مشاركة

5

مؤلف: Anoushka
last update تاريخ النشر: 2026-04-01 17:37:01

Sa gitna ng katahimikan ng opisina, bahagyang nagsalita si Raina. “You know… actually, Jaxen—”

Hindi pa man natatapos ang sasabihin ni Raina, pinutol na siya nito. “I don’t think kaya ng pamilya ninyo ang penalty for breach of contract.”

Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa kanya.

‘Penalty?’

Napakurap si Raina, saka tuluyang natauhan. Oo nga, kontrata ang kasal na ito. Ibig sabihin, hindi lang basta pangako ang nakataya rito… may kapalit.

May parusa. At kung may penalty… Saan sila kukuha ng pambayad?

Biglang bumigat ang dibdib niya.

Naalala niya ang mga nagdaang buwan, ang gastos sa gamutan ng lola nila, ang pag-aalaga rito, at ang burol at libing. Halos maubos na ang lahat ng naipundar ng pamilya nila.

Wala na silang maibibigay.

Kung umalis si Reina noon… at bumalik si Raina sa dati nilang buhay, hindi lang kalungkutan ang haharapin niya.

Utang.

Malalim, walang katapusang utang.

“Or…” malamig na dugtong ni Jaxen, “…iiwan mo ang responsibilidad sa pamilya mo?”

Parang tinamaan si Raina sa dibdib.

“Hindi! Hindi pwede!” agad niyang sagot, sabay iling nang madiin. Halos tumama ang buhok niya sa pisngi niya sa lakas ng paggalaw.

Hindi niya pwedeng gawin iyon.

‘Diyos ko… paano ko sasabihin ang totoo?’

Sa simula, plano lang niya na umamin, sabihin na tumakas ang ate niya, humingi ng tawad, at tanggapin ang anumang kapalit.

Pero ngayon? Penalty pa lang, parang hindi na niya kayang harapin.

Sigurado siyang hindi basta-basta magpapatawad ang lalaking nasa harap niya. Hindi siya ang tipo na naaawa.

Sa isip ni Raina, naglaro ang kung anu-anong nakakatakot na posibilidad, mga eksenang tila hinugot sa bangungot.

“Hindi… ayoko pang mamatay,” mahina niyang bulong, nanginginig.

Dahan-dahan siyang napatingin sa lalaking kaharap niya.

“Tapos ka na bang magsalita?” malamig nitong tanong, sabay talikod.

Sandaling natigilan si Raina.

Sa likod nito, halata ang perpektong tindig, malapad ang balikat, maayos ang tabas ng suot na vest, at bawat galaw ay kontrolado.

Pero hindi iyon ang mahalaga ngayon. Kapag hinayaan niyang umalis ang lalaking iyon, baka hindi na sila muling mag-usap.

“Wait!” bigla niyang tawag, bahagyang napalakas ang boses.

Huminto si Jaxen.

“Jaxen…” nagsimula siya, pilit kinokontrol ang kaba, “kailangan mo ba talaga ng asawa?”

Saglit na katahimikan.

“…Hindi ko maintindihan ang punto mo,” sagot nito, saka siya hinarap.

Nagtagpo ang mga mata nila.

Hindi niya maintindihan kung bakit, pero sa kabila ng kulay nitong tila apoy, wala siyang maramdamang init. Para bang ang lahat ng emosyon nito ay kontrolado, tinago, o marahil… wala talaga.

“Hindi pala laging warm ang red…” naisip ni Raina, sabay lunok.

Pinilit niyang magpatuloy.

“Hanggang hindi pa kayo nakakahanap ng tagapagmana… kailangan n’yo pa ring manatiling kasal, tama?”

“Correct.”

“At… sinabi n’yo rin na susuportahan n’yo ang asawa ninyo, financially, pati sa oras at pangangailangan?”

“Yes.”

Malakas ang tibok ng puso ni Raina.

Hindi na iyon simpleng kaba. Parang bawat segundo, papalapit siya sa isang desisyong hindi na niya mababawi.

Hindi uubra ang awa sa lalaking ito. Hindi rin sapat ang paliwanag. Kung hindi siya mananalo sa lohika… kailangan niyang humanap ng ibang paraan.

Naalala niya ang ate niya, kung paano ito naging magaan, palabiro, palakaibigan. Siguradong sinubukan nitong lapitan si Jaxen noon, baka pa nga nagbiro pa para basagin ang yelo.

Pero ang bumalik?

Isang malamig na “yes” o “no.”

Unti-unti nitong winasak ang loob ng ate niya.

‘Hindi ko kayang gayahin siya,’ tahimik na naisip ni Raina.

Kung hindi niya kayang sabihin ang totoo…kung hindi rin siya pwedeng umalis…kailangan niyang mabuhay dito.

Sa paraang kaya niya.

Napatingin siya ulit kay Jaxen. Ilang taon lang ang tanda nito kay Reina, at mas matanda pa siya kay Raina. Pero sa sandaling iyon, hindi niya ito tiningnan bilang isang estranghero.

Kundi bilang isang hadlang. At posibleng, isang pagkakataon.

Sa isang bahagi ng isip ni Raina, alam niyang dehado siya.

Apat na taon lang ang agwat nila ni Jaxen, pero sa lahat ng aspeto, talino, lakas, karanasan, koneksyon, parang napakalayo ng pagitan nila. Hindi siya pwedeng makipagsabayan nang diretsahan.

Pero kahit ganoon, ayaw niyang matulad kay Reina.

Ayaw niyang maging isang taong tatakbo na lang, iiyak sa gilid, at sa huli ay susuko na lang sa lahat.

‘May mga nabasa akong mystery novels…’ saglit niyang naisip.

Agad niya ring iniling ang ulo. Dahil totoong nangyayari iyon sa buhay niya. Hindi lang basta laro o isang kwento na hindi naman totoo.

Napahinga siya nang malalim.

Kung ang isa ay naglalakad at ang isa ay gumagapang, malinaw kung sino ang may lamang. Pero kung may hawak kang baril… ibang usapan na.

Hindi siya marunong gumamit ng baril. Pero marunong siyang tumira. Hindi literal, pero sa salita.

Pinatatag niya ang loob niya, saka nagsalita.

“Kung tutuusin… hindi ba ikaw ang irresponsible, Jaxen?”

Parang isang palaso ang salitang iyon, diretso, walang babala.

Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Jaxen. Kumunot ang noo nito, pero mabilis ding bumalik sa dati.

“I’m not irresponsible.”

“No,” mariing sagot ni Raina, mas tumapang ang boses. “Ikaw ‘yon. Iniwan mo ang asawa mo sa loob ng bahay na ‘to nang tatlong taon, mag-isa, walang kausap, walang kasama.”

“I gave you everything you needed.”

Napailing siya. “Hindi mo binigay ‘yong pinakaimportante.”

Sandaling katahimikan.

“Gusto kong makipag-usap. Gusto kong makakita ng tao. Gusto kong mabuhay nang normal,” dugtong niya, mas mahinahon pero mas mabigat ang dating.

Nanatiling tuwid ang tindig ni Jaxen. “That’s against the contract.”

“Kung ibang tao, oo,” sagot ni Raina, mabilis. “Pero ikaw? Hindi ka ba kasama doon?”

Saglit na natigilan si Jaxen.

Doon bahagyang lumakas ang loob ni Raina.

“Hindi ka man lang pumupunta. Hindi ka nakikialam kung bored ako, kung malungkot ako, kung may sakit ako,” patuloy niya, unti-unting lumalalim ang emosyon. “Anong klaseng asawa ‘yon?”

Hindi agad sumagot si Jaxen. At sa katahimikang iyon, naramdaman ni Raina na tumama ang sinabi niya.

“Kung tinuring mo akong asawa…” mahina niyang dagdag, “…hindi ako aabot sa puntong gusto ko nang sumuko.”

“…umabot ka sa ganon?” malamig na tanong ni Jaxen.

Hindi naman talaga.

Pero hindi na siya umatras. Hindi na niya itinama.

Nanatili siyang tahimik, hinayaan niyang maniwala ito. Sa laban na ito, bawat pagkakataon mahalaga.

“Kung gagawin ko ang responsibilidad ko bilang asawa…” dahan-dahang sabi ni Jaxen, nakatingin sa kanya, “…pangako mo ba na hindi mo na iisipin ang pagtakas?”

“Of course,” agad niyang sagot, kahit kumakabog ang dibdib niya. “Walang taong kayang mabuhay nang mag-isa.”

“Is that so…”

May kakaibang pagbabago sa tono nito.

Bago pa siya makareact, biglang nag-iba ang mundo niya.

Napahiga siya sa kama, hindi niya namalayang napaatras siya. Ang likod niya ay dumikit sa malambot na kutson, habang ang paningin niya ay napuno ng mukha ni Jaxen, napakalapit.

Masyadong malapit.

Hindi siya makahinga nang maayos.

“Jaxen… masyado kang—”

“I’ll have them prepare food later,” putol nito, parang walang narinig.

Napatingin si Raina sa gilid, ang maliit na mesa na may pagkain kanina ay nasa sahig na.

Saglit siyang napailing.

‘Sayang naman…’

Pero hindi iyon ang dapat niyang iniisip ngayon.

Mas mabigat ang presensya ng lalaking nasa ibabaw niya.

Hindi siya hinahawakan, pero ramdam niya ang bigat, parang may pader na nakadagan sa kanya. Ang aura nito ay parang isang matalim na sandata na nakatutok sa kanya, handang umatake anumang oras.

“Do you need time to think?” tanong nito, mababa ang boses.

Napakurap si Raina.

‘Mag-isip? Tungkol saan?’

Hindi niya maintindihan kung bakit biglang naging ganito ang sitwasyon. Ilang segundo lang ang nakalipas, nag-uusap sila. Ngayon, parang ibang laban na.

Napalinga siya, halos reflex, sinigurong wala talagang kung anong matalim na bagay sa leeg niya.

Pero kahit wala, ramdam niya pa rin ang panganib. At sa pagkakataong iyon, mas lalong lumakas ang tibok ng puso niya, hindi lang sa takot…kundi sa isang pakiramdam na hindi niya pa kayang pangalanan.

استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق

أحدث فصل

  • She Replaced the Billionaire’s Wife   89

    Hindi porket bayad na ang isang trabaho ay tapos na ang lahat.Sa mundong ginagalawan ni Jaxen, walang kasiguraduhan ang kahit ano. Kapag may pera kang hawak, may mga taong handang pumatay para maagaw iyon. May ibang dating kasamahan, mga kriminal sa kalsada, at kung sinu-sinong oportunista na laging nakaabang sa pagkakamali niya.Normal na lang para sa kaniya ang malason ang pagkain o gamot. Kahit ang pag-atake habang natutulog siya, halos mabait na paraan na iyon kumpara sa ibang naranasan niya. Minsan pa nga, sinunog mismo ang motel na tinutuluyan niya habang nasa loob siya.Doon lumaki si Jaxen.Bago niya natutunang may kabutihan pala sa tao, una niyang nakilala ang kasamaan. Bago siya natutong magtiwala, matagal muna siyang nabuhay sa puro pagdududa. At bago niya naisip na may pag-ibig, mas nauna niyang natutunang magsara ng puso.Mahigit dalawampung taon siyang namuhay nang ganoon.Kahit pa ilang taon na ang lumipas mula nang mabago ang buhay niya, mula nang ampunin siya ng isan

  • She Replaced the Billionaire’s Wife   88

    Napanginig si Raina at mahina niyang nasabi, halos parang nagmamakaawa sa sarili.“Jaxen… ang lamig…”“Gano’n pa rin?” tugon nito, mababa ang tinig, may halong pag-aalala at pananabik.Hindi niya maintindihan kung bakit hindi niya mapigilan ang sarili. Kanina pa niya pinipilit na itulak palayo si Jaxen, pero kabaliktaran ang nangyayari, siya pa ang kusang lumalapit.Ngumiti siya, ngunit ang ngiting iyon ay puno ng kahinaan, parang anumang sandali ay matutunaw at magiging luha.Ayaw niyang lumayo.Gusto niyang manatili sa tabi nito. Gusto niyang halikan siya. Gusto niyang maramdaman ang init ng katawan nito laban sa kanya.Ang labo… gusto ko siya. Bakit ko pa siya itutulak? tanong niya sa sarili, nalulunod sa sariling emosyon.Hindi na mahalaga kung nasa loob sila ng mansyon ng First Lady. Tahimik ang silid, sarado ang pinto, at walang ibang makakakita. Tungkol sa hapunan? Sinabi na ni Jaxen, you can skip it.At hindi naman kasalanan ng isang asawa ang magtiwala sa sinabi ng kanyang as

  • She Replaced the Billionaire’s Wife   87

    Mula sa main building ng Malacañang papunta sa isang pribadong wing sa hilagang bahagi ng compound, wala pang dalawampung minuto ang biyahe. Ngunit kahit gano’n kaikli ang distansya, tila hindi iyon sapat para kay Jaxen.Pagkapasok pa lang nila sa isang bakanteng silid, hindi na siya nag-aksaya ng oras. Hindi man lang niya sinindihan ang ilaw, agad niyang itinulak si Raina sa dingding, ang galaw ay mabilis at walang pag-aalinlangan.“Sandali, Jaxen… nasa loob pa tayo ng Palasyo,” pigil-hiningang sabi ni Raina, bahagyang napapikit.“Ano naman kung saan tayo?” sagot niya, malamig ngunit mabigat. “What does the place matter kung mahal ko ang asawa ko?”“Syempre may kinalaman ‘yon!” giit ni Raina, pilit hinahabol ang sarili.“Then I’ll make it irrelevant,” sagot niya nang diretso.“Ano ba, ah!”Hindi na niya natapos ang sasabihin nang hilahin ni Jaxen ang bahagi ng kanyang damit sa dibdib. Ang basang tela na kanina’y dikit sa kanyang balat ay agad napunit at dumulas pababa, kasabay ng bah

  • She Replaced the Billionaire’s Wife   86

    “Sa tingin niyo, importante pa ba ‘yan ngayon?”Walang sumagot sa tanong ni Raina. Nagtitigan lang ang mga babae, bawat isa ay parang naghihintay na may ibang maunang kumilos.Hanggang sa biglang may isang kamay na dahan-dahang tumaas.“I… hindi ko na kaya. Sobrang lamig na ng tubig,” mahina pero matapang na sabi ni Mrs. Esteban. “Kailangan na nating makalabas dito.”Agad na lumapit si Raina sa kanya, walang pag-aalinlangan. Hinawakan niya ang baywang ng damit nito at mabilis na pinutol ang strap na nakakabit dito gamit ang kutsilyo. Hindi man ganoon katalas ang talim, sapat na ang karanasan niya kanina para malaman kung paano mapapadali ang pagpunit ng tela.At gaya ng inaasahan, madali nang natanggal ang palda.Ah… kaya pala gano’n kadali para kay Jaxen… saglit na pumasok sa isip ni Raina. Pero siyempre, kung siya ‘yun, baka sampung segundo lang, tapos na… kahit armor pa suot.“Mrs. Esteban, kaya niyo bang tumayo?” tanong niya habang inaalalayan ito.“Oo… salamat,” mahina nitong sag

  • She Replaced the Billionaire’s Wife   85

    Kahit pa wala silang praktikal na kaalaman sa ganitong sitwasyon, hindi naman basta-basta ang First Lady. Lumaki itong sanay sa kapangyarihan, isang daliri lang ang ituturo, susunod na ang lahat. Imposibleng hindi niya alam na ang sunog ay isang emerhensiya. Ngunit ang sinabi niya kanina, na tila inaasahan niyang biglang lilitaw si Jaxen para iligtas si Raina, ay masyadong kakaiba.Parang… may inaasahan siyang eksena.“Ma’am… kayo ba…?” mahinang tanong ni Raina, ngunit agad din niyang kinagat ang sariling labi.Hindi niya tinuloy ang naisip.Hindi niya kayang itanong nang direkta kung ang First Lady mismo ang may kagagawan ng sunog. Kahit gaano pa ito kahina-hinala, alam niyang isang maling salita lang ay maaaring magdulot ng mas malaking gulo, isang bagyong hindi niya kayang kontrolin.Pero hindi maikakaila, may mali.Hindi kandila ang ilaw sa tea room, kundi mga modernong ilaw na hindi basta-basta nagiging sanhi ng apoy. Walang naninigarilyo. Kahit ang pagpainit ng tubig ay hindi ga

  • She Replaced the Billionaire’s Wife   84

    Nang mapansin ni Mrs. Teves ang sinabi ni Raina at napalingon siya, agad nanigas ang balikat niya. May manipis na usok na kulay abo na unti-unting umaangat mula sa ilalim ng sofa, hindi agad halata, pero sapat para magdulot ng kaba.“Ano ‘to? Bakit may usok dito?” nanginginig niyang tanong, sabay atras nang bahagya.“Umalis kayo diyan! Baka magliyab ang damit!” sigaw ng isa sa mga babae, halatang kinakabahan na.“Ang baho… parang may nasusunog. Give me the fan,” sabi ng isa pa, tinatakpan ang ilong habang sinusubukang paypayan ang ilalim ng sofa.“Don’t fan it!” biglang sigaw ni Raina, pero huli na.Ilang beses pa lamang naipapaypay, biglang sumiklab ang apoy mula sa ilalim. Napasigaw ang lahat. Para bang ginising ang isang natutulog na halimaw, lumakas ang apoy, gumapang palabas, at sa isang iglap ay naging malinaw na hindi ito simpleng usok lang.Nagkagulo ang mga babae. May natapilok sa gulat, may natumba sa mesa, at nagkalat ang mga tasa at pinggan. Ang iba’y napaatras, natatapaka

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status