Share

Kabanata 35

Nang marinig ni Zoe ang tumawag sa pangalan niya ay agad siya ditong napatingin.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya kay Terrence ng makita niya ito. Tila hindi na siya nagulat.

"Nandito ka pero mukhang hindi ka naman pasyente."

"And so? Dito ako dinala. Dahil sa nangyaring sunog. Iniisip nila na wala ako sa katinuan."

Kahit na nakakaramdam ng inis at galit si Terrence kay Zoe ay mas pinili niyang pakalmahin ang kanyang sarili.

"Nasaan si Tajana?"

Humalukipkip si Zoe bago sinagot ang tanong ng binata.

"Bakit sa'kin mo tinatanong?"

"Pwede bang kahit ngayon lang 'wag tayong maglokohan?"

"Inaakala mo bang nakikipaglokohan ako sayo? Tingin mo ba talaga kasalanan ko kung bakit ako nandito?" hindi makapaniwalang tanong ni Zoe.

"Oo. Alam kong may kinalaman ka sa pagkawala ni Tajana. Saan mo siya itinatago?"

Tumayo si Zoe at hinarap ng mabuti si Terrence.

"Una sa lahat wala akong kinalaman kung hindi mo makita ang babaeng 'yon. Pangalawa, mas magandang magtago na lang siya dahil baka biglan
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status