Share

Chapter 2 [Sorpresa]

Author: Dwendina
last update Last Updated: 2025-11-03 23:17:22

Dala ng kuryosidad, dahan-dahan kong tinungo at tiningnan kung ano ang ginagawa ng dalawa. Kung bakit panay ang mahinang ungol ng babae. Natuod ako sa aking kinatatayuan nang makita ng dalawa kong mata ang kahalayang ginagawa nina Kuya Francis at ng isang babaeng hindi ko kilala. Hindi ko inaasahan na mapanood ang ganoong palabas.

Pinaghalong emosyon ang naramdaman ko nang mga sandaling iyon. Kumudlit ang kirot na para bang tinutusok ng matalim na bagay ang aking puso. Nasasaktan ako, naiinggit, nagseselos at nagtatampo. Lalo na nang makita si Kuya Francis na sabik na hinahalikan ang leeg ng babae pababa sa kaniyang nakabukas na dibdib. Halos iluwa na ng kaniyang damit ang kaniyang breasts.

Umungol pa ang babae na para bang nasasarapan sa ginagawa ni Kuya Francis sa kaniya. Hindi ko matanggap sa aking sarili na makitang may ibang kalantari ang lalaking gusto ko. Gusto ko silang patigilin pero hindi ko magawa. Unti-unting namuo ang luha sa aking mata. Hindi pa man nila tuluyang nahuhubad pareho ang pang-ibabang kasuotan ng bawat isa, nang biglang matigilan ang babae nang mapatingin sa ‘kin.

“T-Teka Francis… sino siya?”

Lumingon si Kuya Francis sa direksyon ko. Nagulantang siya nang makita akong nakatayo distansya mula sa kanila.

“Gab?” Mabilis siyang kumawala sa babae at agad na nagsuot ng damit. “Lumabas ka!” utos niya sa babae nang balingan ito.

“Ano?” takang tanong nito.

“I said, get out!”

“Pero–” Tinaliman ako ng tingin ng babae saka mabilis na pinulot ang blouse sa sahig. Halos padabog na lumabas ng silid.

Hindi ako nakakibo nang muli akong sulyapan ni Kuya Francis. Magulo ang kaniyang buhok gawa ng pagsabunot ng babae sa kaniya kanina.

“I'm sorry, Gab. It was just a–what are you doing here, anyway?”

Napalunok ako at umiwas ng tingin. “I came here, just to greet you a ha-happy b-birthday,” nauutal kong bulong.

Lumapit siya sa ‘kin. “Thank you, but you should have text me first bago ka sana nagpunta rito,” saad niya sa baritonong boses.

I cleared my throat. “I wanna surprise you, but I guess–wrong timing yata ako. I'm sorry to disturb you.”

Hindi siya sumagot. Nakatitig lamang sa akin. It felt so awkward. Nanaig ang saglit na katahimikan sa pagitan naming dalawa saka ko iyon binasag.

“I-I have to go, ka-kainin mo ‘yung cake sa mesa..”

Napahinto ako sa pagmamadaling lumabas nang hawakan niya ako sa kamay at pigilan.

“Stay for a while,” maawtoridad niyang saad. Malamig ang boses niya ngunit malalim.

Napatingin ako sa kaniyang kamay na nakahawak sa ‘kin, saka ko inangat ang aking mukha. Nagtama ang aming paningin. Nakatitig pa rin siya sa ‘kin. Ang mga mata niya'y may nais ipahiwatig na kung anong hindi ko mawari. Muli akong yumuko.

Pinasadahan niya ako ng tingin at agad na napakunot-noo. “Ba't ganyan ang suot mo?”

Hindi ako nakaimik. Tikom ang aking bibig nang mapatingin sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan sa mga titig niyang iyon na hindi ko naman naramdaman noon sa tuwing tinitingnan niya ako.

“Ah.” Bahagya akong ngumiti. “R-Regalo sa akin ni Leslie, t-in-ry ko lang,” kabado kong saad. “T-Tinatanong nga pala ni Mommy, kung uuwi ka ba raw?” pag-iiba ko agad ng usapan upang mabawasan ang pressure na nararamdaman ko nang mga sandaling iyon.

Binitiwan niya ako at siya’y tumalikod na. Naglakad siya para buksan ang ilaw sa mini bar. Napasunod na lamang ako ng tingin sa kaniya.

“I texted her, at sinabi kong sa weekend na ako uuwi. Marami pa akong inaasikaso sa trabaho,” kalmado niyang saad nang buksan ang takip ng whiskey.

‘Inaasikasong babae gaya ng nakita ko kanina?’ tanong ng aking isipan.

Napayuko ako nang muli niya akong titigan nang seryoso. “Thank you sa effort. Kung alam ko lang na pupunta ka rito–hindi ko na sana dinala rito si Dianna.”

‘Dianna pala ang pangalan niya..’ bulong ko sa sarili.

“Magandang pangalan, bago mong g-girlfriend?” kunwaring tanong ko.

Napangiti siya sabay iling. “Bago?”

Namula ang aking pisngi. “Kung gayon–”

“Thanks for the cake, gawa mo?” ngiti niyang tanong habang nasa mesa ang direksyon ng mata.

Tumango ako. “B-in-ake ko kanina. Sana magustuhan mo.”

“Alam mo ‘di ba, that I hate sweets? But I will still try, since gawa mo naman.” Kumuha siya ng whiskey glass at sinalinan iyon ng alak.

Nakalimutan kong hindi nga pala siya mahilig sa matatamis. Lihim akong napakaltok sa noo ko.

‘Another palpak..’ saad ko pa sabay yuko.

“Drink with me,” aya niya sa akin nang iabot ang wine glass na may laman ng red wine na kakasalin niya lang din.

Hindi na ako nakatanggi pa. Napasunod ako ng inom nang uminom siya. Iyon lang ang kaya ko. Hindi rin kasi ako mahilig sa mga inuming alak. Napatingin ako sa lalamunan niya nang makitang muli siyang lumagok ng kaniyang alak. Napalunok ako kasabay ng pag-iwas ko ng tingin sa matulis niyang Adam's apple.

Pinilit ko na lamang kalimutan ang mga nakita ko kanina. Habang one-on-one na nakikipag-inuman sa kaniya, lumalim pa ang aming usapan. Napag-alaman ko mula sa kaniya na kakikilala niya pa lang pala kay Dianna kanina. Ayon pa sa kaniya, nagasgasan daw nito ang kotse niya kaya't bilang kabayaran. Pumayag ito sa usapang maging bed warmer niya nang isang gabi. Tamang-tama bilang birthday gift niya rin sana sa gabing ito.

Natahimik ako at medyo na-guilt. Pakiramdam ko tuloy ako ang naging dahilan para maudlot ang sana'y kaligayahan niya ngayon kasama ang babaeng iyon. Habang kinukuwento niya sa akin iyon, muli akong nakaramdam ng pagseselos. Itinago ko na lamang iyon upang hindi niya mahalata para wala rin siyang masabi laban sa ‘kin. Inisip ko na lamang na normal lang iyon sa kalalakihan, pero apektado pa rin ako sapagkat lihim ko siyang gusto.

Napapaisip na lamang ako kung ilan na kayang babae ang ikinama niya? Maaaring hindi ito ang unang beses na nagdala siya ng babae sa condo niya. Bigla akong nakaramdam ng selfishness, gusto ko na tanging ako lang ang dapat na magbigay sa kaniya ng hinahanap niyang kaligayahan.

Napabuntong-hininga ako sa isiping iyon. Masyado akong makasarili pero kasalanan ko ba kung iyon ang tunay kong nararamdaman? Hindi ko naman maiwasan. Marami ang nagsasabing mabait akong tao at totoo. Kaya siguro hindi ko maiwasang i-deny sa sarili ko ang tunay kong nararamdaman sa kaniya.

Ilang bote pa ng alak ang naubos namin. Kilala ko si Kuya Francis, dragon siya pagdating sa inuman, matagal malasing. Habang ako, eto, nagsisimula nang lumabo ang paningin at pakiramdam ko ay nahihilo na ako.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Seducing My Hot Tycoon Stepbrother    Chapter 14 [Pag-iwan]

    Hinawakan siya ni Jordan. “Ano ba talaga ang nagyayari, Mamá? Bakit ganyan na lang ang galit ninyo kay Gab?”“Huwag mo siyang hawakan dahil marumi siyang babae, Jordan. She's not worthy! Malandi iyan, nagpakain tayo ng ahas sa bahay natin. Baka ikaw naman ang sunod na biktimahin ng babaeng iyan!” Mas lalo lamang napakunot ang noo nito. “Diretsuhin n'yo na nga ako. Kanina pa akong naguguluhan sa mga nangyayari!” Napalunok siya at nanlulumong lumapit sa ina. Subalit, itinulak lang siya nito na parang hindi nakikilala.“Iyang Gabriella’ng iyan, nagpapatira pala sa Kuya Francis mo! Hindi na nahiya, napakasalot! Demonyo!” Natigilan ito sa narinig mula sa ina.. Unti-unti itong tumingin sa kaniya. “Gab..”Sunud-sunod ang naging pag-iling niya upang itanggi ang lahat pero wala na siyang kakayahan pa na magpaliwanag dahil matigas ang kaniyang ina. Ayaw siya nitong pakinggan. Naluluha siyang lumapit kay Jordan upang dito humingi ng tulong at humugot ng lakas, ngunit napaatras ito. At hindi m

  • Seducing My Hot Tycoon Stepbrother    Chapter 13 [Galit ng Ina]

    Matapos ang naganap na wrestling sa kama… “Don't forget what I say..” bulong ni Francis at agad na tumayo na. Isinuot nito ang shorts at t-shirt saka siya tinapunan ng tingin at lumakad na palabas ng kaniyang silid. Naiwan siyang mahigpit ang pagkakahawak sa kumot na nagtatakip sa kaniyang kahubaran. Gigil na niyakap ang unan kasabay nang pagguhit ng matagumpay na ngiti sa kaniyang mga labi. Marahan siyang napapikit sa palihim na kilig na gumapang sa buo niyang pagkatao. Napasulyap siya sa orasan, mag-aalas dose na pala nang hating gabi. Kaagad niyang isinuot ang night dress at nagtungo sa pinto para bumaba ng kusina. Ngunit bago pa man makababa, natigilan siya nang makita ang anino ng dalawang taong malapit sa may hagdanan at tila pabulong na nagpapasaringan ng mga salita. Bahagya siyang lumakad upang malinaw na marinig ang usapan ng mga ito. Tumambad sa kaniya sina Francis at ang mommy niya na seryosong nag-uusap. Napalingon ang mag-ina sa gawi niya nang mapansin siya ng mga

  • Seducing My Hot Tycoon Stepbrother    Chapter 12 [Hate]

    Maya-maya'y muli siyang napalunok nang muling maglakbay sa hita niya ang paa ni Francis. Maiksi lang ang suot niyang palda kaya't malaya nitong nagagawa ang gusto nito. Ramdam niya ang bahagyang pagtulak ni Francis sa dalawa niyang hita gamit ang mga paa nito. Nanlaki pa ang mata ng kapatid. “No, I'm not kidding, Mamá. I'm just telling the truth, kaya siguro na-inlove sa iyo si daddy dahil sa mga luto ninyo..” “Aba, parang sinasabi mo na rin na hindi siya na-in love sa beauty ko..” pairap na wika ng kanilang ina. Ngumiti si Jordan. “What I'm saying is pareho siyang na-in love sa kagandahan mo at sa sarap mong magluto, Mamá. Sure ako na kasing sarap neto ang pagmamahalan ninyo sa isa't isa, tama ba ‘ko?” “Sus, hirit ka lang, e..” komento naman ni Francis habang hindi pa rin tinatanggal ang dulo ng paa sa kaniyang lap. “Sabihin mo na kasi kay Mamá kung anong kailangan mo, hindi ‘yung dinadaan mo pa sa–” Napahalakhak na lamang si Jordan. “Wala ah, Mamá huwag kang maniwala diyan

  • Seducing My Hot Tycoon Stepbrother    Chapter 11 [Family Dinner]

    Pagkauwi ng bahay ni Gabriella, nang gabing iyon galing sa trabaho. Hindi niya inaasahan na makita rin doon ang Kuya Francis niya. Ang pagkakaalam kasi niya ay ang mommy niya lang ang nag-iisang naroroon. Matapos nitong magsabi na mag-i-stay ito ng isang gabi sa bahay niya bago umuwi ng mansion. Gayunpaman, may kumudlit na saya sa puso niya nang makitang muli ang lalaki. Ang pagkabigla’y napalitan ng tuwa. Minsan lang kasi silang magkita ni Francis sa building simula nang maging magkatrabaho sila at magkani-kaniya na ng tirahan. “We prepared some dinner,” masiglang wika ng kaniyang ina nang lumapit at humalik sa kaniyang pisngi. “You said you’ll be off by five, but seemed like you were late.” Sinulyapan niya muna si Francis saka muling tumingin sa ina at tumugon, “I supposed to be here by five, but masyadong ma-traffic sa daan.” Iginiya siya ng ginang papasok ng dining. Namangha siya nang makitang puno ng mga pagkain ang mesa. “Did you cook all of this?” nanlalaki ang matang

  • Seducing My Hot Tycoon Stepbrother    Chapter 10[Naudlot]

    Bago pa man tuluyang magpakasasa sina Francis at Gabriella sa isa't isa sa loob ng opisina. Naudlot ang lahat ng kanilang pagnanasa sa bawat isa nang may marinig silang sunud-sunod na katok mula sa pintuan. Mabilis pa sa alas-kuwatro na nakaalis si Gabriella sa kandungan ni Francis. Maging ang lalaki ay napatayo na rin sa gulat at tiim-bagang na napakuyom ng kamao.Si Gabriella ay mabilis na naupo sa kaniyang swivel chair, habang si Francis naman ay dismayadong nakatayo sa kaniyang tabi. Umiigting ang panga nito habang hinihintay nitong makapasok ang kung sino mang lapastangang nanggulo sa kanila. Iniisip ng lalaki na baka bumalik ang pinsang si Axel kaya't aburido itong huminga nang malalim."Hija, hijo.."Nanlaking pareho ang mga mata nila at nagkatinginan nang makilala ang babaeng nakangiting pumasok. Tumayo kaagad si Gabriella upang salubungin ng halik ang kaniyang mommy. Gayundin si Francis. Ilang saglit pa'y sumunod na pumasok si Jordan."I've missed you so much.. hindi na kayo

  • Seducing My Hot Tycoon Stepbrother    Chapter 9 [Seduce]

    Ilang araw na niyang napapansin na hindi siya kinakausap ni Francis sa building. Mukha itong umiiwas sa kaniya. Simula nang pumasok siya roon ay hindi ito ni kailanman nagtungo sa opisina niya. Ngunit, kakaiba ngayon, sapagkat ito na ang kusang lumapit sa kaniya. Hindi niya alam kung ano ang pakay nito. Marahang napapikit si Gabriella at napaatras nang i-trap siya ni Francis sa mga bisig nito sa sarili niyang desk. Na-hook siya sa mga mata ng lalaki. "Nagsimula ka na bang magsawa sa 'kin, ha, Gab? At nang pinsan ko naman ang pinagtitripan mo?" bulong nito. Naramdaman na lamang niya ang init ng hininga nito na tumatama sa kaniyang balat. Ang kiliting dulot ng mainit na hininga ni Francis ay unti-unting gumapang patungo sa kaibuturan niya. Nagsimula siyang mapalunok sa ginagawa nito na paghaplos ng daliri sa kaniyang mukha. "Madamot akong tao, Gab. Ang pinakaayaw ko ay ang inaangkin ng iba ang pag-aari ko na.." pagpapatuloy nito na nagsimulang magpasira ng kaniyang katinuan. "A

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status