Share

7

Author: Anoushka
last update publish date: 2026-04-01 19:03:47

Sa mundong ginagalawan nila, malinaw ang batas, kapag patuloy na tumatanggi ang isang asawa sa relasyon nang walang sapat na dahilan, maaari itong mauwi sa legal na paghihiwalay. At higit pa roon, ang tumatanggi ay maaaring maakusahan ng panlilinlang sa asawa.

Pero hindi iyon ang gusto ni Raina.

“Ang hinihingi ko lang naman… ay isang normal na relasyon,” mahina niyang sabi, halos hindi niya marinig ang sarili. “Hindi… hindi lang tungkol sa gano’n. Ayoko ring humingi ng gano’n mula sa’yo.”

“Is that so?” mahinang sagot ni Jaxen, bahagyang ikiniling ang ulo.

Napanginig si Raina, kahit hindi niya maipaliwanag kung bakit. Oo, guwapo ito, nakakahilo pa nga sa sobrang dating, pero may kung anong bagay sa kanya na nagpapakaba.

“Hindi mo na kailangang pilitin ang sarili mo,” dagdag ni Raina, pilit inaayos ang boses. “Hindi mo kailangang gampanan ‘yung… tungkulin mo bilang asawa.”

Bahagyang gumalaw ang buhok niya sa balikat habang humihinga siya, at doon lalo siyang naging aware sa sarili niyang presensya sa harap nito.

Tahimik lang si Jaxen, pinagmamasdan siya. Masyadong kalmado at masyadong tahimik.

Hindi niya maiwasang ihambing ang sarili niya sa taong pinapalitan niya. Tatlong taon, hindi man ganoon kahaba, pero sapat para magbago ang isang tao. Tatlong taon na halos walang kausap, walang pamilya, walang koneksyon.

Natural lang sigurong magbago si Reina.

Pero kahit ganoon, may kakaibang pakiramdam si Jaxen habang tinitingnan si Raina, isang uri ng pagnanasa na hindi niya agad maipaliwanag. 

“Mrs. Camillo,” mahina nitong tawag.

“Yes…” sagot ni Raina, napahigpit ang hawak sa sarili.

Lumapit ito nang kaunti. At sa bawat hakbang nito, mas lalong bumibilis ang tibok ng puso niya.

Hindi niya maintindihan ang iniisip nito.

“I’m not an irresponsible husband.”

“I know…” mabilis niyang sagot. “Nagkamali lang ako, misunderstanding lang ‘to—”

“And you said hindi lang ikaw ang may kasalanan.”

Napahinto si Raina. “H-ha? Oo… siguro…”

Mahilig si Raina sa mga libro. Sanay siyang manood, magmasid, mag-analyze. Hindi siya tulad ni Reina na kayang manguna, magbiro, o basta na lang sumabak sa gitna ng eksena.

Pero ngayon, siya ang nasa gitna. At hindi niya alam kung paano lalabas.

‘Anong gagawin niya sa’kin…?’

Bigla niyang pinagsisihan ang paghingi niya ng usapan.

Hindi niya kailangan ng awa. Hindi niya kailangan ng atensyon. Ang kailangan niya, ay makahinga.

“Look at me.”

Hindi niya namalayang napatingin siya. Parang kusa na lang gumalaw ang katawan niya, sumusunod sa boses nito.

Biglang uminit ang pisngi niya, kahit hindi naman mainit ang paligid.

“If you won’t ask me… then I will.”

“…Ha?” halos mabulunan siya sa sariling laway.

Hindi tama ang narinig niya.

“I want us to have a proper marital relationship.”

Nanlaki ang mata ni Raina.

“Hindi, hindi pwede!” agad niyang sagot, nanginginig ang boses. “Tatlong taon kang wala… tapos ngayon—”

“Then I’ll make up for those three years.”

“Are you serious?” halos pabulong na tanong niya.

“I mean it.”

Ngumiti si Jaxen, isang ngiting kayang tunawin ang kahit sinong makakakita.

Pero para kay Raina, nakakatakot iyon.

Napakalapit na nila sa isa’t isa. Halos wala nang distansya. Hindi na siya makasagot.

Nakatitig lang siya, nakabuka ang labi, parang nawalan ng kakayahang magsalita.

“So?” tanong ni Jaxen. “Ano ang gusto mong mangyari? Kung ayaw mo, pwede mong sabihin.”

“H-hindi ko…”

“I won’t divorce you just because tumanggi ka,” dagdag nito, kalmado pa rin. “Pero madidismaya lang ako… sa asawa kong walang pananagutan.”

Biglang napaangat ang ulo ni Raina. “Sino ang walang pananagutan?!”

Bahagyang tumaas ang kilay ni Jaxen. “So… tatanggapin mo?”

‘Diyos ko…’ Napalunok si Raina.

Ngayon niya tuluyang naintindihan.

Ang lalaking ito, alam niya ang ginagawa niya. Isang mahusay na negosyante.

Isang taong kayang manipulahin ang sitwasyon, gamitin ang boses, ang presensya, at pati ang sarili niyang anyo para makuha ang gusto niya.

At sa pagkakataong iyon, siya ang target.

Biglang kumabog ang dibdib ni Raina.

‘Delikado ang lalaking ‘to…’

Parang may alarm na sabay-sabay tumunog sa isip niya. Ramdam niya, kapag hinayaan niyang magpatuloy ang sitwasyon, tuluyan na siyang mahihila ni Jaxen sa direksyong gusto nito.

“Wait, Jaxen…” mabilis niyang sabi, pilit pinapakalma ang sarili. “Kailangan ba talaga ngayon?”

Bahagyang tumaas ang kilay ng lalaki. “Kung may dahilan kung bakit hindi dapat ngayon, sabihin mo.”

“Hindi naman sa ganon, ah…” napasinghap siya, napahigpit ang hawak sa sarili nang maramdaman ang mainit na hininga nito na dumampi sa leeg niya.

“Mr. Camillo…” nanginginig ang boses niya.

“I told you,” mahinang bulong nito, “huwag mo na akong tawaging parang pormal. You can call me Jaxen or Edmond if you want. Just drop na Mr.”

Dahan-dahang dumulas ang labi nito sa gilid ng leeg niya. Napapikit si Raina, napakapit sa kumot, habang ang bawat dampi ay parang nag-iiwan ng init na hindi niya maintindihan kung saan ilalagay.

“Ah…” napasinghap siya, hindi na niya napigilan.

Namula ang buong mukha niya, mula pisngi hanggang tenga, habang pilit niyang hinahabol ang sarili niyang paghinga. Parang naghalo ang hiya at takot, at hindi niya alam kung alin ang mas nangingibabaw.

Habang pilit niyang inaayos ang sarili, napansin niyang gusot na ang suot niyang damit. Bahagya itong nakataas, hindi niya namalayang ganoon na pala ang ayos niya.

“Jaxen…” mahina niyang tawag, halos pakiusap na.

“Yes, Reina,” sagot nito, mababa ang boses, tila sinasadya ang paraan ng pagbigkas sa pangalan na iyon.

Sa isang iglap, naramdaman ni Raina na gumaan ang suot niya, parang may nawala. Nagulat siya, napatingin sa lalaki, at doon niya napansing hindi na maayos ang damit niya.

“Yong… damit ko…” nauutal niyang sabi, bakas ang pag-aalala. “Mahal ‘yon…”

“I’ll replace it,” diretso nitong sagot, na para bang walang halaga ang bagay na iyon.

Napatigil si Raina.

Hindi niya maiwasang masaktan, hindi dahil sa damit mismo, kundi dahil sa paraan ng pagtrato rito. Hindi niya kailanman naranasang gumastos nang ganoon kalaki para sa sarili. Lahat ng meron siya noon, inubos para sa pamilya.

At ngayon, isang iglap lang, wala na.

At tila doon din nagsimulang humina ang loob niya.

Napansin iyon ni Jaxen. Hindi nito sinayang ang sandali.

Muli itong lumapit, mas malapit kaysa kanina, at sa pagkakataong iyon, mas ramdam na ni Raina ang presensya nito, hindi madaling tanggihan.

“Stop… please…” mahina niyang sabi, pilit itinutulak ang balikat nito.

Pero parang walang epekto.

“Bastos ka!” bigla niyang nasabi, nanginginig ang boses. “Ang manyak mo!”

Bahagyang napangiti si Jaxen, isang ngiting hindi umaabot sa mga mata.

“I don’t think that’s how you should describe your husband.”

“Paano mo nagagawa ‘to?” galit at takot ang magkahalong emosyon sa boses ni Raina.

“This is normal,” sagot nito, kalmado pa rin. “This is what couples do.”

Napatigil si Raina.

Sa paraan ng pagsagot nito, parang walang mali.

Parang natural lang ang lahat.

Pero para sa kanya, hindi.

Sa kabila ng kagwapuhan ni Jaxen, sa kabila ng charm at boses nito na kayang magpahina ng loob, may isang bagay na malinaw kay Raina.

Ang ngiti nito ay hindi masaya. Hindi rin mainit.

Sa likod ng maayos na itsura at kaakit-akit na presensya, may isang uri ng gutom.

Isang pagnanais na hindi niya kayang sabayan. At habang nakatingin ito sa kanya, pakiramdam niya, matagal na nitong pinigilan ang nararamdaman.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • She Replaced the Billionaire’s Wife   89

    Hindi porket bayad na ang isang trabaho ay tapos na ang lahat.Sa mundong ginagalawan ni Jaxen, walang kasiguraduhan ang kahit ano. Kapag may pera kang hawak, may mga taong handang pumatay para maagaw iyon. May ibang dating kasamahan, mga kriminal sa kalsada, at kung sinu-sinong oportunista na laging nakaabang sa pagkakamali niya.Normal na lang para sa kaniya ang malason ang pagkain o gamot. Kahit ang pag-atake habang natutulog siya, halos mabait na paraan na iyon kumpara sa ibang naranasan niya. Minsan pa nga, sinunog mismo ang motel na tinutuluyan niya habang nasa loob siya.Doon lumaki si Jaxen.Bago niya natutunang may kabutihan pala sa tao, una niyang nakilala ang kasamaan. Bago siya natutong magtiwala, matagal muna siyang nabuhay sa puro pagdududa. At bago niya naisip na may pag-ibig, mas nauna niyang natutunang magsara ng puso.Mahigit dalawampung taon siyang namuhay nang ganoon.Kahit pa ilang taon na ang lumipas mula nang mabago ang buhay niya, mula nang ampunin siya ng isan

  • She Replaced the Billionaire’s Wife   88

    Napanginig si Raina at mahina niyang nasabi, halos parang nagmamakaawa sa sarili.“Jaxen… ang lamig…”“Gano’n pa rin?” tugon nito, mababa ang tinig, may halong pag-aalala at pananabik.Hindi niya maintindihan kung bakit hindi niya mapigilan ang sarili. Kanina pa niya pinipilit na itulak palayo si Jaxen, pero kabaliktaran ang nangyayari, siya pa ang kusang lumalapit.Ngumiti siya, ngunit ang ngiting iyon ay puno ng kahinaan, parang anumang sandali ay matutunaw at magiging luha.Ayaw niyang lumayo.Gusto niyang manatili sa tabi nito. Gusto niyang halikan siya. Gusto niyang maramdaman ang init ng katawan nito laban sa kanya.Ang labo… gusto ko siya. Bakit ko pa siya itutulak? tanong niya sa sarili, nalulunod sa sariling emosyon.Hindi na mahalaga kung nasa loob sila ng mansyon ng First Lady. Tahimik ang silid, sarado ang pinto, at walang ibang makakakita. Tungkol sa hapunan? Sinabi na ni Jaxen, you can skip it.At hindi naman kasalanan ng isang asawa ang magtiwala sa sinabi ng kanyang as

  • She Replaced the Billionaire’s Wife   87

    Mula sa main building ng Malacañang papunta sa isang pribadong wing sa hilagang bahagi ng compound, wala pang dalawampung minuto ang biyahe. Ngunit kahit gano’n kaikli ang distansya, tila hindi iyon sapat para kay Jaxen.Pagkapasok pa lang nila sa isang bakanteng silid, hindi na siya nag-aksaya ng oras. Hindi man lang niya sinindihan ang ilaw, agad niyang itinulak si Raina sa dingding, ang galaw ay mabilis at walang pag-aalinlangan.“Sandali, Jaxen… nasa loob pa tayo ng Palasyo,” pigil-hiningang sabi ni Raina, bahagyang napapikit.“Ano naman kung saan tayo?” sagot niya, malamig ngunit mabigat. “What does the place matter kung mahal ko ang asawa ko?”“Syempre may kinalaman ‘yon!” giit ni Raina, pilit hinahabol ang sarili.“Then I’ll make it irrelevant,” sagot niya nang diretso.“Ano ba, ah!”Hindi na niya natapos ang sasabihin nang hilahin ni Jaxen ang bahagi ng kanyang damit sa dibdib. Ang basang tela na kanina’y dikit sa kanyang balat ay agad napunit at dumulas pababa, kasabay ng bah

  • She Replaced the Billionaire’s Wife   86

    “Sa tingin niyo, importante pa ba ‘yan ngayon?”Walang sumagot sa tanong ni Raina. Nagtitigan lang ang mga babae, bawat isa ay parang naghihintay na may ibang maunang kumilos.Hanggang sa biglang may isang kamay na dahan-dahang tumaas.“I… hindi ko na kaya. Sobrang lamig na ng tubig,” mahina pero matapang na sabi ni Mrs. Esteban. “Kailangan na nating makalabas dito.”Agad na lumapit si Raina sa kanya, walang pag-aalinlangan. Hinawakan niya ang baywang ng damit nito at mabilis na pinutol ang strap na nakakabit dito gamit ang kutsilyo. Hindi man ganoon katalas ang talim, sapat na ang karanasan niya kanina para malaman kung paano mapapadali ang pagpunit ng tela.At gaya ng inaasahan, madali nang natanggal ang palda.Ah… kaya pala gano’n kadali para kay Jaxen… saglit na pumasok sa isip ni Raina. Pero siyempre, kung siya ‘yun, baka sampung segundo lang, tapos na… kahit armor pa suot.“Mrs. Esteban, kaya niyo bang tumayo?” tanong niya habang inaalalayan ito.“Oo… salamat,” mahina nitong sag

  • She Replaced the Billionaire’s Wife   85

    Kahit pa wala silang praktikal na kaalaman sa ganitong sitwasyon, hindi naman basta-basta ang First Lady. Lumaki itong sanay sa kapangyarihan, isang daliri lang ang ituturo, susunod na ang lahat. Imposibleng hindi niya alam na ang sunog ay isang emerhensiya. Ngunit ang sinabi niya kanina, na tila inaasahan niyang biglang lilitaw si Jaxen para iligtas si Raina, ay masyadong kakaiba.Parang… may inaasahan siyang eksena.“Ma’am… kayo ba…?” mahinang tanong ni Raina, ngunit agad din niyang kinagat ang sariling labi.Hindi niya tinuloy ang naisip.Hindi niya kayang itanong nang direkta kung ang First Lady mismo ang may kagagawan ng sunog. Kahit gaano pa ito kahina-hinala, alam niyang isang maling salita lang ay maaaring magdulot ng mas malaking gulo, isang bagyong hindi niya kayang kontrolin.Pero hindi maikakaila, may mali.Hindi kandila ang ilaw sa tea room, kundi mga modernong ilaw na hindi basta-basta nagiging sanhi ng apoy. Walang naninigarilyo. Kahit ang pagpainit ng tubig ay hindi ga

  • She Replaced the Billionaire’s Wife   84

    Nang mapansin ni Mrs. Teves ang sinabi ni Raina at napalingon siya, agad nanigas ang balikat niya. May manipis na usok na kulay abo na unti-unting umaangat mula sa ilalim ng sofa, hindi agad halata, pero sapat para magdulot ng kaba.“Ano ‘to? Bakit may usok dito?” nanginginig niyang tanong, sabay atras nang bahagya.“Umalis kayo diyan! Baka magliyab ang damit!” sigaw ng isa sa mga babae, halatang kinakabahan na.“Ang baho… parang may nasusunog. Give me the fan,” sabi ng isa pa, tinatakpan ang ilong habang sinusubukang paypayan ang ilalim ng sofa.“Don’t fan it!” biglang sigaw ni Raina, pero huli na.Ilang beses pa lamang naipapaypay, biglang sumiklab ang apoy mula sa ilalim. Napasigaw ang lahat. Para bang ginising ang isang natutulog na halimaw, lumakas ang apoy, gumapang palabas, at sa isang iglap ay naging malinaw na hindi ito simpleng usok lang.Nagkagulo ang mga babae. May natapilok sa gulat, may natumba sa mesa, at nagkalat ang mga tasa at pinggan. Ang iba’y napaatras, natatapaka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status