LOGIN
“Hay naku, Gabriella Castillo, hanggang love letter ka na lang ba? Kailan mo ba balak dumiskarte sa Kuya Francis mo?” anang kaibigan kong si Leslie na nakapamewang pa habang sinisilip ang sinusulat ko.
Sinimangutan ko siya. “Kung bibilangin siguro iyang letters mo, aabutin na iyan ng libo,” dagdag niya pa nang may pang-aasar. “Tumigil ka nga, suportahan mo na lang kasi ako. Akin na nga iyang white envelope ko,” naaalibadbaran kong utos sa kaniya. Naiiling na lamang niyang inabot iyon sa akin. Apat na taong gulang pa lamang ako nang ampunin ako ng pamilya Castillo. Ang pinakamayamang angkan sa Isabela noong panahong iyon. Walang anak na babae si Mommy Marianna, tanging dalawang lalaki lamang ang naging anak niya sa kaniyang namayapang asawa. Kaya't nang masilayan niya ako noong musmos pa lamang ako. Hindi siya nagdalawang-isip na ako'y ampunin kaagad. Naging masaya naman ang childhood life ko sa poder nila. Mabubuti silang tao lalung-lalo na si Kuya Francis. Siya ang mas iniidolo ko sa kanilang dalawa ni Kuya Jordan. Mabait siya sa likod ng pagiging maangas niya, katalinuhan at kaguwapuhan. Sa katunayan, marami ang naaakit sa kaniyang anyo at isa na ‘ko do’n. Naging malapit ang loob ko sa kaniya simula nang tumira ako sa kanila. Siya ang naging takbuhan ko noong nag-aaral pa ako. Kapag nahihirapan ako sa mga proyekto ko, mga asignatura sa paaralan at lalo na sa mga bully. Lagi niya akong pinagtatanggol at pinagbibigyan sa lahat ng anumang hilingin ko. Ngunit, nagbago ang lahat ng iyon nang lumayo siya sa amin at mag-aral ng master’s degree sa ibang bansa. Nang magdalaga ako, hindi ko inaasahan na ang simpleng paghanga ko sa kaniya ay umusbong pa at mas lalo pang lumalim–nauwi sa matinding pagkagusto. Simula no’n palihim na akong nagsusulat sa aking diary patungkol sa nararamdaman ko sa kaniya kung gaano ko siya ka-crush kahit noong elementarya pa ako. Maliban doon, nagsusulat din ako ng love letters na itinatago ko lang din naman kaagad sa secret box ko. Inamin ko roon sa letters kung gaano ko siya kagusto sa kabila ng pagkakakilanlan namin bilang magkapatid. Pareho nga kami ng apilyedo ngunit hindi naman sa dugo. Ini-spoil ko ang aking lihim na nararamdaman sa kaniya. Siya ang ideal man ko sapagkat nasa kaniya na ang lahat ng pinapangarap ko sa isang lalaki na nais kong maging asawa balang-araw. Pinagsikapan kong alamin ang mga paborito niya, gusto at mga ayaw niya. Gumawa pa ako noon ng autograph para malaman lang ang lahat ng iyon. Sa araw-araw na magkasama kami sa mansion, mas yumabong ang lihim na pagtingin ko sa kaniya. Lumala ang kagustuhan kong lagi siyang makita at makasama. Hindi ko alam kung bakit iyon ang nararamdaman ko sa tuwing nasisilayan ko siya. Gayunpaman, kapatid lang ang turing niya sa akin at nararamdaman ko ‘yon. Ambisyon ko pa ring balang-araw ay maging kami. Naghanap ako ng paraan upang mas mapansin niya ako at magustuhan nang higit pa sa kapatid ang turing. ‘Ang cute mo talaga, bagay sa iyo ang lahat ng iyong suotin..’ naalala ko pang minsang puri niya sa akin sa party noong debut ko. Ang mga katagang iyon ang laging pumapasok sa utak ko dahilan para gawing inspirasyon ko na mas mag-improve pa sa sarili. Para rin isipin na may pag-asa pang magkagusto siya sa akin kahit ganito lang ako–isang adopted child na walang ideya kung saang pamilya nagmula. Pinagsikapan ko ring magtapos ng degree. Marami akong pinag-aralan. Hindi lamang sa nursing, fashion kung hindi pati na rin sa business. Gusto kong maging isang perpektong babae sa harap ni Kuya Francis upang balang-araw magustuhan niya rin ako. Hanga ako sa kaniya sapagkat sa edad na 32 ay marami na siyang napatunayan. Lumaki siya sa high-profile na pamilya kaya't hindi maipagkakaila kung gaano siya kakilala sa larangan ng industriya. Walong taon ang agwat naming dalawa ni Kuya Francis. Mas matanda siya sa akin at iyon ang isa sa mga gusto ko sa lalaki–yaong mas mature mag-isip. ‘Gab, bakit parang napapansin ko–wala kang manliligaw na nagpupunta rito? Wala ka ni isang syotang ipinakilala sa ‘min, maganda ka naman at mabait,’ naalala ko pang tanong niya sa akin noong nakaraang taon. Pabiro ko na lamang siyang sinagot no’n, ‘Walang kayang magtangka, Kuya dahil natatakot sila sa ‘kin.’ Pero ang totoo, ayaw ko sa kanila dahil mas gusto ko siya. ‘Nasa tamang edad ka na. Naku, kapag ikaw tumanda ng single. Huwag mo kaming desperadong pahanapin ng magiging asawa mo, ha?’ pabiro niya pang dagdag. Natatawa na lamang ako habang naiisip ang naging usapan namin sa lanai no’n kasama sina Mommy at Kuya Jordan. Ako lang naman kasi ang laging pulutan nila sa tuwing nagtitipon kami sa mansion. Twenty four na ako pero kahit kailan, hindi ko binigyang pansin ang mga kalalakihang nagpapaparamdam at nagpapakita sa akin ng anumang motibo. Si Kuya Francis lang ang hinihintay kong pag-ibig. Isang hapon, sapagkat nasanay nga akong sorpresahin si Kuya Francis sa kaarawan niya. Matapos kong manggaling sa bahay ni Leslie, pasikreto akong nagpunta sa condo ni Kuya Francis. Alam ko ang lock number ng unit niya–of course dahil memorized ko iyon. Mahigit dalawang linggo na siyang hindi umuuwi sa mansion dahil sa trabaho niya. Simula kasi nang pumasok siya noon sa business empire ng pamilya naging abala na siya sa buhay. Minsan lang siyang umuwi sa loob nang isang buwan. Ni hindi na nga siya nakaisip pang umuwi ngayong birthday niya. Balak pa naman sana naming mag-celebrate kaso hindi natuloy. Kaya't heto ako, naghahanap ng paraan para makita siya at sorpresahin. Para kahit papaano ma-feel niya ang special na araw na ito. Naabutan kong walang tao sa loob. Tamang-tama iyon para maayos ko ang silid. May ilang oras pa bago siya makarating. Alam kong busy siya sa mga ganitong oras at madalas gabi na siya kung umuwi. Lumapit ako sa drawer niya at sinunod ang advice sa akin ni Leslie na iipit sa libro ang letter na ginawa ko kanina. Kinakabahan ako pero lakas-loob ko pa ring ginawa. Itinago ko iyon sa pinakailalim. Makalipas ang mahigit dalawang oras, handa na ang mesa. Nagtungo ako sa dressing room niya para mag-retouch ng aking make-up. Medyo na-erase ng kaunti dahil sa pawis ko kanina. Tiningnan ko rin sa salamin ang repleksyon ko. Inayos ko ang suot kong maiksing red dress na backless. Napangiti ako at nasasabik. Siguradong mapapansin na niya ako sa ganitong ayos. Wala akong pakialam kung sawayin niya ako sa suot ko. Gusto ko lang makita kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nakita niya akong ganito ka-sexy. Tinititigan ko pa ang sarili ko sa salamin nang kaagad akong makarinig ng kalabog sa may pintuan. Hudyat na dumating na si Kuya Francis. Kinabahan ako ngunit nasasabik din. Magtutungo na sana ako sa may pintuan ngunit natigilan ako nang maulinigan ko ang boses ng isang babae na hindi ko mawari ang tono. “Francis… saglit lang, masyado ka namang excited...” anang boses ng babae na may kalandian ang tono. Naramdaman ko ang malakas na kabog sa dibdib ko nang dahan-dahan akong lumapit sa nakabukas na pintuan ng kaniyang kama. Konektado iyon sa dressing room na kasalukuyan kong kinaroroonan.Hinawakan siya ni Jordan. “Ano ba talaga ang nagyayari, Mamá? Bakit ganyan na lang ang galit ninyo kay Gab?”“Huwag mo siyang hawakan dahil marumi siyang babae, Jordan. She's not worthy! Malandi iyan, nagpakain tayo ng ahas sa bahay natin. Baka ikaw naman ang sunod na biktimahin ng babaeng iyan!” Mas lalo lamang napakunot ang noo nito. “Diretsuhin n'yo na nga ako. Kanina pa akong naguguluhan sa mga nangyayari!” Napalunok siya at nanlulumong lumapit sa ina. Subalit, itinulak lang siya nito na parang hindi nakikilala.“Iyang Gabriella’ng iyan, nagpapatira pala sa Kuya Francis mo! Hindi na nahiya, napakasalot! Demonyo!” Natigilan ito sa narinig mula sa ina.. Unti-unti itong tumingin sa kaniya. “Gab..”Sunud-sunod ang naging pag-iling niya upang itanggi ang lahat pero wala na siyang kakayahan pa na magpaliwanag dahil matigas ang kaniyang ina. Ayaw siya nitong pakinggan. Naluluha siyang lumapit kay Jordan upang dito humingi ng tulong at humugot ng lakas, ngunit napaatras ito. At hindi m
Matapos ang naganap na wrestling sa kama… “Don't forget what I say..” bulong ni Francis at agad na tumayo na. Isinuot nito ang shorts at t-shirt saka siya tinapunan ng tingin at lumakad na palabas ng kaniyang silid. Naiwan siyang mahigpit ang pagkakahawak sa kumot na nagtatakip sa kaniyang kahubaran. Gigil na niyakap ang unan kasabay nang pagguhit ng matagumpay na ngiti sa kaniyang mga labi. Marahan siyang napapikit sa palihim na kilig na gumapang sa buo niyang pagkatao. Napasulyap siya sa orasan, mag-aalas dose na pala nang hating gabi. Kaagad niyang isinuot ang night dress at nagtungo sa pinto para bumaba ng kusina. Ngunit bago pa man makababa, natigilan siya nang makita ang anino ng dalawang taong malapit sa may hagdanan at tila pabulong na nagpapasaringan ng mga salita. Bahagya siyang lumakad upang malinaw na marinig ang usapan ng mga ito. Tumambad sa kaniya sina Francis at ang mommy niya na seryosong nag-uusap. Napalingon ang mag-ina sa gawi niya nang mapansin siya ng mga
Maya-maya'y muli siyang napalunok nang muling maglakbay sa hita niya ang paa ni Francis. Maiksi lang ang suot niyang palda kaya't malaya nitong nagagawa ang gusto nito. Ramdam niya ang bahagyang pagtulak ni Francis sa dalawa niyang hita gamit ang mga paa nito. Nanlaki pa ang mata ng kapatid. “No, I'm not kidding, Mamá. I'm just telling the truth, kaya siguro na-inlove sa iyo si daddy dahil sa mga luto ninyo..” “Aba, parang sinasabi mo na rin na hindi siya na-in love sa beauty ko..” pairap na wika ng kanilang ina. Ngumiti si Jordan. “What I'm saying is pareho siyang na-in love sa kagandahan mo at sa sarap mong magluto, Mamá. Sure ako na kasing sarap neto ang pagmamahalan ninyo sa isa't isa, tama ba ‘ko?” “Sus, hirit ka lang, e..” komento naman ni Francis habang hindi pa rin tinatanggal ang dulo ng paa sa kaniyang lap. “Sabihin mo na kasi kay Mamá kung anong kailangan mo, hindi ‘yung dinadaan mo pa sa–” Napahalakhak na lamang si Jordan. “Wala ah, Mamá huwag kang maniwala diyan
Pagkauwi ng bahay ni Gabriella, nang gabing iyon galing sa trabaho. Hindi niya inaasahan na makita rin doon ang Kuya Francis niya. Ang pagkakaalam kasi niya ay ang mommy niya lang ang nag-iisang naroroon. Matapos nitong magsabi na mag-i-stay ito ng isang gabi sa bahay niya bago umuwi ng mansion. Gayunpaman, may kumudlit na saya sa puso niya nang makitang muli ang lalaki. Ang pagkabigla’y napalitan ng tuwa. Minsan lang kasi silang magkita ni Francis sa building simula nang maging magkatrabaho sila at magkani-kaniya na ng tirahan. “We prepared some dinner,” masiglang wika ng kaniyang ina nang lumapit at humalik sa kaniyang pisngi. “You said you’ll be off by five, but seemed like you were late.” Sinulyapan niya muna si Francis saka muling tumingin sa ina at tumugon, “I supposed to be here by five, but masyadong ma-traffic sa daan.” Iginiya siya ng ginang papasok ng dining. Namangha siya nang makitang puno ng mga pagkain ang mesa. “Did you cook all of this?” nanlalaki ang matang
Bago pa man tuluyang magpakasasa sina Francis at Gabriella sa isa't isa sa loob ng opisina. Naudlot ang lahat ng kanilang pagnanasa sa bawat isa nang may marinig silang sunud-sunod na katok mula sa pintuan. Mabilis pa sa alas-kuwatro na nakaalis si Gabriella sa kandungan ni Francis. Maging ang lalaki ay napatayo na rin sa gulat at tiim-bagang na napakuyom ng kamao.Si Gabriella ay mabilis na naupo sa kaniyang swivel chair, habang si Francis naman ay dismayadong nakatayo sa kaniyang tabi. Umiigting ang panga nito habang hinihintay nitong makapasok ang kung sino mang lapastangang nanggulo sa kanila. Iniisip ng lalaki na baka bumalik ang pinsang si Axel kaya't aburido itong huminga nang malalim."Hija, hijo.."Nanlaking pareho ang mga mata nila at nagkatinginan nang makilala ang babaeng nakangiting pumasok. Tumayo kaagad si Gabriella upang salubungin ng halik ang kaniyang mommy. Gayundin si Francis. Ilang saglit pa'y sumunod na pumasok si Jordan."I've missed you so much.. hindi na kayo
Ilang araw na niyang napapansin na hindi siya kinakausap ni Francis sa building. Mukha itong umiiwas sa kaniya. Simula nang pumasok siya roon ay hindi ito ni kailanman nagtungo sa opisina niya. Ngunit, kakaiba ngayon, sapagkat ito na ang kusang lumapit sa kaniya. Hindi niya alam kung ano ang pakay nito. Marahang napapikit si Gabriella at napaatras nang i-trap siya ni Francis sa mga bisig nito sa sarili niyang desk. Na-hook siya sa mga mata ng lalaki. "Nagsimula ka na bang magsawa sa 'kin, ha, Gab? At nang pinsan ko naman ang pinagtitripan mo?" bulong nito. Naramdaman na lamang niya ang init ng hininga nito na tumatama sa kaniyang balat. Ang kiliting dulot ng mainit na hininga ni Francis ay unti-unting gumapang patungo sa kaibuturan niya. Nagsimula siyang mapalunok sa ginagawa nito na paghaplos ng daliri sa kaniyang mukha. "Madamot akong tao, Gab. Ang pinakaayaw ko ay ang inaangkin ng iba ang pag-aari ko na.." pagpapatuloy nito na nagsimulang magpasira ng kaniyang katinuan. "A







