Share

Chapter 20

"HI, Mom, kumusta?" bungad agad ni Ziv nang sagutin ang tawag ng ina.

"Oh, i'm glad you still know who I am." napangiti siya at napakagat-labi sa sagot ng Mama niya. Bakas ang pagtatampo sa tinig nito.

At alam niya kung bakit.

Mula nang malaman niya ang tungkol sa pagbubuntis ni Leighana ay iisang beses pa lamang niya itong natatawagan, tungkol pa iyon sa pagre-request niya na magpadala ng panibagong surgeon upang mapadali ang pagluwas nila ni Leighana sa Manila.

Hanggat maaari ay iniiwasan muna niyang maka-usap ang ina. Ayaw niyang magsinungaling dito, kung pagsisinungaling man ngang matatawag ang hindi pa muna nila pagpapa-alam ni Leighana tungkol sa kalagayan nito sa mga magulang nila. Alam niyang kapag nalaman ng kanyang ina ang totoo ay hindi niya ito mapipigilang sabihin iyon sa Mama ni Leighana. At iyon ang iniiwasan niya. Gusto niyang igalang ang kagustuhan ni Leighana na personal nila iyong sabihin sa mga magulang nila.


Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status