Share

Chapter 004

last update Last Updated: 2025-08-10 19:48:26

Wala akong ibang ginawa buong araw kundi ang tumunganga at magbasa ng mga libro at magazines sa balcony ng villa ko. Bored na bored ako pero wala akong choice kundi gawin ang mga p’wede lang gawin dito sa isla.

Ayoko rin namang kulit-kulitin si Cassiel, baka kung ano pa isipin no’n. May plano akong akitin siya, oo, pero wala akong planong isipin niya na patay na patay ako sa kan’ya. Which clearly is not true.

When the clock hit 2:30 P.M., naisipan kong maligo sa malinaw na dagat. Nandito na rin naman ako at walang ibang magawa, sulitin ko na lang din.

Lumabas ako ng villa suot ang red two-piece swimsuit ko at isang puting coverup na hindi ko tinanggal hanggang nakarating ako sa sun lounge chair na malapit sa beach bar. Nagdala na rin ako ng isang libro na babasahin ko mamaya pagkatapos kong lumangoy, at isang white towel.

I placed my cover up, the book, and the towel on the sun lounge chair, saka nagpahid ng sunblock sa braso at mga balikat ko. Dumiretso na agad ako sa dagat pagkatapos.

Kahit tirik pa ang araw ay malamig naman ang dagat kaya okay lang din. 

Nang tuluyan akong lumubog sa tubig, parang nawala agad ang stress at tensyon sa buong katawan ko. Dumagdag pa ang magandang view sa paligid. The sea was really crystal clear kaya kitang-kita ko ang sarili kong katawan na nag s-standout talaga dahil sa suot kong red swimsuit.

Huminga ako nang malalim, trying to let go of the heaviness inside me. The salty air mixed with the scent of sunblock filled my lungs as I floated.

For once, I wasn’t thinking about Cassiel or the tangled mess of emotions between us. It was just me, the ocean, and the quiet peace I desperately needed.

Alam kong hindi ito pangmatagalan. The tension between me and Cassiel won’t just disappear overnight. Pero for now, pinikit ko na lang ang mga mata ko, letting the water wash away not only the sweat and sand but also the sadness and fear I've been holding onto.

Ngunit kahit anong pilit kong ipikit ang mga mata at isantabi ang mga iniisip, hindi ko rin maiwasang maramdaman ang tingin ng isang tao.

When I looked around, namataan ko si Cassiel sa balcony ng villa niya. Nakahilig siya nang bahagya sa railing, nakapatong ang mga braso doon.

Kahit na may kalayuan siya sa kinaroroonan ko, alam kong sa akin nakatutok ang mga mata niya.

I rolled my eyes at him and continued dipping into the cool water. Hinayaan kong maglaro ang mga alon sa paligid ko. The salty breeze brushed against my skin as I tried to focus on swimming. Pero ramdam ko pa rin ang tingin niya na nakatutok sa akin.

Pinilit kong mag-focus sa paglangoy, hoping the sea could somehow wash away the confusing feelings that were bothering me.

Nang napagod na ako kakalangoy ay umahon na rin ako agad. I wiped my wet body with the towel and sat on the chair. Dinukot ko ang dalang libro kanina at humiga.

But then, a few seconds later, my eyes darted to where Cassiel was. Nakatayo pa rin siya doon, but this time, he was talking with someone on his phone. Nakatagilid siya sa kinaroroonan ko, pero nang humarap siya ay mabilis din akong bumalik sa binabasa ko.

I could feel my heart pounding so fast.

What the fvck?! Bakit ba ako kinakabahan? So what kung makita niya akong nakatingin sa kan’ya? Nakatingin din naman siya sa ‘kin kanina, ‘di ba?

Bumuga ako ng hininga at sinubukang i-focus ang atensyon sa binabasa. But I couldn’t stay still. May parte sa aking gustong tingnan ang g*gong ‘yon para lang i-check kung ano na ang ginagawa niya.

Nababaliw na siguro ako. Ba’t ko naman siya titingnan?

Pero sa huli, hindi ko rin kinaya at muli siyang tinapunan ng tingin. But to my disappointment, he wasn’t there anymore.

Kumunot ang noo ko at bahagyang binaba ang hawak na libro. I tried looking for him, pero hindi ko siya makita.

“Looking for someone?”

Mabilis akong napalingon sa likod ko nang marinig ang boses niya roon. Umawang ang bibig ko nang nakitang wala siyang suot na damit sa pang-itaas at tanging puting board short ang suot niya.

I almost cursed under my breath as my eyes scanned his toned, muscular body. Mariin akong napalunok at kaagad umiwas ng tingin.

What the hell? Ba’t ang init bigla?!

Umupo si Cassiel sa katabi kong sun lounge chair. Paharap siyang nakaupo sa akin kaya hindi ko tuloy maiwasang mailang.

“What?” inis kong tanong dito, ang mga mata ay nasa hawak kong libro.

But who am I kidding? Ni hindi ko maintindihan ang binabasa ko! Sa isang sentence ay paulit-ulit ko iyong binabasa dahil wala talaga akong ma-gets!

Zara, ano ba! Kumalma ka! Don’t fvcking tell me you still have feelings for this ruthless man?!

“If you wanna swim, then swim! ‘Wag mo akong istorbohin dito!” I rolled my eyes even if I wasn’t looking at him.

Pero hindi siya nakinig sa ‘kin. Imbes ay inabot niya ang bote ng sunblock na nasa tabi ko at umupo sa space ng lounge chair kung saan ako nakahiga. Binuksan niya iyon at tinapunan ako ng tingin.

“What are you—?” I wasn’t able to finish my sentence when he cut me off.

“Turn around,” utos niya sa akin sa matigas na tono.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. “What do you mean?”

“Just fvcking turn around, Zara.”

My mouth gaped a little as I stared at him.

Ano’ng problema ng lalaking ‘to?

I had no choice but to turn around while still holding the book in one hand. Na-conscious pa ako dahil tanging ang swimsuit ko lang ang suot ko.

I have no problem with my body, though. I took care of it—daily workouts at the gym, careful meals, and enough rest whenever I could steal some time. Being a model meant discipline; every stretch, every run, every green smoothie was part of the routine. 

Ang problema ko lang talaga ay ang lalaking nasa tabi ko, na boyfriend ko rin three years ago. How awkward would that be?

It’s not like he haven’t seen my naked body. It’s just the fact that, kahit nakaupo lang naman siya sa tabi ko ay parang nagbabaga ang buong katawan ko sa presensya niya!

Ang init na nararamdaman ko kani-kanina lang ay napalitan ng panlalamig nang naramdaman ko ang marahan niyang paglagay ng lotion sa likod ko. His warm touch sent shivers down my spine.

I bit my lowerlip as I closed my eyes for a moment. Pilit kong pinipigilan ang sarili na huwag huminga nang malalim. Sinubukan ko ring kontrolin ang malakas na pagdagundong ng puso ko. 

Pero sa bawat haplos niya, bawat galaw ng mga daliri niya sa likod ko, ramdam ko lahat ng pagkasabog sa loob ko ang mga damdamin na akala ko matagal nang nawala.

I don’t understand why I feel this way. Is it anger? Fear? O pagnanasa na hindi ko kayang itanggi?

“You always hate the sun burning your skin. You should put more,” sabi niya bigla na kinagulat ko.

“H-Ha?” I stammered, confused.

“You used to ask me to put more lotion on your back whenever we were at the beach. I remember how much you cared about your skin. Pinapabayaan mo na ba ang balat mo simula no’ng wala na ako?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Seducing My Trillionaire Kidnapper Ex    Chapter 010

    Napakagat ako sa loob ng pisngi ko. Gusto kong sumagot, gusto kong ipamukha sa kan’ya lahat ng sakit na iniwan niya sa akin. Pero sa paraan ng pagkakasabi niya, para bang bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay dumidiretso sa puso ko.I clenched my fists angrily. “My problem?” Napaawang ang labi ko, at saka mapait na napangiti. “Ikaw ang problema ko, Cassiel. Ever since. You’ve always been my fvcking problem.”Bahagya siyang natigilan. Umigting ang kan’yang panga at mas lalong nandilim ang mga mata. Pero hindi siya sumabat. Tila hinihintay niyang tapusin ko ang lahat ng gusto kong ilabas.“Three years, Cassiel. Tatlong taon kitang sinumpa sa isip ko. Tatlong taon akong nagpatuloy kahit parang kalahati ng pagkatao ko ay iniwan mo. At ngayon, bigla ka na lang susulpot, k-in-idnapp mo ako, at sasabihin mo na ginagawa mo ‘to para sa proteksyon ko?” Napailing ako, ramdam na ang nagbabadyang mga luha na pilit kong pinipigilan.“Tell me, Cassiel… sino ba talaga ang niloloko mo? Ako? O ang

  • Seducing My Trillionaire Kidnapper Ex    Chapter 009

    Humampas ang malamig na hangin sa balat ko nang tuluyan kong iniwan ang jacuzzi at ang init ng mga labi ni Cassiel. Para bang binalot ng yelo ang dibdib kong kanina’y naglalagablab sa bawat halik niya.Ramdam ko pa rin ang pagsikip ng aking dibdib, ang kirot at apoy na pinagsama-sama sa bawat haplos niya. Pero higit doon, mas matindi ang sumisiksik na imahe sa utak ko—ang gabing nakita ko siyang may ibang kahalikan.Tatlong taon na ang lumipas, pero sariwa pa rin sa isip ko na para bang kahapon lang nangyari. The sting, the betrayal, the way my knees almost gave out that night—all of it, replaying again and again.Malakas pa rin ang kabog ng aking dibdib nang bumaba kami mula sa yacht at tumapak sa buhangin ng sandbar. Sa unang yapak ko pa lang, ramdam ko na ang lamig ng tubig na humahampas sa aking mga binti, parang pilit pinapakalma ang apoy sa loob ko. Hindi ako lumingon para tingnan kung susunod ba si Cassiel. I didn’t care. Or at least, I wanted to believe I didn’t.I closed my e

  • Seducing My Trillionaire Kidnapper Ex    Chapter 008

    I tilted my head back, giving Cassiel more access. Then his lips moved lower, tasting the hollow of my throat. Napasinghap ako sa labis na panginginig na binigay no'n sa aking katawan, at bago ko pa mapigilan, isang mahinang ungol ang kumawala sa aking mga labi. His touch and kisses sent shivers down my spine.Naglakbay ang mga kamay niya sa aking katawan, ang isa ay nasa likod ko at ang isa nama’y nasa hita ko. I gasped, clutching his neck tighter.“Cassiel…” Sinubukan kong magtunog na nanlalaban, pero ang paraan ng pagkakatawag ko sa kan’yang pangalan ay kabaliktaran sa gusto kong mangyari. “You can tell me to stop,” sambit niya, bahagyang dumadampi na ang kan’yang labi sa aking tainga, at ang paos niyang tinig ay nagdala ng kilabot sa buong katawan ko. “But you won’t, will you?”The way he said it—low and certain—made something inside me snap.Hindi ko alam kung bakit, pero natagpuan ko na lamang ang sarili kong inilapat ang mga labi ko sa kan’yang mga labi. Ang mga kamay ko’y naka

  • Seducing My Trillionaire Kidnapper Ex    Chapter 007

    Cassiel didn’t say anything at first. He just kept that unreadable stare, the kind that made it impossible to tell if he was considering it or dismissing it entirely. I expected him to smirk and shake his head, like he always did when he wanted to keep his distance.Pero imbes na gano’n, ay ibinaba niya ang margarita sa side table.I froze mid-sip. Wait—what?Without breaking eye contact, he stood up while unbuttoning his white linen shirt one slow button at a time. My stomach did that annoying twist again, but this time it was sharper. Parang biglang nag-alert mode ang aking buong katawan.“W-What are you doing?” I asked, trying to keep my voice steady.Gumuhit ang mapaglarong ngiti sa mga labi niya, ngunit hindi siya sumagot. The shirt slid off his shoulders, revealing the kind of body you only saw in magazines—sculpted chest and toned arms.I swallowed hard. Okay… this is happening.Nang maabot niya ang kan’yang relo at inilagay iyon sa tabi, nagsimulang kumabog ang puso ko. Hindi

  • Seducing My Trillionaire Kidnapper Ex    Chapter 006

    Cassiel was wearing a white linen shirt. Ang ilang butones sa itaas ay nakabukas kaya bahagyang sumisilip ang matigas niyang dibdib. Pinaresan niya ito ng itim na board shorts na simple lang naman, pero hindi ko alam kung ba’t ang lakas ng dating niya! Lalo pang nadagdagan ang kakisigan niya dahil sa suot niyang silver Rolex watch.May suot siyang itim na sunglasses, at kahit natatakpan ang mga mata niya, ramdam ko pa rin na sa akin siya nakatingin. Ang buhok niya ay medyo magulo, like he just rolled out of bed, or like someone just ran their fingers through it. My fingers, preferably.Saglit akong natigilan nang na-realize ang huling naisip.My god! Zara, did you just hope na ang mga daliri mo sana ang ginamit sa pagsuklay sa buhok niya? Nahihibang ka na talaga! At hindi ba’t si Cassiel dapat ang mabibighani sa kagandahan mo ngayon? Ba’t biglang bumaliktad ang sitwasyon?! And wait, sasama siya? Wala naman siyang nabanggit kagabi na sasama siya, ah?Tiim-bagang na lang akong naglakad na

  • Seducing My Trillionaire Kidnapper Ex    Chapter 005

    Later that night, sabay kaming naghapunan ni Cassiel. Tahimik lamang kaming kumakain habang nag-iisip ako ng paraan para magawa pa lalo ang plano ko. And gusto ko sanang tanungin siya kung may bangka ba siya rito. I just want to do some boating around the private island. ‘Di kalayuan din kasi ay may nakita akong sandbar kanina.“Do you have a boat here?” kaswal kong tanong habang hinihiwa-hiwa ang grilled wagyu beef na may gintong crust sa gitna.I could feel his stare linger on me for a few seconds. “Why? You’ll use it to escape?”“What? No?” kaagad kong depensa, pero kalauna’y nagkibit-balikat din. “Pero p’wede.”Mabilis namang nagdilim ang tingin niya sa akin na kinahalakhak ko nang marahan. “What? I didn’t even think of it. Binigyan mo lang ako ng idea!” rason ko pa habang tumatawa.He just shook his head and continued eating.“So, wala?” Pinihit ko ang ulo ko sa isang banda, sinusubukang tingnan ang mukha niya nang maayos.Damn, ang g’wapo talaga niya. Those thick, well-groomed e

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status