I couldn’t sleep. Palakad-lakad lang ako sa loob ng k’warto ko habang iniisip ang nangyari kanina. Ang nakakainis pa ay hindi mawala sa isip ko ang muntikan nang paghalik niya sa ‘kin!
Gosh, three years! Three years, Zara! Tapos may epekto pa rin sa ‘yo ang gagong ‘yon?! Nababaliw ka na yata! Baka nakalimutan mo na ang dahilan kung ba’t kayo naghiwalay three years ago?!
I annoyingly brushed my hair using my fingers. “I need to do something,” bulong ko sa sarili ko.
Dahil kung wala akong gagawin, who knows kung ilang linggo, ilang buwan, and worse, ilang taon niya akong ikukulong sa islang ‘to? Ano na’ng mangyayari sa modeling career ko kung mawawala ako ng gano’n katagal?!
Bwisit na Cassiel kasi! Ano’ng pake niya kung may balak pumatay sa ‘kin? And wait… as far as I remember, wala naman akong kaaway in the first place? Ang bait ko kaya sa mga co-models ko! And they also love me! Kaya who would even dare try to make me want to die?!
Baka palusot lang ng gago’ng ‘yon na may gustong pumatay sa ‘kin para ipa-salvage ako rito! Siya pa may ganang magka-idea ng gano’n when in fact, siya ‘tong nang-iwan!
Padabog akong umupo sa malambot kong kama, nag-iisip pa rin ng paraan to get back to my world—to New York.
And then, isang ideya ang biglang pumasok sa isipan ko. Napangisi ako’t nagtungo sa walk-in closet ng k’warto.
“Hopefully he brought all my clothes there, or at least the decent ones,” pabulong-bulong kong turan habang inii-scan ang mga damit na nakasabit.
Nagliwanag ang mukha ko sa nakita na naroon ang mga damit na kailangan ko for my operation. And it’s: Operation: Seduce Cassiel So He’ll Take Me Back to New York.
Napangisi ako sa aking isipan. Tingnan lang natin kung ‘di ka bibigay sa ‘kin, Cassiel.
Ang dami kayang mga actors and even co-models ko na mga lalaki ang nagtangkang manligaw sa ‘kin! Thanks to that d*mn Cassiel, wala na akong desire pumasok sa isang relasyon. I’ve had enough. He was my first, and I’ll make sure, my last heartbreak.
KINABUKASAN, maaga akong gumising. Suot ko ang isang white low back mini sundress. Hinayaan kong nakalagay ang may kahabaan kong tsokolateng buhok at kinulot iyon ng k’unti. Nag-makeup na rin ako nang kaunti.
Thank God talaga at ipinadala niya rin ang mga essentials ko. And by essentials, I mean my clothes, makeup, and skincares! I can’t go on my days without these babies! Especially in this island! Need ko ng sunscreen! I like my skin tan, yes, but I don’t like skin cancer.
And I’d rather die with my makeup on and best clothes on a secluded island than die looking helpless and unprepared.
Sakto namang natapos ako sa pag-prepare nang may kumatok sa pinto ko. Hindi ko na pinaghintay ang maid at kaagad ko na iyong binuksan. Bahagya pang umawang ang bibig niya nang nakita ang postura ko.
“Good morning, Manang!” I greeted with a sweet smile engraved on my lips.
Hindi siya nakasagot sa akin, bagkus ay napakurap lamang siya kaya nama’y napahagikgik ako.
Dumiretso na agad ako sa dining area. Naabutan ko pa si Cassiel doon na kaswal na nakaupo sa ulo ng mesa, kaharap ang isang laptop at may hawak na tasa ng kape sa isang kamay.
“Hi!” bati ko rito at naglakad palapit sa kan’ya.
He was about to take a sip from his coffee when he saw me. Hindi niya natuloy ang pagtangkang paghigop at napatitig sa akin.
“Good morning.” I grinned at him.
Ilang segundo siyang nakatitig sa akin, pagkatapos ay dahan-dahang nagsalubong ang mga kilay niya.
“Why?” tila nag-aalala ko pang tanong sa kan’ya. Pero ang totoo ay sa kaloob-looban ko’y nagdiriwang na ako.
I know I still have an effect on you, Cassiel.
He didn’t say anything. Nakatitig lang siya sa ‘kin na may kunot pa rin sa noo. Nagkibit-balikat na lamang ako at umupo sa kaliwang bahagi ng upuan niya.
Tiningnan ko ang mga nakahanda nang mga pagkain, pero ni isa roon ay wala akong gustong kainin. Then, sumagi sa mga mata ko ang cherries na nakalagay sa gitna kasama ang iba pang mga prutas.
A witty idea came to mind.
Kinuha ko ang isang cherry mula sa bowl at pinaglalaruan ang tangkay sa pagitan ng mga daliri ko. I took my time bringing it to my lips, letting it linger there for a heartbeat before I bit into it. Mabagal at mapang-akit ang paraan ng pagkagat ko, but I didn’t make it so obvious.
Kaagad na sumabog ang matamis na katas sa bibig ko. Ramdam ko pa ang kaunting katas na kumawala sa gilid ng lips ko. So I licked my lips, then wiped the remaining juice off with my fingertips.
Parang walang malisya ang galawan ko na iyon, pero alam ko kung gaano kaklaro ang galaw ko mula sa puwesto ni Cassiel.
Isang mabilis na tingin lang ang ibinato ko sa kan’ya, bago ko muling ibinaba ang mata ko sa plato. But it was enough to catch the slight tightening of his jaw.
Kumuha ulit ako ng isa at muling dahan-dahang sinubo.
“They’re… addicting,” mahina kong sabi, halos pabulong, para bang sinasabi ko lang sa sarili ko ‘yon.
Nakatingin lang siya sa akin, hindi gumagalaw, para bang tinatantiya kung ano’ng laro ang nilalaro ko.
“You’ve had enough,” malamig pero mababa ang boses niya, parang may halong warning.
I smiled faintly, at pinulot ang isa pang cherry. “One more won’t hurt,” sabi ko, bago ko muling sinubo iyon, mas mabagal kaysa kanina.
This time, hindi na siya kumibo, pero ramdam ko ang tingin niyang dumudungaw sa bawat galaw ko. Parang sinusunog ang balat ko mula sa malayo sa paraan ng pagtitig niya sa ‘kin.
Kahit siya ang biktima ko sa mga oras na ’to, pakiramdam ko ako rin ay nabihag sa paraan ng pagtitig niya. I may have looked unbothered on the outside, but inside, my thoughts were screaming.
Inilapag ko ang tangkay sa plato, saka kinuha pa ang isa. Pero bago ko pa man maabot ang bibig ko, may malakas pero kontroladong kamay ang humawak sa pulso ko.
“Enough,” Cassiel said. Mababa ang boses niya at masyadong malapit para hindi ko maramdaman ang init ng hininga niya.
Kinuha niya mula sa akin ang cherry, saka dahan-dahang inilapag ang bowl sa kabilang dulo ng mesa.
I stared at him, keeping my expression neutral, kahit na ang tibok ng puso ko ay parang hindi na magkandaugaga sa pagtibok. “Why? Afraid I’ll finish all of them?”
His jaw clenched. “Afraid you’ll keep doing… that.”
“That?” I tilted my head slightly, feigning innocence.
Yumuko siya nang bahagya palapit sa akin, ang tingin niya ay nakapako sa labi ko. “Don’t play games with me, Zara,” bulong niya, mababa at halos mapanganib ang tono, saka tinitigan ako ng diretso sa mga mata. “You won’t win.”
Pero habang bumabalik siya sa upuan niya, hindi ko maiwasang mapangiti nang bahagya. Because if there’s one thing I’ve learned about Cassiel Esquivel, it's that the moment he tells me not to do something, is exactly the moment I know I’m getting under his skin.
Cassiel didn’t say anything at first. He just kept that unreadable stare, the kind that made it impossible to tell if he was considering it or dismissing it entirely. I expected him to smirk and shake his head, like he always did when he wanted to keep his distance.Pero imbes na gano’n, ay ibinaba niya ang margarita sa side table.I froze mid-sip. Wait—what?Without breaking eye contact, he stood up while unbuttoning his white linen shirt one slow button at a time. My stomach did that annoying twist again, but this time it was sharper. Parang biglang nag-alert mode ang aking buong katawan.“W-What are you doing?” I asked, trying to keep my voice steady.Gumuhit ang mapaglarong ngiti sa mga labi niya, ngunit hindi siya sumagot. The shirt slid off his shoulders, revealing the kind of body you only saw in magazines—sculpted chest and toned arms.I swallowed hard. Okay… this is happening.Nang maabot niya ang kan’yang relo at inilagay iyon sa tabi, nagsimulang kumabog ang puso ko. Hindi
Cassiel was wearing a white linen shirt. Ang ilang butones sa itaas ay nakabukas kaya bahagyang sumisilip ang matigas niyang dibdib. Pinaresan niya ito ng itim na board shorts na simple lang naman, pero hindi ko alam kung ba’t ang lakas ng dating niya! Lalo pang nadagdagan ang kakisigan niya dahil sa suot niyang silver Rolex watch.May suot siyang itim na sunglasses, at kahit natatakpan ang mga mata niya, ramdam ko pa rin na sa akin siya nakatingin. Ang buhok niya ay medyo magulo, like he just rolled out of bed, or like someone just ran their fingers through it. My fingers, preferably.Saglit akong natigilan nang na-realize ang huling naisip.My god! Zara, did you just hope na ang mga daliri mo sana ang ginamit sa pagsuklay sa buhok niya? Nahihibang ka na talaga! At hindi ba’t si Cassiel dapat ang mabibighani sa kagandahan mo ngayon? Ba’t biglang bumaliktad ang sitwasyon?! And wait, sasama siya? Wala naman siyang nabanggit kagabi na sasama siya, ah?Tiim-bagang na lang akong naglakad na
Later that night, sabay kaming naghapunan ni Cassiel. Tahimik lamang kaming kumakain habang nag-iisip ako ng paraan para magawa pa lalo ang plano ko. And gusto ko sanang tanungin siya kung may bangka ba siya rito. I just want to do some boating around the private island. ‘Di kalayuan din kasi ay may nakita akong sandbar kanina.“Do you have a boat here?” kaswal kong tanong habang hinihiwa-hiwa ang grilled wagyu beef na may gintong crust sa gitna.I could feel his stare linger on me for a few seconds. “Why? You’ll use it to escape?”“What? No?” kaagad kong depensa, pero kalauna’y nagkibit-balikat din. “Pero p’wede.”Mabilis namang nagdilim ang tingin niya sa akin na kinahalakhak ko nang marahan. “What? I didn’t even think of it. Binigyan mo lang ako ng idea!” rason ko pa habang tumatawa.He just shook his head and continued eating.“So, wala?” Pinihit ko ang ulo ko sa isang banda, sinusubukang tingnan ang mukha niya nang maayos.Damn, ang g’wapo talaga niya. Those thick, well-groomed e
Wala akong ibang ginawa buong araw kundi ang tumunganga at magbasa ng mga libro at magazines sa balcony ng villa ko. Bored na bored ako pero wala akong choice kundi gawin ang mga p’wede lang gawin dito sa isla.Ayoko rin namang kulit-kulitin si Cassiel, baka kung ano pa isipin no’n. May plano akong akitin siya, oo, pero wala akong planong isipin niya na patay na patay ako sa kan’ya. Which clearly is not true.When the clock hit 2:30 P.M., naisipan kong maligo sa malinaw na dagat. Nandito na rin naman ako at walang ibang magawa, sulitin ko na lang din.Lumabas ako ng villa suot ang red two-piece swimsuit ko at isang puting coverup na hindi ko tinanggal hanggang nakarating ako sa sun lounge chair na malapit sa beach bar. Nagdala na rin ako ng isang libro na babasahin ko mamaya pagkatapos kong lumangoy, at isang white towel.I placed my cover up, the book, and the towel on the sun lounge chair, saka nagpahid ng sunblock sa braso at mga balikat ko. Dumiretso na agad ako sa dagat pagkatapo
I couldn’t sleep. Palakad-lakad lang ako sa loob ng k’warto ko habang iniisip ang nangyari kanina. Ang nakakainis pa ay hindi mawala sa isip ko ang muntikan nang paghalik niya sa ‘kin!Gosh, three years! Three years, Zara! Tapos may epekto pa rin sa ‘yo ang gagong ‘yon?! Nababaliw ka na yata! Baka nakalimutan mo na ang dahilan kung ba’t kayo naghiwalay three years ago?!I annoyingly brushed my hair using my fingers. “I need to do something,” bulong ko sa sarili ko.Dahil kung wala akong gagawin, who knows kung ilang linggo, ilang buwan, and worse, ilang taon niya akong ikukulong sa islang ‘to? Ano na’ng mangyayari sa modeling career ko kung mawawala ako ng gano’n katagal?!Bwisit na Cassiel kasi! Ano’ng pake niya kung may balak pumatay sa ‘kin? And wait… as far as I remember, wala naman akong kaaway in the first place? Ang bait ko kaya sa mga co-models ko! And they also love me! Kaya who would even dare try to make me want to die?!Baka palusot lang ng gago’ng ‘yon na may gustong puma
Madilim na sa isla nang maisipan kong subukang tumakas. Tahimik ang paligid maliban sa alon na humahampas sa dalampasigan at ang malamig na hangin na dumadampi sa balat ko. Ngunit sa katahimikang ito, lalo kong naramdaman ang pagkalugmok sa bitag na ayaw kong manatili.Suot ko pa rin ang manipis na nightdress na ibinigay ng isa sa mga tauhan ni Cassiel kaninang umaga. Isa iyong silk slip na kulay ivory, halos see-through kapag tinamaan ng liwanag. Wala akong suot na tsinelas. Ngunit sa mga oras na 'to, ang tanging mahalaga sa akin ay makalayo. Makatakas. Makawala sa lalaking dati kong minahal… at kinatatakutan ko na ngayon.But no matter how much I wanted to run away, a part of me hesitated. I didn’t know if it was fear… or if there was still some hope. Hope for an explanation. For a chance. For anything that could make this all easier to bear.Tahimik akong lumabas ng villa, pilit iniiwasang gumawa ng kahit anong tunog. Dahan-dahan ang bawat hakbang ko, nakapaa ako sa kahoy na sahig