INICIAR SESIÓN"Hindi ko akalaing ang isang sikat na business tycoon na tulad mo, Candy Crush pa rin ang nilalaro," isang pamilyar at malambing na boses ang bumasag sa katahimikan ng silid.Napaangat ng tingin si Elowen at nakita niya si Raynold. Nakangiti ito, suot ang isang tailored suit na nagpapatingkad sa maaliwalas nitong mukha. Prenteng umupo ito sa tapat niya.Napangisi si Elowen at pinatay ang screen ng phone niya. "Pampalipas lang ng oras. Bakit? Masama bang mag-relax paminsan-minsan?"Alam ni Raynold ang lahat ng galaw niya. Bago pa man ito dumating, alam nitong nag-iimbestiga na si Elowen ng mga posibleng candidate mula sa entertainment industry para maging fake fiance. Hindi na nagpaligoy-ligoy ang lalaki. Ipinatong nito ang siko sa lamesa at pinatong ang baba sa kanyang kamay habang tinitigan siya nang malalim."Nabalitaan kong naghahanap ka raw ng mapapangasawa," kaswal na panimula ni Raynold. "Ano sa tingin mo, pwede ba ako?"Itinaas lang ni Elowen ang kanyang wine glass at uminom n
Simula nang bumalik si Elowen sa Pilipinas, lunod ito sa trabaho. Kahit ang paghahanap ng asawa ay isisingit lang nito sa schedule niya kapag tapos na ang shift sa opisina. Sa totoo lang, may tatlong kandidato na umiikot sa utak ni Elowen.Una, si Raynold. Masyadong obvious ang motibo ng kapatid ni River kaya madali itong manipulahin. Ito rin ang pinaka mabilis at pinaka-convenient dahil nasa iisang circle lang sila.Pangalawa, ang bagong assistant nitong si Raymond. Pero masyado itong bata at inosente. Baka ma-in love lang ito sa kanya habang nagpapanggap sila at ayaw ni Elowen na makasira ng kinabukasan ng binata.Pangatlo, si Logan. Ang lalaking umalalay sa kanya sa abroad. Pero ang lalaki rin ang pinaka-ayaw guluhin ni Elowen. Alam niyang may gusto ito sa kanya at nakokonsensya siya dahil kailanman, wala siyang naramdamang pag-ibig para rito. Kung gagamitin niya ito para lang sa kontrata, napaka-iresponsable niya.Sa huli, iisang pangalan lang ang pwede, walang iba kung ‘di si Ray
"Wow. Kailan pa natutong gumamit ng salitang konsensya ang isang dakila na si Hans? Hindi ka ba natatakot na makagat mo ang sarili mong dila sa mga pinagsasasabi mo?"Habang nagtatalo sila, tahimik na dumidila ng lollipop ang bata habang nagpapalipat-lipat ng tingin sa dalawa. Alam ng bata na tatay niya ang lalaking ito. Pero alam din ng bata na ang lalaking ito ang dahilan kung bakit ayaw siyang ipanganak noon. Kaya sa tuwing nakikita nito si Hans, palagi itong may mapanghusgang tingin na parang nangongonsensya. Ito ang dahilan kung bakit hindi makatingin nang diretso si Hans sa sarili nitong anak!Napalunok si Hans at umiwas ng tingin sa bata. "Kailan mo balak ipahiram sa akin ang anak ko para makita ng Lolo niya?"Isang sarkastikong ngiti ang ibinigay ni Paloma. "Sa next life.""Paloma!" sigaw ng binata, "Kahit konting awa na lang! Otso-y-kwatro na ang Lolo ko! Gusto lang niyang makita ang apo niya bago siya mamatay! Masama ba 'yon?!"Tumawa ng mapait si Paloma, hindi makapaniwala
Sa isang high-end restaurant sa BGC, masayang kumakain ang mag-best friend na sina Elowen at Paloma kasama ang kani-kanilang mga anak."Totoo ba talaga?! Pumirma ka ng kontrata kay River?!" nanlalaki ang mga matang tanong ni Paloma. "Girl, diba kahapon lang nagtatago ka at umiiwas sa kanya? Tapos ngayon... business partners na kayo?!"Naintindihan ni Elowen ang gulat ng kaibigan. Ngumiti siya habang dahan-dahang pinupunasan ang gilid ng labi ng anak niyang si Elara. "Bakit? Tatanggi pa ba ako sa grasya? Pera 'yon, Paloma."Tumango-tango si Paloma at pinunasan din ang bibig ng anak niyang lalaki. "Sabagay. Bata pa lang tayo, halimaw ka na pagdating sa negosyo. Palaging nakadikit sa'yo ang pera."Sa isip ni Elowen, “Bakit parang tunog mukhang pera ako do'n?”Nang mapansin ni Paloma ang nakataas na kilay ng kaibigan, natawa ito at mabilis na binago ang statement. "A-Ay, I mean... magaling kang magpa-ikot ng puhunan!"Ibinaba ni Elowen ang kanyang paningin at uminom ng juice.Pagkatapos k
"Totoo naman," kalmadong sagot ni River. "Galing nga sa pamilya Samaniego. Kasi kung hindi ko apelyido ang Samaniego, sa tingin mo ba sasaluhin ko ang mga kalat na iniwan ninyo sa kumpanyang 'to?""Putang—!" Halos mabulunan si Art sa sobrang galit. Wala itong masabi dahil totoo ang sinabi ng anak. Ginamit naman ni Raynold ang sitwasyon para makuha ang atensyon ng mga empleyadong palihim na nakikinig sa labas."River! Ama pa rin natin siya! Kadugo mo siya! Kahit anong gawin mo, tatay mo siya at kailangan mong magpakita ng respeto at utang na loob!"Dahan-dahang inangat ni River ang kanyang paningin saka tinitigan ng malamig ang kapatid. Nakita ni River sa mga mata ng Kuya niya ang tagumpay. Isang mapaglaro at sarkastikong kislap ng mata. Isang ekspresyong kabisadong-kabisado ni River simula pa noong unang araw na tumuntong siya sa mansyon ng mga Samaniego.Magaling magtago ng totoong ugali si Raynold. Sa harap ng Lolo nila, mabait itong Kuya. Pero kapag silang dalawa na lang, lumalaba
Sa labas ng pinto, saktong kakarating lang ni Mateo. Nang marinig niya ang sinabi ni Elowen, nanigas ang buong katawan ng assistant ni River.“Diyos ko po!” sigaw ni Mateo sa isip niya. “Kung ibang tao ang nagsabi niyan kay Boss, siguradong pinatapon na niya 'yan palabas ng Maynila! Magwawala na si Boss!”Pero laking gulat ni Mateo nang marinig niya ang boses ni River."Sige," malambot, kalmado at halos naglalambing pa nga ito. "Next time na lang? Mag-ce-celebrate tayo para sa successful partnership ng dalawang kumpanya."Sa isip ni Mateo, “Nasisiraan na talaga ng bait ang Boss ko.”Sa loob, isang komplikadong tingin ang ipinukol ni Elowen sa binata. Bigla siyang nagsisi na inamin niyang siya ang nagligtas dito noon. Kilala niya si River, ang pinaka-ayaw nito sa lahat ay ang magkaroon ng utang na loob. Ganito rin ang ginawa nito kay Beatrice noon, naging sobrang asikaso dahil inakala nitong iniligtas siya nito. At ngayon, sa kanya naman ginagawa ang pagiging desperado!“Hindi ba kaya
Nasa iisang ospital lang sila ni Beatrice. Matapos mag-alinlangan, natagpuan na lang ni Elowen ang kaniyang mga paa na naglalakad papunta sa VIP Ward.Bago mangyari ang aksidente, sobrang malapit sila ni Beatrice. Hindi man kasing-lalim ng pagkakaibigan nila ni Paloma pero madalas silang kumain sa
Pagkatapos ng isang gabi sa condo ni Paloma, nakaramdam ng kaunting ginhawa si Elowen. Sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon, nakatulog siya nang mahimbing, malayo sa malamig na presensya ng kaniyang asawa at sa impyernong tinatawag niyang bahay.Ngunit kinabukasan, maaga siyang bumango
Sa loob ng isang taong pagsasama nila bilang mag-asawa, naging isang malamig na impyerno ang buhay ni Elowen. Para kay River, hindi siya isang asawa na kailangang mahalin, protektahan at alagaan. Isa lamang siyang laruan na ginagamit para pagbayaran ang isang kasalanang hindi naman niya ginawa. At
Bago pa maka-angal ang mga lalaki, kinaladkad na ni Paloma si Elowen palabas ng VIP room.Pagsapit nila sa ladies' room, agad na binitawan ni Paloma si Elowen. Namumula ang mukha ng dalaga sa sobrang galit at nanginginig ang mga kamay habang nilalabas ang cellphone."Tanginang mga lalaki 'yan!" nan







