Share

Chapter 001

last update Last Updated: 2025-08-10 15:46:37

Binigyan niya ako ng villa na nakaharap sa dagat. Glass walls, canopy bed, at mga bamboo accents. And as far as I remember, magkatabi lang daw ang k'warto namin. Which means, magkatabi lang din ang aming balcony.

I don't know kung sinasadya niya ba iyon para bantayan ako. Well, I don't care.

Amoy dagat at white jasmine ang hangin sa paligid. Malamig ang simoy ng hangin, kasabay ng maingay na alon.

Pero kahit gaano kaganda ang lugar, parang impyerno pa rin ang pakiramdam ko. Hindi ako makaalis. Walang signal, walang bangka, walang kahit anong koneksyon sa mundo sa labas. At kahit na nakaka-relax sana ang setup, may mga bagay na sa ibang pagkakataon ay magpapakilig sana sa akin, pero ngayon, para lang silang paalala ng nakaraan.

Tulad ng diffuser sa sulok ng mesa. Ang amoy nito… hindi mapagkakaila. The perfume I recommended to him back then—the one he always used when we were still together. Naalala ko pa noong binilhan ko siya dahil amoy masculine luxury ito—sandalwood, bergamot, at leather notes. I told him it suited him. And he never wore anything else since.

Napakagat ako sa ibabang labi, pilit iniiwas ang atensyon sa maliliit na bagay na iyon.

Cassiel still remembered. Or maybe he never forgot. And that was the part that made my chest feel tight.

Hindi dapat ako naaapektuhan. Pero kahit anong pilit kong kumbinsihin ang sarili ko na tapos na kami, he still had this power over me… and I hated it.

And then, that night, he showed up.

Hindi ako sumagot nang kumatok siya. Pero bumukas pa rin ang pinto.

“I’m not here to argue,” sabi niya. “I just want you to understand how serious this is.”

Tumalikod ako sa kan’ya. “Alam mo kung ano ang seryoso, Cassiel? ‘Yong pakiramdam na ginising ka sa eroplano, walang consent, walang paliwanag. That’s abduction.”

“Legally? Maybe. But no one’s going to charge me.”

“Hindi ako mananatili rito,” nangangalaiti kong turan.

“Then start planning your escape.”

“You’re insane!” inis kong wika at hinarap siya.

“Maybe,” bulong niya. “But you’re alive.”

Magsasalita pa sana ako pero mabilis siyang nakalapit sa ‘kin. Isang hakbang lang ang pagitan namin nang tumigil siya.

“I don’t owe you an explanation, Zara. But if you think I’d let you be hunted under my watch, you clearly don’t know me anymore.”

“Kilala kita. You’re the type of person who chooses power over love. Control over honesty.”

“Exactly,” he said coldly. “And that’s why you’re still breathing.”

“Leave me alone, Cassiel.”

Hindi siya gumalaw. Sa halip, tiningnan lang niya ako na para bang gusto niyang sabihin ang lahat ng hindi niya nasabi noon.

“You’re not safe,” ulit niya. “And until I find out who’s behind this—I’m not letting you go.”

“You don’t get to do this. Hindi mo na ako pag-aari, Cassiel!”

Tumahimik siya saglit. Nakatitig lang siya sa akin na para bang nag-iisip.

“I never stopped owning you, Zara.”

Ako naman ang natahimik. Nanginginig ako sa galit, sa confusion, at sa isang bagay na mas mahirap tanggapin.

‘Yon ay ang takot. Not of him. But of myself.

Kasi kahit galit ako… kahit takot ako… there’s still a part of me that doesn’t want to leave.

And maybe that’s what terrifies me most.

IT WAS six in the morning nang nagising ako, but I felt empty as I stared at the balcony. Nakabukas na ang sliding door kaya malaya nang pumapasok sa aking k’warto ang hanging-dagat.

Kung hindi lang p’wersahan ang pagpunta ko rito ay baka kanina pa lang nagtatalon na ako sa tuwa habang pinagmamasdan ang beach ‘di kalayuan.

It was just pure perfection. And it would be nice to take my pictures there and post them on my social media.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko at dahan-dahang bumangon. Kaagad namang dumulas ang kaliwang spaghetti strap sa suot kong camisole dress sa aking braso.

Isang katok ang sumira ng aking katahimikan.

“Ma’am Zara, gumising na raw po kayo at mag-aagahan na po,” the voice of one of the housemaids said from the other side of the door.

Tahimik kong inikot ang aking mga mata at hindi iyon pinansin. Bagkus ay muli akong humiga at nagtaklob ng kumot.

Wala akong gana, obviously. Sino ba naman kasing gaganahan kumain sa ganitong set-up, aber?

Muli na naman akong tinawag ng kasambahay ngunit nagkukunwari lamang akong walang narinig. Ilang katok at pagtawag pa ang ginawa nito bago siya tuluyang sumuko.

Ilang sandali, biglang bumukas ang pinto, kaya pinikit ko ang mga mata ko’t nagkukunwaring natutulog pa.

Pero isang sigaw ang agad na kumawala sa bibig ko nang bigla na lamang dinukot ang kumot na nakabalot sa akin at umangat ako bigla sa ere.

“Cassiel, what the fvck?!” gulat kong wika nang na-realize na binubuhat niya ako ngayon palabas ng k’warto. Bridal style pa!

What the hell is wrong with this man?!

“Let’s eat. Kagabi ka pa hindi kumakain,” malamig nitong wika. Diretso lamang ang tingin nito at blangko ang ekspresyon.

“No! Ayoko nga! I am not in the mood to eat, Cassiel!” bulalas ko rito at sinubukang kumalas mula sa pagkakahawak niya ngunit hindi man lang siya natinag. “Cassiel, ano ba?! Put me down!”

Pero hindi niya ako pinansin. Nagpatuloy lamang siya sa paglalakad hanggang sa nakarating kami sa dining area.

“I said, let’s eat,” may diing wika ni Cassiel kasabay ng paglapag niya sa akin sa ibabaw ng lamesa kung saan walang nakalapag na mga pagkain.

Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. “Are you nuts? Ba’t dito mo ako—”

“Shut your mouth, Zara,” pagputol niya sa sasabihin ko. “Kung ayaw mong ikaw ang magiging agahan ko ngayong umaga.”

Inilagay niya ang dalawang kamay sa aking magkabilang gilid at inilapit ang mukha sa akin. Halos lagutan ako ng hininga sa ginawa niya dahil sa gulat. Maduduling na yata ako sa sobrang lapit niya!

Ilang beses akong napakurap, pigil ang hiningang dahan-dahan akong tumango. “O-Okay…”

Umangat ang isa niyang kilay. “Okay, what, Zara?”

Mariin akong napalunok bago nagsalita. “Okay, l-let’s eat,” nauutal ko pang ulit.

Akala ko’y aalis na siya sa harap ko, ngunit nanatili siyang nakatungo sa akin at diretso ang tingin sa aking mga mata. Hindi ko maiwasang manlamig. Ramdam ko ang malalakas na pagkalabog ng dibdib ko habang lumilipas ang bawat segundong gano’n ang posisyon namin.

Wala sa sariling bumaba nang dahan-dahan ang mga mata ko sa mapupula niyang mga labi.

And in the blink of an eye, those memories we had three years ago came crashing into my head. Kung paano niya ako inaangkin bawat gabi, at kung paano ko siya hinahayaang mapasok ang bawat sulok ng aking katawan at kahinaan.

Napapikit ako nang mariin, pinipigilan ang sariling mahulog ulit sa init na iyon. Bakit ganito? Bakit kahit isang tingin lang niya ay parang gusto kong maniwalang kami pa rin?

Tanga ka talaga, Zara. Hindi lahat ng bumabalik ay kailangang tanggapin ulit.

“Having wild thoughts, are we?” Ngisi ni Cassiel, dahilan kung ba’t ako nabalik sa kasalukuyan.

“H-Ha?” I asked, my mind was still in a hazy state. “No!” bulalas ko rito at malakas siyang tinulak palayo. Alam kong wala iyong epekto sa kan’ya ngunit nagpatianod na lang din siya sa pagtulak ko.

Inikutan ko siya ng mga mata nang nakita ang mapaglarong ngisi sa mga labi niya habang nakasunod ng tingin sa akin. Bumaba ako sa mesa at umupo sa isa sa mga upuan malapit sa ulo ng mesa, ramdam pa rin ang titig niya sa akin.

The man in front of me was the one who completely broke my heart three years ago. And yet, here I am, having some wild images of us in my head.

Akmang babaling na ako palayo nang bigla na naman siyang lumapit sa akin. Inilagay niya ang isang kamay sa lamesa na nasa harap ko at ang isa ay sa sandalan ng kinauupuan ko, saka inilapit ang mukha niya sa aking mukha.

His eyes suddenly darkened, and in a dangerously low whisper, he said, “Keep testing me, Zara, and I’ll remind you exactly how much you still belong to me.”

And just like that, my heart forgot how to beat.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Seducing My Trillionaire Kidnapper Ex    Chapter 007

    Cassiel didn’t say anything at first. He just kept that unreadable stare, the kind that made it impossible to tell if he was considering it or dismissing it entirely. I expected him to smirk and shake his head, like he always did when he wanted to keep his distance.Pero imbes na gano’n, ay ibinaba niya ang margarita sa side table.I froze mid-sip. Wait—what?Without breaking eye contact, he stood up while unbuttoning his white linen shirt one slow button at a time. My stomach did that annoying twist again, but this time it was sharper. Parang biglang nag-alert mode ang aking buong katawan.“W-What are you doing?” I asked, trying to keep my voice steady.Gumuhit ang mapaglarong ngiti sa mga labi niya, ngunit hindi siya sumagot. The shirt slid off his shoulders, revealing the kind of body you only saw in magazines—sculpted chest and toned arms.I swallowed hard. Okay… this is happening.Nang maabot niya ang kan’yang relo at inilagay iyon sa tabi, nagsimulang kumabog ang puso ko. Hindi

  • Seducing My Trillionaire Kidnapper Ex    Chapter 006

    Cassiel was wearing a white linen shirt. Ang ilang butones sa itaas ay nakabukas kaya bahagyang sumisilip ang matigas niyang dibdib. Pinaresan niya ito ng itim na board shorts na simple lang naman, pero hindi ko alam kung ba’t ang lakas ng dating niya! Lalo pang nadagdagan ang kakisigan niya dahil sa suot niyang silver Rolex watch.May suot siyang itim na sunglasses, at kahit natatakpan ang mga mata niya, ramdam ko pa rin na sa akin siya nakatingin. Ang buhok niya ay medyo magulo, like he just rolled out of bed, or like someone just ran their fingers through it. My fingers, preferably.Saglit akong natigilan nang na-realize ang huling naisip.My god! Zara, did you just hope na ang mga daliri mo sana ang ginamit sa pagsuklay sa buhok niya? Nahihibang ka na talaga! At hindi ba’t si Cassiel dapat ang mabibighani sa kagandahan mo ngayon? Ba’t biglang bumaliktad ang sitwasyon?! And wait, sasama siya? Wala naman siyang nabanggit kagabi na sasama siya, ah?Tiim-bagang na lang akong naglakad na

  • Seducing My Trillionaire Kidnapper Ex    Chapter 005

    Later that night, sabay kaming naghapunan ni Cassiel. Tahimik lamang kaming kumakain habang nag-iisip ako ng paraan para magawa pa lalo ang plano ko. And gusto ko sanang tanungin siya kung may bangka ba siya rito. I just want to do some boating around the private island. ‘Di kalayuan din kasi ay may nakita akong sandbar kanina.“Do you have a boat here?” kaswal kong tanong habang hinihiwa-hiwa ang grilled wagyu beef na may gintong crust sa gitna.I could feel his stare linger on me for a few seconds. “Why? You’ll use it to escape?”“What? No?” kaagad kong depensa, pero kalauna’y nagkibit-balikat din. “Pero p’wede.”Mabilis namang nagdilim ang tingin niya sa akin na kinahalakhak ko nang marahan. “What? I didn’t even think of it. Binigyan mo lang ako ng idea!” rason ko pa habang tumatawa.He just shook his head and continued eating.“So, wala?” Pinihit ko ang ulo ko sa isang banda, sinusubukang tingnan ang mukha niya nang maayos.Damn, ang g’wapo talaga niya. Those thick, well-groomed e

  • Seducing My Trillionaire Kidnapper Ex    Chapter 004

    Wala akong ibang ginawa buong araw kundi ang tumunganga at magbasa ng mga libro at magazines sa balcony ng villa ko. Bored na bored ako pero wala akong choice kundi gawin ang mga p’wede lang gawin dito sa isla.Ayoko rin namang kulit-kulitin si Cassiel, baka kung ano pa isipin no’n. May plano akong akitin siya, oo, pero wala akong planong isipin niya na patay na patay ako sa kan’ya. Which clearly is not true.When the clock hit 2:30 P.M., naisipan kong maligo sa malinaw na dagat. Nandito na rin naman ako at walang ibang magawa, sulitin ko na lang din.Lumabas ako ng villa suot ang red two-piece swimsuit ko at isang puting coverup na hindi ko tinanggal hanggang nakarating ako sa sun lounge chair na malapit sa beach bar. Nagdala na rin ako ng isang libro na babasahin ko mamaya pagkatapos kong lumangoy, at isang white towel.I placed my cover up, the book, and the towel on the sun lounge chair, saka nagpahid ng sunblock sa braso at mga balikat ko. Dumiretso na agad ako sa dagat pagkatapo

  • Seducing My Trillionaire Kidnapper Ex    Chapter 003

    I couldn’t sleep. Palakad-lakad lang ako sa loob ng k’warto ko habang iniisip ang nangyari kanina. Ang nakakainis pa ay hindi mawala sa isip ko ang muntikan nang paghalik niya sa ‘kin!Gosh, three years! Three years, Zara! Tapos may epekto pa rin sa ‘yo ang gagong ‘yon?! Nababaliw ka na yata! Baka nakalimutan mo na ang dahilan kung ba’t kayo naghiwalay three years ago?!I annoyingly brushed my hair using my fingers. “I need to do something,” bulong ko sa sarili ko.Dahil kung wala akong gagawin, who knows kung ilang linggo, ilang buwan, and worse, ilang taon niya akong ikukulong sa islang ‘to? Ano na’ng mangyayari sa modeling career ko kung mawawala ako ng gano’n katagal?!Bwisit na Cassiel kasi! Ano’ng pake niya kung may balak pumatay sa ‘kin? And wait… as far as I remember, wala naman akong kaaway in the first place? Ang bait ko kaya sa mga co-models ko! And they also love me! Kaya who would even dare try to make me want to die?!Baka palusot lang ng gago’ng ‘yon na may gustong puma

  • Seducing My Trillionaire Kidnapper Ex    Chapter 002

    Madilim na sa isla nang maisipan kong subukang tumakas. Tahimik ang paligid maliban sa alon na humahampas sa dalampasigan at ang malamig na hangin na dumadampi sa balat ko. Ngunit sa katahimikang ito, lalo kong naramdaman ang pagkalugmok sa bitag na ayaw kong manatili.Suot ko pa rin ang manipis na nightdress na ibinigay ng isa sa mga tauhan ni Cassiel kaninang umaga. Isa iyong silk slip na kulay ivory, halos see-through kapag tinamaan ng liwanag. Wala akong suot na tsinelas. Ngunit sa mga oras na 'to, ang tanging mahalaga sa akin ay makalayo. Makatakas. Makawala sa lalaking dati kong minahal… at kinatatakutan ko na ngayon.But no matter how much I wanted to run away, a part of me hesitated. I didn’t know if it was fear… or if there was still some hope. Hope for an explanation. For a chance. For anything that could make this all easier to bear.Tahimik akong lumabas ng villa, pilit iniiwasang gumawa ng kahit anong tunog. Dahan-dahan ang bawat hakbang ko, nakapaa ako sa kahoy na sahig

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status