Accueil / Romance / Seducing My Billionaire Stepbrother / CHAPTER 6: KAKAIBANG SENSASYON

Share

CHAPTER 6: KAKAIBANG SENSASYON

last update Dernière mise à jour: 2025-12-02 14:29:44

Binilisan ko na lamang ang pag-uwi dahil oras na rin. Habang nasa daan ay tinuyo ko muna ang luha at inayos ang postura dahil baka makita ito ni lola.

Marahan ko na ipinarada ang sasakyan sa garahe at huminga ng malalim bago buksan ang pintuan ng sasakyan. Dahil alam ko na lahat ng galaw ko dito sa loob ng bakuran niya ay nakikita niya.

Nang makita ako ng Chief Housemaid namin na bumaba ng sasakyan, agad niya ako nilapitan kasama ng iilang maid.

"Ma'am, naririto po ang tiyahin niyo. Kanina pa po nila kayo hinihintay," saad niya sa akin habang nakayuko.

Napataas ang dalawa kong kilay at bumaling ang tingin sa kanila. "Tita Hilda?" usisa ko.

Sa halip na sumagot, tumango na lamang ito habang nakayuko pa rin.

Kung nandito si Tita Hilda, nandito rin ba yung demonyita niyang anak?

"And Stephanie?" dagdag ko.

Tumango siya muli.

Biglang nawala ang kaba ko na mapagalitan ni lola at napalitan ng kung ano mang excitement. Dahil alam ko na hindi ako pipigilan ni lola kahit basagin ko ang mga mukha nila.

Sa sandali na masilayan ko sila na magkakaharap sa living room, agad akong ngumiti at binati sila. "Hi, Tita Hilda and... Stephanie. I didn't expect to see you here," bungad ko.

Nakita ko agad ang ngiti sa labi ni lola at talim ng tingin sa kanilang dalawa.

Naupo na lamang ako sa tabi ni lola kahit na sinupladahan lamang ako ni Stephanie at inirapan ni Tita Hilda.

"Huwag na tayo maglokohan dito, ilang buwan na kami pabalik-balik para kunin ang kontrata na ibinilin ng kapatid ko," deretsa niyang sagot.

Napatawa na lamang ako dahil sa sinabi niya.

"May nakakatawa ba? Patapon?"

Agad nagpantig ang tenga ko nang marinig ko ito dahilan para maglaho ang ngiti ko at mapalitan ito ng tingin na matalim.

"Sino ba sa atin ang patapon? Bakit kasi hindi mo na lang aminin na kagagawan mo lang lahat ng sinasabi mo? Wala ka nga maipalag na ebidensiya na talagang iniwan sa'yo ni papá ang villa at Santa Romania," saad ko. Naglakad ako palapit sa kaniyang likuran at bumulong. "O baka naman wala na kayo mag-ina pupuntahan kaya nang-aangkin na kayo ng mga bagay na hindi sa inyo?" Sabay tumawa ng malakas.

"Oh, tita. You can just...beg for us to give you a dime. Right, lola?"

Napangiti naman si lola na parang satisfied siya. "Oo, iha."

Kita ko ang panggagalaiti ni Tita Hilda sa mga pang-iinsulto ko. Hindi ko na namalayan na nasa tabi ko na pala si Stephanie nang bigla ako nito hilain sa braso paharap sa kaniya at biglang sinampal.

Nagulat si lola at mas higit ako nag-init kaya naman hindi ko pinalagpas. Sinampal ko siya kabilaan, dahilan para mapatayo si Tita Hilda at lumapit. Akmang sasampalin na niya ako nang may biglang pumigil sa kaniya.

Si Philip.

Ang kaniyang kabilang kamay ay nakayapos sa bewang ko.

"Bitawan mo ako!" sigaw ni tita.

"Umuwi na kayo dahil wala kayo mapapala sa kanila. Ako ang may hawak ng villa at San Romania kaya kung gusto niyo ito, dadaan muna kayo sa akin," pagbabanta niya.

Napakunot ang noo ni Tita Hilda at dinuro-duro si Philip.

"Alalahanin mo, anak ka lang sa labas! Kaya wala kang karapatan na makisali sa usapang pamilya. Isa pa, huwag ka magmayabang. Dahil baka dumating ang araw na mawala sa'yo lahat ng meron ka at bumalik ka sa pinanggalingan mo na mahihirap."

"Mas maganda ang pinagmulan ko kaysa sa kinalalagyan mo ngayon. Kung ako sa'yo, dalhin mo na iyang anak mo na sobrang sama at umuwi na kayo dahil wala akong panahon sa mga taong katulad niyo."

Nanatili ako ng nakatulala at hindi makagalaw sa kinatatayuan. Nakatitig lamang ako kay Philip. Na para bang nakalimutan ko na huminga, magsalita, at gumalaw. Amoy na amoy ko ang bango niya, gayundin ang itsura niya sa malapitan. Ang gwapo pala niya kahit nagagalit.

Hala! Ano ba itong naiisip ko.

Nang maglakad na palayo sina Tita Hilda at Stephanie na para bang nagdadabog, kumalas agad ako sa kaniyang braso.

Kahit na ramdam ko ang bilis ng tibok ng dibdib ko, pinilit ko na balansehin ang sarili sa heels na suot at naupo muli sa tabi ni lola.

"Ano ang ginagawa mo dito?" masungit na tanong ni lola.

"Hihiramin ko po muna si Heather. Kung maaari lang, " paalam niya.

Nakakunot ang noo at nakasimangot na tumingin sa akin si lola. "Anong ibig sabihin nito, Heather?! " bulyaw niya, dahilan para mapatakip ako ng tenga.

"E-ewan ko po 'la," nauutal kong pagdadahilan.

"The contract," tipid na sagot ni Philip.

Teka lang. Mukha ba akong hanapan ng kontrata? Ay wait! Yung kontrata tungkol sa pagbebenta nung kumpanya!

"Heather Shine Villafuerte? Anong kontrata ang sinasabi niya?" Galit na siya.

Pero hinde. May usapan kami. Mayayari ako nito.

"L-lola..."

"Should I tell her?" ani Philip.

"Heather Shine Villafuerte?!" pag-uulit niya, mas malakas pa.

Bago sumagot ay tumingin muna ako kay Philip. Agad ako naguluhan nang makita ko ang pagiging seryoso sa kaniyang ekspresyon. Hindi ko mapigilan kundi ang mapakagat labi at paglaruin ang mga daliri dahil hindi ko alam kung ano gagawin ko.

"E kasi lola..."

"Rules," bulong ni Philip.

"Ano??" pangungulit ni lola.

Naglabas ng malakas na buntong-hininga si Philip at hinila ako na walang pag aalinlangan. Hindi na ako nakaangal dahil siguro ito din yung safest option.

Idinala niya ako sa kotse niya at ni-lock ang pinto.

"Palabasin mo'ko!"

"Ang usapan ay usapan," aniya, sabay iniabot sa akin ang kontrata.

Hindi ko ito kaagad tinanggap. Sa halip ay nilakas ko ang loob ko na magsalita. "N-no. Hindi ko pipirmahan 'yan," nauutal kong saad.

"Sign this, Shine."

Shine? Fuck. Bakit ang sexy ng pagkakabanggit niya sa second name ko?

"Kapag napirmahan mo na ito, hindi na kita guguluhin."

Hindi ako makasagot o makaalma. Nanatili lamang ako nakatitig sa kaniya habang nakatingin siya ng deretso.

"I promise, " aniya sabay tingin sa akin. Nagtagpo ang tingin namin dalawa.

Ramdam ko kanina ang bilis ng tibok ng puso ko pero mas ramdam ko ngayon. Na halos sasabog ito. Ang mga mata niya na nangungusap. Alam ko na dapat ituring kita na kapatid pero bakit ganito ang epekto mo sa akin?

What the hell are you doing to me, Philip?

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Latest chapter

  • Seducing My Billionaire Stepbrother   CHAPTER 13

    Nagmadali ako na pumasok sa loob para puntahan si Philip. Nakita ko siya na nakain na."Philip!" tawag ko. Pero nahuli na ako ng dating dahil nainom na niya ang inumin na binigay ng isa sa maid.Lumingon naman siya sa direksiyon ko. "Bakit ka ba nasigaw?" Nakakunot ang noo niya. "Buti naman naisipan mo na dumulog sa pagkain."Napabuga na lamang ako sa hangin at napairap. "Aba't iniiringan mo ba ako, Heather Shine Villafuerte?"At buo ko pa talagang pangalan?"Ano naman ngayon, Philip Raven Kingsley?" balik ko.Nakatingin lamang siya sa akin sa 'di makapaniwalang ekspresyon. "Wala akong gana." At tumalikod na ako.Akmang aalis na sana ako nang hilain niya ang braso ko. Sa mga sandaling ito ko na napagtanto na tumayo na pala siya."Pwede ba? Tigilan mo na ang kamalditahan mo, Heather?" aniya sa madiin na tono na para bang ubos na ubos na ang pasensiya niya sa akin.Umirap ako at tinanggal ang pagkakahawak niya sa akin. "Ayoko nga."Huminga siya ng malalim at napapikit. Halata na nagtiti

  • Seducing My Billionaire Stepbrother   CHAPTER 12: ITATAKWIL KITA!

    PHILIP'S POVNapasuntok ako sa kama. Binaon ko ang mukha sa palad habang nakaluhod.Ano ba ang pinaggagagawa ko? Muntikan na.Humiga ako at napapikit ng madiin. "Hindi ko na pwede hayaan na maulit ito. Isang kalokohan ang mahalin si Heather, Philip."Kinausap ko ang sarili ko at pinipilit na kontrolin ang bugso ng damdamin. Dahil ayaw ko sirain ang pagiging magkapatid namin dahil lang sa nararamdaman ko na ito.Hindi na lumipas ang ilang minuto, napamulat ako nang tumunog ang cellphone.Tumatawag ang lola ni Heather. Ano na naman kaya ang kailangan niya sa akin ngayon?"Philip, speaking," bungad ko, nakahiga pa rin at nakalatag ang katawan sa higaan.Ilang sandali pa ay tahimik lamang siya na naging dahilan para mapakunot ang noo ko. "Hello?" Pero wala pa rin siyang sagot."Philip," sagot niya, "huwag mo na sa akin ibabalik si Heather, nagkakaintindihan ba tayo?"Napabangon ako sa pagkakahiga nang marinig ang sinabi niya."We already talked about this. Hindi ko pwede panatilihin sa ak

  • Seducing My Billionaire Stepbrother   CHAPTER 11: ANO BA'NG LARO MO, HEATHER?

    Tinitigan niya ako ng matalim. "Ano ang ginagawa mo sa kwarto ko?" tanong niya sa malamig na tono. Actually, hindi ko rin alam kung bakit ako nandito. Dinala lang ako ng paa ko. Kasalanan ito ng paa ko huhu. "A-ah tatanungin ko sana kung may ipapagawa ka sa akin. S-syempre first day ko 'to bilang personal assistant mo," pagdadahilan ko, nauutal. Kanina ay malakas ang loob ko na pasukin ang kwarto niya na hindi ko alam kung ano nga ba talaga ang tunay ko na pakay. Pero ngayon, hindi ko alam kung bakit ba hindi ako makaimik. "Sa kalalagayan mo na 'yan sa tingin mo may magagawa ka?" Na para bang lumpo na ako kung makapagsalita siya. Hiniklas ko sa kaniya ang kamay ko na hawak niya at pinilit na itindig ang sarili ng buong puwersa. "Ako akala mo sa akin? Lumpo?" sikla ko. Umayos na ako ng tayo at lalakad na sana nang maramdaman ko ang pamumulikat ng pilay ko, dahilan para mapatumba ako sa kaniya. "Ah!" tili ko. Mabilis siyang bumangon para alalayan ako. "Kita mo nga na hind

  • Seducing My Billionaire Stepbrother   CHAPTER 10: GINUSTO MO ITO, SHINE.

    Naglakad si Philip papunta sa direksiyon namin, dahilan para mapatigil si Stephanie at Tita Hilda. Binitawan din nila ang pagkakahawak sa akin. "Oh! Nand'yan ka na pala. Itong babae na 'to sinabi niya na kaya siya nandito ay dahila gusto niya agawin sa'yo ang kumpanya. Kaya iyan, tinuruan namin ng leksiyon," panguna ni Tita Hilda na proud pa. Dahan-dahang naglakad si Philip papunta sa kinaroonan namin. Hindi ko masabi ang emosyon na meron sa mukha niya. Lahat kami ay nagulat nang bigla niya sampalin si Tita Hilda. "Ano bang—" "Hold them! Tight," utos niya sa mga lalaking naka-black na suit. Agad naman siya nitong sinunod. Hinawakan nila ng mahigpit ang dalawa at hindi na nakapalag pa. "Philip, gusto niya kunin sa'yo ang kumpanya. Gusto ka niya akitin, tingnan mo nga ang suot niya papunta dito. Magkakampi tayo dito, Philip," pagmamakaawa ni Tita Hilda. Si Stephanie naman, hindi nagpaawat. Nagpilit siyang lumuhod sa harapan ni Philip. "Philip, siya ang nauna. Sinaktan niya kami d

  • Seducing My Billionaire Stepbrother   CHAPTER 9: TITA HILDA, STEPHANIE, TAMA NA PAKIUSAP!

    "Miss Heather, tama ba po ba ang narinig namin? Nagbibiro lang naman po siguro kayo di'ba?"Nakatitig lamang si Tip sa akin at para bang hindi siya makapaniwala. Nakakunot ang noo. "Kaya siguro bigla ka bumait sa amin. Tama ba?" aniya."Oo. Tama kayo. Pero hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa inyo, Tip. Hindi ko alam. May dahilan ako." Buo ang loob ko na sabi na walang pag-aalinlangan. "At hindi naman kaya intindihin ang dahilan na 'yon?""No...alam ko maiintindihan niyo pero...""Pero ano? Hindi kami worth it pagsabihan?" Inunahan na niya ako.Hindi ko alam kung bakit ako ang nasaktan sa sinabi niya. Hindi naman iyon ang dahilan kung bakit hindi ko sa kanila masabi e."Hinde, Tip. Dahil alam ko na pipigilan niyo ako. Ayaw ko na mag-modeling. Napapagod na ako na araw araw na ganito. Gusto ko na gumawa ng sarili ko na buhay malayo sa media. Ayaw ko na. Okay na?" Tuloy-tuloy ko na paliwanag. Hindi ko na siya binigyan pa ng pagkakataon na kausapin ako. Kinuha ko na ang gamit ko at

  • Seducing My Billionaire Stepbrother   CHAPTER 8: ANO BA ANG PAKAY MO SA AKIN, PHILIP?

    "Heath!" bungad sa akin ni Tip nang makita niya ako pababa ng sasakyan na para bang kanina pa niya ako inaabangan.Nilapitan niya ako at kinuha ang bag na bitbit. "I'm sure magugulat ka sa nandito ngayon," tuwang-tuwa niyang saad."Let's see. Baka kung sino na namang..."Napahinto agad ako nang masilayan ko mula sa malayo si Philip na nakatayo sa harapan ng stage at para bang may kung ano siyang kinukutingting sa cellphone. Kahit nakatalikod siya, sure ako na siya 'yon. Pero ano naman ang gagawin niya dito?"Wait. Wait. Wait," pagpigil ko kay Tip sa paglalakad.Nagkunot siya ng noo. "Bakit?"Ramdam ko na naman bilis ng tibok ng dibdib ko. Ano ba naman 'yan. Bakit kasi hindi ko alam ang gagawin basta nandiyan siya? "Feeling ko masama ang pakiramdam ko ngayon. Absent muna ako?" Hindi ko na alam mga pinagsasabi ko dahil hindi ko alam bakit ko siya tinatakbuhan."Ha? E nandito si Sir Philip. Kanina ka pa niya hinihintay. Pa'no 'yan?""Then just—""Sir Philip!! Si Ma'am Heather po nandito

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status