanne Baylon.“Kung aalis ka, umalis ka nalang! ‘Wag ka nang maninira ng mga hindi mo naman gamit.”Galit na galit si daddy nang madatnan ang kwarto ng kanyang anak.Mas lalong nagpapatong ang galit ko para sa kanya.Hindi na mailigtas ng pagmamahal ko para sa kanya ang disappoinment na nararamdaman ko.“Bakit galit ka? Buti nga hindi ko sinunog ‘tong bahay niyo!”Isang lumalagitik na sampal ang binigay niya sa akin.Agad na napasigaw si Shanne.“Greg! Ano ba?!”Agad siyang humarang sa amin ni daddy.Niyakap niya ako at itinulak si daddy.Bumuhos ang luha sa aking mga mata.Ang sikip sa dibdib ko ay nagpapahirap sa aking huminga.“Hindi ako papayag na ginaganyan mo ang anak mo! At ano gagawin mo rin kay Shannon ‘pag may nagawa siyang hindi mo gusto?!” sigaw nito.Dinuro ako ni daddy.“Hindi niya katulad si Shannon! Malala ang batang ito. Kung sino pa ang may kinalakiha

  • Saving Glass Heart   16

    Hindi naman nagtagal ay dumating na rin ang mga kasama ko.Ang iba ay hindi ko kilala.Si Wyna lang ang talagang close ko rito.Pero lahat naman ay common friends na rin.Malaki ang circle ko.Pero wala akong itinuturing na bestfriends o kung anuman na pinaka malalapit na kaibigan.Si Cede lang ang maituturing ko na pinakamalapit na kaibigan. Maingay na ang mesa namin.Ang iba ay lasing na nang dumating.Galing daw sila sa isang bar bago pumunta rito.“Nagpa-party rin pala ‘yang loser na ‘yan?”Narinig ko sa isa sa mga babaeng nasa table namin.Medyo tipsy na ito dahil nakahilig na siya sa kausap niyang babae rin.Sinundan ko ang tingin nila at nakita si Idris na may kausap na isang lalaki.Pareho ng suot niya kanina ay iyon pa rin ang suot niya.The thing is hindi na niya kasama si Shannon.Bumalik siya?“You’re so mean. Ni-reject ka lang eh.” tawa naman ng kausap niya.Umirap naman ang babaeng lasing.“He is such a loser. Siguro ginayuma niyan si Shannon. Hindi sila bagay.”Tumaas

  • Saving Glass Heart   15

    Hindi pa rin ako makapaniwala.Pumayag agad siya?Paano?Bakit?Naisip na ba niyang hindi niya na mahal si Shannon?Lutang akong tumitig sa aking repleksyon sa malaking vanity mirror ko.Hindi natuloy ang kung anumang bumubugso sa damdamin namin kahapon.Biglang tumawag ang sekretarya niya at sinabing ilang minuto nalang ay magsisimula na ang meeting nila.Pinatalsik agad ako ni Idris sa kanyang opisina.Masama pa ang tingin sa akin ng sekretarya nang sabay kaming lumabas ng amo niya.Ngumisi lang ako ng matamis sa babae.I wonder if she will report that to Shannon.Pero parang hindi naman sila close ‘non.Unti-unting sumilay ang ngisi sa aking labi.Does Idris still love me?Hindi pa ba siya nakaka-move on sakin?Sobrang tagal ‘non!Ang ngisi ay unti-unting naging tawa.Hanggang sa naging halakhak iyon.Pinulot ko ang brush upang simulan ang pagme-make up.I’m going to my friend’s party.Para makapag-unwind na rin mula sa tambak na trabaho noong mga nakaraang linggo.Biglang pagtatap

  • Saving Glass Heart   14

    “Talagang hindi ka marunong sumunod sa utos, ‘no?”Nakangiti akong lumapit sa kanya.“Ang aga pa pero pang tanghaling tapat na ‘yung init ng ulo mo.”“Ano na namang kailangan mo sa akin?”Kahit hindi niya sabihin ay umupo na ako sa upuang nasa harap ng kanyang table.Galit niya akong tinignan pero hindi ko na iyon binigyang-pansin pa.The hell I care.“I have a business proposal for you.”Tumaas ang kilay nito.“As if I need you to boost my business. I am already at the peak, for your information.”Ngumisi ako. “This one is definitely your peakest.”Kumunot ang noo niya at tinitigan akong mabuti.“What is it?”“Date me for a month. You will be my cover and content for a month.”Nakita ko ang dumaang interes sa kanyang mata.Alam kong hindi pa masyadong boost ang kumpanya nila.Kulang pa sa promotion at commercials.Kahit sabihin niyang successful na sila ay hindi ako kumbinsido.Kailangan kong baguhin ang isip niya nang sa ganon may magawa ko ang plano ko.“Are you dumb? Talagang hind

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status