Se connecterTahimik ang buong mansyon habang dahan-dahang naglalakad si Raina papunta sa isang bahagi ng bahay na matagal na niyang hindi pinupuntahan sa ilang linggo niyang pananatili sa mansyon.
Huminto siya sa harap ng isang pinto at bahagyang nag-alinlangan bago ito buksan.
Ang “Doll Room.”
Isa ito sa mga kakaibang hilig ng kapatid niyang si Reina, isang silid na puno ng wax figures na kahawig ng mga totoong tao. Sa tuwing pumapasok siya rito, hindi niya maiwasang makaramdam ng kakaibang kilabot, kahit pa ilang beses na niya itong nakita.
Pagpasok niya, bumungad agad sa kanya ang mga pigurang nakahilera, nakasuot ng magagarang damit, nakapwesto na parang may sariling mundo. Ang buong silid ay parang isang malaking dollhouse na may detalyadong disenyo, mula sa background hanggang sa ilaw, parang buhay, kahit hindi gumagalaw.
Napabuntong-hininga si Raina habang nakapamewang.
“She’s really something…” mahina niyang sabi, may halong disbelief at konting amusement.
Sa kabila ng kakaibang dating ng silid, napangiti siya nang bahagya. Kung tutuusin, may sariling paraan talaga si Reina para gawing makulay ang isang lugar, even in a space this quiet.
Dahan-dahan siyang naglakad sa pagitan ng mga figurine, sinusuri ang bawat isa.
At doon siya napahinto. May isang wax figure na hindi niya pa nakikita noon.
Bahagya siyang napakunot-noo at lumapit. Hindi niya alam kung bakit, pero parang may humila sa kanya papunta roon.
Napakaganda nito.
Maputi ang balat, makinis at tila kumikislap sa ilaw. Ang maitim na buhok ay bumabagay sa malinaw na hubog ng mukha. Matangos ang ilong, matalas ngunit elegante ang panga, at ang mga mata…
Pula.
Simple lang ang suot nito, itim na vest at puting polo sa loob, pero halatang mamahalin. At kahit natatakpan ng tela, hindi maikakaila ang perpektong hubog ng katawan nito.
“How… beautiful…” halos pabulong niyang sambit.
Napako ang tingin niya rito, tila ba nahihirapang huminga habang pinagmamasdan ang bawat detalye. Sa lahat ng figurine sa silid, ito ang may kakaibang dating, hindi lang basta maganda, kundi may presensya.
“Parang may kamukha ka…” dagdag pa niya, bahagyang napailing.
May kung anong pamilyar sa itsura nito. Hindi niya agad matukoy kung saan niya nakita, pero sigurado siyang hindi ito unang beses.
Habang nakatitig siya, hindi niya namalayang may tumulong luha sa gilid ng mata niya. Dahan-dahan niya iyong pinunasan.
“Don’t rub your eyes like that.”
Nanigas si Raina. Unti-unti niyang ibinaba ang kamay niya, halos hindi makagalaw.
Parang tumigil ang oras. Mabagal siyang tumingin pabalik sa wax figure.
Nakatitig pa rin ito sa kanya. Ngunit ngayon… iba na.
At bago pa siya makagalaw, gumalaw ang mga labi nito.
“Have you said the important thing?”
Napatili si Raina.
Isang malakas, walang pigil na sigaw ang kumawala sa kanya, punong-puno ng takot at gulat. At sa sumunod na sandali, nagdilim ang paningin niya.
***
Pagmulat ng mga mata niya, ang unang bumungad ay ang kisame ng kanyang kwarto.
Ang puting canopy ng kama, may burdang gintong rosas, ay dahan-dahang sumasabay sa hangin mula sa bintana. Mula sa labas, pumapasok ang mapulang liwanag ng dapithapon, nagbibigay ng mainit ngunit tahimik na ambience sa paligid.
Huminga siya nang malalim, pilit inaayos ang sarili. Ngunit kahit nakahiga na siya sa pamilyar na kama…
Nanatili ang kaba sa dibdib niya. At ang imahe ng lalaking iyon,
Hindi mawala sa isip niya.
“Ah… oo nga. Yung pulang mata…”
Biglang napabangon si Raina sa kama, tila may naalalang mahalagang detalye. Kanina lang, dahil sa sobrang pagkabagot sa pagbabasa, napadpad siya sa “Doll Room” na ginawa ni Reina para lang magpalipas ng oras. Doon niya nakita ang isang wax figure na hindi niya pa nakikita noon.
At… kinausap siya nito.
Napapikit siya sandali, saka napahawak sa noo.
“Did I read too many mystery novels…” bulong niya sa sarili, bahagyang napapailing. “Siguro imagination ko lang ‘yon…”
Unti-unting kumalma ang isip niya habang sinusubukang gawing rational ang lahat.
“Yeah… that makes sense,” mahina niyang sabi, pilit kinukumbinsi ang sarili.
Huminga siya nang malalim at bumaba mula sa kama. Lumapit siya sa bintana at hinila ang kurtina para papasukin ang liwanag.
“Are you awake?”
Nanigas si Raina.
Mabagal siyang lumingon, at doon niya nakita ang isang matangkad na lalaki, nakatayo sa loob ng kwarto. Pamilyar ang itsura. Masyadong pamilyar.
Ang “wax figure.”
Muli siyang nawalan ng malay.
Pagmulat niya ulit ng mata, pareho pa rin ang tanawin, tila hindi pa rin lumilipas ang oras.
Napakunot ang noo niya. ‘Déjà vu ba ‘to…?’
Hindi niya maiwasang isipin na baka dahil ito sa mga binasa niyang libro, mula sa mystery, napunta na siya sa fantasy. Baka naglalaro na lang ang isip niya.
Dahan-dahan siyang bumangon, pilit kinakalma ang sarili. Ngunit bago pa siya tuluyang makatayo, kusa na namang bumukas ang kurtina.
“If you’re up, let’s eat first.”
Napahinto si Raina. Hindi siya nahimatay sa pagkakataong iyon, pero muntik na.
Napaurong siya, halos mapasandal sa kama habang hawak ang dibdib na parang lalabas na ang puso sa lakas ng tibok.
Kung makikita siya ni Reina ngayon, siguradong pagtatawanan siya nito. Para siyang may sariling awkward dance move sa sobrang kaba.
Sa kabilang banda, ang lalaking nasa harap niya ay nanatiling kalmado. Parang walang nangyari. Parang normal lang ang lahat.
Tahimik nitong inilapag ang maliit na mesa sa tabi ng kama. Sa ibabaw nito ay may mainit na croquette, chicken pie, cabbage soup, at fruit salad, maayos na nakahain, parang eksena sa isang fine dining setup.
“You haven’t eaten all day,” mahinahon nitong sabi. “You’ve skipped meals before, pero hindi maganda ‘yon. From now on, we’ll set an alarm para kumain ka on time.”
“H-Hey…” hirap na sambit ni Raina.
Hanggang ngayon, hindi pa rin niya lubos maintindihan ang nangyayari.
Unti-unti niyang tinaas ang tingin sa lalaki. At doon tuluyang pumasok sa isip niya ang katotohanan.
‘Hindi siya wax figure. At hindi rin panaginip ito. Siya… si Jaxen?!’ sigaw niya sa isipan.
Napasinghap si Raina.
‘No, I know that already…’
Nagtagpo ang mga mata nila.
“Should I call a maid to assist you?” kalmadong tanong nito.
Agad siyang napailing, halos marahas.
“W-Wait… anong nangyayari dito?” nauutal niyang tanong.
Hindi niya maintindihan kung bakit naroon ito, sa mismong kwarto na dapat ay para sa asawa nito, para kay Reina.
At mas lalong hindi niya maintindihan kung bakit parang normal lang dito ang lahat.
Pinagmasdan niya ito.
Tuwid ang tindig, at hindi man lang nag-abala na umupo o yumuko para pantayan ang tingin niya. May kakaibang lamig sa kilos nito, parang sanay na hindi kailangang mag-adjust para sa iba.
“Well… Jaxen…” mahina niyang tawag.
Bahagyang tumaas ang kilay ng lalaki.
“Edmond,” maikli nitong sagot.
Napakurap si Raina.
Doon lang niya na-realize, ni hindi pala niya alam ang totoong pangalan nito, iyon lang ang tawag ni Reina nang magkita sila.
Sa loob ng tatlong taon, ni minsan hindi niya ito nakita nang maayos. At ngayon… nasa harap niya ito, pero hindi pa rin niya alam kung paano ito tatawagin.
“Ah… Mr. Edmond…” alangan niyang sabi.
“You don’t need to say Mister.”
Napahinto siya, lalong nataranta.
“No… that’s not it. Actually, my sister, ”
“I already told you,” putol nito, malamig ang tono. “Hindi puwedeng i-terminate ang kontrata.”
“What?” napalakas ang boses ni Raina sa gulat.
Tinitigan siya ni Jaxen, seryoso at walang bahid ng pag-aalinlangan.
“I’ve provided everything you need. Financial support, time, freedom. Hindi ako nakialam sa gusto mong gawin,” tuloy nito. “Pero hindi ibig sabihin no’n hahayaan kitang pabayaan ang sarili mo.”
“N-No, hindi naman ako—”
“You’ll continue to stay as my wife,” mariin nitong sabi. “Unless I decide to transfer that role to someone else. That was the agreement.”
Nanlaki ang mga mata ni Raina. Unti-unti niyang naintindihan.
‘Iniisip niya… ako si Reina.’
At higit pa roon, akala nito, sinusubukan niyang saktan ang sarili niya… dahil sa pagkabagot o kawalan ng kalayaan.
Napakagat-labi si Raina, hindi malaman kung matatawa o maiinis.
Sa dami ng gusto niyang sabihin… wala ni isang lumabas sa bibig niya. At sa harap ng lalaking iyon, mas lalo niyang naramdaman kung gaano kagulo ang sitwasyong pinasok niya.
Hindi porket bayad na ang isang trabaho ay tapos na ang lahat.Sa mundong ginagalawan ni Jaxen, walang kasiguraduhan ang kahit ano. Kapag may pera kang hawak, may mga taong handang pumatay para maagaw iyon. May ibang dating kasamahan, mga kriminal sa kalsada, at kung sinu-sinong oportunista na laging nakaabang sa pagkakamali niya.Normal na lang para sa kaniya ang malason ang pagkain o gamot. Kahit ang pag-atake habang natutulog siya, halos mabait na paraan na iyon kumpara sa ibang naranasan niya. Minsan pa nga, sinunog mismo ang motel na tinutuluyan niya habang nasa loob siya.Doon lumaki si Jaxen.Bago niya natutunang may kabutihan pala sa tao, una niyang nakilala ang kasamaan. Bago siya natutong magtiwala, matagal muna siyang nabuhay sa puro pagdududa. At bago niya naisip na may pag-ibig, mas nauna niyang natutunang magsara ng puso.Mahigit dalawampung taon siyang namuhay nang ganoon.Kahit pa ilang taon na ang lumipas mula nang mabago ang buhay niya, mula nang ampunin siya ng isan
Napanginig si Raina at mahina niyang nasabi, halos parang nagmamakaawa sa sarili.“Jaxen… ang lamig…”“Gano’n pa rin?” tugon nito, mababa ang tinig, may halong pag-aalala at pananabik.Hindi niya maintindihan kung bakit hindi niya mapigilan ang sarili. Kanina pa niya pinipilit na itulak palayo si Jaxen, pero kabaliktaran ang nangyayari, siya pa ang kusang lumalapit.Ngumiti siya, ngunit ang ngiting iyon ay puno ng kahinaan, parang anumang sandali ay matutunaw at magiging luha.Ayaw niyang lumayo.Gusto niyang manatili sa tabi nito. Gusto niyang halikan siya. Gusto niyang maramdaman ang init ng katawan nito laban sa kanya.Ang labo… gusto ko siya. Bakit ko pa siya itutulak? tanong niya sa sarili, nalulunod sa sariling emosyon.Hindi na mahalaga kung nasa loob sila ng mansyon ng First Lady. Tahimik ang silid, sarado ang pinto, at walang ibang makakakita. Tungkol sa hapunan? Sinabi na ni Jaxen, you can skip it.At hindi naman kasalanan ng isang asawa ang magtiwala sa sinabi ng kanyang as
Mula sa main building ng Malacañang papunta sa isang pribadong wing sa hilagang bahagi ng compound, wala pang dalawampung minuto ang biyahe. Ngunit kahit gano’n kaikli ang distansya, tila hindi iyon sapat para kay Jaxen.Pagkapasok pa lang nila sa isang bakanteng silid, hindi na siya nag-aksaya ng oras. Hindi man lang niya sinindihan ang ilaw, agad niyang itinulak si Raina sa dingding, ang galaw ay mabilis at walang pag-aalinlangan.“Sandali, Jaxen… nasa loob pa tayo ng Palasyo,” pigil-hiningang sabi ni Raina, bahagyang napapikit.“Ano naman kung saan tayo?” sagot niya, malamig ngunit mabigat. “What does the place matter kung mahal ko ang asawa ko?”“Syempre may kinalaman ‘yon!” giit ni Raina, pilit hinahabol ang sarili.“Then I’ll make it irrelevant,” sagot niya nang diretso.“Ano ba, ah!”Hindi na niya natapos ang sasabihin nang hilahin ni Jaxen ang bahagi ng kanyang damit sa dibdib. Ang basang tela na kanina’y dikit sa kanyang balat ay agad napunit at dumulas pababa, kasabay ng bah
“Sa tingin niyo, importante pa ba ‘yan ngayon?”Walang sumagot sa tanong ni Raina. Nagtitigan lang ang mga babae, bawat isa ay parang naghihintay na may ibang maunang kumilos.Hanggang sa biglang may isang kamay na dahan-dahang tumaas.“I… hindi ko na kaya. Sobrang lamig na ng tubig,” mahina pero matapang na sabi ni Mrs. Esteban. “Kailangan na nating makalabas dito.”Agad na lumapit si Raina sa kanya, walang pag-aalinlangan. Hinawakan niya ang baywang ng damit nito at mabilis na pinutol ang strap na nakakabit dito gamit ang kutsilyo. Hindi man ganoon katalas ang talim, sapat na ang karanasan niya kanina para malaman kung paano mapapadali ang pagpunit ng tela.At gaya ng inaasahan, madali nang natanggal ang palda.Ah… kaya pala gano’n kadali para kay Jaxen… saglit na pumasok sa isip ni Raina. Pero siyempre, kung siya ‘yun, baka sampung segundo lang, tapos na… kahit armor pa suot.“Mrs. Esteban, kaya niyo bang tumayo?” tanong niya habang inaalalayan ito.“Oo… salamat,” mahina nitong sag
Kahit pa wala silang praktikal na kaalaman sa ganitong sitwasyon, hindi naman basta-basta ang First Lady. Lumaki itong sanay sa kapangyarihan, isang daliri lang ang ituturo, susunod na ang lahat. Imposibleng hindi niya alam na ang sunog ay isang emerhensiya. Ngunit ang sinabi niya kanina, na tila inaasahan niyang biglang lilitaw si Jaxen para iligtas si Raina, ay masyadong kakaiba.Parang… may inaasahan siyang eksena.“Ma’am… kayo ba…?” mahinang tanong ni Raina, ngunit agad din niyang kinagat ang sariling labi.Hindi niya tinuloy ang naisip.Hindi niya kayang itanong nang direkta kung ang First Lady mismo ang may kagagawan ng sunog. Kahit gaano pa ito kahina-hinala, alam niyang isang maling salita lang ay maaaring magdulot ng mas malaking gulo, isang bagyong hindi niya kayang kontrolin.Pero hindi maikakaila, may mali.Hindi kandila ang ilaw sa tea room, kundi mga modernong ilaw na hindi basta-basta nagiging sanhi ng apoy. Walang naninigarilyo. Kahit ang pagpainit ng tubig ay hindi ga
Nang mapansin ni Mrs. Teves ang sinabi ni Raina at napalingon siya, agad nanigas ang balikat niya. May manipis na usok na kulay abo na unti-unting umaangat mula sa ilalim ng sofa, hindi agad halata, pero sapat para magdulot ng kaba.“Ano ‘to? Bakit may usok dito?” nanginginig niyang tanong, sabay atras nang bahagya.“Umalis kayo diyan! Baka magliyab ang damit!” sigaw ng isa sa mga babae, halatang kinakabahan na.“Ang baho… parang may nasusunog. Give me the fan,” sabi ng isa pa, tinatakpan ang ilong habang sinusubukang paypayan ang ilalim ng sofa.“Don’t fan it!” biglang sigaw ni Raina, pero huli na.Ilang beses pa lamang naipapaypay, biglang sumiklab ang apoy mula sa ilalim. Napasigaw ang lahat. Para bang ginising ang isang natutulog na halimaw, lumakas ang apoy, gumapang palabas, at sa isang iglap ay naging malinaw na hindi ito simpleng usok lang.Nagkagulo ang mga babae. May natapilok sa gulat, may natumba sa mesa, at nagkalat ang mga tasa at pinggan. Ang iba’y napaatras, natatapaka







