Bellatrix Amon, a stubborn girl and an only daughter of Annabelle Amon. Their life isn’t full of sunshine and rainbows. They were the center of gossip, because her mother always brought different guys to their house. After fighting, Bellatrix couldn’t believe that her mother died brutally the next day after leaving with the mysterious guys. Bellatrix found out that Don Geronimo Marquis was with her mother before she died. With that, Bellatrix wanted to take revenge on him. But since life is full of twists, Bellatrix met Colter Andrew Marquis—the son of Don Geronimo. Her plan changed, and it was now to seduce the billionaire’s son, and wrap him around her fingers as she took revenge to ruin his father. However, Bellatrix didn’t know that Colter also had a plan for her. But what if a spark would touch their hearts—making them yearn for each other’s touch and love? Would it affect their initial plans? Or would they continue their lies and schemes?
Lihat lebih banyakSA GITNA NG GABI, magkasamang kumakain sina Colter at Bellatrix sa isang lamesa habang magkaharapan sila. Hindi pa rin humuhupa ang mga tunog ng piano at violin sa speaker, pero mahina naman ang mga ito kaya’t hindi na pinahinto ni Bellatrix.“Here, have some polpette,” ani Colter at saka iniabot ang isang plato nito kay Bellatrix, “It’s an Italian dish, or meatballs to be exact. It’s delicious,” nakangising dagdag nito habang pinapanood si Bellatrix na naglalagay niyon sa kaniyang plato. Nang tikman niya na ay napatango siya dahil tama si Colter.“Try the quesadillas,” ani Colter at saka inabot ito kay Bellatrix. Pagkatapos ng isang subo ay may bago na namang iniabot si Colter.“That Lasagna is the best,” dagdag niya habang pinapanood na kumain si Bellatrix. Pagkatapos lunukin ang pagkain ay nakita niyang aambang muli si Colter na kumuha ng panibagong plato. Pinigilan niya agad ito.“Tama na, ako ang mamimili ng kakainin ko. Pinapataba mo naman ako! Kumain ka na lang din diyan ng tah
SA IKATLONG PALAPAG, makikitang nakasimangot si Bellatrix habang namamahinga sa kaniyang upuan. Malapit na rin silang mag-out sa trabaho kaya’t marami na ang naghahandang umalis.“Bellatrix? Hindi ka pa mag-aayos ng gamit mo?” tanong noong katabing babae ni Bellatrix na si Roxanne. Ito ang naging kaibigan niya dahil siya ang palaging tumutulong kay Bellatrix kapag may hindi siya alam.“Kaunti lang naman ang dala ko. Hintayin na lang kitang matapos,” nakangiting sagot ni Bellatrix. Pumayag naman ito at naglinis ng lamesa. Bumalik naman agad si Bellatrix sa pagsimangot.“Tss, wala naman akong ginawa. Puro print at encode lang. Gusto ko sanang gumawa ng report,” pagkausap niya sa sarili habang pinapanood ang ibang mga empleyado. Karamihan sa kanila ay ramdam ang pagod dahil sa buong araw na pag-upo at pagpindot sa keyboard. “May kinalaman kaya ’yung lalaking ’yun?” bagot niyang tanong, tinutukoy si Colter. Suminghal pa siya nang naalala ang nangyari kaninang umaga. “Ni hindi man lang s
“PLEASE clean this area as well,” utos ni Colter sa janitor. Natapon kasi ang tubig sa sahig dahil nahagip niya ang pinag-iinumang baso. Nagkalat din sa sahig ang mga bubog.“Ah, Sir! Ako na po ang magtatapon niyan!” tarantang saad noong janitor nang makitang itatapon ni Colter ang mga bubog galing sa nabasag na baso. Umiling naman si Colter. “Nah, I could do it,” aniya at saka tinapon ang mga bubog sa basurahan. Nagpunta siya saglit sa restroom para maghugas ng kamay. Nang natapos ay bumalik siya sa kaniyang lamesa. Namataan na naman ni Colter ang mga tirang ulam na hindi niya naubos kanina. Tinignan niya naman ang janitor na nakangiting nagtatrapo sa sahig.“You can eat all of this when you’re done,” sambit niya rito, tinutukoy ang mga pagkaing hindi niya halos nagalaw. Napatingin naman ang janitor sa kaniya at saka napakamot sa ulo.“Ah, Sir, busog na po kasi ako. Binigyan kasi ako ng dalawang siopao, iced coffee, at saka juice noong bagong babaeng empleyado rito. Bibigyan ko na
DAHIL sa pagbuking ni Cara sa plano ni Colter na pagpapabagsak kay Walter, umuwi na agad sila at hinatid nila si Bellatrix sa apartment nito. Hindi naman nasiyahan sa nangyari si Bellatrix. Maraming mga tanong sa kaniyang isipan na hindi pa nasasagot. Dahil kasi sa presensya ni Cara ay hindi makapagtanong si Bellatrix. Kapag kasi sinusubukan niyang pag-usapan si Walter, agad na iniiba ni Cara ang topic. Para bang nagkasundo na agad ang magkapatid na ilihis ang usapan.Pagpasok ni Bellatrix sa loob ng apartment ay naamoy niya agad ang mabangong amoy ng adobo. Pagpunta niya sa kusina ay naabutan niyang nagsasandok na ng kanin si Jie.“Nandito ka na pala. Kumain ka na ba?” tanong ni Jie pagkakita kay Bellatrix. Pagod namang umupo si Bellatrix sa monoblock chair at saka nilapag ang mga dalang paperbags sa sahig.“Uy, ang dami mong dala ah! Shopping spree?” nakangising pang-aasar ni Jie. Nilagay niya sa plastic na lamesa ang isang mangkok ng adobo. “Kumain na ako,” walang ganang sagot ni
“HI! I’m Bellatrix!”masayang pagpapakilala ni Bellatrix sa kapatid ni Colter. Nasa loob pa rin sila ng shoe store at magkaharapan.Awkward namang ngumiti ang kapatid ni Colter sa kaniya. Pasimple niyang tinignan si Colter at saka binalik agad ang tingin kay Bellatrix na malaki ang ngiti.“H-Hi! I’m Cara, his sister,” nakangiti ring pagpapakilala ni Cara. Tumitig siya kay Bellatrix sa pagkamangha. Napatagal ang tingin niya kaya napapangiwi si Bellatrix. Tumikhim naman si Colter nang mapansing na-awkward-an si Bellatrix sa paraan ng pagtitig ni Cara.“Hey, Cara, stop it,” puna ni Colter. Pinagsalubong niya rin ang kaniyang kilay.“We’ve finally met!” nakangising wika ni Cara nang natauhan na. Umamba siyang yayakap kay Bellatrix pero hinawakan agad ni Colter ang braso ni Cara. “Cara, come on. You’re so hyper. Trix is getting awkward,” pagpigil ni Colter. Napairap naman sa kaniya si Cara, pagkatapos ay bumalik agad ang ngiti niya kay Bellatrix. “I’m sorry! But really, it was so nice to
SA ARAW NG SABADO ay sinundo ni Colter si Bellatrix nang bandang alas tres y media ng hapon. Maaga sana silang aalis ngunit naging busy si Colter sa umaga. Mamimili kasi sila ngayon ng mga damit na gagamitin ni Bellatrix sa trabaho. Pumayag naman si Bellatrix, kahit na may mga pormal naman siyang damit pang-opisina.“Just pick anything you like,” saad ni Colter nang marating nila ang unang boutique ng mga damit sa mall. “Anything? Eh, paano kung gusto ko lahat ng damit dito?” nakangising tanong ni Bellatrix. Lumapit na rin siya sa isang rack ng mga damit at nagtingin doon. Dalawang saleslady naman ang lumapit sa kanila sa gilid. Magkahawak-kamay pa at pabulong-bulong sa isa’t isa.“Ain’t a problem, Trix. I will buy whatever you wish,” nakangisi ring tugon ni Colter. Pero alam ni Bellatrix na seryoso roon si Colter. Hindi naman kasi malabong mangyari iyon kung gustuhin nga niya. “Sabagay, ang batas nga ay nabibili niyo’t napapayuko,” mapait na aniya sa isipan. Kinagat niya ang ibaban
PAGKALIPAS ng limang araw ay marami na agad ang nangyari sa buhay ni Bellatrix. Una ay ang pag-terminate niya ng kontrata kay Jaypee. Ang buong akala niya ay mahihirapan siya, ngunit dahil sa tulong ni Colter Marquis ay napadali iyon. Subalit hindi niya pa rin maiwasang makarinig ng mga masasamang salita tungkol sa kaniya.“Iba talaga kapag may backer at mayamang boyfriend,” naiiling na saad noong isang babaeng modelo sa tatlo pang kasama nito. Pinapanood nila si Bellatrix, Reven, at isa pang legal adviser na magkasamang naglalakad. Si Reven kasi ang ipinasama ni Colter dahil abogado ito at marami siyang kilalang magagaling na kapwa abogado. “Sinabi mo pa! Balita ko nga ay maging si Yhuno ng Zhao Empire ay nilalandi niya,” saad naman noong pangalawang babae. Umikot ang mata niya nang magtama ang tingin nila ni Bellatrix na palapit na sa kanila. Kahit nasa malayo pa sila ay alam pa rin ni Bellatrix na siya ang pinag-uusapan.“Tsk, tapos ngayon ay si Attorney Reven Espiras na ang kasam
SA ISANG SILID, tahimik na magkasama sina Reven at Bellatrix. Magkalayo pa sila at halos magkatalikuran sa isa’t isa. Nakaupo si Bellatrix sa isang sofa habang nasa swivel chair naman si Reven na hinila niya malapit sa dingding na salamin at nakatunghay ito sa labas. Kumuha ng magazine si Bellatrix sa ibabaw ng lamesa. Ito ang latest issue kaya iyon ang pinili niya. Pahapyaw niya lang na binasa ang ilang nakasulat doon. Ang mga mata niya ay sa mga larawan lang tumitingin. Hanggang sa huminto ang daliri niya sa pagpihit ng pahina. Isang pamilyar na lalaki ang umagaw sa kaniyang atensyon. Nakasulat doon ang pangalang Revenson Espiras. “That’s me,” biglang saad ni Reven sa gilid ni Bellatrix. Napatalon sa gulat si Bellatrix at agad na isinara ang magazine. Inayos niya ang sarili bago tinignan si Reven na nakapaskil na ang malaking ngisi sa mukha nito. Sinundan niya ito ng tingin na naupo sa upuang kaharap ng sa kaniya.“Why are you looking at my photo, huh?” pang-aasar ni Reven dito. K
“SIGURADO ka bang isasama mo ako?” muling paniniguro ni Bellatrix kay Colter kahit na nasa loob na sila ng mamahaling sasakyan nito.“Of course, Trix,” sagot naman ni Colter. Nasa backseat muli sila habang tahimik na nagmamaneho ang driver. “Ang alam ko, hindi pwede ang mga outsider na gaya ko sa mga board meetings,” saad ni Bellatrix. Nakakunot ang kaniyang noo habang nakaharap kay Colter na kalmado lang na nakaupo.“You can. They won’t complain because it’s me,” siguradong tugon naman ni Colter. Ngumisi siya nang bumaling kay Bellatrix. Napanguso naman ito at nailing sa ipinakitang pagyayabang ni Colter.“‘Yan ka na naman, inaabuso mo na naman ang pagiging managing director mo,” kunwaring dismayadong sabi ni Bellatrix. Natawa silang pareho kaya bumuti ang dibdib niya na kanina pa kinakabahan.Subalit nang huminto na ang sasakyan sa tapat ng isang matayog na building ay muling humataw ang dibdib ni Bellatrix. Naunang lumabas si Colter at saka ito umikot para pagbuksan siya ng pinto.
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.