"Lumayas ka!"
Kasabay ng malamig na tinig, nabasag ang baso sa kanyang paanan.
Buti na lang at mabilis nakaatras si Eloise, kung hindi, mababasa ang kanyang pantalon. Mabuti na rin at pantalon ang suot niya, kaya’t hindi siya nasugatan ng bubog.
Tumingin siya sa lalaking mukhang gulo-gulo at bugnot na nakaupo sa carpet malapit sa kama—siya mismo ang naghagis ng baso para palayasin siya.
Ang bago niyang asawa, si Cosmo Dominguez.
Dapat hindi si Eloise ang mapapangasawa niya, kundi ang kapatid nitong si Elaine Lopez. Ngunit mula sa pagiging anak ng pamilya Lopez, biglang naging ampon lamang si Eloise. Wala na siyang halaga sa pamilya, at hindi na siya mahal ng mga magulang niya.
Sa huli, napilitan siyang ipakasal kay Zedrix Montes, ang anak sa labas ng pamilya Montes, bilang pasasalamat ng pamilya Lopez sa pagpapalaki sa kanya ng dalawampung taon.
Pero biglang gusto na ni Elaine na siya na mismo ang magpapakasal kay Zedrix. Ayaw naman ng pamilya Lopez na tuluyang mawala ang kaugnayan nila sa mga Dominguez , kaya siya naman ngayon ang ipinilit ipakasal kay Cosmo.
Si Cosmo—ang tagapagmana ng pinakamakapangyarihang pamilya Dominguez sa buong Tagaytay. Isang lalaking hinahangaan ng lahat, matalino, may hitsura, at may kakayahang kainggitan ng marami.
Pero matapos siyang maaksidente at maparalisa, maraming babae ang umiwas sa kanya. Kung hindi, hindi sana siya ang napilitang pakasalan ito.
Sa puntong ito ng buhay ni Cosmo, wala na ang dati niyang kinang. Siya ngayon ay bugnutin, mainitin ang ulo, at puno ng galit.
"Sabi kong lumayas ka, hindi mo ba narinig?" muling sigaw ni Cosmo, kita ang inis sa kanyang mukha.
Tahimik lang si Eloise, walang takot o kahit awa sa kanyang mga mata. Wala ring pangungutya o panghuhusga. Masyado siyang kalmado.
Sa huli, payapang sumagot si Eloise, "Narinig ko."
"Narinig mo pala, bakit andito ka pa rin?!" inis na tanong ni Cosmo.
Sa halip na matakot, mahinahong sagot ni Eloise, "Cosmo, may kasunduan tayo. May basbas ang kasal natin."
Alam na ni Cosmo iyon, pero sinamaan pa rin niya ito ng tingin. "At ano ngayon? Hindi ibig sabihin na pumayag akong pakasalan ka."
Tango lang ang isinagot ni Eloise. "Naiintindihan ko."
May kakaibang pakiramdam ang simpleng sagot ng babae.
Napagtanto ni Cosmo—hindi niya kailangang mag-aksaya ng oras para alamin ang tungkol kay Eloise. Alam na niya ang kwento nito.
Ang dalawang salitang sinabi ni Eloise—"Naiintindihan ko." Ibig sabihin, hindi rin niya ginusto ang kasal na ito. Tulad ni Cosmo, napilitan lang din siya.
"At ano ang naiintindihan mo?" malamig na tanong ni Cosmo.
Bahagyang ngumiti si Eloise. "Naiintindihan ko ang galit mo. Hindi mo ginusto ang kasal na ito. Hindi mo rin ako gusto."
"Talaga?" malamig pa rin ang boses ni Cosmo.
Unti-unting lumapit si Eloise, mabagal at mahinahon ang bawat hakbang. "Cosmo, mag-usap tayo ng maayos."
Alam niyang parehong hindi nila ginusto ang kasal na ito. Alam din niyang galit si Cosmo at handa siyang pahirapan nito. Pero kung hindi siya kikilos, siya lang ang mahihirapan. Kaya dapat mauna siyang gumawa ng paraan. Dapat ay maging malinaw ang lahat sa pagitan nila.
Inunat ni Cosmo ang kanyang mga binti, bahagyang sumandal sa kama, pero halatang hindi siya komportable. Nang lumapit si Eloise at lumuhod sa kanyang harapan upang makita siya nang mas maayos, mas lalong nainis si Cosmo.
Alam niyang hindi siya makagalaw nang mag-isa. Kung mahulog man siya sa kama, kailangan niya ng tulong. At hindi niya gusto na makita siya ng isang babae sa ganitong kalagayan.
"Wala tayong dapat pag-usapan! Lumayas ka na!" galit niyang sigaw.
Pero hindi natinag si Eloise. Mahinahon pa rin ang kanyang boses. "Cosmo, gusto ko lang ng maayos na usapan. Hindi natin ginusto ang kasal na ito, pero nandito na tayo. Mas mabuting kilalanin natin ang isa’t isa at mabuhay nang maayos bilang mag-asawa."
Walang pakialam si Cosmos sa sinabi niya. “Bakit kita kailangang intindihin? Sa lagay ko ngayon, ikaw pa ang nagmamadaling magpakasal. Ano bang habol mo? Wala kang ibang gusto kundi ang kayamanan ng pamilya namin?! Ang alam ko, nagbigay ang nanay ko ng 200 milyong dote sa Lopez!”
Sa panlabas, mukhang matatag ang mga Lopez, pero sa totoo lang, malaki ang utang nila. Desperado silang ipakasal ang isa sa kanilang mga anak, hindi para sa kasal mismo, kundi para ibenta.
Ang 200 milyong dote mula sa mga Dominguez ang pumuno sa kakulangan ng mga Lopez, sinagip sila sa krisis, at sa pamamagitan ng ugnayang dala ng kasal, mas madali nilang mapapalawak ang kanilang negosyo at makakakuha ng mas malaking kita.
Hindi natinag si Eloise sa pangungutya ni Cosmo. “Hindi ako tunay na anak ng pamilya Lopez, pero inalagaan nila ako sa loob ng dalawampung taon. Kailangang bayaran ko ang utang na loob ko sa kanila.”
Napangisi si Cosmo. “Heh—”
Masyado niyang pinalalabas na simple ang lahat. Maganda ang dahilan, pero hindi siya naniniwala. Talagang gagamitin ba ni Eloise ang buong buhay niya para lang makabayad ng utang na loob?
Muling bumuntong-hininga si Eloise. “Maniwala ka man o hindi, gusto ko lang talagang suklian ang kabutihang ipinakita ng mga Lopez sa akin.”
Kung hindi siya ikakasal kay Cosmo, ipapakasal pa rin siya sa iba pang mayaman.
Dati, fiance niya si Zedrix, tinulungan niya itong mapagtibay ang posisyon sa pamilya Montes, nakipagkita sa mga kliyente, nakipag-ayos ng mga proyekto, at tinulungan itong umangat sa negosyo.
Pagkamatay ng ama ni Zedriz, si Zedrix ang naging bagong pinuno ng pamilya. Kasunod nito, inangkin niya ang ilang malalaking kumpanya, kaya't ang yaman niya ay halos umabot na sa antas ng mga Dominguez.
Samantalang si Elaine, na siyang napunta sa pamilya Dominguez, ay hindi man lang nakatulong sa mga Lopez. Kaya madalas na nilapitan ng matatanda sa pamilya si Eloise para humingi ng pera o gamitin ang koneksyon niya upang makuha ang ilang proyekto.
Nangyari ito ng ilang beses, kaya labis na nainis si Zedrix. Doon nagsimulang lumalim ang bangayan nila.
Sa harap ng publiko, kunwari silang maayos bilang mag-asawa upang mapanatili ang imahe ng kumpanya, pero ang totoo, matagal nang sirang-sira ang relasyon nila.
Kaya sa pagkakataong ito, gusto niyang putulin ang kaugnayan niya sa mga Lopez nang maaga, upang hindi na siya magamit at mapilitang sundin ang gusto nila.
Natural na hindi naniwala si Cosmo sa sinabi ni Eloise. Nawalan na ito ng titulo bilang tunay na anak ng Lopez at ngayon ay isang ampon na lamang.
Ang isang ampon ay hindi kinikilala sa mundo ng mga mayayaman. Ang pinakamaayos na maaaring mangyari ay maipakasal siya sa isang bagong yaman o middle-class na pamilya.
Pero sa halip, napunta siya kay Cosmo.
Hindi lang kayamanan ang makukuha niya rito, kundi pati na rin ang kapangyarihang dala ng apelyido ng Dominguez.
Nakataas ang kilay ni Cosmo na tumingin kay Eloise. “Hindi talaga kita pinaniniwalaan.”
Napailing si Eloise. “Kung gano’n, gumawa tayo ng kasunduan.”
Nagulat si Cosmo. Hindi niya nakita ni katiting na nagbibiro ito. Seryoso ito sa sinasabi niya.
Gusto ni Eloise na mapanatag ang loob ni Cosmo tungkol sa tunay niyang intensyon. “Pwede kang kumuha ng abogado upang gumawa ng isang kasunduan na legal.”
Nag-aalangan si Cosmo. “Totoo ba ‘yan?”
Alam na ni Eloise ang gusto niyang ilagay sa kasunduan kaya dahan-dahan niyang ipinaliwanag ang mga nilalaman nito.
“Una, kahit kasal tayo, mananatili lang tayong mag-asawa sa pangalan. Kung kinakailangang magpakita tayo bilang mag-asawa sa publiko, makikipag-cooperate ako, pero hanggang doon lang. Wala tayong totoong relasyon, at magpapakita lang tayo ng magandang imahe sa harap ng iba.”
Tahimik lang si Cosmo.
“Pangalawa, nasa alanganing posisyon ako sa mga Lopez. Kung sakali mang kailanganin ko ang tulong mo para harapin sila, dapat handa kang maging sandigan ko. Hindi mo kailangang lumabas o humarap, pero kailangang gamitin ko ang pangalan at kapangyarihan mo para maabot ang gusto kong mangyari.”
Muling nanahimik si Cosmo.
“Pangatlo, dahil mag-asawa lang tayo sa pangalan, sa sandaling dumating ang tamang panahon, gusto kong makipag-divorce, at kailangang pumayag ka nang walang anumang kondisyon.”
Napakunot ang noo ni Cosmo sa hulinga salitang narining mula kay Eloise. Ang unang dalawang kondisyon ay normal lang. Dahil mag-asawa sila, natural lang na magpanggap sila bilang isang masayang mag-asawa sa harap ng iba. Isa pa, bilang official niyang asawa, kung hahamakin si Eloise ng mga Lopez, para na ring binastos si Cosmo. Kaya normal lang na siya ang magsilbing pananggalang ni Eloise.Pero ang ikatlong kondisyon—iniisip na agad ni Eloise ang tungkol sa divorce? Kakakuha lang nila ng marriage certificate, pero iniisip na niyang makipaghiwalay?Tulad ng sinabi niya noon, napilitan lang siyang pakasalan si Cosmo. Ayaw niya, pero wala siyang magawa.Para kay Cosmo, ang pagpapakasal sa isang babaeng hindi niya gusto ay nakakainis. Natural lang na gusto rin niyang makipaghiwalay. Pero ang pinagtataka niya, bakit si Eloise ang unang bumanggit nito. Naisahan siya. Para bang mas gusto pa ni Eloise na layuan siya. Para kay Cosmo, isang insulto iyon sa kanyang pride.Pinigilan niya ang k
Narinig ni Eloise ang nagsalita—si Caroline Dominguez. Kilala niya ito, matalik na kaibigan ni Elaine at katuwang niya sa pang-aapi kay Eloise noon.Akala ni Caroline na si Elaine ang ipapakasal kay Cosmo, ngunit laking gulat niya nang si Eloise pala ang napiling mapangasawa nito.Noong itinuturing pang tunay na anak ng mga Lopez si Eloise, kilala siya bilang isang matalino at may maraming tagahanga. Dahil dito, tinagurian siyang "The First Princess of Tagaytay." Kahit pa anak ng pamilya Dominguez si Caroline, madalas siyang ikumpara kay Eloise, dahilan para lalo niyang kamuhian ito.Ngunit nang malaman niyang hindi naman pala tunay na anak ng mga Lopez si Eloise, hindi niya ito tinigilan sa pangungutya. Iniisip niyang wala nang halaga si Eloise nang mawala ang apelyidong Lopez nito. Hindi na siya makakapag-asawa ng isang mayamang pamilya at malamang, mag-aasawa lang ng isang pangkaraniwang negosyante.Pero hindi niya inasahan na magiging asawa ito ng pinsan niyang hinahangaan niya—si
Narinig ni Cosmo ang sinabi ni Eloise at agad siyang tumingin dito, bahagyang nagulat.Si Cosmo ay isang taong mahilig sa kalinisan. Kahit pa may sugat siya sa mga binti, hindi niya kayang hindi maligo araw-araw. Dati, isang lalaking nurse ang inatasang magpunas ng kanyang katawan, pero ngayong may asawa na siya—si Eloise mismo—nais ni Tania na siya na ang gumawa nito upang mapalapit sila sa isa’t isa.Hindi naman talaga nais ni Eloise na magkaroon ng kahit anong damdamin para kay Cosmo. Alam niyang isa lang itong kasal na wala namang pundasyon ng pagmamahal, kaya wala siyang balak magpakahirap para palaguin ang isang relasyong hindi niya pinangarap. Ang gusto lang niya ay mabago ang kanyang kapalaran.Parang hindi makapaniwala si Cosmo sa narinig niya. "Ano ang sinabi mo?"Nang titigan siya ng lalaki, namula nang bahagya ang kanyang mga tainga dahil sa hiya. "Sinabi ng mama mo na alagaan kita... Alam niyang mahilig ka sa kalinisan kaya sinabi niyang dapat kitang punasan gabi-gabi..."
Galit si Zedrix sa kanyang ina dahil sa pagiging walang hiya—nakipagrelasyon sa isang lalaking may asawa, nabuntis, at isinilang siya, dahilan para taglayin niya ang mantsa ng pagiging isang anak sa labas.Galit si Zedrix sa kanyang ama dahil sa pagpapanggap na isang ulirang asawa, kahit may pamilyang naghihintay sa bahay habang patuloy siyang naghahanap ng aliw sa iba. Hindi niya man lang naibigay sa kanyang mga anak ang isang buo at maayos na tahanan.Galit si Zedrix kay Georgina Montes sa pagiging malupit—kahit alam niyang nagloloko ang asawa niya, mas pinili niyang kumapit sa kanyang posisyon bilang legal na asawa, at walang awang pinahirapan ang bawat babaeng naging kabit ng asawa niya, kabilang na ang ina ni Zedrix.Sa totoo lang, galit si Zedrix sa lahat ng tao sa paligid niya—pati na rin sa sarili niya. Pinangarap niyang pabagsakin ang pamilya Montes.Noong si Eloise pa lang ang fiancee ni Zedriz, gumawa ito ng paraan para ituwid ang pag-iisip nito. Pero sa huli, napagtanto ni
Nasa isang coffee shop sina Eloise at Sasha, at nang dumating sila, naka-order na si Sasha ng paborito niyang kape at cake.Kahit napag-usapan na nila kagabi sa cellphone si Cosmo, halatang puno pa rin ng interes si Sasha tungkol sa kanya.Hindi inanunsyo nina Eloise at Cosmo sa publiko ang kanilang kasal. Tanging ang pamilya Lopez at Dominguez lang ang nakakaalam, at si Sasha lamang ang pinagsabihan ni Eloise tungkol dito.Hindi talaga sang-ayon si Sasha sa desisyon ni Eloise na pakasalan si Cosmo, lalo na't sa tingin niya'y wala na itong silbi ngayon.“Ikaw na nga ang pinalaki nila, tapos nagawa pa nilang maging gano'n kabagsik? Kung gusto ka nilang pagbayarin sa utang na loob, bakit hindi na lang ibang lalaki na maayos ang kalagayan ang ipakasal sa'yo?” Galit na sambit ni Sasha. Ngunit kalmado si Eloise, dala ng mga pinagdaanan niya sa buhay, “Kung wala rin namang pagmamahal, kahit sino na lang ang mapangasawa. Wala rin namang pinagkaiba. Gagawin ko lang ang hinihiling nila.”Naal
Si Aries at Sasha ay matalik na magkaibigan mula pagkabata—masasabi ring childhood sweethearts. Ngunit sa ngayon, tanging galit at pagkainis na lang ang natitira sa pagitan nila.Hindi na mabilang kung ilang beses nang nangyari ito—kung paano muling ipinagtanggol ni Aries si Lilian nang walang pag-aalinlangan, habang mariin naman niyang sinisisi si Sasha.Sanay na si Sasha sa ganitong sitwasyon, kaya napangisi siya nang may halong pangungutya. "Bakit ako magso-sorry? Dahil lang sinabi mo? Sigurado ka bang makikinig ako sa’yo?"Ni ang sariling ama niya ay hindi niya pinakikinggan, tapos si Aries pa kaya?Lalong nag-init ang ulo ni Aries nang makita niyang tila wala lang kay Sasha ang sitwasyon. "Sasha, nanakit ka ng tao at ayaw mo pang humingi ng tawad! Saan napunta ang tamang asal mo? Maniwala ka’t sa hindi, ipapaalam ko 'to kay Tito!"Napatawa si Sasha nang walang pakialam. "Isusumbong mo? Aries, ilang taon ka na ba? Konting bagay lang, tatakbo ka na agad sa nakakatanda sa’yo?" Inira
Araw-araw niyang sinusubukang tumayo. Kahapon nga lang, nang makita siya ni Eloise, sinubukan na naman niya. Pero gaya ng dati, wala ring nangyari—bumagsak lang siya sa sahig nang kahiya-hiya.Muli siyang bumalik sa wheelchair at inis na pinalo ang armrest nito. Narinig niya ang tinig ng isang babae, "Huwag kang magmadali, dahan-dahan lang."Napatingala siya sa gulat at nakita si Eloise. Bigla niyang ibinaba ang mukha at malamig na nagtanong, "Bakit ka pumasok?"Inosenteng sagot ni Eloise, "Kumatok ako, tapos pinapasok mo ako."Hindi nakapagsalita si Cosmo. Tama naman siya—siya mismo ang nag-utos na pumasok. Pero inakala niyang si Jiro iyon, kaya wala siyang ekspresyon sa mukha.Lumapit si Eloise at napansin ang isang papel sa maliit na mesa. Malamang, ito ang prenuptial agreement na siya mismo ang nag-draft at ipinaabot ni Jiro.Walang emosyon na iniabot iyon ni Cosmo sa kanya. "May dinagdag akong ilang terms. Basahin mo. Kung wala kang reklamo, pirmahan mo na."Habang binabasa ni El
Hindi naman likas na mapagsamantala si Eloise, at hindi rin siya kailanman naghangad na gamitin ang kahinaan ng iba.Pero sa sitwasyong ito, kung saan hindi makapanlaban si Cosmo at tila anumang oras ay mawawalan na ng kakayahan sa sarili niyang katawan, hindi niya maiwasang makita itong nakakatuwa.Bahagyang itinaas ni Eloise ang kanyang baba at mapanuksong ngumiti. “May suporta ako mula sa mama mo, bakit hindi ko susubukan?”Mabilis na umatras si Cosmo gamit ang kanyang wheelchair, pero bumangga siya sa pader. Napalitan ng inis at kawalan ng magawa ang ekspresyon niya—isang pakiramdam na ayaw na ayaw niyang maramdaman.Tinitigan niya si Eloise—mapupulang labi, maputing kutis, mukhang mabait, pero halatang may ibang intensyon.Sa loob lang ng dalawang araw nilang magkasama, lumabas na ang tunay niyang motibo?Hindi siya kasing-inosente ng pinapakita niya. Ang sinasabi niyang hindi siya interesado sa pera o sa kanya ay isang malaking kasinungalingan.Huminga nang malalim si Cosmo, unt
Sa huli, pamilya pa rin sila, at iniisip niyang mabuti ang lahat ng nangyayari. Kung hindi dahil kay Sofia, baka hindi sila nagkausap ng ganito kalalim at karelaks.Ang taong may kalahating katawan na nakabaon na sa ilalim ng lupa, sa kanyang edad, ang ideal na larawan para sa isang pamilya ay puno ng kapayapaan, pagkakaisa, at katatagan.Para sa matanda, ang pagkamatay ng kanyang panganay na anak ay isang malaking dagok sa kanya, at ang pagkakaroon ni Cosmo ng kapansanan sa parehong mga paa pagkatapos ng aksidente sa sasakyan ay isa na namang malupit na suntok.Kung mabubunyag ang tungkol kay Sofia, paano na ang pangalawang anak na si Cris at paano na si Tania? Sa edad niyang iyon, hindi na niya kayang harapin pa ang mga ganitong pagsubok, kaya't kailangang ayusin ang lahat ng ito ng tahimik, anuman ang mangyari.
Magandang plano ang nakalatag noon, ngunit hindi inasahan na ang mga tao ay hindi kasing-ganda ng plano ng langit. Malaki ang buhay ni Cosmo. Nakaligtas siya sa aksidente sa kabila ng pagkasira ng kanyang mga binti, ngunit buhay siya.Sino ang mag-aakalang si Sofia—isang tahimik at magiliw na maybahay, na hindi mukhang may kaaway o gustong mag-alala sa mundo—ang siyang mastermind sa likod ng aksidente sa kotse?Matagal nang pumanaw ang ama ni Cosmo, at kung ang nakaraan nila ni Sofia ay mabunyag, hindi lang nito masasaktan ang reputasyon ng pamilya, kundi magiging isang malaking iskandalo para sa buong Dominguez.Aminado si Sofia na siya ang may kagagawan ng lahat ng ito, ngunit paano ito haharapin ni Cosmo? Wala siyang agad na sagot sa tanong na iyon.Ang mg
Nagtagpo sina Cosmo at Kevin sa loob ng dalawang oras. Mula sa pagiging agresibo noong una, nauwi si Kevin sa paghawak ng ulo niya sa sakit ng pagsisisi.Kanina pa naghihintay si Eloise sa labas. Nang makita niyang lumabas si Cosmo, agad niya itong sinalubong. "Ang tagal mo naman!" reklamo niya.Akala niya'y hindi aabot ng isang oras ang pag-uusap nila, pero tumagal ito ng dalawang oras. Malamang marami ring naikuwento si Kevin. Hindi madalas na may makausap si Kevin na kilala si Kenneth at handang makinig sa mga kwento tungkol dito—mga bagay na ni hindi niya alam noon."Kailangan talaga ng oras para makakuha ng impormasyon," sabi ni Cosmo habang hinawakan ang kamay ni Eloise."Ano naman ang nalaman mo?" usisa ni Eloise."Siguraduhin ko muna ang lahat bago ko ikuwento," sagot ni Cosmo. Pagkatapos ay bumulong siya ng ilang salita kay Francis.Narinig ni Eloise ang mga nabanggit na oras at lugar—malamang importante ang impormasyon.Paglabas nila ng presinto, ikinuwento ni Cosmo kay Eloi
Pagkalipas ng sampung minuto, bumalik si Lander, halatang hindi pa rin tuluyang nawawala ang inis sa mukha niya."Pasensya ka na, hindi ko alam na pupunta siya," sabi ni Lander, humihingi ng paumanhin. "Huwag mo na lang sana dibdibin ang mga sinabi niya."Diretsahang sumagot si Eloise, "Lander, gusto ka niya, at mahalaga ka sa kanya. Kaya natural lang na magdamdam siya kapag may contact tayo. Kung gusto mong subukan makipagrelasyon sa kanya, maging seryoso ka. Huwag mo siyang paasahin para lang mapaluguran ang iba. Sayang ang oras niya, at masakit iyon sa pakiramdam."Hindi niya naman talaga kailangang sabihin ito, pero ayaw niyang si Michelle pa ang masaktan.Natigilan si Lander. Ilang saglit siyang natahimik bago sumagot, "Alam ko."Halos magkasing-edad sila ni Eloise, pero halata sa kilos ni Eloise ang mas malalim na pag-iisip at pagiging mature. Alam ni Lander sa sarili niya, hindi siya karapat-dapat kay Eloise.Pagkatapos ng hapunan, umuwi na si Eloise. Nadaanan niya ang isang ca
Pagkaalis ni Eloise, agad na nawalan ng gana si Gabriel na magpatuloy sa pag-inom at tamad na naglakad palabas ng bar. May ilang nagtangkang pigilan siya, pero tinanggihan niya ang mga ito.Paglabas niya ng bar, dumiretso si Gabriel sa bahay ng mga Dominguez at pumunta sa maliit na gusali kung saan nakatira ang kanyang mga magulang. Wala pa ang kanyang ama, habang ang kanyang ina naman ay nasa music room at nagpi-piyano ng isang malungkot na tugtugin.Hindi niya ito inistorbo. Nang matapos ang kanta at tila bumalik na sa normal ang mood ng kanyang ina, saka lang siya nito napansin."Gabriel, kailan ka pa dumating?" nagulat si Sofia, pero agad itong napalitan ng malambot na ngiti."Kakarating lang," sagot ni Gabriel habang lumalapit. Nilingon niya ang piano sa harap ng kanyang ina. "Mom, bakit ka nagpapraktis ng piano sa ganitong oras?""Maaga pa naman. Kung walang ginagawa, mabuting magpraktis. Baka mangalawang ang kamay kapag hindi ka tumugtog ng matagal," sagot ni Sofia.Alam ng mga
Tuwing nagkikita sina Ardiel at Eloise, lagi niyang sinusubukan na ipaalala kay Eloise ang mga panahong minahal siya nito—gamit ang lahat ng naging pag-aalaga at kabutihan niya noon. Ngunit sayang, dahil si Eloise ay naging malamig at walang awa, kahit pa sa kanya na nagpalaki rito nang mahigit sampung taon.Dahil dito, nadala ng matinding galit at pagkadismaya si Ardiel. Hindi niya napigilang sawayin si Eloise. "Anong nangyari sa'yo? Bakit ka naging ganito?" mapait niyang tanong.Ngunit sagot ni Eloise, kalmado at walang emosyon, "Siguro kung hindi mo ako ipinamigay kay Cosmo kapalit ng pansariling interes, baka kahit paano, napanatili pa natin ang dati nating relasyon."Matagal nang lumalamig ang samahan nila, lalo na nang bumalik si Elaine. Kung hindi lang dahil sa utang na loob, baka matagal na niya itong pinutol. Sa totoo lang, kahit pilit niyang pinapakita ang respeto, hindi na niya ito itinuturing na tunay na pamilya.Tinitigan niya si Ardiel, saka marahang ngumiti, "People alw
Pagkababa ni Eloise mula sa sasakyan ni Lander, agad niyang siniguradong wala itong sugat. Nang makumpirma niyang ligtas ito, saka lamang siya nakahinga nang maluwag.“Salamat sa pagligtas mo sa ‘kin kanina,” taos-pusong sabi ni Eloise.“Wala ‘yon, nagkataon lang naman,” sagot ni Lander. “Pero... sinundan ka tapos binangga pa ‘yung sasakyan mo? May nakaalitan ka ba? O si Cosmo?”Hindi man klaro ang mukha ng lalaki sa sasakyan, may pamilyar sa mga mata nito si Eloise. Kung tama ang hinala niya, ito rin ang lalaking umatake sa kanya sa may lawa ng village noon at nagtangkang saktan si Cosmo. Matagal itong nawala, pero ngayong gabi bigla itong nagpakita.“Hindi naman ikaw ‘yong tipo ng tao na gagawan ng gulo nang ganito. Kaya sa tingin ko, si Cosmo ang target nila,” bulong ni Lander habang iniisip ito. “At kung gano'n nga, delikado ‘yan.”Tama siya—hindi madali ang buhay ni Cosmo, at hindi rin kakaiba na may mga taong may galit sa kanya.“Lander, nagpapasalamat talaga ako sa ginawa mo ng
Pagsapit ng Bagong Taon, bumalik si Eloise sa bahay ng mga Dominguez kasama si Cosmo para sa isang dinner. Kumpleto ang pamilya. Sa gitna ng salu-salo, tinanong ng matandang Dominguez sina Gabriel at Ciela kung kailan sila magpapakasal. Sinabi niya na puwede namang engagement muna.Pero si Gabriel, na halatang may ibang iniisip, ay nagsabing bata pa si Ciela at hindi pa siya sigurado sa kasal. Hindi man diretsahan, ramdam ng ilan—lalo na nila Eloise—ang totoo: ayaw talaga ni Gabriel pakasalan si Ciela, dahil may iba siyang mahal.Hindi na rin nagsalita pa si Eloise. Ayaw niyang gawing eksena sa harap ng lahat. Bukod pa roon, baka madamay si Chloe.Dalawang araw matapos ang tatlong araw na bakasyon, nakatanggap ng balita si Cosmo—may naging problema sa isang foreign project. Siya mismo ang nakipagkasundo roon noong una, kaya't gusto ng kliyente na siya rin ang humarap ngayon para ayusin ito.Kailangang lumipad ni Cosmo papunta sa ibang bansa—isang bagong lugar na hindi nila pamilyar. S
Palapit na ang katapusan ng taon, at lalo pang naging abala si Cosmo. Maaga siyang umaalis at gabi na kung umuwi. Dahil dito, bihira na siyang makasama ni Eloise.Pagdating ng bisperas ng Bagong Taon, sa wakas ay nagkaroon ng oras si Cosmo. Nagplano siya nang maaga at inaya sina Sasha at Faro na magdiwang ng Bagong Taon sa Stillwater Bay kasama nila.Nakapunta na si Faro sa villa dati, pero unang beses pa lang ni Sasha, kaya puno ito ng excitement. Bukas-palad namang pinayagan siya ni Eloise na libutin ang bahay.“Kapag nakita mo ang cloakroom ng babae, makikita mo rin kung anong klaseng lalaki meron siya,” sambit ni Sasha habang sinisipat ang paligid. “May mga lalaking mayaman at makapangyarihan na kuripot sa asawa pero bongga sa kabit.”Napangiti si Eloise habang sumusunod sa kanya, “Pero kahit paano, ‘yong mga asawa, para ‘yang image ng lalaki. Kaya kahit kunwari lang, gumagastos pa rin sila para di mapahiya.”“Eh ‘yong mga babae na kinakausap pa ang mga lalaki para humingi ng pamb