Share

Kabanata 42

Mas naging malapit si Terrence at Tajana matapos ng pangyayari. Ngayon ay masaya si Terrence na makitang nakangiti si Tajana habang magkasama sila.

"Anong gusto mong gawin ngayon?"

"Huh? Kahit ano."

"Hindi ba naghahanap ka pala ng trabaho?"

"Paano mo nalaman?"

"Nag-apply ka do'n sa kumpanya kung saan ako nagtatrabaho. Nakita ko iyong papel mo kaya nalaman ko din na nandito ka. Noong una nga hindi ako makapaniwala."

"Ahh gano'n ba?" Yumuko si Tajana na tila nalungkot ng maalala niya na matapos nga ang insidente sa pagitan nila ni Zoe noon ay wala na siyang maalala sa ilang nangyari dahil ang alter niya ang kumikilos.

"Kamusta naman ang pakikitungo ko sayo noong mga panahon na 'yon?"

"Huh?" medyo napatawa si Terrence bago muling umimik kay Tajana. Ibinaba niya ang ilang dokumento na kanina ay hawak niya habang nakaharap sa kanyang laptop.

"Nagi-guilty ka na ba dahil sa mga ginawa mo no'n sa'kin?"

"Anong ibig mong sabihin? Sinaktan kita?"

"Bakit ganyan kang magtanong? Para namang hindi i
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status