Share

She Was My Wife, Never My Love—Until I Lost Her...
She Was My Wife, Never My Love—Until I Lost Her...
Penulis: sweetjelly

PROLOGUE

Penulis: sweetjelly
last update Terakhir Diperbarui: 2025-07-31 14:08:34

Divinagracia Interprises, 15th Floor – CEO’s Office

Ang tunog ng stiletto heels ni Anessa Lacosta-Divinagracia ay parang tibok ng pusong buo na ang desisyon. Matibay. Determinado.

Dalawang dokumento ang hawak niya. Isang resignation letter.

Isang annulment petition.

Dalawang papeles, pareho ang nilalaman. Paglaya.

Huminga siya ng malalim. Nasa pintuan na siya ng opisina ng CEO. Isang pamilyar ngunit malamig na silid na parang salamin ng relasyon nila. Walang emosyon, walang init.

Kumatok siya. Isang beses. 

“Come in,” malamig na tugon mula sa loob. Boses na pagod na siyang pakinggan. Sawa na siyang marinig.

Bumukas ang pinto. At naroon siya. Si Bart Divinagracia. Ang CEO niya. Ang Kanyang asawa, ngunit kailanman hindi siya minahal.

Nasa harap siya ng desk, tiklop ang mga kamay, nakatitig sa laptop. Hindi man lang tumingin sa kanya. 

“Sir,” mahinahon ngunit matatag ang boses ni Anessa.

Tumigil sa pag-type si Bart. Dahan-dahang tumingala. Ang malamig niyang mata, bahagyang nagulat, pero agad ding bumalik sa walang emosyon niyang maskara.

“Yes, Ms. Lacosta?”

Ms. Lacosta… Bahagya siyang napangiti sa pormal na tawag sa kanya. 

Tama. Dito sa kumpanya, isa lang siyang sekretarya. Isa lang siyang empleyado. Isa sa mga taong pinapasweldo niya, hindi asawa niya.

Hindi siya tumugon agad. Bagkus, marahan niyang inilapag ang dalawang sobre sa ibabaw ng mesa. Isa, kulay cream. Pormal, pang corporate. Isa, kulay puti—legal, personal.

“What’s this?” tanong ni Bart, nag-aangat ng kilay.

“I’m resigning,” sagot niya, deretsahan. Walang paliguy-ligoy.

At bago pa makapagsalita si Bart, itinulak niya palapit ang puting sobre.

“At ito… petition for annulment.”

Agad binalot ng kakaibang katahimikan ang buong silid.

Tila huminto ang orasan.

Ang lalaking nasa harap niya—ang asawang itinuturing siyang multo. Nararamdaman, ngunit hindi pinapansin ay hindi agad nakakapagsalita. Hindi agad nakagalaw. Napatitig lang sa sobreng nasa harap niya. 

“What… is this some kind of joke?” bulong ni Bart, mababa ang tono, pero may halong gulat.

Napangiti siya. Hindi ngiti ng tuwa. Kundi ng pagod. Ng pagbitaw. Ng pasuko.

“Wala po akong lakas ng loob na biruin ka, sir. Alam mo po ‘yon.”

Tumayo si Bart. Ang tikas pa rin ng kanyang tindig. Ang puti ng polo niya, perpektong plantsado. Walang kulubot, walang gusot. Parang siya, plain. Walang emosyon, walang damdamin.

“Why?” tanong niya. Isa lang ang salitang ‘yon, pero puno ng kahungkagan. 

Anessa blinked. For the first time, she allowed herself to meet his eyes—not as his secretary, not as his wife, but as a woman who loved… and got tired of waiting.

“Because I already gave you everything.” Boses niya ay malambot pero buo. “Loyalty. Silence. Patience. Love… Anong sinukli mo?”

Tahimik si Bart. Tumitig lang sa kanya ang mga mata nitong wala pa ring makikitang emosyon. Walang galit… walang kahit ano.

“In public, you were my boss. In private… You were barely my husband.”

Naglakad siya paatras. Kontrolado ang hakbang na lumayo sa kanya.

“You said you wanted peace. I gave you that.”

Huminga siya ng malalim. “I wanted love. But you never even tried.”

“I didn’t sign up for this,” bulalas ni Bart, mababa ngunit mariin ang tono.

Tumawa si Anessa, mapait. “Exactly! You signed a contract. I signed over my heart.” Kasalanan ko…”

Muling natahimik ang kwarto.

Pinulot ni Bart ang envelope ng annulment, binuksan.

“Are you sure about this?”

Tumango si Anessa.

“Sir,” mabilis niyang pagputol. “Let’s keep it professional.”

“Professional?" Sa unang pagkakataon, kumunot ang noo ni Bart.

"Isn’t this what you always wanted?”

Muling bumigat ang hangin. Muling nanahimik ang paligid.

“Did mom know this?” unti-unti nang nawawala ang composure ni Bart.

“Hindi pa. But wala ka dapat ikabahala, sisiguraduhin kong papayag siya.”

“Tingin mo papayag siya?” May duda sa tono nito. “She likes you…”

Ngumiti si Anessa. Kumuntra sa nagdududang tingin ni Bart. 

“I know… alam ko rin na hindi mo ako gusto. So, sarili ko na lang ang mamahalin ko,” sagot ni Anessa. “That’s more important,” tumalikod siya. Humarap sa pinto. Handa nang umalis sa opisina, at sa buhay ni Bart.

“If I sign… Wala nang balikan…”

Muli siyang humarap.

“I know… Isang taon na akong nanatili… but you never gave me a reason to stay…”

At sa unang pagkakataon, iniwan niya si Bart na nakatayo. Mag-isa sa malamig na opisina na gaya ng puso niya.

Bumuga ng hangin si Anessa. Ngumiti nang nasa labas na siya. Ngayon ay malaya na siya. Hindi na siya ang Anessa na laging naghihintay lang. Hindi na siya ang babaing umaasa na mamahalin balang araw.

Siya na ang kusang kumawala sa malamig na hawlang naging kulungan niya sa loob ng isang taon.

At si Bart?

Nanatili siyang nakatayo, nakatitig sa dalawang papel.

Dalawang papel… na mas mabigat pa sa alinmang kontratang napirmahan niya bilang CEO... 

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • She Was My Wife, Never My Love—Until I Lost Her...   Chapter 4 – Whispers and Wounds

    Ang mga dingding ng opisina ay gawa sa salamin—hindi lang literal, kundi pati damdamin. Sa bawat tingin, sulyap, at bulungan, hindi mo kailangan ng mikropono para marinig ang panghuhusga.At si Anessa, araw-araw, humaharap sa salamin ng panghuhusga."Bart, here’s the marketing proposal you asked for."Boses iyon ni Kyline. Masigla, pino, punong-puno ng extra effort.Kitang-kita ni Anessa mula sa labas ng opisina ang bawat galaw ni Kyline. Sadyang iniangat pa nito ang mini pencil skirt habang inilalapag ang folder sa mesa ni Bart. Kumindat pa ito at ngumiting may malisya.Walang imik si Bart. Saglit lang na tiningnan si Kyline at tahimik na kinuha ang folder. Walang emosyon.Hindi alam ni Anessa kung talaga bang hindi gusto ni Bart ang ginagawa ni Kyline o nagkukunwari lang na hindi, dahil alam niyang nakikita sila sa labas. Pero si Kyline walang paki. Para siyang spring season sa taglamig. She bloomed—with intention."Bart, kung may gusto kayong ipabago, I can personally walk you thr

  • She Was My Wife, Never My Love—Until I Lost Her...   Chapter 3 – Cold War

    Ang mag-asawa, dapat may pagmamahalan. Kahit kaunti lang, sapat na sana na simulan ang araw.Pero sa pagitan nina Anessa at Bart, ni walang pormal na kasunduan sa setup ng kanilang lihim na kasal. Ang tanging malinaw lang ay ang katahimikang unti-unting pumapatay sa pag-asa ni Anessa.Sa opisina, si Bart ay perpektong CEO—professional, sleek, commanding. Sa kanya, walang espasyo ang drama. Lalo na ang personal na emosyon. Lalo na kung tungkol sa asawa niyang si Anessa, na sa paningin ng buong kumpanya ay isa lamang ordinaryong empleyado.“Miss Lacosta, recheck the minutes from last week’s board meeting. I don’t want a single typo,” malamig na utos ni Bart, hindi man lang siya tiningnan.At halatang wala rin itong balak magpaliwanag kung anong late meeting ang inatenan niya o kung bakit isang linggo na siyang hindi umuuwi.“Yes, sir,” mahinang sagot ni Anessa. Kagat niya ang dila, pinipigil ang sarili. Dahil kahit asawa siya nito, wala siyang karapatang magtanong. Bawal makialam. Bawal

  • She Was My Wife, Never My Love—Until I Lost Her...   Chapter 2 – The Wedding That Wasn’t a Celebration

    Muli niyang kinuha ang cellphone at muling tinitigan ang larawan nila ni Bart. Larawang hindi man lang sila nakaharap sa camera. Nakaw na kuha lang Bettina pero hindi niya kayang i-delete, kahit kailan. Kahit wala ni konting ngiti sa labi o kislap sa mata si Bart mahalaga pa rin ito sa kanya. Pero habang tinititigan niya ang litrato. Lalo siyang nadudurog sa katutuhanang ang kasal nila ay walang saya. Isang kasal na hindi selebrasyon.Napangiti si Anessa. Mapait. Sa likod ng larawang ‘yon, buhay pa rin sa isip niya ang bawat detalye ng araw na 'yon—araw na pinangarap niya buong buhay niya, pero naging araw ng tahimik na pagtanggap.Sariwa pa sa alaala niya ang pagpasok nila sa maliit na opisina ng civil registrar. Sa halip na red carpet, ay linoleum floor. Sa halip na bulaklak, ay lumang stand fan ang umiikot sa gilid. Isang lamesa, ilang plastik na upuan, at isang mayor na halatang minamadali ang seremonya.“Do you, Barton Martino Divinagracia, take Anessa Lacosta to be your lawful

  • She Was My Wife, Never My Love—Until I Lost Her...   Chapter 1 – First Day

    Ang unang araw ni Anessa R. Lacosta bilang executive secretary ng CEO ng Divinagracia Interprises ay hindi ordinaryo.Mukha siyang kalmado habang nakatingin sa salamin ng elevator. Maayos ang suot, banayad ang ayos ng buhok, at mahinhing nakapulupot ang ID sa leeg. Pero sa ilalim ng kanyang ivory silk blouse, binabayo ang dibdib niya ng kabang hindi maawat. Ang kamay niya, mahigpit ang kapit sa folder na puno ng schedules, company protocols, at notes.Lahat ng kailangan niya para maging perpekto ang unang araw ay dala na niya. Pero may isa pang papel na hindi niya maaaring ibunyag.Hindi lang siya bagong hire. Hindi lang siya sekretarya. Asawa siya ng boss. Asawa siya ni Barton “Bart” Divinagracia.Pero wala dapat ni isang makakaalam niyon.Pagbukas ng elevator, sinalubong siya ng malamig na ambience ng 15th floor. Floor-to-ceiling glass walls, minimalistong mga mesa, at katahimikang tila nang-aamoy ng intruder. Lumingon sa kanya ang ilang empleyado. May bahagyang bulungan, mabilis d

  • She Was My Wife, Never My Love—Until I Lost Her...   PROLOGUE

    Divinagracia Interprises, 15th Floor – CEO’s OfficeAng tunog ng stiletto heels ni Anessa Lacosta-Divinagracia ay parang tibok ng pusong buo na ang desisyon. Matibay. Determinado.Dalawang dokumento ang hawak niya. Isang resignation letter.Isang annulment petition.Dalawang papeles, pareho ang nilalaman. Paglaya.Huminga siya ng malalim. Nasa pintuan na siya ng opisina ng CEO. Isang pamilyar ngunit malamig na silid na parang salamin ng relasyon nila. Walang emosyon, walang init.Kumatok siya. Isang beses. “Come in,” malamig na tugon mula sa loob. Boses na pagod na siyang pakinggan. Sawa na siyang marinig.Bumukas ang pinto. At naroon siya. Si Bart Divinagracia. Ang CEO niya. Ang Kanyang asawa, ngunit kailanman hindi siya minahal.Nasa harap siya ng desk, tiklop ang mga kamay, nakatitig sa laptop. Hindi man lang tumingin sa kanya. “Sir,” mahinahon ngunit matatag ang boses ni Anessa.Tumigil sa pag-type si Bart. Dahan-dahang tumingala. Ang malamig niyang mata, bahagyang nagulat, pero

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status