INICIAR SESIÓNSaktong alas-syete ng gabi nang pumasok si Elowen sa isang exclusive VIP room ng Savy Lounge. Pagpasok pa lang niya, sinalubong agad siya ni Raynold ng isang nakakasilaw na ngiti. Mabilis itong tumayo at inalalayan siya papunta sa isang upuan."Mr. Samaniego," tipid at malamig na bati ni Elowen sa lalaki. Ngumiti lang si Raynold, ipinatong pa ang isang kamay sa likod ng upuan ni Elowen habang paupo ito. Hindi na pumalag ang dalaga. Umupo siya ng tuwid at sabay sulyap sa mga taong nasa mesa.Sa kabilang gilid ni Elowen, may nakaupong isang batang lalaki na napaka tahimik at napaka lamig ng aura. Ibang-iba kay Raynold, pero ang nakakapanindig-balahibo, may hawig ang galawan at awra nito kay River.Si Raymond, ang bunsong kapatid ng pamilya. Isang patagong ngisi ang dumaan sa mga labi ni Elowen. Pati ba naman mga mata at pamamaraan ng pagtingin, namamana? Iyan ang nasa isip niya.Mabilis niyang ibinalik ang seryosong ekspresyon at tumingin sa mga board members ng dalawang kumpanya. "Ma
Saktong alas-syete ng gabi nang pumasok si Elowen sa isang exclusive VIP room ng Savy Lounge. Pagpasok pa lang niya, sinalubong agad siya ni Raynold ng isang nakakasilaw na ngiti. Mabilis itong tumayo at inalalayan siya papunta sa isang upuan."Mr. Samaniego," tipid at malamig na bati ni Elowen sa lalaki. Ngumiti lang si Raynold, ipinatong pa ang isang kamay sa likod ng upuan ni Elowen habang paupo ito. Hindi na pumalag ang dalaga. Umupo siya ng tuwid at sabay sulyap sa mga taong nasa mesa.Sa kabilang gilid ni Elowen, may nakaupong isang batang lalaki na napaka tahimik at napaka lamig ng aura. Ibang-iba kay Raynold, pero ang nakakapanindig-balahibo, may hawig ang galawan at awra nito kay River.Si Raymond, ang bunsong kapatid ng pamilya. Isang patagong ngisi ang dumaan sa mga labi ni Elowen. Pati ba naman mga mata at pamamaraan ng pagtingin, namamana? Iyan ang nasa isip niya.Mabilis niyang ibinalik ang seryosong ekspresyon at tumingin sa mga board members ng dalawang kumpanya. "Ma
Kinabukasan, naging usap-usapan sa buong BGC ang opisyal na pag-upo ni Elowen bilang Vice President ng Quinn Group.Pero para sa mga taong nasa loob ng kumpanya, alam nilang pormalidad na lang ang title na Vice President dahil si Elowen naman ang tunay na magmamana ng korona.Tatlong taon na ang nakararaan nang napilitang bumalik mula sa pagre-retiro ang tiyuhin ni Elowen na si Inigo para saluhin ang kumpanya matapos magkasakit ang dating CEO nito. Ang problema? Isang playboy at walang hilig sa negosyo si Inigo. Tiniis lang niya ang posisyon habang hinihintay na mag-mature at matuto ang pamangkin niya sa ibang bansa. Gusto na lang niyang mag-travel, mag-scuba diving at mag-relax habang hinihintay ang taunang dividend niya!Kaya naman, walang mas sasaya pa kay Inigo nang mismong araw na pumasok si Elowen. Sa loob ng malawak na office na may overlooking view ng Metro Manila, masiglang ipinapakilala ni Inigo si Elowen sa mga board members."Everyone, the long wait is over! Nandito na ang
Napalunok si Mateo at mariing pumikit. “Diyos ko po. Tuluyan na pong nasira ang ulo ng Boss ko. Tatlong taon nang patay ang asawa nito! Paanong babalik 'yon?!”Napabuntong-hininga na lang si Mateo nang tatlong beses at ipinagpatuloy ang pagmamaneho pauwi, tinanggap na lamang na tuluyan nang nabaliw ang boss niya. Pero pagkauwi niya, nag-scroll si Mateo sa Viber group ng mga executives sa Manila. May isang nag-forward ng video ng iskandalo kanina sa cruise ship. Nang buksan niya ang video at i-zoom in ang babaeng naka-black mask, muntik nang mabitawan ni Mateo ang phone niya.Ang tindi pati na ang galaw nito. Isabay pa ang malamig nitong mga mata, kahit na malabo ang video kilalang-kilala niya kung sino yun! Napaiyak si Mateo at napasandal sa pader ng apartment niya. "Ma'am Elowen, buhay nga po talaga kayo."—Kinabukasan, sa loob ng napakalaking dining room ng mga Samaniego, kalmadong kumakain ng late breakfast si Raynold, ang Vice President ng Samaniego Group. Habang humihigop siya
“Sorry? Anong silbi ng sorry mo kung patay na ang tao? Saka Mr. Samaniego, bakit ka nagso-sorry sa akin? Kung gusto mong humingi ng tawad, doon ka sa sementeryo o sa puntod ng asawa mo mag-drama!"Akmang tatalikod na si Elowen subalit bago pa man siya makahakbang marahas siyang hinila ni River. Isang napakalakas at agresibong pwersa ang humapit sa bewang niya. At sa isang iglap, dumapo ang mainit, mapilit at desperadong mga labi ni River sa kanyang bibig!Nanlaki ang mga mata ni Elowen. Putangina! Agad siyang nagpumiglas, hinampas niya ng malakas ang dibdib ni River kung kaya’t tuluyang nahulog ang itim na scarf niya sa sahig, kasabay noon ay ang kanyang mask. Bumungad ang napakaganda, maputla at malamig na mukha ni Elowen!Si River naman ay parang mababaliw nang makita niya ang mukha ng babaeng limanng taon niyang iniyakan kaya naman mas lalo itong naging agresibo. Naging mapusok ang halik nito na parang gusto siyang kainin nang buo!Subalit isang malakas na sampal ulit ang pinakaw
Kung ibang tao lang ito, pwede pa sanang magdahilan si River. Pwedeng sabihing namalikmata lang ito. Pero kay Elowen? Imposible.Napalunok ng mariin si River, punong-puno ng kaba, desperasyon at pag-asa ang kanyang sistema subalit napaka kalmado lang ni Elowen. Tiningnan niya si River na parang hindi niya ito kilala. "Excuse me, Sir," malamig na panimula ni Elowen.Dahil sa nasirang vocal cords nang tumalon siya sa dagat limang taon na ang nakakalipas, nagbago ang boses niya. Naging mababa ito at kapag masyadong emosyonal o nanlalamig, halos paos na bulong na lang ang lumalabas dito.Kinusot ni Elowen ang kanyang mga mata at tumingin ng deretso sa binata. "Sir, m-mali po yata kayo ng taong niyakap."Natigilan si River, ang matinding kumpyansa sa mga mata nito kanina ay napalitan ng pag-aalinlangan. Dahan-dahan nitong niluwagan ang hawak sa pulso niya. Pero bago pa man tuluyang makabitiw, biglang may sumiklab sa mga mata ng lalaki. Parang isang demonyong nabuhay mula sa kailaliman ng
Nasa iisang ospital lang sila ni Beatrice. Matapos mag-alinlangan, natagpuan na lang ni Elowen ang kaniyang mga paa na naglalakad papunta sa VIP Ward.Bago mangyari ang aksidente, sobrang malapit sila ni Beatrice. Hindi man kasing-lalim ng pagkakaibigan nila ni Paloma pero madalas silang kumain sa
Pagkatapos ng isang gabi sa condo ni Paloma, nakaramdam ng kaunting ginhawa si Elowen. Sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon, nakatulog siya nang mahimbing, malayo sa malamig na presensya ng kaniyang asawa at sa impyernong tinatawag niyang bahay.Ngunit kinabukasan, maaga siyang bumango
Sa loob ng isang taong pagsasama nila bilang mag-asawa, naging isang malamig na impyerno ang buhay ni Elowen. Para kay River, hindi siya isang asawa na kailangang mahalin, protektahan at alagaan. Isa lamang siyang laruan na ginagamit para pagbayaran ang isang kasalanang hindi naman niya ginawa. At
Bago pa maka-angal ang mga lalaki, kinaladkad na ni Paloma si Elowen palabas ng VIP room.Pagsapit nila sa ladies' room, agad na binitawan ni Paloma si Elowen. Namumula ang mukha ng dalaga sa sobrang galit at nanginginig ang mga kamay habang nilalabas ang cellphone."Tanginang mga lalaki 'yan!" nan







